Chapter 20
"Juice." Naglapag ng pitsel si Lorenzo sa harapan ko.
Nagsalin ako ng juice sa babasaging baso tsaka iyon itinaas papalapit kay Damian. "Cheers?" patanong na saad ko. Pinag-untog namin ang mga baso bago sabay na ininom ang laman no'n.
Makalipas ang ilang oras ay mukhang lasing na si Yurie. Kung ano-ano na kasi ang lumalabas sa bibig nito.
"A-alam niyo ba *hik* nung graduation namin ni Damian, walang nakapunta? HAHAHAHAHA--- *hik* kasi pala, busyng-busy sila sa pag-aaway HAHAHAHAHAHAHA!" tumatawang kwento niya.
'Sobrang lungkot ni Damian no'n pero pinipilit niyang ipakita sa'kin na okay lang siya. May medal pa naman siyang natanggap no'n. Imbis na sila mama ang magsabit sa leeg niya, ako ang nagsuot sa kaniya. Buti nga't pinayagan kami eh. Matapos no'n...'
Nagulat ako nang biglang matigil ang iniisip niya. Puro hikbi na lamang ang naririnig ko sa isip niya pero tawa pa siya nang tawa sa panlabas na personal!
"AHAHAHAHAHAHA grabe. Nakakatawa lang 'di ba?! *hik* That is so funny! I couldn't even imagine them----*hik*--- attending my wedding dahil for sure busy pa rin silang magbangayan sa bahay HAHAHAHAHA---*hik*. Buti't nagsawa sila at nag divorce na rin sa wakas." tatawa-tawa pang sabi niya pero palakas nang palakas ang hikbi nito sa isipan niya kaya't hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Napatayo ako sa kinauupuan ko at mabilis na naglakad papunta sa gawi niya at niyakap silang dalawa ni Damian. Gulat na gulat naman sila dahil do'n. Hinigpitan ko ay yakap ko sa kanila. "Okay lang umiyak..." sa puntong 'yon, lumabas rin ang tunay na nararamdaman nila.
Yumakap sila sa'kin at umiyak nang umiyak. Naluluhang hinagod ko ang buhok nila tsaka tinapik-tapik ang likod nila pagkatapos.
"B-bakit gano'n sila?! H-hindi ba nila kami naiisip?! L-lagi silang nag-aaway sa harapan namin! *hik* Nagmumurahan, naglalaitan, a-akala ko ba---*hik*--- s-sila dapat ang nagtatakip sa mga tenga namin sa tuwing may nagm-mumura! But instead ---*hik*--- they are the one w-who teaches us h-how to curse!" humahagulgol na sabi ni Yurie habang si Damian naman ay siniksik lang ang mukha sa leeg ko habang mahinang umiiyak. "I-imbis na a-ayusin nila, mas ----*hik*---- mas sinira pa nila 'y-yung pamilya namin! B-bakit?! B-bakit gano'n si tatay?! *hik* B-bakit parang hindi siya mabubuhay nang hindi niya nakikitang ---*hik*--- nakikitang may sugat at pasa si nanay?!" sigaw niya na sinundan nang malakas na hagulgol. Naramdaman kong yumakap din sa'min si Lorenzo mula sa likod ng sofa.
Hindi kami nagsalita. Nanatili kaming nakayakap sa kanila hanggang sa parehas silang makatulog sa kaiiyak.
Matapos no'n ay binuhat ni Lorenzo si Yurie para ilipat siya sa kama. Si Damian naman ay inayos ko nang higa sa sofa.
"Lorenzo. Mag si-cr lang ako. Ikaw na muna dito." sabi ko tsaka akmang lalakad na nang magtanong siya.
"Do you know where it is?"
Tumango ako. "Hm. Tinuro na sa'kin ni Damian nung nakaraan." sagot ko tsaka hindi na siya hinayaang sumagot.
Kanina pa 'ko nagpipigil ng pantog! Dagdag mo pa 'yung nararamdaman kong basa sa balikat ko dahil sa luha nila na mas nagpapahirap nang pagpipigil ng pantog!
Matapos mag cr ay paakyat na sana 'ko nang muli kong mapansin 'yung kakaibang pinto sa dulo ng pasilyo. Dahil sa kuryosidad, lumingon muna ako sa may hagdanan patungong third floor bago maglakad patungo sa pinto.
Never in my entire life na nakaramdam ako nang sobrang kuryosidad kagaya nito. Hindi ko alam kung anong mayroon sa pintong ito bukod sa kakaibahan sa mga naunang pinto ang humuhugot sa'kin palapit dito.
Tinitigan ko ang disenyo ng pinto. May limang magkakakonektang bilog ang nasa gitnang bahagi nang pintong iyon. Sa pinaka gitna nang limang bilog, may diamond na animoy nagliliwanag. Ito lang ang nag-iisang may kulay sa lahat ng disenyo sa pinto.
Hinawakan ko ang doorknob at pinihit ito. Kasabay nang unti-unting pagbukas ng pinto ang pag-usbong ng kakaibang kaba sa dibdib ko.
Biglang mabilis na itinulak ko ito pabukas nang makita ang maliwanag na kalangitan! Nagugulat na mabilis kong isinarado ito.
'Gabi na! P-pa'nong...' muli kong dahan-dahang binuksan ang pinto.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang napakagandang lugar sa ilalim nang napakaliwanag na kalangitan! Biglang malakas at mabilis na naisarado ko ulit ito nang may mapansin nanaman akong kakaiba!
'A-ano 'yon?!!!'
---
YOU ARE READING
Ethereal Thread Of Thoughts
FantasyThis story is about a girl who can read minds, Lyra Elowen. As she got older, she began losing interest in making relationships with people. For her, everyone is a liar; no one is true, and everyone is fake. She began thinking, "What could life be...