Chapter 15

2 1 0
                                    

Chapter 15


Pagkatapos magpalit ay nagsimula na silang turuan ako habang si Damian naman ay abala na sa pagluluto sa kusina.

"Kapag mag ko-compute ka, dito ka sa formula bar mag t-type. Bago mo itype 'yung formula, kailangan mo munang lagyan ng equal sign dito sa unahan. Kapag ia-add mo lahat para makuha ang total amount without a condition, ang gagamitin mo is ito----- 'yan. Ito ang gagamitin mo. Sum. Kapag may condition, ang gagamitin mo ay Sum if. Tapos-----" pagtuturo ni Yurie.

"Condition like, you just want to get the total amount of the sales in manila and not all the sales in all branches." dagdag ni Lorenzo habang nakatutok lamang ang paningin sa loptop na nakapatong sa hita ko. Tatango-tangong nakikinig lamang ako sa kanila.

"Right. Tapos kapag bibilangin mo naman kung ilan ang rows na may lamang------"

"That's cells." pagtatama ni Lorenzo.

"Huh? Cells ba 'yon?" naguguluhang sabi ni Yurie na tinignan pa ang notes niya.

"Yes. Rows are horizontally placed----" itinuro ni Lorenzo ang lines kung saan may nakalagay na numbers sa gilid nito. "----while columns are verticaly placed--- " itinuro niya ulit ang line kung saan may nakalagay na letters sa itaas nito. "----- and cells are these------" he randomly pointed at the boxes in the excel. "----- the intersection of rows and columns." sabi niya tsaka tumingin sa akin. Tumango-tango na lamang ako. Senyales na naintindihan ko.

"Ah! Ayon pala 'yon! 'Di ko nagets 'yang part na 'yan." tatango-tango ding saad ni Yurie tsaka nagsulat sa notebook niya. "Ano nga ulit 'yung rows?" tanong pa niya habang nagsusulat.

"Horizontally placed named after a number. The cells beside the numbers." sagot ni Lorenzo sa kaniya na tinuro pa ulit ang loptop.

"Ahh... Tapos 'yung columns, vertical, named after a letter. The... cells... below... the... letters!" mabagal na pagbanggit pa niya habang binabasa ang sinusulat niya. "Tapos... Cells is... the intersection... tersection... of rows... and... and... columns... The.... Rectangles!" tinaas niya ang ballpen nang matapos magsulat. Tsaka muling ibinaling ang paningin sa loptop.

Iginalaw niya ang mouse at pinindot ang bandang ibaba kung saan may nakalagay na 'Count/countif()'. "Dito naman-----"

"Tama na muna 'yan. Kakain na."

Agad kong shinut down ang loptop tsaka tumayo at inilapag ito sa table nang sabihin iyon ni Damian. Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa dinning area. Nalanghap ko agad ang mabango at masarap na amoy na nanggagaling sa mga pagkaing nakahain sa lamesa. Agad akong naupo sa isang upuan at kumuha ng kutsara at tinidor.

Ipinatong ko ang dalawang kamay kong may hawak na kutsara't tinidor sa lamesa habang hinihintay sila Yurie at Lorenzo na makaupo.

"Hmm! Ang bango niyan ah?" komento ni Yurie pagkapasok sa dinning area. Naupo siya sa tabi ko.

"Looks good." komento din ni Lorenzo at naupo sa harap ni Yurie.

Napatingin ako kay Damian na na sa unahan ko. Nakangiti ito habang nakatingin sa akin.

'K-kailangan ko rin bang mag comment?' tanong ko sa isipan.

"G-gutom na 'ko?" patanong na komento ko na ikinatawa nila.

"Thanks for the food."

"Salamat po sa pagkain!"

Sabay-sabay na sabi nila bago magsandok sa kani-kanilang plato.

"S-salamat sa pagkain." bulong ko tsaka akmang magsasandok na nang biglang kunin ni Damian ang plato ko at sandukan iyon. Natatakam na pinanood ko lang siya habang nilalagyan niya ng kanin ang plato ko. Nang iabot niya sa akin 'to ay agad na kinuha ko iyon tsaka nilagyan ng ulam. "Salamat." Saad ko habang kumukuha ng ulam.

Nang matapos sa paglalagay ng ulam ay agad na tinikman ko iyon. Napataas ang dalawang kilay ko nang mamangha sa sarap nito. "Hm! Masarap." tatango-tangong komento ko tsaka sumubo ulit.

Bahagyang nailang ako nang makitang nakangiting nakatitig lamang sa akin si Damian at hindi ginagalaw ang plato niyang wala pang laman habang pasulyap-sulyap naman sa akin si Lorenzo.

Binalewala ko na lamang ang ilang na nararamdaman at nagpatuloy sa pagkain.

'Gutom ako kaya bahala na muna kayo diyan.'

Nang matapos kumain ay hinugasan naming dalawa ni Yurie ang mga pinagkainan. Although hindi ako ganoon kasanay sa paghuhugas ng pinggan ay maayos na nahugasan ko pa rin naman ito. Mabilis nga lang si Yurie kaya halos lahat ay siya rin ang naghugas. Dahil sa hindi kami ni dad gaanong kumakain sa loob ng bahay, hindi rin ako nasanay na maghugas at gumawa nang gawaing bahay.

Pagkatapos no'n ay nag-aral ulit kami. Paglipas nang ilang mga oras ay napagpasiyahan ko nang mag-ayang umuwi dahil baka nakauwi na si dad. Kailangan ko na siyang maabutan sa bahay dahil kailangan kong ipaalam sa kaniyang suspended ako. Gusto ko ring itanong sa kaniya kung anong problema dahil nag-aalala na din ako.

Hinatid ako nila Damian at Yurie sa bahay gamit ang bike. Si Yurie ang nag-angkas sa akin habang mag-isa naman si Damian. Dapat sana ay kotse ang ipagagamit sa'min ni Lorenzo ngunit tumanggi sila Yurie dahil hindi pa gaanong bihasa si Damian sa pagmamaneho. Kakakuha lang kasi nito ng lisensiya niya habang si Yurie naman ay wala pang lisensiya.

Nang makarating sa bahay ay nagpaalam na lamang sila sa akin bago umalis. Binuksan ko na ang pintuan matapos noon.

"Dad..." mahinang sabi ko nang makita ko si Dad na nagsusulat sa table habang bahagyang nakayuko. "Dad. Saan po kayo----" lalapit na sana ako sa kaniya para mag mano at tatanungin na sana siya nang bigla nitong ilapag ang ballpen at sticky notes sa mesa bago naglakad papalapit sa akin.

"Pasensya na anak. Ito ang allowance mo para sa buong linggo. I-lock mo ang pinto pagnandito ka sa loob at paglalabas ka. Mag-iingat ka dito." nagmamadaling sabi nito tsaka binigay sa akin ang 1k bago nagmamadaling kinuha ang mga gamit niya. Nang makuha ang lahat ay humalik pa muna ito sa sintido ko bago dali-daling umalis. Sa sandaling mga oras na iyon ay binabasa ko ang isipan niya.

Nanghihinang napaupo ako sa lapag habang nakatingin sa bahagyang nakaawang na pinto. Sa sobrang pagmamadali ni dad ay hindi na niya ito naisarado.

"A-ano ba kasing nangyayari Dad...?" mahinang usal ko na animoy nakikiusap nang sagutin niya ako kahit wala na siya.

Pinilit kong tumayo at ilock ang pinto bago magpalit ng damit saka pumasok sa kwarto ni dad. Nahiga ako doon at niyakap ang unan niya. Nandito pa rin ang amoy niya kaya bahagyang napangiti ako. Ipinikit ko ang mga mata ko upang maramdamang nandito si Dad sa tabi ko.

'Sorry anak... Kailangan kong hanapin ang mom mo. Sobrang nag-aalala na 'ko. Hindi ko siya macontact. Ring lang nang ring ang cellphone niya... Hindi rin alam ng mga kamag-anak niya kung na saan siya kaya kailangan ko siyang hanapin. Sorry anak dahil hindi ko masabi sa'yo 'to ha? Ayokong mag-alala ka rin sa mom mo... Masyado na kaming maraming isipin at problemang binibigay sa'yo. Hayaan mong sarilihin at solusyunan ko 'to nang mag-isa. Pataw------'

Napaluha ako nang maalala ang mga salitang nabasa ko sa isipan ni dad kanina. Tuloy-tuloy na umagos ang mga luha sa mga mata ko hanggang sa napahagulgol ako ng iyak.

....

Ethereal Thread Of ThoughtsWhere stories live. Discover now