Chapter 2

13 10 20
                                    

Chapter 2


"MIIIIIIISS!!!" malakas na sigaw ko!

'Lagot kayo sa'kin. Sa park pa ta-----' naputol ang sinasabi niya sa utak nito nang bigla siyang hugutin ng isang matangkad na lalaki.

"AAAAAAAAH!!!" sigaw nang mga nakakita at nung babae.

*PEEP PEEP PEEP PEEEEEP!!!*

"Oh my gosh..." bulong ko nang makahinga nang maluwag dahil sa lalaking humugot do'n sa babae. Nahugot niya agad ito bago pa man siya masagasaan. Gulat na gulat rin ang mga taong naghihintay na makatawid.

'Jusko! Bakit ba naman kasi biglang tumatawid oh-oh!' tinig ng matandang babae sa isipan.

'Parang huminto paghinga ko!' nabibiglang usal ng boses nang isang dalaga sa kaniyang isipan.

'Buti't naagapan?!' sinserong saad ng boses lalaki sa isipan niya.

"Aba eh, okay lang naman kaya sila?!"

"Muntik nang mahagip 'yung babae!"

"Oo nga! Nako! Ang bilis pa naman nung kotse!" Komento nang mga tao sa paligid.

"Magpapakamatay ka ba?" Inis ngunit malumanay na tanong nung lalaki. Ngayon ko lang napansin ang hitsura nito. Matangkad na medyo maputi. Makapal ang kilay nito at asul ang mga matang nasisinagan ng araw. Medyo mapula ang manipis na labi nito at may matangos na ilong.

'Tatanga-tanga. Hindi kasi sa daan tumingin.' sabi niya pa sa isipan niya.

Napamaang ako sa sinabi nito sa utak. "Isa na namang plastik. Gwapo pa naman sana. Hindi isatinig ang iniis-----" napatigil ako sa pagbulong nang biglang...

"Sa daan kasi ang tingin. Tutok na tutok ka diyan sa cellphone mo, nasa kalsada ka. Tatanga-tanga." malumanay na sabi nito! Napamaang ako kasabay nang panlalaki ng mga mata ko.

Maya-maya'y bigla akong napangiti. "Harsh but honest. I like that." komento ko.

"S-sorry! Nag---nag mamadali k-kasi ako! 'Yung boyf-----" hindi na natapos nung babae 'yung sinasabi niya nang tumawid na 'yung mga tao, gano'n na rin 'yung lalaki.

'Wow. Rude.' inis na sabi nung babae sa isip niya bago tumawid. Sumunod naman ako sakaniya bago ibalik ang headphone sa tenga ko.

Mabilis na naglalakad na lang 'yung babae papunta sa park. Hindi na siya tumitingin sa cellphone niya. Nadala na siguro. Kita din sa mga kamay niya ang panginginig. Patuloy pa rin niyang minumura sa isip niya 'yung boyfriend nung kaibigan niya ngunit napuputol-putol ito dahil sa pangyayari kanina.

'Ngayon, sigurado akong hihiwalayan ka na ni Clouie. Bibigay ko sakaniya ang ebid----- pero buti, iniligtas pa rin niya 'ko. Mabait pa rin siya kahit gano'n magsalita.----- Pero naiinis talaga 'ko sa boyfriend ni Clouie! Sana makipag break na talaga siy------ Grabe! Kinabahan talaga 'ko! 'Kala ko mamamatay na 'ko...'

"Ang gulo ng utak niya. In fairness." bulong ko. Hanggang sa makarating kami sa park ay binabasa ko ang isip niya. Nang huminto siya ay iniwas ko na ang tingin sakaniya tsaka naghanap ng mauupuan.

Bumalik sa isipan ko 'yung pag-aaway nila mom and dad. 'Ngayon pa nila naisipang mag-away tungkol sa'kin?' inis na sabi ko sa isipan. 'Kung kailan sanay na 'kong mag-isa? Tss.' napabuntong hininga ako sa naisip.

Nabalik ako sa ulirat nang mapansin ko ang mga tao sa paligid na nagsitayuan habang parang nagbubulungan.

Tinanggal ko nang bahagya ang earphones, bale sa isang tenga ko na lamang ito nakasalpak bago sumunod sa pinuntahan nila.

"Ang kapal niyo! Ang bait-bait ni Clouie sainyo!" Sigaw nang babaeng pamilyar ang boses. Tumingkayad ako upang makita kung tama ba ang hinala ko. Nagmumura pa 'yung babae at nagsasalita ng kung ano-ano.

"Ba't siya 'yung nakikipag-away para sa kaibigan niya?"

"Mapang-abuso sa kabutihan ang mga 'yan!"

'Grabe. Dapat sa lalaking 'yan ipaputol ang *****!'

'Ba't nangingialam siya? Hindi naman pala niya boyfriend 'yan.'

'Ang landi nung babae!'

'Lakas pre. Maganda ang pinalit. Ang ganda nung kabit.'

'Kawawa naman 'yung Clouie.'

'Ang bait naman niyang kaibigan.'

'Pakialamera.'

Dinig kong komento ng mga tao sa isipan nila.

"Ang laki-laki ng tiwala ni Clouie sa'yo! Tapos nagpadala ka sa tukso?! Kahit landiin ka pa ng mga babae, kung mahal mo si Clouie, hindi ka magpapaapekto!" gigil na sigaw nung babae.

"Grabe. Ang kapal nung lalaki."

"Oo nga eh. Hindi na nahiya."

"Ang landi pa nung babae."

"Kaya nga... Kawawa naman 'yung Clouie."

'Tama nga naman.'

'Edi sana 'yung babae 'yung sinsigawan niya kung nilandi lang pala 'yung lalaki.'

'Kung mahal talaga niya 'yung Clouie, kahit may maghubad pa sa harap niya, hindi niya papansinin 'yon. Na-----' hindi ko na pinakinggan ang mga komento nila dahil medyo sumasakit na ang ulo ko sa sobrang ingay. Pinaghalong ingay sa isip at ingay ng bibig nila 'yung nando'n kaya binalik ko na lamang ang headphones ko tsaka naglakad palabas ng park. Gusto ko pa sana silang panooring magsakitan kaso hindi na kaya ng tenga ko. Masyadong maraming tao. Sobrang ingay.

Napabuntong hininga ako nang bumalik sa isipan ko 'yung pinag-uusapan nila mom and dad kanina sa telepono.

'Hindi kaya.... M-may ibang pamil-----no. Hindi. Hindi magagawa ni mom 'yon.' umiling agad ako sa biglang pumasok sa isipan ko. Malaki ang tiwala ko kay mom kahit na iniwan niya kami. Ginawa lang naman niya 'yon dahil sa trabaho niya 'di ba?  Hinding-hindi siya magkakaroon ng ibang pamilya. Mahal niya 'ko at mahal niya si dad.

'Pero kung mahal niya talaga kayo, bakit niya kayo iniwan at hindi na binabalikan?' napatigil ako sa paglalakad dahil sa tanong na 'yon sa isip ko.

Bumuntong hininga ulit ako saka pilit na inalis sa isipan ko ang mga masasamang isiping iyon.

---

Ethereal Thread Of ThoughtsWhere stories live. Discover now