Chapter 26

1 1 0
                                    

Chapter 26



"Doon ka na muna sa library Lyra." Muling sabi ni ma'am.

"H-hindi na po. Kaya ko naman po. I-isang linggo din po akong suspended kaya hindi ko na po pwedeng i-skip ang klase niyo. A-ako din po ang mahihirapan." Matapos kong sabihin iyon ay hindi na rin nag pumilit pa si ma'am at nag lecture na lamang gamit ang pagkahina-hinang boses.

Natapos ang tatlong subject nang hindi na bumalik ang kapangyarihan ko. Napayapa nang kaunti ang isipan ko dahil doon ngunit hindi nawala ang kaba.

"Lyra... Okay ka lang ba talaga?" Muling tanong ni Yurie nang mag lunch time na. Matapos akong tanungin ni ma'am kanina ay nag-alala na sa akin si Yurie. Hindi na siya tumigil sa katatanong kung ayos lang ba ako.

Hinarap ko siya. "Yurie, pang-ilang beses na tanong mo na ba 'yan? At naka-ilang beses ko na rin bang sinagot 'yan? Nakakairita na." Inirapan ko siya tsaka naglakad papuntang cafeteria.

"S-sorry. Pero mukha ka kasing hinang-hina... ang putla-putla mo tapos may tissue pa diyan sa tainga mo... Kanina nung pagpasok mo, mukha kang takot na takot... Nakahawak ka pa sa magkabilang tainga mo kaya talagang nag-alala ko... Tapos hindi mo pa 'ko pinapansin kanina... Kaya talagang sobrang nag-aalala na 'ko... Akala ko kasi papansinin mo na 'ko lagi dahil akala ko naging close na tayo nung mga nakaraang araw... Pero nung sabado, pumunta kami ni Damian sa bahay niyo para pasalamatan ka sa pag k-comfort sa'min, hindi mo naman kami pinagbuksan ng pinto... Mukha ding wala ka do'n sa bahay niyo kasi nakapatay 'yung mga ilaw kaya umalis na lang kami... Nag-alala din kaya kami no'n! Tapos ngayon ganiyan pa 'yung hitsu------"

"Yuriiiieeee!" Nawawalan ng pasensiyang pigil ko sa kaniya at tumigil pa sa paglalakad. "Hindi na matigil 'yang bunganga mo! Tsk! Ayos lang ako, okay?! Hindi lang gano'n kaayos ang pakiramdam ko dahil sa sobrang ingay ng mundo na dinagdagan mo pa!" Iritang sabi ko tsaka nagpatuloy sa paglalakad.

"S-sorry..." Mahinang paumanhin niya tsaka tahimik na sumunod sa akin.

Nang makapasok sa cafeteria ay napahinto ako sa biglang pag-usbong ng kaba sa dibdib ko.

'Wala na 'kong pera eh... Ba't pa ba nila 'ko sinama dito?'

'Ginto ba 'to?! Bente?! Ang liit-liit?!'

'Ang bango ng sinigang! Ayun 'yung akin!'

'Being pretty is really hard.'

'Ang tagal naman! Kanina pa 'ko nakapila dito!'

'Hala sigi! Singit lang nang singit!'

'Grabe... Nakakagutom ang math!'

'Galit na naman sa'kin si Lyra... Ba't kasi ang ingay-ingay ko?!'

Balisang nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga tao sa cafeteria nang marinig ko ang mahihinang bulong nang isipan nila. Hindi ito masakit sa tainga ngunit nakakahilo ito.

Kinakabahang ibinaling ko ang paningin kay Yurie. "Y-yurie." Hinawakan ko siya gamit ang dalawang kamay sa magkabilaang balikat niya. Nagtatakang tumitig naman ito sa mata ko. "H-hindi na 'ko magagalit sa'yo. I-ikaw na lang ang bumili ng pagkain n-natin ha? M-mauna na 'ko sa g-garden." Pang-uuto ko na agad naman niyang sinunod.

Tinalikuran ko na agad siya at tumakbo patungo sa garden.

'Bakit ganooooo'n?! Ano bang nangyayari sa'kin?! Bakit nawawala-wala ang kapangyarihan ko?! Anong nangyayari?! Hindi pa kailanman nangyari 'to! Bakit ganito?! M-may nangyari bang m-masama kay m-mom? K-kay d-dad?! K-kaya n-nawawala na ang kapangyarihan ko d-dahil... D-dahil...' Naluluhang napailing ako. 'H-hindi... Hindi mawawala sa'min si mom... N-no... P-puntahan ko kaya siya?!' Nanlalaki ang mga matang napatayo ako sa isiping 'yon. 'Tama! Pupunta 'ko sa magical world! Pupuntahan ko si Lorenzo mamayang uwian! W-wait... P-pa'no kaya kung... Ng-ngayon na? Sabi ni ma'am may nakaakyat daw sa mataas na bakod ng school. Tama. Kailangan ko nang------' napatigil ako sa pag-iisip nang may marinig ako sa 'di kalayuan.

'Hindi na magagalit sa'kin si Lyra! Hihihihi! Pero ba't kaya mukha siyang takot na takot? Ano bang nangyayari? Gusto ko sana siyang tanungin kaso baka mainis na naman siya sa'kin. Hahayaan ko na muna. Magk-kwento naman siguro siya sa'kin kapag okay na.' Lumingon ako sa direksyon kung saan ko narinig iyon. Nakita ko si Yurie na may hawak na paborito kong tinapay, dalawang styro at may dalawang tubig na dala.

"Lyra! Ito na ang pagkain natiiiiin!" Nakangiting sabi niya tsaka iyon inilapag sa upuan. Naupo siya bago iabot sa akin ang isang styro, tubig at iyong tinapay. "Upo ka na Lyra! Kain na tayo. Nagugutom na 'ko! Nakakagutom talaga magturo si ma'am Isolde! Para siyang na sa race kung magturo! Ang bilis!" Napapailing na sabi niya.

Tatanggi na sana ako at ibabalik sa kaniya iyong mga pagkain para pumunta sa likod ng school at mag cutting nang buksan niya ang styrong hawak niya.

Umalingasaw ang napakasarap na amoy ng mainit na sisig sa hangin hanggang sa nalanghap ko ito. Mabilis na napaupo ako sa tabi niya at binuksan ang styrong hawak ko.

'Makakapag hintay naman siguro ang magical world. Tutal paniguradong may klase pa naman si Lorenzo at hindi 'yon magk-cutting para lang ipaliwanag sa'kin kung anong meron sa magical world.'

Agad na sumandok ako sa styro bago iyon sinubo. Napangiti pa ako nang bahagyang mapaso ang labi ko nang mainit na kanin. Mas masarap kasi para sa akin ang pagkain kapag mainit pa. Ang sarap din ng pagkakaluto dito! Hindi gano'n kadami ang sibuyas ngunit napakadami ng mayonnaise at chili peppers!

'Hihihi! 'Di ko masisisi si Damian kung bakit gustong-gusto niyang lutuan si Lyra! Ang cute-cute niya kumain! Pag tao 'yung kaharap niya, para siyang mangangain! Pero pag pagkain 'yung kaharap niya, para siyang maamong tuta! Ang cute!' Napasulyap ako nang kunot noo kay Yurie dahil sa komento niyang iyon.

Nakangiti itong nakatingin sa akin habang kumakain. "Kain ka lang." Tipid na sabi niya habang naka ngiti tsaka umiwas ng tingin.

....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ethereal Thread Of ThoughtsWhere stories live. Discover now