Chapter 6

2 0 0
                                    

006: Gusto

Masaya na sana ang daloy ng mga pangyayari ngunit biglang pumasok sa eksena si Lorraine. Parang supervisor ang atake, dire-diretso itong pumasok sa classroom namin. Rinig ko ang ismid ni Sancha sa gilid.

"Est, okay na raw 'yan. Sinabi ko kay Ms. Cruz na may groupings tayo kaya pwede ka na lumabas kahit hindi na tapusin ang time ni Mrs. Romualdez." Titig na titig ang babae kay Saint na animo isa itong pagkain.

Hoy, Leche Flan ko 'yan!

"Ay, may epsi na. Uwian na." Si Sancha. Nang magtama ang tingin namin ni Lorraine ay tinaasan niya ako ng kilay, inirapan ko ito na siyang ikinanganga niya, nagulat ata.

Ano siya chicks? Siya lang may karapatang magtaray?

Over my dead body.

"Time niya kaya ang tapusin ko." Simangot ko. Lalo na nang maya-maya ay sumunod si Saint sa babae. Nagligpit ito ng mga gamit. Kaasar lang at nag-unahan ang mga kaklase kong babae na magpunas ng blackboard na pinagsulatan niya. Nang matapos sa pagliligpit ay sana isunod niya si Lorraine-char! Umalis ito ng room.

Nag-ingay na naman ang klase, parang napabayaan sa kulungan. Masama ang timpla ko dahil sa eksena kanina, hindi ko namalayan na mina-masaccre ko na pala ng saksak ng ballpen ang papel ko. Dagdag pang may naghaharutan sa gilid ko, nang masanggi ako ay sinamaan ko ito ng tingin.

"'Pag hindi kayo umalis diyan, kayo ipapalit ko rito sa papel ko." Mukha namang natakot kaya lumayas ang mga ito.

"Sanggiin mo na ang lahat, 'wag lang ang babaeng pinagkaitan." Tumawa si Sancha. "Girl, chill your nerves!"

"Ganito ako magchill, 'te, gustong mang-gripo ng tao. Tignan mo mamaya, leeg mo na 'tong sinasaksak ko." Tumawa lang ulit ito pagkuwan ay tumayo at tumabi kay Simon na malagkit ang titig sa kaniya. Tinamaan na naman ng harot.

Dahil wala pa ang susunod na teacher ay lumabas ako ng room. Kanina ay naiihi ako pero nang makita ko ang canteen ay napaliko ako. Hindi dahil sa bibili ako, kundi dahil nakita ko si Jacob.

"Libre mo 'ko cheesecake!" Hinila ko ang lalaki sa laylayan ng uniform nito. Ngumiwi ako nang makita ko ang hitsura nito. Pogi pa rin pero mukha pang bangag.

"Anong hitsura 'yan?"

"Anong hitsura?! Pogi, 'no?".

"Tuleg! Hitsurang hito." Sumama naman ang mukha nito.

"Nagpapalibre ka pero ganyan asta mo sa'kin." Tumawa ako.

"Dali na!" Ngingisi-ngisi lang ang gago at bumili ng cheesecake. "Pati pala coke mismo."

"Kapal talaga ng bungo mo." Inabot niya sa'kin ang biniling coke mismo.

"Dami mong comment bibili rin pala." Ginulo lang nito ang buhok ko at umalis. Ang saya-saya lang dahil may laman na ulit ang tiyan ko. Bitin kasi ang nilibre sa akin ni Sancha kanina.

Papaakyat na ako ng hagdan ay naisipan kong mag-ayos muna. Madadaaanan ko kasi ang classroom nila Saint.

(A/N: Baka magtaka kayo sa structure ng classroom ng characters. Yes, magkatabi sila ng classroom at nadadaanan nila ang room ng isa't isa. Why? Binase ko lang to sa structure ng school namin. May magkabilaang hagdan sa bawat dulo ng floor. Ang isa'y Exit which is sa tabi ng room nila Vella at ang isa ay Entrance sa bahagi ng side ng room nila Saint. Kaya mababasa niyo sa ibang chapters, nadadaanan nila Saint ang room nila Vella dahil doon ang dapat na babaan. Yun lang for clarification, in case na hindi niyo naintindihan ang scenario. Thank you so much!:))

Eyes In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon