Chapter 10
"Ohmygee"
"Dude. Don't blame me. Hindi ko sinabing mangialam si Yurie, siya ang mis----"
"Dapat nilayo mo pa rin siya sa gulo!" inis na pigil ni Damian kay Lorenzo.
Nanlalaki pa rin ang mga mata kong nanunuod sakanila habang naka korteng 'O' ang bibig.
'Grabe! Ang harsh niya magsalita pero sobrang honest! Kung anong nasa isip niya ay talagang isinasatinig niya!' manghang pag-iisip ko.
"Excuse me? Who are you?" biglang singit ni Ma'am Lacosta.
Binaling nung Damian ang tingin niya kay Ma'am. "Kapatid po ni Yurie Ma'am. Ano pong ginawa ni Yurie para masama siya dito?" tanong ni Damian.
"She hit a man with a showel. He's in the clinic, unconscious." seryosong sabi ni ma'am na ikinagulat ni Damian.
"Ano?! Ginawa mo 'yon Yurie?!"
"D-damian----..."
"Ginawa mo 'yon?!"
"O-oo..."
"Enzo! Ano ba naman 'to! Bakit hinayaan mong gawin 'yon ni Yu-----"
"Can you please stop blaming me?! Your sister has a mind on her own!" inis na sabi ni Lorenzo ngunit sa kaloob-looban nito ay sobrang guilting-guilty na siya at sarili rin niya ang sinisisi niya.
Inis na napaupo iyong Damian sa isang bakanteng upuan. "Ano na pong mangyayari sa kanila nito ma'am?" seryosong tanong niya.
"Sa ngayon ay ipapatawag ko muna ang mga parents n------"
"No!" Wala sa sariling sigaw ko!
Kunot-noong tumingin sa akin si ma'am. "So ik-kick out na lang ba kita Elowen? Tutal sa ilang beses na pabalik-balik na punta mo dito, puro parusa lang ang nakukuha mo at never pang na patawag ang parents mo. Alam ba nila ang mga kalokohan mo Elowen?"
Napayuko ako sa kaba. Kahit na maraming beses na akong nagpabalik-balik dito mula pa noon, kinakabahan pa rin ako dahil iba ang sitwasyon sa bahay ngayon. Alam ni dad ang mga kalokohan ko. Hindi nga siguro matatapos ang isang buong school year nang hindi ako napapaguidance dahil sa kawalan ng pasensiya ko. Pero ngayon ay umiikli na ang pasensiya sa akin ni dad dahil na rin sa patong-patong na problema mula sa gastusin hanggang kay mom. Hindi ko alam kung anong gagawin niya kung mapapatawag pa siya dito.
"Ipapatawag ko ang mga magulang niyo dito bukas since mukhang hindi nila alam kung anong pinaggagagawa niyo sa loob ng paaralan. Wala nang pero-pero! Wala nang aangal! That is FINAL!" pinal na saad nito bago tumayo at pumasok sa isang kwarto sa loob nitong office.
'Gamitin ko na ba ang pamba-blackmail?' saad ng isip ko. Napahilamos ako tsaka problemadong napapikit. Masyadong pribado at sensitive ang sikreto ni ma'am kaya hindi basta-basta pwedeng gamitin. 'Buti sana kung kasamaan 'yon! Tsk!' Napailing ako tsaka dali-daling tumayo at naglakad palabas ng school.
"Bahala na. Hindi na 'ko papasok sa mga susunod na sub. Mae-expel na rin naman ako." inis ngunit mapait na sabi ko.
Nang makarating sa bahay ay nakita ko ang tsinelas ni dad sa may pinto. Senyales na na sa labas siya. Napatingin ako sa orasang nakasabit sa pader.
"Na sa'n si dad? Anong oras na ha? Hanggang 8am lang ang pasok niya." mahinang saad ko nang makitang 10am na.
Kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko at agad na dinial ang numero ni dad. Nakailang ring pa muna ito bago niya tuluyang sinagot.
["Sa susunod na lang honey. Busy ako ngayon. Nag-iwan ako ng pera diyan sa ibabaw ng lamesa. Bye."] nagmamadaling sabi niya na agad ibinaba ang tawag.
Napakunot ang noo ko tsaka muling dinial ang numero niya. Ngunit nakailang tawag pa ko ay hindi na siya muling sumagot. Busy na din ang line niya kaya't hindi na ako nagpumilit na tumawag pa. Hihintayin ko na lang siya dito.
Habang naghihintay ay sinubukan kong tawagan din ang numero ni mom. Kahit na alam kong hindi niya ito sasagutin ay may kaunting pag-asa pa rin ako na baka sakaling sagutin niya. Ngunit kagaya nang inaasahan ay hindi siya sumagot. Ibinaba ko na lamang ang cellphone at saka tumingin sa orasan.
Nang makitang alas quatro na ay lumapit ako sa mesa upang hanapin ang perang sinasabi ni papa upang bumili nang makakain ko. Ngunit ilang oras na akong naghahanap at ni bariya ay wala akong nakita.
"Na sa'n ba 'yon?" pagod na sabi ko bago maupo at yumuko sa lamesa. Ginabi na 'ko sa paghahanap ngunit wala akong nakita. "Wala na ngang kasama, wala pang pagkain. 'No ba namang buhay 'to." napapailing na sabi ko bago nakatulog sa ganoong posisyon.
Pagkagising ko kinabukasan ay sobrang sakit ng katawan ko. Dahil na rin siguro sa posisyon kung paano ako natulog. Hindi rin kasi ako malikot matulog kaya't nang magising ako ay walang pinagbago ang posisyon ko. Nakayuko pa rin ako sa lamesa habang nakaupo.
Nang makarating sa room ay sinalubong ako ni Yurie. "Lyra... Okay ka lang? A-alam na ba ng mga m-magulang mo? N-na sa guidance office na ang mga magulang namin... Kailangan na rin nating p-pumunta do'n." mabagal at utal-utal na sabi niya. Animoy iniingatan ang bawat salitang binabanggit niya.
Bumuntong-hininga ako tsaka bumaling sa upuan ko kung saan naiwan ko ang bag ko kahapon. Nang makitang wala do'n ay ibinaling ko ang paningin kay Yurie na ngayon ay nag-aalalang nakatingin sa'kin. "Na sa'n 'yung bag ko?"
Lumingon pa muna siya doon sa upuan ko bago sumagot. "A-ah. Nasa guidance office na. Inuwi ko kasi 'yon kahapon. Baka kasi may mangialam eh. Pagpasok ko kasi, d-dumiretso na kami ni m-mama sa guidance office kaya nando'n na rin ang mga gamit natin." sagot niya. Tinalikuran ko na siya tsaka dumiretso sa G.O.
Nang makarating ay nadatnan ko sila Lorenzo, grupo nila Arianne, 'yung Damian at parents nilang lahat na na sa unahan ng mga upuan nila.
"Good morning ma'am." bati ko tsaka umupo sa bakanteng upuan.
"Where's your parents Elowen?" tanong ni ma'am.
Bumuntong hininga ako. "H-hindi po sila makakapunta." napapayukong sabi ko. Pagkagising ko pa lang ay tinawagan ko ulit si dad, gano'n na rin si mom pero ni isa sa kanila ay walang sumagot.
Tinaasan ako ng kilay ni ma'am. "Sinabi mo ba?"
"H-hindi ko po na sabi." nakayukong sagot ko.
"Kung gano'n, kailangan kitang isuspend for a week Elowen. Hindi na tama ang ginagawa mo at nililihim mo pa 'to sa parents mo." napapailing na sabi niya tsaka binaling ang tingin sa iba. Hindi na rin ako nagpaliwanag pa.
Pinag-usapan lamang nila ang mga nangyari kahapon at kung ano ang magiging parusa nila Yurie. Hindi na 'ko nag-abalang pakinggan pa sila dahil alam ko na rin naman ang parusa ko. Wala din akong pakialam kung anong mangyayari sa kanila.
Kumakalam na ang sikmura ko. Hindi uso sa aming dalawa ni dad ang mag stock ng pagkain dahil madalas ay sa labas kami kumakain o 'di kaya nama'y nag o-order lamang kami. Hindi marunong magluto si dad kaya walang kahit na anong pwedeng lutuin sa ref kanina sa bahay kaya hindi rin ako nakakain. Kung meron man ay hindi rin naman ako marunong magluto.
Muling napabuntong hininga ako kasabay nang pagkalam ng sikmura ko.
---
YOU ARE READING
Ethereal Thread Of Thoughts
FantasyThis story is about a girl who can read minds, Lyra Elowen. As she got older, she began losing interest in making relationships with people. For her, everyone is a liar; no one is true, and everyone is fake. She began thinking, "What could life be...