Chapter 21

2 1 0
                                    

Chapter 22

Lorenzo's POV



I wiped Yuries tears that's still visible in her eyes while she was sleeping. But I immediately stood up when I heard a loud noise coming from downstairs.

It sounded like someone is banging the door shut and open repeatedly. My eyebrows furrowed upon hearing the noise.

'What is Lyra's doing?'

Suddenly, I felt so nervous that I rushed down to see where that noise was coming from. I frozed and I feel my eyes widen in fear as I saw Lyra infront of the portal.

She's holding the doorknob and the shocked look at her face made my whole system panicked. I was about to call and move towards her when she suddenly open the door!

"Lyra!" I shouted in shock. She slowly diverted her eyes away from the door and looked at my way with confusion that is visible at her face.

"A-a-anong... A-ano 'yung n-nakikita ko?" She uttered in a mix emotions of shock and confusion while slightly pointing her finger through the wide open door.

But no words came out from my mouth. I couldn't believe what I just saw. I can't think properly and I know that my true emotions are very visible to her eyes at this moment but I couldn't care any less. That is not important right now. I just saw someone I barely knew, opened the f*****g magical door which only people with magic can! Hindi makapaniwalang lumapit ako kay Lyra.

"Lorenzo, a-ano 'yon?" she uttered in confusion while pointing at something up to the sky.

I slowly turn my head away to the direction she pointed at. I saw the defenders flying throughout the sky with the birds. I slowly looked back at her.

"I'll explain everything to you. But..."

Unti-unting nawala ang gulat sa mukha niya at napalitan ng seryosong tingin. Sinasabayan ang pagkaseryoso ko.

"You need to answer my question." pagpapatuloy ko.

She looked at me as if she's preparing herself for my question.

"Do you have a magic?"

Lyra's POV

"Do you have a magic?"

Nagpaulit-ulit sa isipan ko ang tanong niyang iyon. Ni hindi pa nga nagpoproseso sa utak ko 'yung mga nakita ko sa misteryong pintuan na 'yon tapos dadagdagan na naman niya nang panibagong isipin.

'Bakit niya na tanong 'yon? May kapangyarihan din ba siya? Hindi lang ba ako nag-iisa? Marami ba kami? At ano ang lugar na 'yon?'

Sa ngayon, hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya ang totoo o patuloy na ilihim at itago sa mundo ang kapangyarihang taglay ko. Pero dahil alam kong itinatago niya ang tunay na ugali niya at kung sino talaga siya ay hindi ko pwedeng sabihin kung ano ang kapangyarihan ko. Malaki ang tiyansang magalit siya at layuan niya 'ko.

"Lyra? I'm asking you... Do you?"

Umiling ako. Umaktong naguguluhan. "Magic? Totoo ba ang magic?" pag mamaang-maangan ko habang hinihiling na sana'y makumbinsi siya sa pag-arte ko.

'Is she telling me that she doesn't know that magic really exist? But...' napalunok ako nang mukhang pinag-aaralan niya ang expresyon ko. 'Why does it feel that she kn-----'

"L-lorenzo!" naisigaw ko dahil sa pagdududa niya. "A-ano bang sinasabi mo?! M-magic?!" ginamit ko ang kaba ko para gawing convincing ang pag-arte ko.

'I guess it's true. I have a lot of things to explain then.' bumuntong hininga siya tsaka ako hinila papasok sa nakabukas na pinto.

"W-wait!" kumalas ako sa pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko at umatras.

"Why?" 'She looks so scared... Maybe this really is new and appalling for her... '

Tama siya. Natatakot ako. Sobrang natatakot ako sa kung anong pwedeng sumalubong sa akin pagpasok ko sa napakaganda ngunit delikadong lugar sa loob nang pintong iyon.

Hindi ko kayang lumipad. Hindi ko kayang magpalutang nang mga bagay gamit ang aking mga kamay. Hindi ko kayang maglabas nang apoy at hindi ko kayang gumamit nang anumang armas kagaya nang nakikita kong ginagawa nila do'n sa loob nang pintuang 'yon kanina. Wala akong alam sa mga kapangyarihan. Natatakot akong baka kung sakaling magkaroon nang gulo sa loob nang pintuang iyan, baka hindi ko kayaning ipagtanggol ang sarili ko.

Natatakot akong hindi na muling makita sila mom and dad dahil lang sa kagustuhan kong mawala ang curiousity ko. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayaning hindi na sila muling makita.

Naagaw nang malakas na buntong-hininga ang atensyon ko. "If you need more time to process anything, just go home and rest. Call me when you're ready and i'll tell you everything that I know." sabi niya tsaka isinarado ang pinto at umakyat sa third floor.

Napatitig ako sa pintuang 'yon at tsaka hinawakan ang kulay asul na diyamante. Ngunit bigla akong napaatras nang umilaw ito!

"P-parang sasabog na yata ang utak ko..."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Buong buhay ko, akala ko'y ako lamang ang mayroong ganitong kakayahan. Ni hindi ko man lang nga naisip na pwedeng may ibang tao rin ang may kapangyarihang gaya ko at mas hindi ko inaasahang lubos na mas malakas pa ang mga ito kumpara sa kapangyarihang taglay ko.

Hindi ko kakayaning makipaglaban sa kanila kung sakaling kailanganin ko. Gano'n kasi ang kadalasang nababasa ko sa mga fantasy novels. Sa tuwing naiinvolve na ang bida sa kapwa niyang may kapangyarihan, sumusunod na agad ang kapahamakan at kalaban. Hindi ko kayang gawing fantasy novel ang buhay ko.

Tumalikod ako at umakyat sa third floor upang magpaalam. Pagdating ko do'n ay nakita ko si Lorenzo'ng tulala habang nakaupo sa upuan sa harap ng lamesang kagaya nang nakikita sa mga bar.

Itong third floor ay may side na bar, may game zone, arcade at may side kung saan pwede kang mag relax. Naroon sila Yurie at Damian.

Lumapit ako kay Lorenzo. "Salamat sa pag-imbita. Aalis na 'ko."

Tumingin siya sa'kin nang seryoso. "I won't be able to go out." tumingin siya kila Yurie. "Hindi kita maihahatid. But I know a shortcut." sabi niya tsaka tumayo. Sumunod na lang ako sa kaniya.

Inilabas niya 'yung susi na kaparehas nung kay Damian. Lumapit siya sa isang pintuan dito sa third floor. Sumulyap pa muna siya sa'kin bago isuksok ang susi sa doorknob no'n at pihitin pabukas.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang loob ito nang bahay namin! "P-pa'nong..." nanlalaki ang matang napatingin ako sa kaniya.

"Take a rest." seryosong sabi niya at itinuro ang loob ng bahay namin.

Pumasok ako doon at saka lumingon sa kaniya. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang ang lugar na ngayon ay kinatatayuan niya ay ang labas ng bahay namin!

Nang maisarado niya ang pinto ay napaupo na lamang ako sa lapag.


~*~

Ethereal Thread Of ThoughtsWhere stories live. Discover now