015: Confession
"Vella, can I talk to you later?" Napataas ang kilay ni Sancha sa taong nasa likod ko. Humarap ako kay Lorraine.
"At bakit?" Siniko ko ang maldita na Sancha.
"Shhh, maayos siyang nakikipag-usap."
Sobrang namumugto ang mata niya kahit tinakpan niya ng make up. Parang hindi nga siya natulog. Napakalayo ng hitsura niya sa mga normal na araw. Parang may something sa kaniya ngayon.
Parang may tinatago siya.
"Sure, saan mo ba gusto?" Ngumiti ito. Pilit.
"After school. Nagaria Cafe." Tumango ako sa kaniya.
"Sige."
"Thanks." Bigla na lang itong umalis sa harapan ko.
"Bakit ka pumayag?! Baka may masamang balak 'yang si bruha!"
"Gaga, nakita mo ba yung hitsura? Mukha bang gagawa ng masama? Parang broken!"
"Nabroken talaga! Na sa'yo ang korona, e!" Hinampas ko siya na ikinatawa niya lang.
"Baliw!" Sinundan ko ng tingin si Lorraine. Sa lakad niya, mukha naman siyang okay.
"Sayang, siya pa naman sana ang gusto kong isali sa 5km Run. Pero mukhang hindi papayag. Hindi ka pa nakakasali, nanalo ka na!" Kantiyaw sa'kin ni Sancha. Pinagkukutos ko naman siya.
"Lovey, oh!" Sumbong ng babaita.
"Asim!" Pinakyuhan lang ako ng sumbungera.
"Ano pala ang balita? Anong desisyon mo? Sali ka na!" Bumelat lang ako sa kaniya.
"Sino ang ipapalit mo kay Lorraine kung siya pala ang gusto mong isali?" Nag-isip si Sancha habang nakahawak sa baba niya.
Napangiwi ako nang bigla na lang siyang ngumiti. Yung ngiti ng mga kontrabida sa teleserye.
"Ano na naman?" Ungot ni Silver Sevilla nang hinatak siya ni Sancha sa kuwelyo.
"Diba sasali ka sa 5km Run?" Naging interesado ang mata ng lalaki at napatingin sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay. Ano na namang iniisip nito?
"Bakit? Sasali si Vella?"
"Sasali ka nga?"
"G ako kung sasali rin siya." Kinindatan niya 'ko.
"Kasura ka. Dun ka na nga!" Taboy sa kaniya ni Sancha.
"Ano nga?" Kinamot ni Sancha ang kilay niya. She sighed.
"Dapat isasali natin ang kapatid mo, 'di ba nanalo siya dati sa track and field for women's competition? Kaso mukhang aayaw siya kaya naman para for sure ang pagkapanalo..." Inikutan niya si Silver. Tinignan mula ulo hanggang paa. "... at kamukha mo naman siya, gawin na lang nating ikaw siya. We just need to hide Lorraine for 1 day or 1 week, mas better." Tumawa si Sancha.
"Ayaw ko nga!" Parang natakot si Silver sa kaibigan ko nang inilapag niya ang plano. Natawa ako.
Nagulat rin ako sa pinagsasasabi ni Sancha pero dahil hindi naman ako ang dehado. Wapakels.
"Bakit naman?"
"Ang panget!" Puna ni Silver na ikinasama ng mukha ni Sancha. "Parang wala lang rin dahil madi-disqualify ang mahuli nilang nag-cheat sa laro. Ang dami pa namang outsiders from other schools. Gusto mo ba ma-combo? Nahuli na, Disqualified pa, napahiya pa, nasermonan pa!"
BINABASA MO ANG
Eyes In Disguise
RandomAggressive, wild, and free. That's what Vella's life as a teen. We all relates on what a life of childhood freedom. But as Vella grows, she realized that life is not fun alone. As she matures, her free life lost. W: Revising pa rin ang chapters and...