Chapter 23
Kunot noong tinititigan ko sila tita, tito at dad. Pilit kong binabasa ang mga isipan nila ngunit wala akong nababasa.
Ang kaninang maingay na isipan ni dad dahil sa pag-aalala kay mom, ngayon ay sobrang tahimik na. Ni isang salita ay wala na itong binabanggit sa isipan niya!
Ang kaninang maingay na isipan ni tito na puro pagpupuna sa hitsura at ugali ko, ngayon ay sobrang tahimik na din! Ni hindi na ito nagsasabi nang anumang salita kahit na sinusulyapan ako nito! Maging kay tita Thalia ay wala rin akong mabasang kahit na ano.
Naguguluhang nakatingin ako sa mga ito habang nag-uusap-usap silang tatlo. Lumayo sila sa kinaroroonan ko upang hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila.
Maya-maya ay naglakad na sila papalapit sa'kin at agad naman akong napatayo.
"Kayo na munang bahala kay Lyra, Thalia, Wilson. Maraming salamat ulit." Seryosong sabi ni dad.
"Mag-iingat ka Tristan." Seryoso ding sabi ni tita Thalia. Tinanguan lamang siya ni dad bago bumaling sa'kin.
"Anak, nakikiusap ako sa'yo, magpakabait ka dito ha? Wala ako para paalalahanan ka kaya't magkusa ka na lang na magtino. Babalik din ako agad pagtapos kong asikasuhin ang dapat kong asikasuhin." Bahagya siyang ngumiti sa akin bago inilagay ang kamay sa ulo ko. "'Wag kang masyadong mag-alala ha? Magiging maayos din ang lahat. I love you, anak."
Imbis na matuwa ay mas lumamang ang kaba ko sa sinabi niyang iyon. "Dad? Please, 'wag po kayong mag drama. Para po kayong na mamaalam sa'kin eh. Babalikan niyo pa naman po ako dito 'di ba po?" Umaasang tanong ko.
Ngumiti si dad sa akin bago ginulo ang buhok ko. "Siyempre naman anak. Pinapangako ko 'yan." Huling sabi niya tsaka humalik sa pisngi ko bago umalis.
Nakayuko lamang ako at hindi na siya nilingon pa nang makalabas siya nang pinto. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko at umiyak ako sa harapan niya upang pigilan siyang umalis.
'Mag-iingat ka dad... I love you...' Sambit ko sa isipan bago tinignan ang nakasaradong pinto. Ngunit agad na napatayo at napatakbo ako patungo sa pintuan nang maramdamang ito na ang huling pagkikita namin ni dad kagaya nung naramdaman ko noong huling pagkikita namin ni mom.
"D-dad!" Sigaw ko agad nang makalabas. Nakita ko si dad na naglalakad papalapit sa nakahintong taxi. Mabilis na tumakbo ako papalapit sa kaniya. Nang akmang yayakapin ko na siya ay bigla akong napatigil. "D-dad..." Naisambit ko.
'Pakiusap Natasha... Sana'y maabutan kita nang buhay... Wala man akong kapanyarihang gaya niyo, sana'y pinagkatiwalaan mo pa ding kaya kitang ipagtanggol dito sa mundo natin laban sa kanila... Bakit ka pa ba kasi pumunta diyan sa magulong mundong 'yan para lang ipagtanggol ang kingdom niyo kung ganiyang halos mamatay-matay ka na?' Napatitig ako sa likod ni dad. Mabilis itong sumakay sa kotse habang patuloy na iniisip ang bagay na 'yon.
Nanghihinang napaupo ako sa lapag habang nakatitig sa kawalan.
'M-may... May kapangyarihan si mom...? N-na sa... Na sa m-magical world siya...? M-maabutang b-buhay? M-mamatay-matay???' Wala sa sariling napailing ako habang nakaawang ang mga labi.
"Lyra. Pumasok ka na sa loob."
Wala sa sariling tumayo ako at sumunod sa inutos ni tita. Pumasok ako sa loob at tumayo lamang sa may pintuan.
Narinig ko ang malakas na buntong-hininga ni tita bago ito muling nagsalita. "Ituturo ko sa'yo kung na saan ang kwarto mo." Nagsimula siyang maglakad kaya't sumunod na lamang ako. "May nilinis din akong kwarto sa third floor since I don't know kung saan mo mas prefer. Ipapakita ko muna ang kwarto dito sa 2nd floor at tignan mo muna bag-----"
"Dito na lang-----." Pagputol ko sa sinasabi niya.
"Patapusin mo muna 'kong magsalita bago ka sumabat." Nanigas ako sa kinatatayuan ko sa sobrang lamig at strikto nang pagkakasabi niyang iyon.
'N-nakakatakot...' Naisambit ko sa isipan.
Masama ang tingin nito sa akin bago ito umirap at binuksan ang pintuan sa isang kwarto dito sa second floor. "Dito ang kwarto mo." Tumigil siya sa gilid nang pintuang iyon.
Agad na lumapit ako doon. Ngunit bago pa man ako makapasok sa loob ay nagsalita siyang muli. "Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo, Lyra. Pero hindi sapat na dahilan 'yon para bastusin mo kaming mga nakatatanda sa'yo. Hindi bastos na babae si Natasha at alam kong naturuan ka naman siguro niya nang kabutihang asal noong bata ka pa lang hindi ba? Kung hinahayaan ka ni Tristan na bastos-bastusin siya at ang ibang tao, dito sa pamamahay na 'to, kailangan mong matutong gumalang at magtino." Mahabang lintanya niya bago ibaling sa akin ang matulis niyang tingin. Dahil doon ay napalunok ako sa kaba. "Naiintindihan mo ba?" Wala sa sariling napatango ako. "Sa bahay na 'to, hindi pupwedeng hindi ka sumagot nang maayos pag kinakausap ka. Uulitin ko, naiintindihan mo ba?" Tuluyan niyang hinarap sa akin ang katawan niya.
"O-opo..." Nakayukong sagot ko.
"Mabuti." Huling sabi niya bago bumaba.
Mabilis na isinarado ko ang pinto at sumandal doon. "D-dad... Please... Bumalik ka kaagad... Ayoko dito..." Kinakabahang bulong ko.
~*~
*Knock Knock*
Na alimpungatan ako nang marinig ko ang marahang katok na iyon sa pintuan nang kwarto ko.
"P-pasok..." Inaantok na usal ko tsaka umayos nang higa.
"Sa pamamahay na 'to----"
Napabalikwas ako nang bangon nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
"---- hindi pwedeng pasukin ang kwarto nang may kwarto kung hindi emergency. Kaya bumangon ka na diyan at bumaba. Kakain na."
"O-opo!" Agad na sagot ko tsaka dali-daling nag-ayos.
Matapos mag-ayos ay tinignan ko ang orasan sa cellphone ko. Muntik pa 'kong maiyak sa inis nang makitang four am pa lamang nang madaling araw!
"Bakit naman ginising ako nang ganitong oraaaas?" Pagrereklamo ko tsaka tinahak ang daan papuntang first floor.
"Maupo ka." Salubong sa akin ni tita nang makita niya ako. Nandoon na rin si tito sa hapagkainan, inaayos ang mga pinggan.
"O-opo." Sagot ko at naupo sa harap ni tito.
"Kumusta ang tulog mo?" Tanong ni tita Thalia habang sinasandukan ng kanin ang plato ko.
"O-okay lang naman po." Napapalunok na sagot ko.
"Komportable ka ba sa kwarto mo?"
"O-opo."
"'Wag kang kabahan sa harapan ng tita Thalia mo Lyra. Hindi naman nangangain ng tao 'yan HAHAHAHA!" Biro ni tito na tinawanan naman ni tita Thalia.
"A-ah... Hehe." Pilit na tawa ko na lamang. Bahagyang gumaan din ang pakiramdam ko nang makitang tumawa si tita Thalia ngunit parang mas lumalamang yata ang takot ko sa kaniya dahil sa pagsita nito sa ugali ko kagabi.
Bukod doon ay nahihiwagaan pa rin ako sa kapayapaang nararamdaman ko dahil sa sobrang katahimikan ng paligid. Pakiramdam ko ay normal na tao lamang ako dahil hindi ko naririnig ang iniisip nila. Sa kabilang banda, medyo nanghihinayang ako sa kapangyarihan ko. Pakiramdam ko ay kasabay nang pag-iwan sa akin ni dad ang paglisan din ng kapangyarihan ko.
...
YOU ARE READING
Ethereal Thread Of Thoughts
FantasíaThis story is about a girl who can read minds, Lyra Elowen. As she got older, she began losing interest in making relationships with people. For her, everyone is a liar; no one is true, and everyone is fake. She began thinking, "What could life be...