Chapter 7

0 0 0
                                    

007: What happened to Lorraine?

Nang sumapit ang weekends ay bored na bored ako buong araw. Napakalakas ng kulog at hindi mawawala ang pagbuhos ng ulan nang mag-hapon. Nasa terrace ako, kumakain habang pinanonood ang nagbabagsakang butil ng ulan. Para akong liliparin sa lakas ng hangin pero wapakels.

Kahit masama ang panahon ay pabor naman sa akin dahil maganda ang klima sa loob ng bahay, malamig at magandang pagmasdan ang ulan sa bintana namin.

My favorite weather.

Isa pa, ayaw ko muna kasing makita si Saint. Nahihiya pa rin kasi ako sa biglaang confession ko sa kaniya. Matapos ko kasing sabihin 'yon ay napahinto ang motor niya sa gilid ng kalsada. Nagulat ata. Ayon, sa panic ko rin ata ay napakaripas ako ng takbo. Hindi ko nga alam paano ako nakababa agad, e, ang laki ng motor niya. Ang bobo lang.

Pinasadahan ko ng tingin ang mabango niyang helmet na nasa kama ko. Nang tumakbo ako ay hindi ko namalayan na suot ko pa rin ito. Hiyang-hiya ako dahil tinakbo ko pati helmet niya. Baka kasuhan pa ako ng robbery.

Pero ngayong alam niya na... na bet slash gusto ko siya... iiwasan niya ba ako? Sana hindi dahil hindi kami makakausad. Char.

Naputol ang pagiisip ko nang maramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Agad ko namang chineck yon.

Sancha:

Punta ka here sa bahay, wala si Mommy. Wala akong mautusan :)

Kumunot ang noo ko sa mensahe ni Sancha. Ano kala niya sa'kin yaya?!

Me:

Utusan mo sarili mo mukha
ka namang katulongggg

Sancha:

Anong katulong?! Baka magulat
ka sinasahuran na kita

Me:

Pinagsasabi mong ilusyunada ka?

Kahit magbilangan pa tayo ng pera sa alkansya mo, 'di mo maaabot ang TF ko

Diko na binasa pa ang reply ni Sancha. Dala ang cellphone at pinagkainan ay pumasok na ako sa loob at isinara ang sliding door ng terrace. Bumaba ako para hugasan sa lababo ang pinagkainan.

"Aba, bumaba rin ang senyorita!" Si Daddy Van. I flipped my hair to tease him. Parang hindi naman niya ako nakita kanina. Hinahalikan siya sa pisngi ni Daddy Victor, kilig na kilig naman ang lalaki kahit pa masama ang tingin sa'kin.

"Dad, hingi pera." Nanlaki naman ang mata ni Daddy Van.

"Hoy, gaga, anong akala mo sa'kin? Nagtatae ng pera?" Hindi ko siya pinansin at ngumuso kay Daddy Victor. Nagpapaawa. Napahinto ang lalaki sa paggawa ng mumunting halik sa pisngi ni Daddy Van. Ngumisi ito sa'kin at umiling-iling.

"Nasa sofa ang wallet ko. Kunin mo ang 1000. Take care."

"Thank you, Daddy!" I almost jump in happiness. Ito talaga ang hero ko kapag pinagbabawalan ako ni Daddy Van.

"But... umuulan, Vic!"

"Babe, uso ang kotse, jeep, pedicab, tricycle, grab, move it, angkas at joy ride. Magpahatid ka, Vel." Masunurin akong tumango kay Daddy Vic at binelatan si Daddy Van na mukhang gusto akong sabunutan. Sa huli ay humalik ako sa pisngi nilang dalawa upang makapagpaalam. Hindi ko na pinansin ang hablot ni Daddy Van sa dulo ng buhok ko. Inggit ata.

"Ikaw lang ang taong umuulan na sa labas nakuha pang gumala."

"Hooo!" Napasilip kami sa mga batang nags-swimming sa baha sa labas namin. I shrugged.

Eyes In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon