Chapter 5

9 7 5
                                    

Chapter 5



Hindi dapat ako ang humingi ng tawad. Siya ang dapat na humingi ng tawad sa'kin.

Natigil ako sa pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto. Nagsi-ayusan nang upo ang mga kaklase ko sa pag-aakalang teacher ang bumukas ng pinto.

Sumilip doon ang isang matangkad at maputing babae. Mahaba at wavy ang buhok nito. May bangs siya na bumagay naman sa hitsura niya. Mukha siyang model.

Inilibot niya muna ang paningin bago tumayo nang maayos. "Good morning. Who's Ms. Elowen?" seryoso ngunit maarte ang pagkakabigkas na saad nito. Itinaas ko ang kamay ko bago tumayo.

Tinignan ako nito mula paa hanggang ulo. 'She doesn't seem like someone who will just beat someone up without a reason. So why is Ma'am Lacosta calling her to the Guidance office?'

Napalunok ako sa narinig ko mula sa isipan niya. "I'm doomed." mahinang bulong ko tsaka lumapit sakaniya.

"Ma'am Lacos----"

"I know." pagpuputol ko sa sinasabi nito tsaka naunang maglakad sakaniya. Sumabay ito sa paglalakad ko.

"I'm Farrah. I am the Vice President of the class where Arianne is." pagbibigay impormasyon nito.

"Oh, tapos?" walang ganang tanong ko.

Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtaas ng kaliwang kilay nito. "I'm just letting you know that YOU ARE DOOMED." irap nito tsaka naunang maglakad. Rinig na rinig pa sa buong pasilyo ang lakas nang tunog ng takong suot nito dahil sa mabilis na paglakad niya.

'Now I think they're right. She has some guts to disrespect me. So maybe she really did beat Arianne just because she's not in the mood. Psh. What a psycho.'

Napairap ako dahil do'n. "Judgemental." komento ko. Hindi niya 'ko pinansin at nagtuloy lang sa paglalakad.

Nang makarating kami sa G.O ay kumatok muna siya bago buksan ang pinto. "Here's Ms. Elowen ma'am." pormal na usal nito tsaka nilakihan ang bukas ng pinto tsaka ako sinenyasan gamit ang kaniyang mga mata na pumasok. Tumingin siya sa akin at tumingjn sa loob bago ulit ibalik sa akin ang mataray niyang tingin. "Good luck." sarkastikong saad niya tsaka umalis nang makapasok ako.

Nakita ko naman 'yung Arianne na umiiyak. Animoy aping-api samantalang siya naman ang puno't-dulo ng lahat.

"Good morning ma'am." walang ganang usal ko bago lumapit sa upuang kaharap nung Arianne na mas nilakasan naman ang iyak nang makita ako. Nandoon din 'yung Lorenzo at ang babaeng sunod nang sunod sa'kin.

Si Lorenzo ay prenteng nakaupo sa tabi ni Arianne habang nakatingin sa kawalan samantalang 'yung babaeng sunod nang sunod sa'kin ay nakatingin sa kuko niyang kinukutkot niya.

"Sit down."

Umupo ako sa tabi nung babae tsaka sumandal.

"Uulitin ko ang tanong ko kanina kay Castro para marinig ko rin ang side niyo. What happend." hindi patanong ang dating nang tanong na 'yon. Pautos ito na parang sinasabing may mangyayaring masama kung hindi namin ilalahad ang buong pangyayari. Seryosong-seryoso si ma'am at sa hindi malamang dahilan, gusto kong matawa.

"Big-bigla po niya akong sina--sinampal Ma'am!" hirap na hirap na saad nung Arianne habang humahagulgol ng iyak. "T-tapos nung t---" napahinto siya sa pagsasalita nang iniharap ni ma'am ang kaniyang kamay kay Arianne. Senyales na pinatatahimik siya.

"I'm not asking you Castro. Narinig ko na 'yan. I'm asking YOU." turo niya sa'kin.

Bumuntong hininga ako bago walang ganang sumagot. "Pagpasok ko palang po ng canteen, bigla na lang pong may humagis ng menudo sa mismong mukha ko. Ano pong inaasahan niyong magiging reaksyon ko? Matutuwa po? Siyempre nainis po ako at tinanong kung sino 'yung naghagis no'n. Then imbes na sumagot po sila, nilapitan po ako ni Lo---" huminto ako saglit at tumikhim nang mapagtantong hindi ko pa nga pala dapat alam ang pangalan niya dahil wala pang nagsasabi bukod sa utak nung babae. "--- n-niya." turo ko kay Lorenzo na ngayon ay kunot noong nakatingin sa'kin.

'She knew my name? Did I heard it wrong?'

Iniwas ko ang paningin sa kaniya bago magpatuloy. "Pinapasunod niya 'ko sa kaniya. Then kumulo 'yung dugo ko sa kaniya---" tinuro ko si Arianne. "--- dahil hindi na nga siya nag sorry, tatarayan pa niy----"

"Hin-hindi kita tin-tinarayan! B-bigla mo na lang a-akong sinugod!" humihikbing sigaw niya.

"Tinarayan mo 'ko. Hindi ka nag-sorry." pinal na sagot ko tsaka nag cross arm at isinandal ang likod sa sandalan ng upuang kinauupuan ko.

"And you slapped and kicked her forehead just because TINARAYAN ka niya?" taas kilay na tanong ni ma'am. Tinignan ko 'to nang diretso sa mga mata.

"Yes ma'am."

"Kailangan mong maparusahan."

Napairap ako. "Yeah, yeah." pasiring na sabi ko. "Pero hindi ako papayag nang ako lang." seryosong tinignan ko 'yung Arianne.

"Why should I b-be punished?! I'm the v-victim here!" sigaw niya.

"No. You're not. I am your victim here, miss." hindi ko nilingon si Lorenzo nang sumabat siya. Ibinaling ni ma'am ang paningin kay Lorenzo.

"And why is that?"

"I am the one she's aiming at but I moved away so miss Elowen git hitted by the food instead. Miss Castro throws it at me."

"And why is that Castro?"

"H-he cheated on me!" sigaw ulit ni Arianne. Napatalon sa gulat ang lahat maliban kay Lorenzo nang hampasin ni ma'am nang malakas ang desk niya.

"CAN YOU PLEASE STOP SHOUTING?!" galit na usal ni ma'am. Napayuko naman ang lahat maliban sa'kin at kay Lorenzo.

"I didn't." seryosong depensa niya. Hindi pinansin ang pagsigaw ni ma'am.

"You did. I saw you with a girl." pilit na pinapahina nito ang boses niya.

"So?" inaantok animong tanong niya.

"Y-you cheated..." mahinang bulong niya.

"No, I'm not your boyfriend, miss. I don't even know you."

---

Ethereal Thread Of ThoughtsWhere stories live. Discover now