Chapter 18
Napakorteng 'O' ang bibig ko dahil sa mga naririnig ko. 'Taguan ng feelings pala 'to. Interesting.'
Napasulyap ako kay Damian na ngingisi-ngising kumakain. 'Kaso ba't ikaw naging kontrabida ng love story nila?'
Tumayo si Lorenzo at nagtungo sa direksiyon kung na sa'n 'yung kusina. Bigla namang naupo si Yurie sa tabi ni Damian tsaka muli itong hinampas sa braso na inilagan naman ni Damian habang tatawa-tawa.
"Ano?" natatawang tanong ni Damian kay Yurie.
"Baka mahalata ako sa ginagawa mo!" mahinang sigaw ni Yurie.
Nagmamaang-maangang nilingon ni Damian ang paligid tsaka nagkibit-balikat. "Ano bang ginagawa ko?" napapailing na natawa 'ko sa kakulitan nila.
"Nakakainis ka!" mahinang sigaw pa ni Yurie tsaka pinaghahahampas ang balikat ni Damian. Todo iwas naman si Damian hanggang sa magdikit ang braso namin sa kaiiwas niya.
Napalingon si Damian sa akin at bahagyang natigilan nang mapagtantong sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa. Iniatras ko na lamang ang ulo ko habang tinatawanan ang naging reaksyon niya dahil wala naman sa akin iyon.
Bigla na lamang siyang napaisod sa gawi ni Yurie tsaka umiwas ng tingin sa'kin. Sinalubong naman siya nang nanunuksong tingin ni Yurie.
"Damian ah." nanunuksong sabi niya. "May 'di ka sinasabi sa'kin."
'Gusto mo si Lyra 'no?' pagpapatuloy ni Yurie nang tanong sa isipan. Ngunit nanatili lang ang mapanuksong tingin niya kay Damian.
Hindi ko na lamang pinansin ang konklusyon ni Yurie dahil hindi naman ako naniniwalang sa maikling panahon ay pwedeng mahulog ang isang tao. Ni hindi nga ako naniniwala sa 'love at first sight' na 'yan.
'She*. Ba't ganito? Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko! Kagaya kanina nung nagba-bike kame!'
Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Damian sa isip niya. Hindi ko kasi binabasa ang isip niya kanina habang nagba-bike kami. Nakatingin lang ako sa mga dinadaanan namin habang nakahawak ang kamay ko sa magkabilang gilid ng tiyan niya. Sa damit niya 'ko nakakapit dahil wala namang pwedeng kapitan sa bike niya.
"Here."
Natuon ang atensyon namin kay Lorenzo nang abutan niya ng pinggan at kutsara si Yurie. Nginitian siya ni Yurie bago magpasalamat. "Thankuu!"
'Iiiiiiiiiihhh!!! Lorenzo naman ih! 'Wag kang ganiyan! Baka umamin ako sa'yo bago pa tayo gumraduate!'
Nanlaki ang mga mata ko! 'Aamin siya?!' Napatingin ako kay Damian. 'A-alam ba niya?!'
Napatingin sa'kin si Damian na animoy naramdaman ang paninitig ko. Ngunit wala pang isang segundo ay agad din niyang iniwas ang paningin.
Matapos naming kumain ay agad na nagsimula kaming mag-aral habang si Lorenzo naman ang nagpumilit na magligpit at maghugas dahil bisita daw kami. Kaya habang tinuturuan ako ni Yurie ay panay ang pagpapabalik-balik nito sa kusina at sa sala upang tanungin si Lorenzo kung tama pa ba ang tinuturo niya sa'kin.
"Yes! Tama naman daw. Type 1 error daw talaga if correct siya pero nireject. Akala ko baliktad nanaman ako eh HAHAHAHAHAHA!" bumalik siya sa tabi ko tsaka muling ipinahawak sa'kin 'yung notebook niya.
"Ay? Wait. Nalilito 'ko dito sa example number one eh. I don't know if null ba 'to or alternative. Tatanungin ko muna si Lorenzo." muli siyang tumayo at pumunta sa kusina.
YOU ARE READING
Ethereal Thread Of Thoughts
FantasyThis story is about a girl who can read minds, Lyra Elowen. As she got older, she began losing interest in making relationships with people. For her, everyone is a liar; no one is true, and everyone is fake. She began thinking, "What could life be...