Chapter 22

3 1 0
                                    

Chapter 22



Kinabukasan, napagpasyahan kong hindi ko na aalamin pa ang tungkol doon sa pinto. Hindi para sa akin ang ganoong klaseng mundo. Kasabay nang disisyong iyon ang pagpapasya kong iwasan si Lorenzo. Baka kasi magtanong siya nang magtanong kung ready na 'ko. Hindi ko pa alam kung anong maisasagot ko sa ganoon.

Kasalukuyan kong itinutupi ang mga damit kong ipinalaundry ko noong mga nakaraang araw nang makarinig ako nang malakas na ingay galing sa labas nang kwarto ko. Gulat na tatayo na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan ng kwartong kinaroroonan ko.

"Lyra. Mag-impake ka." Nag mamadaling saad ni dad at agad na kinuha sa ilalim ng kamang kinauupuan ko ang maleta.

Sa mga nakalipas na araw nang paghihintay ko... Ganito ang ipambubungad niya? Sa maikling panahon na nag mistulang isang daang taon ay muli kong nasilayan ang mga mata ni dad na halos walang kaibahan sa mga mata ko.

Ngunit ang dating walang emosyong mga mata, ngayon ay puno nang takot at pangamba.

Please. 'Wag kang magtanong anak... Wala akong oras para sabihin sa'yo ang nangyari sa mommy mo... Hindi ko na alam ang gagawin ko... Sobrang nag-aalala na 'ko... Please... Sana ayos ka lang Natasha...' Nagmamadaling kinuha ni dad ang mga nakatuping damit sa ibabaw ng kama ko at dali-daling ipinasok iyon sa maleta.

Kinabahan ako nang husto sa sinabing iyon ni dad sa utak niya. Umusbong ang magkahalong takot at kaba sa dibdib ko. "D-dad. Wait. S-saan po tayo pupunta?" Natatakot na tanong ko sa kaniya habang nakatayo sa gilid nang kama at pinapanood ang ginagawa niya. Hindi ko malaman ang dapat kong gawin sa mga sandaling iyon.

'Hindi kita pwedeng hayaang mag-isa dito sa bahay. Do'n ka na muna kay Thalia titira.' Nanatiling tahimik si dad habang mabilis ang kilos at basta na lang pinagtatatapon sa loob ng maleta ang mga gamit ko.

"D-dad...?" naiiyak na tawag ko sakaniya. 'S-sino si Thalia? I-ipapamigay niyo 'ko? B-bakit? A-anong nangyari kay mom?' gustong-gusto kong itanong kay dad ang tanong na iyon ngunit hindi pwede. Ayokong makadagdag sa isipin ni dad. Masyado siyang balisa at natatakot ako sa mga katotohanang malalaman ko. Hindi... Hindi si Dad mag-aalala nang ganito kay mom kung may iba na...

'Please anak... Hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga tanong mo... Please... Magtiwala ka sa'kin...' Matapos niyang sabihin 'yon ay tinulungan ko siyang mag-impake habang nagpipigil sa nagbabadyang pagtulo ng mga luha. "Doon ka na muna sa kapatid ng mommy Natasha mo. Hindi ako makakauwi dito kaya do'n ka na muna." Nagmamadaling sabi niya.

Bahagyang lumuwag ang kalooban ko nang malamang kapatid ni mom si tita Thalia. Ngunit lamang ang kalungkutan at pag-aalala sa dibdib ko para kay mom at kay dad na ngayon ay mukhang hindi na nakakatulog nang maayos. Sobrang laki na ng eyebags niya at namamayat na rin siya. Sa kakaunting araw na hindi siya umuwi dito sa bahay, sobrang laki na nang ipinayat niya. Ang kaya ko lamang gawin sa mga oras na ito ay ang manahimik at pagkatiwalaan siya para hindi na madagdagan ang mga isipin niya. Kahit na mabigat para sa kalooban kong manahimik at hindi magtanong ay tahimik akong sumunod sa mga inuutos niya.

Nang matapos ay lumabas kaming dalawa ni dad nang bahay. Bitbit niya ang isang maleta at isang malaking bag habang backpack at shoulder bag ang bitbit ko.

Nagulat ako nang makita ang isang itim na kotse sa labas nang bahay namin. Mukhang ito ang maghahatid sa amin. May isang lalaking sa tingin ko ay kaedad lamang ni dad ang nakasakay sa driver's seat. Lumapit kami ni dad doon at agad niyang binuksan ang trunk. Nilagay niya ang mga gamit namin doon.

"Pasok na Lyra." mabilis na utos ni dad tsaka patakbong pumunta sa passenger seat.

Binuksan ko ang pintuan sa backseat tsaka umupo doon. Agad ding pinaandar nung lalaki ang kotse.

Habang tinatahak ang daan papunta sa bahay ni tita Thalia ay nagsalita 'yung lalaking nag da-drive.

"Hello Lyra! Ako nga pala si Tito Wilson mo. Asawa 'ko nang tita Thalia mo. Sa amin ka na muna titira ha? May aasikasuhin lang ang dad mo." Nakangiting sabi niya at sinulyapan pa 'ko sa rear mirror.

Nginitian ko lamang siya nang maliit bilang sagot tsaka tumingin sa labas ng bintana.

Makalipas ang ilang oras ay napakunot ang noo ko. "Dad? Malayo pa po ba?"

"Malapit-lapit na anak."

"Pero dad, kung isang oras po ang biyahe mula sa bahay natin papunta sa bahay ni tita, pa'no po 'ko papasok sa school? Mag ko-commute po ako?" Kunot noong tanong ko. Sa monday ay kailangan ko na ulit pumasok at alam ni dad na ayokong bumabyahe papunta sa malalayong lugar.

"Wala tayong choice anak. Malayo ang bahay ng tita mo." Nagpapaintindi ang tonong sabi ni dad.

"P-pero dad, alam niyo po ang kalagayanbng tenga ko... Ano 'yon? Bago pa 'ko makarating sa school, naghihingalo na 'ko sa sakit ng tenga ko? Pa'no pa 'ko mag-aaral no'n dad?" Reklamo ko. Tuluyang nilamon ng isiping mahihirapan ako

"Kung gusto mo, Lyra, mag transfer ka na lang sa do'n sa school malapit sa bahay namin." Biglang sabat ni tito.

"Pero wala pong tatanggap sa'kin. Bukod sa pangit po ang records ko, 2nd quarter na po." Katwiran ko.

Napaisip si tito dahil sa sinabi ko at sandaling hindi nakapag salita. "Okay lang ba sa'yong kumuha na lang tayo ng driver para may maghahatid sundo sa'yo sa school?" Tanong niya.

Naiinis na napaiwas ako ng tingin. "May iba pa po ba tayong choice?" Sarkastikong tanong ko na agad namang sinaway ni dad.

'Bastos 'tong batang 'to ah. Tinutulungan na nga, ganiyan pa ang iaasal?' Komento ni tito bago magsalita si dad.

"Lyra? Ayusin mo 'yang ugali mo pag sila Tito Wilson mo ang kaharap mo. Mabuti nga't pumayag silang manatili ka muna sa bahay nila habang wala ako, ganiyan pa ang ia-asta mo?" Pangangaral ni dad. Mas nainis at napairap ako.

"Yeah right. Hindi kase 'ko kayang bantayan ng sarili kong magulang kaya sa iba 'ko ipababantay. Tapos kasalanan ko pa?" Bulong ko na hindi naman narinig nila dad. Tumahimik na ang biyahe matapos no'n.

Huminto ang kotse sa isang malaking bahay. Mas malaki ang bahay nila Lorenzo kumpara dito. Puti at brown ang kulay ng bahay. May babaeng nagwawalis sa harap ng bahay na sa tingin ko ay kaedad lang din ni dad.

Nang bumaba kami ay sinalubong agad kami nito. Bahagyang kinabahan ako sa hitsura nito. Mukha siyang masungit at strikto. Parang hindi ko yata kayang ipakita ang tunay na ugali ko sa kaniya. Mayroon sa awra niya ang nakakakilabot at sobrang nakaka intimidate.

"Nandiyan na pala kayo. Hali kayo't pumasok." Anyaya nito at iginaya pa kami papasok sa bahay.

Ngunit ang ipinagtataka ko...

'Bakit parang biglang tumahimik ang mundo?'

...

Ethereal Thread Of ThoughtsWhere stories live. Discover now