Chapter 4

14 10 16
                                    

Chapter 4

"Here." inilahad nito sa'kin ang P.E T-shirt niya at pahalbot ko namang kinuha 'yon tsaka tinahak ang daan papunta sa CR.

'She's really mad... I really feel sorry... Bakit kase 'ko umiwas?! If I just didn't, no one would be dragged into this mess.' rinig kong sabi niya habang naglalakad ako.

'Ba't ako sinusundan nito?' tanong ko sa isip nang mapansing na sa likuran ko siya at kasunod kong naglalakad. 'Siguro hindi ako 'yung sinusundan niya? Baka parehas lang ang direksyon nang pupuntahan namin.' napa tango ako sa naisip.

'I'll wait for her here.'

"Huh?" gulat na bulong ko nang marinig ko 'yon. 'Ba't niya ko hihintayin?'

'I need to get her uniform para mapa laundry ko. Or should I just buy new uniform for her? But I think that would be weird and too much.' rinig ko na namang sabi niya.

Unti-unting nawala ang inis ko sa katawan dahil sa naiisip niya. Ang thoughtful naman. 'Di ko lang talaga alam kung bakit niya ipinapakitang masungit siya. Siguro, defense mechanism? Para mag mukhang malakas? Hindi ko alam. Pero isang bagay lang ang nasisiguro ko. Nasisiguro kong mabuting tao siya.

Matapos magpalit ng T-shirt pang-itaas ay lumabas na 'ko. Naka PE T-shirt na 'ko ngayon habang naka palda. Pang-taas lang kasi ang namantsahan. Hindi kasama 'yung palda kaya't hindi ko na pinalitan. Bukod do'n T-shirt lang ang ipinahiram niya. Wala rin akong PE uniform dahil hindi ko iniiwan sa school. Dinadala ko lang pag may PE class.

Kagaya ng sinabi niya, paglabas ko ay nakita kong hinihintay niya 'ko. Nakasandal siya sa pader at nakasuksok ang mga kamay nito sa magkabilaang bulsa niya.

Nang makalabas ako ay parang walang ganang umayos ito nang tayo at inilahad ang kamay sa'kin. "Uniform mo." inis kunwaring sabi nito.

Nginisihan ko siya tsaka ito binigay sa kaniya. Pahalbot din niyang kinuha ito. "Dapat malinis na 'yan bukas ha?" nakangiting sabi ko.

Umirap ito. "What a nuisance." walang ganang sabi niya bago tumalikod. Napamaang naman ako tsaka bahagyang natawa. Humabol ako sa kaniya at sumabay sa paglalakad.

"Bakit ba nagkukunwari kang suplado?" biglang tanong ko. Hindi ko kasi kayang sarilihin lang ang curiosity ko. Gusto ko, may napagtatanungan ako at sa tanong kong 'yon, siya lang ang may kakayahang sumagot.

Nabigla naman siya pero hindi niya pinakita. 'H-how did she know?'

"I'm not."

"Yes. You are. Ang sweet mo kaya. Look! Ipapalaundry mo pa 'yung uniform ko sa sobrang guilty!" sabi ko na nakaturo sa uniform kong hawak niya.

'Maybe i'm too much?! Oh no. I shouldn't have done this! I shouldn't have waited for her to take her uniform!" Kumunot ang noo niya tsaka binato sa mukha ko ang uniform.

"I said I'm not. Ipa-laundry mo 'yan mag-isa.' sabi niya tsaka nag madaling maglakad. 'No. My cover got caught! But how about her uniform? It's still dirty. I don't want her to think that I have no conscience and shame...'

Tumawa ako tsaka humabol sa kaniya. "Hindi! Ikaw ang mag papalaundry niyan para mawala na 'yung guilt mo!" natatawang sabi ko tsaka inilahad ang uniform ko.

Pahalbot niya namang kinuha 'yon bago mas mag madaling maglakad. "Who told you that I'm guilty? I'm not." inis kunwaring sabi niya.

Tumawa na lang ako at hindi na siya hinabol. Baka mag bago pa isip niyang ipa-laundry 'yung uniform ko kung mangungulit pa 'ko. Tumalikod na lamang ako tsaka umakyat ng 3rd floor kung na saan ang room namin.

Pag dating ko sa room ay sinalubong ako nung babaeng sunod nang sunod sa'kin. Hindi ko siya pinansin.

"Hala Lyra! Okay ka lang ba? Nako! Buti't may PE ka! Na sa'n na 'yung uniform mo? Natanggal ba 'yung mantsa? Mahirap tanggalin 'yon! Pero ba't mo siya sinugod? Mukha namang hindi niya sinasadya... Dapat pinagpasensiyahan mo na lang..." dire-diretsong sabi niya. Inis na nilingon ko siya.

"Ano bang pake mo? Sino ka ba para pagsabihan ako? Pagpasensiyahan?! Wala sa bokabularyo kong magpasensya! Kung tanga ang mindset nila, walang saysay kung pagpapasensyahan ko sila!" sigaw ko. Nakuha namin ang atensiyon ng iba. Bahagya akong naguilty nang mabasa ko ang na sa isipan nung babae. Umiiyak na ito sa isipan niya. Pinipigilan lamang niyang 'wag maluha nang dahil sa pagpapahiya ko sa kaniya.

"H-hindi ako pwedeng umiyak... Ma-magmumukha siyang masama..."

Na papahiyang napayuko siya bago magsalita. "N-nag-aalala lang naman ako... K-kasi lahat nang na sa canteen that time, hindi alam kung bakit mo siya sinugod... A-ang sinasabi nila, h-hindi naman daw sadya ni Arianne na m-matapunan ka... B-baka ikaw ang mapasama sa ginawa mo... As your f-friend, ayo----" mahinang sabi niya.

"At sinong nagsabi sa'yong kaibigan kita? Ni hindi ko nga alam kung anong pangalan mo miss. Anong sinasabi mo diyan? Nag-aalala? Bakit?! Eh ano naman sa'yo kung mapasama ako? 'Wag plastik beh." Madiing bulong ko sa kaniya para hindi na marinig ng iba.

Inirapan ko na lamang siya nang makitang tuluyan nang tumulo ang luha niya. Patakbong lumabas ito ng room. Dumiretso na lamang ako sa upuan ko at naupo na animoy walang nangyari.

Ang totoo, hindi ko naman intensyong ipahiya siya. Naiinis lang talaga 'ko 'pag may nangingialam sa mga ginagawa ko. Simula kasi nung umalis si mom, wala na ring gumagabay sa mga disisyon at mga kilos ko. Kaya na sanay na 'kong gawin kung ano 'yung gusto ko at kung ano 'yung pinaniniwalaan kong tamang gawin.

Para sa'kin, tama lang sana 'yung ginawa kong pagsasabi sa kaniya nang totoo. Hindi talaga kaibigan ang turing ko sa kaniya kaya bakit ko itatago? Para sa'kin, ang mali ko lang ay 'yung sinigaw ko. Dapat ay binulong ko na lang sakaniya para kaming dalawa lang ang nakarinig.

Na g-guilty ako pero ayokong humingi ng tawad. Isa lang ang mali ko. The rest ay mali na niya. Hindi dapat siya nagdidisisyon sa kung anong relasyon namin nang mag-isa. Dapat tinanong niya muna 'ko kung gusto ko bang makipagkaibigan sa kaniya. Mali din na pakialaman niya 'yung mga ginagawa ko. Hindi dapat niya sinasabi sa'kin kung ano ang DAPAT na gawin ko sa ganito o ganiyang bagay. Maling-mali eh.

Kaya para sa'kin, hindi dapat ako ang humingi ng tawad siya ang dapat mag sorry sa'kin.

---

Ethereal Thread Of ThoughtsWhere stories live. Discover now