Chapter 4

1 0 0
                                    

004: Sarili

Kung hindi pa ako napaso ng sopas ay hindi ko titigilang titigan si Saint. Ibang-iba ang lalaki sa ugali niya sa school kaysa rito ngayong gabi, kita ng dalawa kong mata kung paano siya ngumiti at ngumisi. Iba sa nakasanayan kong blangko at seryosong emosyon niya.

"Kain tayo, gutom na 'ko!" Nanlaki ang mata ko nang papalapit sila sa tindahan kung saan ako nakapwesto. Tumagilid ako at medyo yumuko upang hindi ako mapansin ng mga ito.

Kahiya! Mukha pa naman akong bangag!

"Sopas nga, 'te! Pag 'yan hindi mo naserve within 10 seconds hindi yan sop- Wow, sopas nga!"

"'Neng, nasaan ang bayad mo? Ang bagal mo kumain." Nagulat ako sa boses ng tindera kaya napatingin ako sa kaniya. Nakataas ang kilay nito sa akin. Ibig sabihin ay ako ang vine-versus niya.

"Hehe."

'Nak ng! Hindi pa nga umiinit ang pwet ko sa upuan, sinisingil agad ako!

"Anong hehe? Bayad!" Madaling-madali?! Sinamaan ko ito ng tingin at kinuha ang wallet ko.

"Kumalma ka 'te, may pera ako baka gusto mong isungalngal ko pa sa-" Laglag ang panga ko nang binuklat ko ang wallet, walang laman ni piso. Kahit isang buklat lang ang wallet ko ay nakasampung buklat ako rito. Ine-expect ko kasi na sa pagbukas ko ay may lalabas pa kung sakali. Mukha akong eng-eng tuloy.

Tangina, nadali pa ata nila Gavin.

Bwiset! Bwiset!

Ngumiti ako sa babaeng nagtitinda. Isang nakapagandang ngiti.

"Ay ano kasi, nakalimutan ko ang pera ko sa bahay. Balikan-"

"Ay, hindi! Naku! Lumang istilo na 'yan! Kakain-kain ka pero wala kang pera?! Sana hindi ka na lang umorder!" Napakaeskandalosa ng boses nito kaya lahat ng napapadaan at tumatambay sa gilid namin ay napapatingin. Tumagos ang tingin ko sa gilid noong tindera. Nakatingin rito si Saint. Napayuko ako sa kahihiyan.

Badshot na tuloy ako, tangina kasi nito ni ateng tindera, e! Sana binulong na lang niya sa'kin.

"Bayaran ko na lang bukas. Bigyan kita piso muna para makasigurado kang magbabayad ako." Nanlaki ang butas ng ilong nito. Tila nagalit sa sinabi ko.

"Sopas na nga lang gusto mo installment pa?! Kay gandang babae pero scammer." Ako naman ang nanlaki ang butas ng ilong. Kagigil!

Sobrang g na g niya nakapagsinungaling na siya.

"Hoy, anong scammer?! Tama na 'yong maganda pero anong scammer? Pakain ko sayo 'tong sapatos ko."

"Babayaran ko na lang." Natulos ako sa kinatatayuan nang marinig ko ang boses ni Saint. Blangko ang ekspresyon nito. Parang akong tangang nakatulala sa kaniya.

"Oh, eh... Oh, siya sige." Kumalma ang babaeng tindera at urong sulong pa ang dila.

"Gusto mo pa sopas?" Tanong sa akin noong kasama ni Saint.

"Ano-"

"Bili ka. Ay wala ka palang pera." Sumama ang mukha ko sa sinabi niya. Halatang nang-aasar. Parang gusto ko siya ibaon sa lupa at sementuhan nang hindi na siya makabangon pa.

Lakas ng amats nito, ah?!

"Gusto mo lumipad?"

"Hindi, gusto ko lumangoy." Barumbado niyang sagot. Napayukom ako ng kamao.

Eyes In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon