Chapter 14
"Ihahatid ka na namin."
"Wait lang Lyra. Ayaw mo ba munang dumiretso tayo sa bahay nila Lorenzo? Ngayon kasi kita balak turuan habang fresh pa sa utak ko 'yung mga itinuro ni sir."
"B-bukas na lang." sabi ko at akmang maglalakad na sana.
"Sayang naman. Lulutuan pa naman sana tayo ni Damian. Masarap pa naman siya magluto." napatigil ako sa sinabing iyon ni Yurie. Naramdaman kong kumalam ang tiyan ko dahil doon.
"M-mabilis lang naman y-yata tayo 'no?" utal na sabi ko at tinulungan silang magligpit. Napa bungisngis naman si Damian.
"Cute." komento pa nito.
Nakangiting tumango si Yurie. "Matalino ka naman eh. Kaya mage-gets mo agad ang topic. Mag simula na tayo habang nagluluto si Damian para mabilis din tayong matapos. O kaya naman magtagal tayo do'n para hanggang dinner, do'n tayo kakain." kumalam lalo ang sikmura ko dahil sa sinabi niya.
Binilisan ko lalo ang pagtabi ng gamit ni Damian at pinagsususuksok ito sa bag niya. Tumatawa niyang inayos ang pagkakalagay noon tsaka iyon isinukbit sa balikat niya nang matapos.
"Tara." aya niya.
Habang naglalakad ay hindi ko naiwasang magtanong. "Bakit sa bahay tayo ni Lorenzo? Hindi ba pwede sa bahay niyo?" tanong ko.
"Mas malawak kase ang bahay ni Enzo. Mas trip ko rin magluto sa kitchen nila kase kumpleto." sagot ni Damian.
"Hmm!" sang-ayon ni Yurie. "Tsaka palagi kasing walang tao sa bahay nila Lorenzo kaya mas gusto naming tumatambay do'n. Tsaka, malambot ang sofa nila at sosyal! Nagiging kama 'yun eh! Kaya minsan kahit wala si Damian, tumatambay ako do'n. " nakangiting kwento ni Yurie na agad ding nawala. Kinakabahang napasulyap ito kay Damian na ngayon ay nakakunot na ang noo.
Malaya ko silang nakikita dahil na sa likuran nila ako. Pinapauna ko sila sa paglalakad kasi sila ang may alam ng daan. Kumontra pa nga si Damian at sinabing mauna daw kaming dalawa ni Yurie ngunit sinabi kong hindi ako komportableng may tao sa likuran ko kaya wala rin siyang nagawa.
"Pumupunta ka do'n kahit wala ako?"
Napaayos ng paglalakad si Yurie. 'Patay! Ang daldal mo Yurie!' pag papanic nito sa isipan niya. "A-ah... Hehe... M-minsan. P-pero nakikinu-nuod lang a-ako at nakikika-----"
"Bahay pa rin ng lalaki 'yon Yurie." seryosong saad ni Damian.
"E-eh..." nasabi na lamang ni Yurie nang wala ng maisagot.
"Hindi naman sa wala akong tiwala kay Enzo, Yurie. Hindi lang maganda tignan na pumupunta ka sa bahay ng lalaking alam mong mag-isa lang sa bahay." naiiling na sabi ni Damian.
"S-sorry kuya..." parang batang sabi ni Yurie na ikinangiti ko naman.
'Kung may kapatid lang sana 'ko...' napabuntong hininga ako.
Maya-maya pa ay tumigil kami sa harap nang malaking bahay. Namamanghang inilibot ko ang paningin sa malaking gate at sa malaking bahay na natatanaw sa likod nang malaking gate na iyon.
"Uw-woah..." hindi napigilang usal ko sa sobrang pagkamangha.
"Same reaction Lyra. Same reaction." nakangiting sabi ni Yurie bago buksan ang gate at nagdire-diretso sa loob na animoy sa kaniyang bahay iyon.
Nang huminto siya sa harap ng pintuan ay inilibot ko ang paningin sa labas ng bahay nila. May malaking garden sa magkabilang gilid ng bahay na talaga namang mukhang na aalagaan ng husto. May umbrella, upuan at lamesa pa dito kung saan mukhang masarap mag relax. Ngayon, hindi ko na masisisi si Yurie kung bakit gustong-gusto niyang tumatambay dito. Gusto ko nang tumira dito!
"W-what the---- w-what are you doing here?!"
Napalingon ako kay Lorenzo na ngayon ay gulat na gulat nang makita kami. Magulo ang buhok nito at nakasandong itim lamang.
'I didn't know that they are coming! D**n! My house is a mess!'
Dali-dali siyang nagtatakbo papasok sa loob at iniwang nakabukas ang pinto. "Akala ko ba pinlano niyo pareho ang turuan ako?" takang tanong ko.
"Hindi namin napag-usapan kung saan at kailan hehe." sagot ni Yurie na kumamot pa sa batok bago pumasok. Umiling na lang si Damian tsaka ako pinaunang pumasok.
Sumunod ako kay Yurie. Pagkapasok ay tumambad sa akin ang sobrang linis na bahay! ' Anong MESS ang sinasabi ni Lorenzo?! Eh halos masalamin ko na ang sarili ko sa bawat direksyong dapuan ng mata ko sa sobrang linis!' Grey ang lapag habang black and white naman ang mga pader! May dalawang malaki at mahabang sofa na kulay puti sa magkabilang gilid ng lamesang pa-oblong na kulay itim. May apat na single sofa sa magkabilang gilid ng dalawang sofa at maliit at bilog na table sa tabi ng mga ito. Sa bawat sofa ay may nakalagay na kulay itim at gray na unan.
"S-sit. I'll get something for you to drink." walang emosyong sabi ni Lorenzo habang hinihingal tsaka pumunta sa kung saan.
Umupo si Yurie sa gilid ng isang malaking sofa bago hinugot ang ibaba nito. Ito pala iyong sinasabi niyang sofa na nagiging kama. Kinuha niya 'yung mga unan tsaka iyon inilagay doon sa sofa bed.
"Tara Yurie!" tawag nito sa akin at pinagpag pa ang gitna ng sofa bed, senyales na doon niya ako pinauupo. Ngumiti lamang ako sa kaniya tsaka sumandal sa singe sofa na katabi noon. "Ba't nandiyan ka?"
"H-hindi ako sanay nang nauupo sa sofa nang hindi ako nagpapalit ng damit. Galing tayo sa labas." kamot batok na sabi ko.
"Parehas kayo ni Damian." sabi niya tsaka nahiga doon. Inangat niya ang kutsyon doon sa sofa. May nakalagay na mga damit doon. "Here. Damit ko 'yan. Minsan kasi nakikitulog kami ni Damian dito kapag ayaw naming umuwi kaya may damit kami. Isuot mo na. Malinis 'yan." nakangiting sabi niya habang nakalahad sa akin ang damit at shorts.
Nahihiyang tinanggap ko naman iyon.
"S-salamat." sabi ko tsaka akmang maglalakad na nang mapagtantong hindi ko pala alam kung saan ang banyo. "S-saan ang banyo dito?"
"Hatid na kita." biglang sabat ni Damian na may hawak ding damit tsaka naunang maglakad. Sumunod na lamang ako sa kaniya.
Umakyat kami sa second floor na napakadaming rooms! Ngunit napakunot ang noo ko nang makita ang isang kakaibang pinto sa dulo ng pasilyo. Ngunit nawala ang atensyon ko doon nang biglang magsalita si Damian.
"Dito." sabi niya habang nakaturo sa isang room. Binuksan niya pa ang pintuan doon. Nang makapasok ako ay tsaka lang niya 'ko iniwan. Inilibot ko naman ang paningin sa malawak na banyo.
"Grabe. Parang nakakahiya namang magpalit dito! Nakapanliliit 'yung kalawakan! Pero ang ganda ha." tatango-tangong bulong ko bago magpalit.
---
YOU ARE READING
Ethereal Thread Of Thoughts
FantasyThis story is about a girl who can read minds, Lyra Elowen. As she got older, she began losing interest in making relationships with people. For her, everyone is a liar; no one is true, and everyone is fake. She began thinking, "What could life be...