Simula

4 0 0
                                    

000: Nakita

"Sangay ng Navotas ipagmalaki kahit kanino. Pilipino Tayo.... Tayo'y NavoteñoOoOoo~" Pumaibabaw sa huni ng mga ibon ang boses ng mga estudyanteng kinakanta ang Navotas Hymn. Ito ang sunod na isinasagawa pagkatapos awitin ang Lupang Hinirang tuwing flag ceremony sa aming paaralan. Nang matapos ang kanta ay parang palengke na ulit ang senaryo ng mga estudyante, parang sardinas sa rami at parang bulateng inasinan ang galaw, ang gagaslaw, ang lilikot, ang haharot.

"Hindi kayo titigil? Umakyat na lang kaya tayo, ano? Pagsi-sikurot ko 'yang mga singit niyo, para kayong mga kiti-kiti, ah!" Mariing banta ni Mrs. Gomez, ang aming class adviser. Pinagbabantaan nito ang mga kaklase kong naghaharutan. Nabangga pa ako ng iba nang lumayo ang mga ito sa teacher. Natakot ata.

Tumayo ang principal ng paaralan upang magbigay ng ilang importanteng impormasyon na para sa akin ay walang kasense-sense. Hindi ko kasi maintindihan.

"Kita mo ba 'yang gwapo?" Sinundot ni Sancha ang tagiliran ko. Luminga-linga ako, hinahanap ang tinutukoy niya.

"Saan? Sus, wala naman!"

"Tanga, nasa harap mo." Kinurot niya ako. Sinamaan ko ito ng tingin, wala naman siyang pakialam. Tiningnan ko ang tinuturo niya. Oo nga, may hitsura pero mukhang maloko. Isang lalaki na mapaglaro ang ekspresyon habang inililibot ang mata sa stage. Matangkad ito. Bumaba ang mata ko sa damit nito, ang uniform ay maputi ngunit lukot, kitang-kita ang black na t-shirt panloob, walang I.D at ang sapatos ay white na sneakers.

"Mukhang manloloko." Humagikgik ang babae.

Mukhang tatakbo kapag nakabuntis.

"Naka-momol ko last week, masarap. Kami na noong isang araw lang." Napatirik siya ng mata. Parang may inaalala. Nginiwian ko siya.

"Lahat naman sa'yo masarap." Pinalo niya ang balikat ko.

"Hoy, hindi. Bakit si Josh? Hindi masarap ka-momol? Paano ang pangit kumiss! Yung laway naglalawa hanggang ilong ko."

"Alam mo kadiri ka." Nagkorteng 'O' ang bibig niya.

"Ay santo?! Never been kissed? Never been touched? Hindi pa nakakita ng tite? Never nakakita ng bakat?" Umirap ako pero nangingiti na rin.

"Sira ka talaga." Nang matapos ang seremonya ay bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming classroom.

Nakasampung hikab na ata ako pero hindi pa rin natatapos ang discussion ni Mrs. Gomez.

"Boring talaga magturo ng matandang 'to." Humagikgik ang katabi kong si Sancha. Busy siyang magtipa sa cellphone niyang touch screen pero narinig niya ang sinabi ko.

"Totoo, 'te. Kaya nagce-cellphone na lang ako dito para magpatay ng oras."

Napahikab akong muli.

Napakatagal naman ng oras!

Nilabas ko ang cellphone ko, nag-scroll ako sa ilalim ng lamesa. Tiyak na kukumpiskahin ito ni Mrs. Gomez kapag nakita niyang may nagce-cellphone. Ang boring naman kasi, kung pwede lang magpamisa ay ginawa ko na.

Maraming bilang ng friend request ang bumungad nang magbukas ako ng facebook. Nilagpasan ko lang 'yon at nag-scroll pa. Nakita ko agad ang recent post mula sa account ni Sancha.

Sarina Charlotte Buenaventura
Just Now •Public

JUSKO NAMAN GUSTO KO NA UMUWI, MAAMMMMM. TIMES UP NA PLS!!!

Eyes In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon