Chapter 7
Matapos ng pangyayaring 'yon sa library ay inasar ko lang siya ng inasar hanggang sa sabay kaming lumabas ng school.
Nang makalampas sa gate ay humarap ako sakaniya para sana magpaalam ngunit nauna na itong umalis. Hindi na rin siya lumingon kaya't nagtuloy na lamang ako sa paglalakad. Mukha rin siyang nagmamadaling umuwi kaya hinayaan ko na lang. Magkaiba ang daan namin. Sa kanan ako habang sa kaliwa naman ang daan niya.
Nang makarating sa bahay ay naabutan ko si Dad na balisang palakad-lakad sa sala. Napapahawak pa ito sa ulo niya na animoy sobrang kabado habang may tinatawagan. Nang babasahin ko na sana ang utak niya ay bigla na lamang siyang tumakbo papunta sa direksyong kinaroroonan ko.
Gulat na napasunod ang tingin ko kay dad na ngayon ay nilampasan lamang ako. Tumakbo siya palabas ng bahay at kamuntikan pang masagasaan dahil sa pagiging desperadong maka sakay sa taxi.
Ang tanging nabasa ko lang sa isipan niya sa sandaling iyon ay 'Sagutin mo. S-sagut---' at hindi na nasundan pa dahil sa pagmamadali niya. Napabuntong-hininga ako saka hinarap ang aming bahay.
"Ako na lang na naman ngayon ang mag-isa." malungkot na saad ko tsaka sinarado ang pinto bago palitan ng tsinelas ang sapatos, at magpalit ng damit. Pabagsak kong inihiga ang sarili sa kama at agad naman akong dinalaw ng antok.
Kinabukasan dumiretso ako sa room. Ito ang unang beses na hindi ako ginulo nung babae. Nang makita ako nito ay agad niyang ibinaba ang tingin niya at parang tangang pinigilan ang paghinga habang pinaglaruan ang sariling kuko. Hindi ko na rin ito pinansin dahil bukod sa gusto ko ang katahimikang nararanasan ko ngayon ay wala talaga 'kong pakialam kahit pa maubusan siya ng hininga dahil diyan sa ginagawa niya.
Nang mag recess ay agad na pumunta 'ko ng canteen para bumili ng makakain. Matapos kong bumili ay dumiretso ako sa garden kung saan walang masyadong tao. Na kasanayan kong doon kumain dahil na kakayanan kong tanggalin ang headphones ko pag nando'n ako. Tahimik kasi at walang masyadong tao kaya't hindi masakit sa ulo.
Ngunit napairap ako nang makitang may tatlong taong nandoon. May dalawang taong naglalambingan sa gilid habang ang isang babae naman ay na sa harap ng fountain sa gitna ng garden. Nando'n siya nakaupo sa katabing bench kung saan lagi akong nakaupo. Tinanggal ko muna ang headphones ko bago umupo nang'di kalayuan ang agwat do'n sa mag-isang babae.
'Bakit kaya gano'n sa'kin si Lyra?'
Napalingon ako nang mabilis do'n sa mag-isang babae. Siya pala 'yung laging sumusunod sa'kin. 'Di ko napansin dahil nakatalikod ito noong makita ko kanina. Ngayon ay naka side-view na.
Malungkot na kumakain ito mag-isa habang iniisip 'yung ginawa kong pagsigaw sa kaniya kahapon. 'Akala ko kasi talaga... Kaibigan na ang turing niya sa'kin... Kahit pa hindi niya 'ko pinapansin. Minsan kasi, kahit 'di siya sumasagot kapag kinakausap ko siya, nagrereact pa rin siya. Kahit pa madalas na hindi tugma sa sinasabi ko 'yung reaksyon niya, at least alam kong nakikinig siya...'
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi ko kailan man pinakinggan ang mga pinagsasasabi niya. Kaya paano ako magrereact? Siguradong hindi siya ang pinapakinggan ko noong mga oras na iyon, kundi ang utak nang ibang tao.
Binuksan ko ang isa sa mga pagkaing binili ko. Dalawang tinapay at isang drink. Inuna kong buksan iyong tinapay na hindi pamilyar sa akin. Bagong tinda ito sa canteen kaya't nakuha nito ang atensiyon ko at binili ko na rin. Iyong pangalawang tinapay ay talagang favorite ko. Hindi yata makukumpleto ang araw ko kung hindi ko makakain ito. Ipinanghuli ko ito dahil sabi nga nila, save the best for last.
Kumain lamang ako habang pinakikinggan ang isipan ng mga taong nandito.
'Ang gwapo-gwapo talaga ni baby.' napangiwi ako sa iniisip na iyon nung babae.
'Tsk! Nakakainis! Dikit nang dikit! Hindi ba niya nararamdamang pawis siya?! Kadiri!' boses ng lalaki.
Napalingon ako do'n sa naglalambingan. Nakita kong naka yakap ang dalawang kamay nung babae do'n sa braso nung lalaki habang naka andig ang baba nito sa balikat nung lalaki. Nakangiti silang pareho habang may pa pingot pa sa ilong na nalalaman 'yung two faced na lalaki. Tsh.
Napailing na lamang ako tsaka inubos 'yung tinapay. Uminom ako ng tubig tsaka akmang bubuksan ko na sana 'yung pangalawang tinapay na favorite ko nang bigla akong makarinig nang mabibilis na yabag ng paa kasabay nang nakakahilong ingay ng mga isipan.
'Why is she doing this?!'
'If you're not gonna be mine, mas mabuti pang wala ding makakuha sa'yo! Go kuya! Basagin mo ang mukha niyan!'
'Aba't loko pala 'tong taran*****g 'to eh! Ang lakas mangloko, takot mabugbog? Sige! Takbo!'
Napalingon ako sa gawi kung saan ko narinig iyon. Nakita ko si Lorenzo na tumatakbo ngunit wala pa ring emosyon ang mukha. Bahagyang naka awang lamang ang labi nito.
Nagulat ako nang marinig ko ang pagtayo nung babaeng sunod nang sunod sa'kin.
"Sige! Takbo lang!" parang adik na sigaw nung lalaking malaki ang katawan habang tatawa-tawa. Mabilis na sinundan ng tatlong mga mukhang adik rin na lalaki ang tawa niya.
"Duwag pala 'to eh!" anang isa.
"Barbie yata 'yan pre!" at nagtawanan na naman sila habang naghahabulan sa garden. Nakaramdam ako nang inis. Lagi na lang may istorbo sa oras ng pagkain ko!
"Pagpasensiyahan niyo na tol! Nanay lang kasi ang nagpalaki diyan at walang ama kaya lalambot-lam---- argh!" na tahimik ang isa sa sarkastikong sinasabi nito nang bigla siyang dakmain sa kwelyo ni Lorenzo bago malakas na sinapak!
"GOO!!!" napasigaw ako sa tuwa tsaka tinaas pa ang isang kamay na naka closed fist! "Sige! Sapakin mo!" dagdag ko pa tsaka binuksan ang tinapay ko para kumain habang nanunuod ng live action.
Rumesbak ang lalaking malaki ang katawan na sa tingin ko ay ito ang 'boss' na matatawag nila. Hinugot niya ang damit ni Lorenzo mula sa likod bago umatake ngunit yumuko agad si Lorenzo upang sipain ang tuhod nito pagilid!
"Aaaaa!!! Gooo Lorenzo!" tili ko habang napapapadyak sa tuwa bago kumagad sa tinapay.
Nagulat ako nang habang naglalaban 'yung boss at si Lorenzo ay biglang may lalaking sumulpot mula sa likuran ni Lorenzo!
"Sa likod mo!" sigaw ko!
---
YOU ARE READING
Ethereal Thread Of Thoughts
FantasyThis story is about a girl who can read minds, Lyra Elowen. As she got older, she began losing interest in making relationships with people. For her, everyone is a liar; no one is true, and everyone is fake. She began thinking, "What could life be...