Chapter 11

4 3 0
                                    

Chapter 11


Matapos ang usapan nila sa G.O ay sinabi ni Ma'am Lacosta sa akin na pwede na akong umuwi. Kapag natapos na daw ang suspension ko ay tsaka ko daw ipagpatuloy ang punishment ko, iyong pagbabantay at paglilinis sa library.

Kaya ngayon ay tinatahak ko na ang daan palabas ng gate dala ang bag ko na kanina ay hawak pa nung Damian.

*Flash back*

"Yurie." pagtawag ko dito. Tumingin siya sa akin nang bakas pa rin ang pag-aalala.

'Bakit kaya hindi niya na sabi sa parents niya? Siguro ay sobrang strict kaya hindi niya kayang sabihin... Kawawa naman si Lyra... Pa'no kung malaman ng parents niya 'yon? Edi lagot siya... Kasalana------' hindi ko na pinakinggan ang iniisip niya. Sa halip ay ibinaba ko na lamang ang paningin ko sa lupa.

"'Yung bag ko?" tanong ko.

"Ay. Damian! Akina 'yang bag. Sa kaniya 'yan."

Nakita ko ang dalawang pares ng sapatos ang pumunta sa may gilid ko. Iniangat ko ang paningin doon sa Damian.

'W-woah... Ang ganda niya.' napaiwas ako ng tingin sa nabasa ko sa isipan nito.

"Miss Ganda. Ito na 'yung bag mo." napalingon ako sa kaniya dahil sa tinawag niya sa'kin.

'TALAGA BANG HINDI NIYA KAYANG SARILIHIN NA LANG 'YUNG INIISIP NIYA?!'

Nahihiyang kinuha ko ito. "S-salamat." pabulong na pagpapasalamat ko. Hindi pa rin niya binitawan ang hawakan ng bag ko habang isinusukbit ko iyon sa likuran ko at saka lang binitawan nang maisuot ko na ito.

*End of flashback*

Matapos noon ay walang paa-paalam na umalis na ako. Hindi ko na rin kinausap si Yurie dahil bago pa man ako makalabas ng G.O ay nanunukso na ang tingin nito.

"Tsh." singhal ko nang muling makita sa isipan ang hitsura nang mapang-asar na tingin ni Yurie.

"Wait!" napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang sigaw na iyon mula sa likuran ko.

Huminga pa muna ng malalim si Lorenzo nang makalapit sa akin bago mag salita. "I'm sorry." sinserong saad nito.

'I'm so sorry that you got dragged into this mess because of me... I didn't mean to... If I can just take all the blame, hindi na sana kayo nadamay pa ni Yurie. I'm really sorry...' sinserong saad niya sa kaniyang isipan ngunit hindi na ito naisatinig. Napangiti na lamang ako.

"What did you say?" tanong ko kunwari saka bahagyang tinanggal ang pagkakasuot ng headphone sa tainga ko.

Napaiwas ito ng tingin. "I s-said I-i-i'm s-sorry..." nahihiyang sabi nito. Tinawanan ko siya tsaka hinampas sa braso.

"Wala 'yon. Ano ka ba? Hindi mo naman kasalanan kung bakit walang time ang parents ko sa'kin kaya hindi sila nakapunta." mapait na napangiti ako sa kaniya. Nakita ko namang mas naguilty siya. "Tsaka duh! Kasalanan ni Arianne 'yon. Kung hindi naman niya dinamay 'yung pagkain ko sa gulo, edi sana, hindi ako nadamay." bumalik ang inis ko ng maalala 'yung nasayang na paborito kong tinapay. Ramdam ko ang bahagyang pagkunot ng noo ko at ang pagsimangot ko.

Bahagya siyang natawa dahil doon kaya nawala ang inis ko. "Should I buy some of that food for you?" wala sa sariling tanong niya na agad niyang pinagsisihan. 'Oh no! I didn't mean to say that out loud!'

Balisang napatingin siya sa akin. Nakangiting sinalubong ko ang tingin niya. "I-i mean, I-i don't want you to think that I-i have no shame for p-putting you through this and just ignore your a-anger." balisang sabi niya na mas ikinatawa ko pa.

"Sige lang." Humalakhak pa ko tsaka tinapik ang balikat niya. "Tara sa cafeteria!" sabi ko bago naunang maglakad.

Binilhan niya ako ng limang paborito kong tinapay! Tuwang-tuwa namang tinanggap ko iyon. "Salamat!" sabi ko tsaka nilagay sa bag ang apat bago binuksan ang isa. Kinagat ko kaagad ito tsaka nginuya.

Nahiya ako bigla nang makitang bahagya siyang nakangiti habang pinapanood akong kumain. Napapikit-pikit ako tsaka pinunasan ang bibig ko. Nginitian ko ulit siya tsaka muling nagpasalamat bago mabilis na umalis.

'Nakakahiya! Gutom na gutom na kasi talaga 'ko kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong kainin agad 'to!' sabi ko sa isipan habang naglalakad. Patuloy pa rin ang pagkain ko habang tinatahak ang daan pauwi. Nang makarating sa bahay ay ibinaba ko na ang bag ko tsaka naupo sa lapag sa harapan ng sofa.

Pakiramdam ko, hindi pa uuwi si papa ngayong araw kaya gusto kong itabi na muna itong mga tinapay na binili ni Damian para mamayang gabi at bukas ng umaga. 'Tatlong tinapay na lamang ang natitira. Kaya ko pa kayang ipaabot ito hanggang bukas?' Bumuntong hininga ako tsaka nagpalit ng damit pambahay.

Muli kong hinanap iyong perang sinasabi ni dad ngunit hindi ko talaga iyon nahanap. Kahit nakakain na ako ng tinapay ay nagugutom pa rin ako. Hindi sapat iyon para mabusog ako! Napabuntong-hininga na lamang ako tsaka sinusunan ng sweater ang pambahay na sandong suot ko bago lumabas ng bahay.

"Siguro ay lalabas na lang ako at pakikinggan ang nakakairitang boses ng mga tao sa isip nila para madistract 'yung tiyan ko sa gutom." bulong ko.

Nang makalabas ay dumiretso ako sa park. Umupo ako sa isang upuan sa harap ng lamesang katabi ng puno. Tumingin pa muna ako sa mga dahon sa puno at pinakiramdaman ang simoy ng hangin bago inilibot ang paningin sa mga tao dito sa park. Hahanap ako ng taong babasahin ko ang utak.

Napataas ang mga kilay ko nang makita ko ang isang pamilyar na tao. Si Damian. Nakaupo ito sa hindi kalayuang table. Punong-puno ng mga papel, libro at iba't-ibang uri ng ruler ang table niya. Nakasuot ito ng headphones habang may kung anong ginuguhit. May hawak pa itong ruler sa kaliwang kamay at lapis sa kanang kamay.

'Hindi ba't may pasok siya? Bakit nandito siya? Uwian na ba?' Takang tanong ko sa isipan bago basahin ang sa kaniya.

'—— made these memories for ourselves where our eyes are never closing hearts are never broken and time's forever frozen still ♪' napatitig ako sa kaniya dahil sa pagkanta niya sa isipan. Ang ganda ng pagkakakanta nito. Naririnig ko rin pati iyong instrumentals dahil kasama iyon sa tinutugtog niya sa isipan.

Ipinatong ko ang kamay ko sa lamesa at hiniga ang ulo ko sa braso habang nakatitig sa kaniya.

'♪ So you can keep me inside the pocket of your ripped jeans holding me closer 'til our eyes meet you won't ever be alone..  wait for me to come home.. loving can heal.. loving can mend your soul and it's the only thing that I know know I swear it will get easier remember that with every piece of yah hmm.. and it's the only thing we take with us when we die... hmm.. we keep this love in this photograph we made these memories for ourselves... where our eyes are never closing hearts were never broken and time's forever frozen, still so you can keep me inside the pocket of your ripped jeans holding me closer 'til our eyes meet you won't ever be alone... and if you hurt me that's okay, baby, only words bleed inside these pages, you just hold me and I won't ever let you go... wait for me to come home wait for me to come home wait for me to come home wait for me to come home oh... you can fit me inside the necklace you got when you were sixteen next to your heartbeat where I should be keep it deep within your soul... and if you hurt me well, that's okay, baby, only words bleed inside these pages, you just hold me and I won't ever let you go... when I'm away, I will remember how you kissed me under the lamppost back on Sixth street hearing you whisper through the phone wait for me to come home ♪'

---

Ethereal Thread Of ThoughtsWhere stories live. Discover now