Chapter 13
"Bakit wala silang nagawa?"
"Ah. Kasi kahit ipaintindi at pagsabihan ako ni papa, inuulit ko rin lang. Then pagsasabihan niya ulit ako, uulitin ko, paulit-ulit lang. Kaya sa huli, sinasabi na lang ni papa'ng 'wag ko daw papaabutin sa puntong sobrang nakakasakit na 'ko."
'Papa niya? Buti hindi siya sinasaktan? Tsaka, nasa'n ang mama niya?' sabi ni Damian sa isipan.
'So, may mga bagay din pala siyang hindi isinasatinig.' napatango-tango ako.
'Baka isipin niyang usisero 'ko pag tinanong ko pa. 'Wag na.' dagdag nito. Napangiti ako dahil kung sakaling itanong niya 'yon ay ayoko ring sagutin. Mas mabuti nang alam niya din ang boundary niya.
"A-ah... Lyra?"
Ibinaling ko ang tingin kay Yurie nang tawagin ako nito. "Hm?"
"K-kasi... Nag-guilty ako na na suspend ka dahil sa'min ni Lorenz----"
"Hindi niyo kasalanan 'yon." pigil ko sa sinasabi niya. "Hinampas ako ng bakal ni Arianne at natapon 'yung pagkain ko kaya hinampas ko siya sa noo gamit 'yung bakal na hawak niya kaya ako na guidance. Wala kayong kinalaman do'n."
Nanlaki ang mga mata niya. "H-hinampas ka ni Arianne?! Bakit hindi mo sinabi kahapon! Sa'n ka hinampas?!" nag-aalalang sabi niya tsaka tinignan ang katawan ko. Natutop niya ang kaniyang bibig nang mapatingin sa likod ng pulsuhan ko. "Hala! May pasa!" sabi niya na hinawakan pa 'yon.
Inagaw ko sa kaniya ang kamay ko. "Okay lang ako. Psh. Mahina 'yung pagkakahampas ni Arianne kaya ganito lang ang natamo 'ko. Mas malala pa rin 'yung ginawa ko. Kumusta na kaya ulo no'n ni Arianne?" Naiiling na tanong ko.
"Nag-aalala ka?" biglang sabat ni Damian. Bumuntong-hininga ako.
"Medyo. Lalo na't vital point 'yung tinamaan sa kaniya. Hindi ko naman sinasadya 'yon eh. Ang dapat sanang pupuntiryahin ko ay yung balikat niya, pero dahil masyadong mahaba 'yung bakal, umuntog 'yon sa lapag at tumama ang dulo no'n sa gilid ng noo ni Arianne. Sa'n ba kasi niya nakuha 'yung bakal na 'yon?!" inis na tanong ko sa dulo.
"Ah. Iyon din dapat 'yung kukunin ko para ipanghampas do'n sa lalaki eh. Do'n niya nakuha 'yon sa ginagawang garden walls sa tabi. Kaso mas malapit 'yung shovel sa'kin kaysa do'n kaya iyon 'yung n-nadampot k-ko h-hehe." napayuko si Yurie nang samaan siya ng tingin ni Damian.
"Sa ginagawang garden walls?! Ibig niyong sabihin, rebar steel?!" gulat na tanong ni Damian.
"Ewan. Basta mahabang bakal na nakikita kong ginagamit sa constructions." sagot ko.
"Buti 'di siya nawalan ng malay?!" gulat pa ring sabi ni Damian.
"Oo nga eh. Buti't matigas ang ulo no'n ni Arianne. Kundi, lagot ako lalo. Baka do'n talaga 'ko mapalayas." biro ko tsaka kami sabay na tumawa ni Yurie. Napailing na lamang sa amin si Damian at ibinaling ang tingin sa papel na nakapatong sa lamesa. "Ano nga palang ginagawa mo dito Yurie? Si Damian lang ang nandito kanina ah?"
"Ah nakita mo 'ko?"
Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin kay Damian. 'Shesh! Nakatulog nga pala 'ko habang nakaharap sa gawi niya!'
"Pakiramdam ko kasi kanina may nakatitig sa'kin eh." tatango-tangong sabi niya habang tuloy pa rin sa pagdo-drawing.
Bumaling ako kay Yurie. "A-ano ngang g-ginagawa mo dito?" tumawa silang pareho. Naramdaman ko namang nag-init ang magkabilang pisngi ko.
Nang makarecover sa pagtawa ay tsaka lang sumagot si Yurie. "Tinawagan ako ni Damian. Baka daw kasi umuwi na siya pagkatapos niyang tapusin 'yang ginagawa niya. Buti nga't nagising ka agad bago siya matapos eh." nakangiting sabi niya. "Tsaka may naisip din kami ni Lorenzo para bumawi sa'yo."
Kumunot ang noo ko. "Ba't kayo babawi? Ano 'yon?"
"Kasi nga nag-guilty kami! Tsaka maiiwan ka sa lessons natin! Kanina, sabi ni sir, mahalaga daw 'yung lessons ngayong araw dahil do'n daw magfofocus ang final exam. Kaya naisip ko na tuturuan kita---- kaso 'di ako matalino eh. 'Di ako marunong mag explain. Baka mali-mali lang din maturo ko sa'yo kaya sinabihan ko si Lorenzo at pumayag naman agad siya kahit mukhang napipilitan lang HAHAHAHA."
'Kung alam mo lang Yurie. Hindi 'yon napipilitan. Paniguradong gumaan na ang loob no'n ngayong magagawa niya na 'kong tulungan. Mawawala na 'yung guilt niya.' napangiti ako dahil sa sinabi ko sa isipan.
"Mas maganda ka pag nakangiti nang ganiyan."
Gulat na napabaling ako kay Damian dahil sa sinabi niyang 'yon. Naka patong pa ang siko nito sa lamesa habang naka patong naman ang pingi nito sa kamay niyang nakakuyom. 'Sheesh.'
"Yiiiiiiiiieeeeee!!!" reaksyon ni Yurie.
'Ang ganda ng mga mata niya na parang kumikislap kapag nasisinagan ng araw, pati kilay kahit nakakunot hanggang------' iniwas ko ang tingin sa kaniya nang maramdaman ko ang unti-unting pag-akyat ng init sa mukha ko.
'Bwiset na Damian 'to. Masyadong honest.'
"A-ano na nga ulit 'y-yung sinasabi mo Yurie?" binaling ko ang tingin kay Yurie.
'Bagay sila! Bagay na bagay! Mukhang may gusto rin si kuya kay Lyra! Oh my gosh! Isasama ko si Damian sa bahay nila Lorenzo para makapag bonding sila! Yiiiiiieeeee!!! Kinikilig akoooo!!! Sobrang bag------'
"Y-yurie!" nahihiyang sigaw ko dahil sa pinag-iiisip niya!
Narinig ko ang pagtawa ni Damian habang gulat namang nakatingin sa akin si Yurie.
"Pulang-pula na 'yung mukha mo." tumawa pa muna si Damian bago sabihin 'yon.
"M-manahimik ka nga." Pa asik na sabi ko sa kaniya na mas ikinatawa niya.
'Ang cute niya! HAHAHAHAHA S*et'
Napakagat ako sa pang-ibabang labi tsaka tumayo. "U-uuwi na 'ko." sabi ko pa at akmang maglalakad nang biglang hilahin ni Damian ang damit ko para pigilan ako!
"Ihahatid ka na namin." nakangiting sabi niya tsaka binitawan ang damit ko. Iniligpit niya ang nakakalat na gamit niya. Tinulungan siya ni Yurie upang mas mapabilis.
---
YOU ARE READING
Ethereal Thread Of Thoughts
FantasyThis story is about a girl who can read minds, Lyra Elowen. As she got older, she began losing interest in making relationships with people. For her, everyone is a liar; no one is true, and everyone is fake. She began thinking, "What could life be...