018:
Nagdaan ang mga araw at nagsimula na ang sportsfest. Ito ang unang araw at unang araw na walang Lorraine sa school. Balita ko ay umalis na ito out of town kasama ang kaniyang ina. Naiwan si Silver dahil siya ang main character sa patimpalak ng sportsfest sa susunod na mga araw.
Labas masok ang atake ko sa gymnasium dala nang maraming gawain lalo na't sa campus ang venue. Kahit nasa labas ay naririnig ko ang hiyawan at cheer ng iba't ibang school.
"Yung mga bakla sa bleachers nagpapakabugan na ng split. Bugok ang itlog sa sahig." Tawa ng isa naming kaklase. Nagvolunteer itong magdala ng mineral water para sa mga tao sa loob ng gym.
"Si Gomez hindi nagpapakabog. Split, tumbling, bali-baling buto yakang-yaka! Bahala na malasog at mabasag ang itlog basta may poging mahakot!" Puna ni Sancha sa isa naming kaklase na isa sa mga nangangabog sa loob ng gym. Tumawa ako.
Noong nakaraang tumawag siya at nasa bahay ako nila Lorraine ay sinubukan ko muli siyang kontakin ngunit out of reach talaga kaya napagdesisyunan ko ring pumunta sa bahay nila pero wala ang babae. Nang tinanong ko siya tungkol roon ay sinabi niyang napindot niya lang ang number ko at busy siya lumandi kaya hindi ko siya ma-contact nang ako na ang tumawag.
Lukaret talaga!
"Hayaan mo na, maganda nga 'yan at may panlaban tayo sa mga maaarteng bakla sa kabilang school!"
"Vella!" Napalingon ako sa gawi ng tumawag sa'kin. Ganoon na lamang ang ngiti ko nang makita ko sila Lennon. Patakbo akong lumapit sa kanila.
"Ay may mga pogi. Walang mabaho sa kanila."
"Taga saan 'yan?"
"Silipin mo nga 'yong ibaba ko."
"Bakit?"
"Tingnan mo kung nalaglag yung panty ko, walang garter 'yon eh."
"Tanga, wala kang panty."
"Hi! Akala ko hindi na kayo pupunta. Kanina pa nagsimula ang event!"
"Onis 'yan, Vel?" Sulpot ni Sancha. Parang nagniningning ang mga mata nito sa nakita.
Nakakita siya ng shining shimmering bb bois.
"Ah! Mga kaibigan ko!" Ipinakilala ko sila isa isa, vice versa. "Nakilala ko sila noong isang gabing pumunta ako sa c4." Ngumiti ako.
"Hi!" Nag alok ng kamay si Sancha sa bawat isa. Hindi nakatakas sa paningin ko kung paano niya simpleng pigain ang mga kamay nito. Kinurot ko siya sa tagiliran.
"Harot mo talaga." Gigil kong wika pero hindi matanggal-tanggal ang ngiti ko dahil may mga nakatingin sa amin.
"Ganern talaga bakla..." Gaya niya sakin.
"Ay, ayan na pala si Marcus!" Sigaw ni Raven. Nakita namin ang paparating na Marcus, tagaktak ng pawis pero mukhang mabango pa rin. Ramdam kong natigilan si Sancha. Nakangiti si Marcus nang makalapit sa amin ngunit nang makita niya si Sancha ay naglaho iyon na parang bula. Umawang ang labi nito at titig na titig sa kaibigan ko.
Napansin rin ng boys yon kaya nagkantiyawan sila.
"Ay wow nagslow-mo ba ang paligid, Marcus?"
"Nalove at first sight ata siya mga erp!"
"~What if I told you that I fallen?
And I liked the way you say my name
My heart skips a beat when I hear you calling~""Mga gago!" Marcus hissed. Mukhang natauhan siya na hindi lang sila ni Sancha ang nakatira sa Earth.
BINABASA MO ANG
Eyes In Disguise
RandomAggressive, wild, and free. That's what Vella's life as a teen. We all relates on what a life of childhood freedom. But as Vella grows, she realized that life is not fun alone. As she matures, her free life lost. W: Revising pa rin ang chapters and...