Chapter 6
"No. I'm not your boyfriend, miss. I don't even know you."
Napatingin ako sa kaniya. 'Ha? Akala ko ex niya 'yan? Sabi nung Arianne sa isip niya, ex niya 'yan. Ba't gano'n? Niloloko niya sarili niya???' takang tanong ko sa isip bago ko basahin ang isipan ni Lorenzo.
'Why is she like that? We're just classmates since 1st year high school. I can't even remember her name well. I only knew her by face. I don't know when it started but one day, she just proposed to me that she wants me to be her boyfriend but I turn her down! I remember that I turn her down properly back then since that's before the incident. But after that day, she keeps following me around like a creep! And she'll beat up any girl that comes near me! She's------'
"Elowen!"
Gulat na napatingin ako kay ma'am nang bigla niyang isigaw ang apilido ko.
"Sabi ko, ang parusang ibibigay ko sa'yo ay magbabantay ka sa library for a week! You need to keep it clean and you can start now. That's okay with you." hindi tanong ang tono no'n kundi pautos.
Tumango ako. "Ano pong parusa niya?" tinuro ko sa mukha si Arianne. Galit na tinabig niya ito tsaka lumabas. Dahil do'n ay bahagya akong natawa.
"Lilinisin niya ang canteen for 3 days since siya pala ang nagkakalat do'n."
"Satisfied." sabi ko tsaka tumayo. "Pwede na po bang umalis?" tanong ko.
"Yes. Go back to your class." ibinaling niya ang paningin kila Lorenzo at do'n sa babae. "Thank you for your cooperation Giovanni and-----." hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni ma'am at lumabas na.
"Fair enough. May parusa siya, may parusa 'ko." bulong ko pa habang naglalakad papunta sa room.
Matapos ang klase ay dumiretso ako sa library. Mas madali ang punishment sa'kin kumpara sa punishment niya kahit na 1 week ang sa'kin. Basta ba 'wag ipapatawag si dad sa school, okay lang sa'kin.
Pagdating ko do'n ay sinalubong ako ng librarian at sinuot sa'kin ang ID niya na may nakalagay na "Librarian". Matapos no'n ay nagpaalam na siya. Sinabi niya ring 8:30pm pa 'ko makakauwi dahil 9:30pm pa ang sarado ng school.
Napapabuntong hininga akong naupo sa upuan nung librarian. Masyadong napatagal ang uwi ko. Kung hindi umalis ang librarian, 6pm pa lang ay pwede na 'kong umuwi. Ang kaso, may emergency sa bahay nila. Mataas daw ang lagnat ng bunsong anak niya. Hindi niya sinabi pero nabasa ko sa isipan niya ang sobrang pag-aalala niya sa anak niya. 2 hours ang dinagdag sa oras ko dahil do'n. Ang klase ko kasi ay mula 7 nang umaga hanggang 1 nang hapon. May afternoon class kasi. Morning kami and afternoon class starts in 1pm to 8pm kaya 8:30 pa ko dapat umuwi.
Worse punishment pala. Ayokong lumalabas ng gabi dahil ang sasama ng mga naririnig ko mula sa utak ng mga tao tuwing mga gano!ng oras. Do'n nagsisilabasan 'yung mga manyak na dumaan ka lang sa harapan nila, ang lalaswa na ng iniisip at ang mga magnanakaw na pinagpaplanuhan kung paano nanakawin ang mga gamit mo at kung paano ka papatayin kung sakaling manlaban ka.
Lumipas ang oras nang puro daydreaming, pagbabantay at pagbalik ng libro sa mga bookshelfs lang ang ginagawa ko.
Nang makita ko ang estudyanteng dali-daling lumabas at iniwan sa desk ang mga librong ginamit niya ay bahagyang natigil ang pag-iisip ko at iniligpit muna ang mga 'yon. Kinuha ko ang mga libro at hinanap ang dapat na kinalalagyan nito. Nang mapadaan sa dulong bookshelf ay napahinto ako.
May isang lalaking nakaupo sa lapag. Nakasandal ang likod nito sa pader at bahagyang naka sandal ang ulo nito sa gilid na pader. Nakadekwatrong panlalaki ito habang may hawak na libro. Seryosong nagbabasa at hindi pinapansin ang kapaligiran.
Si Lorenzo.
Ibinalik ko muna ang mga libro sa tamang lalagyan bago bumalik sa pwesto kung saan ko siya nakita. Nagbabasa pa rin siya na animoy walang pakialam sa paligid.
Umupo ako sa tabi niya. Medyo malayo-layo mula sa kaniya tsaka siya tinignan upang basahin ang isipan niya. Naka focus din ang isipan niya sa pagbabasa ng libro. Maganda ang way ng pagkakabasa niya. Para siyang narrator ng story. Walang utal-utal, walang mali-mali, walang long pause at fluent. Sa kalagitnaan ng pagbabasa niya ay bigla siyang napatigil.
'Why do I feel like someone's watching over me?'
Napaiwas ako ng tingin at umaktong nagtitingin ng libro sa bandang ibaba ng bookshelf na katabi ko. Bahagyang inalis ko ang headphones ko upang marinig kung nagsasalita ba siya. Nang hindi ko siya marinig ay patagong tumingin ako dito.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatingin ito nang diretso sa'kin! "Get lost." inis na sabi niya. 'Why is she here beside me? I feel awkward. Since when did she come here? Why didn't I noticed?! She doesn't make a sound. Makes sense since she's thin and small.' kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya!
'Ako?! SMALL?!!!' inis na tinignan ko siya. "Ito ang punishment ko remember?" sarkastikong sagot ko. "Kung pwede akong umalis, edi sana kanina pa 'ko wala dito." inis na nag-iwas ako ng tingin. "Buryong-buryo na 'ko! Don't get me wrong ha? Mahilig din akong magbasa. Pero ayokong may nang-iistorbo sa'kin kaya 'di rin ako.makapagbasa! Maya't-maya ang dating at alis ng mga estudyante! Iniiwan pa nila 'yung libro! Malamang kailangan kong iligp----"
"Aren't you a librarian? You're too loud." binaling niya ulit ang paningin sa libro ngunit ang isipan niya ay naka focus sa pakikinig sa pagrereklamo ko kaya nagpatuloy ako.
"Biruin mo?! Kinuha nila 'yung libro--- maraming libro! Ta's ilalapag nila sa table at pagkatapos ano?! Matutulog!" inis na bulong ko sa matinis na tono.
"You're under a punishment Ms. Elowen. Of course it should be hard for you. Tss." walang emosyong sabi niya. 'Maybe I should come here often. If she really can't read while waiting for her punishment to end, that might be so boring. It's my fault that she got this punishment so maybe I should accompany her?'
Napangiti ako sa naisip niyang 'yon. "Ang bait mo pala talaga." nakangiting sabi ko. Napabaling ang tingin niya sa'kin habang nakakunot ang noo.
'May mabuti ba sa sinabi ko???' takang tanong nito sa isipan.
"No. I'm not." pag dedeny niya. Natawa 'ko.
---
YOU ARE READING
Ethereal Thread Of Thoughts
FantasiaThis story is about a girl who can read minds, Lyra Elowen. As she got older, she began losing interest in making relationships with people. For her, everyone is a liar; no one is true, and everyone is fake. She began thinking, "What could life be...