001: Ngisi
"Lq kami ni Simon..." Napakatagal na para sa akin ang dalawang taong pagsasama nila Sancha at Simon. Hindi ko na mabilang sa mga daliri ko kasama na ang paa kung ilang beses na silang nagcool-off. Kataka-taka lang at hindi pa sila nagb-break. Lakas rin. Grade 9 pa kami nang maging sila ng lalaki at ngayong nakatungtong na kami ng Grade 11 ay kinabog nila ang motivational quote na Stay Strong and Don't Give Up sa facebook.
"Sino nagtanong, 'te?" Hindi ako pinansin ng babae. I placed my feet on the seat as i took her slurpee. Nasa 7/11 kami para magpalipas oras. Uwian na pero ayaw pa kasi naming umuwi kaya narito kami para tumambay. Nakapangalumbabang nakatingin sa'kin si Sancha at bahagyang nakanguso, kasama namin ang dalawang unggoy na kaibigan.
"Bakit hindi ka pa nag b-bf, Vella? Nauungusan ka tuloy ni Sancha." Si Jacob, siniko nito ang umuubong kapatid na si Jacob. Parang timang. Hindi namin kasama si Gavin-kaibigan rin, dahil pinauwi agad ng mama. Pinsan ng magkapatid ang lalaki.
"Bobo ka, hindi naman ako nakikipagpaligsahan." Untag ko.
"'Wag ka, may crush 'yan." Ang ingay talaga nitong si Sancha.
Paano niya nalaman? Nadulas lang naman ako. Tinraydor ako ng sarili kong dila. Nahuli niya ako nang subukan kong bawiin 3 buwan na ang nakalilipas. Summer noon at nag-aya siyang magbakasyon kasama ang ibang kaibigan sa isang kilalang resort. Nag-inuman hanggang sa na-spill ko sa kaniya ang tungkol kay Saint.
Dalawang taon ko sa kaniya itinago ang pagkagusto ko sa lalaki kaya feeling ko ay okay na rin na nalaman niya. Hindi naman ako makabwelo at makafeeling close sa lalaki dahil laging may tae sa tabi niya. Sino pa ba? Edi yung feeling girlfriend slash bestfriend ni Saint kuno.
"Talaga? Gwapo ba? Baka ingrown ko lang yan, ah!" Hinarap ni Jacob si Sancha. Interesadong-interesado ang lalaki. "Pero kung ayan ang Santo niño naming kaklase, hindi ako lalaban. Kinabog ang lahi ko, e!"
"Hala, ayon nga! Si Est!" Napahawak siya sa pisngi niya. "Girl, pati ako napanganga! Gwapo, talino kaso masungit pero okay lang! Nakita mo yung structure ng buto niya? Parang pati spinal cord ata non kumikinang! Yung panga? Ang talim! Yung hugis ng mukha? Hubog ng katawan? Laki! Taena, kahit ako mapapaluhod eh! Mas perpek pa sa perpek!" She touched every part of her body while saying those words, she even licked her own lips. My lip twitched.
"Mukha kang manyak."
"E, hindi naman talaga maikakaila, halatang may lahi. Mata palang, Kagubatan at karagatan." Javan chuckled. "Pero iyak siya, kulang siya ng isang milyong kuskos ng libag para maungusan niya ako." Pareho kaming ngumiwi ni Sancha.
"Feeling mo naman, 'di ka naman naliligo." Nagbardagulan pa sila ng ilang minuto bago sila inawat ni Jacob dahil mukhang mapipikon na si Sancha.
The wind chime rang, sign that someone has entered the convenience store. Tumingin ako sa gawing 'yon. Si Saint na may dalawang kasama. Si Lorraine at Hevon. Pinagi-gitnaan siya ng dalawa. Siya ang pinakamatangkad sa tatlo. They're talking while he was holding a book, reading it while his feet is busy stepping on the floor.
Hindi ba siya madadapa diyan?
Napatingin siya sa direksyon namin. Napaayos ako ng upo. Binalik niya muli ang tingin sa librong binabasa matapos ang ilang segundo, parang hangin lang kami nang pinasadahan niya kami ng tingin.
BINABASA MO ANG
Eyes In Disguise
RandomAggressive, wild, and free. That's what Vella's life as a teen. We all relates on what a life of childhood freedom. But as Vella grows, she realized that life is not fun alone. As she matures, her free life lost. W: Revising pa rin ang chapters and...