010: Pikot
Hinatak ni Sancha ang buhok ko nang makaupo ako sa backseat.
"Kita ko 'yon, ah. Umuusad kana, girl?!" Maligalig niyang untag.
"Kita ko rin." Humagikgik ako. Kasi naman! 'Di ko inexpect 'yon. Tanong palang nakakapanindig balahibo na. Isa pa, inenglish ba naman ako?! Kakapanghina tuloy.
Speaking of, bakit niya tinatanong?! Curious siya?! Bet niya na ata ako, e!
"Ay, kailangan pala ineenglish ka ng 'Are You Mad?' para mawala iyang busangot mo. Rupok ka, teh?!" Tinulak ko ang mukha niyang lumalapit sa'kin.
"Siya 'yan, e."
Ngingisi-ngisi tuloy ako sa biyahe kahit na tumatalon-talon ang pwet ko at nagkakanda-untog dahil sa lubak na kalsada. Si Sancha naman ay ka-vc ang shota niya. 'Kala mo naman ay hindi nagkita kanina.
"Kamusta ka sa Saudi, lovey ko? Miss na kita. Mwa mwa tsup tsup! Ay, ano kamo? Ibang tsup gusto mo?" Sinide eye pa ako ni Sancha. Sinusubok ang reaksyon ko.
"Hoy, babaita! Naririnig ko kalaswaan mo!" Napahagalpak siya ng tawa.
"Bye!" Paalam ko sa aking kaibigan nang makababa ng kotse nila. Rinig ko ang harurot ng papalayong tsikot. Binuksan ko ang gate na naglikha ng tunog.
"Buti naman at nakauwi ka na. Masarap ang ulam. Peborit mo." Si Daddy Van na nasa harap ng pinto namin. Nasa tabi nito si Daddy Victor na nakangiting nakatingin sa'kin. Anong atake nila? Para akong pre-school na first time umuwi ng mag-isa at proud na proud ang pagmumukha nila.
"Weh? Pork Steak?" Humalik ako sa mga pisngi nito.
"Hindi. Ampalaya." Naudlot ang ngiti ko.
"Naalala ko, nagfa-fasting pala ako."
"Joke lang, gaga! Tinola."
Eh? 'Di ko naman favorite 'yon pero hindi na rin masama kaysa naman sa ampalaya.
"Let's eat."
Nakamedyas akong pumasok sa bahay. Pabirong binato ako ng tsinelas ni Daddy Van. Masama raw kasi ang nakatapak ng walang sapin sa paa at baka raw magka-barikos ako sa binti dahil malamig ang sahig.
"Is there anyone who's courting you right now?" Nasamid ako sa tanong ni Daddy Victor nang magtanong siya habang nasa hapag kami.
"Syempre marami, Dad. Ganda ko lang!" Nagkatinginan silang dalawa. Anong meron?
"Ang ibig sabihin niya ay may nanliligaw na ba sa'yo at interesado ka?" Naisip ko si Saint. Kailan pala ako liligawan non? Char!
"Wala po."
"Okay." Uminom ako ng tubig dahil para ata akong nauhaw sa tanong nila. Nakakashookt!
"Bakit?"
"Nag aalala lang kami dahil wala kang naipakikilala sa'min niisa... kahit crush wala?" Tunog disappointed pa si Tito Van. Kulang na lang sabihin niya na napakabagal kong maghanap ng lalaki.
Kung alam mo lang! Hehe.
"Meron sana kaso LQ kami." Humagikgik ako. Ako ata itong ilusyunada at hindi si Lorraine, e!
"Maharot kang bata ka."
"Mana sa'yo." Humalakhak si Daddy Victor, si Daddy Van ay namumula akong binato ng tissue.
BINABASA MO ANG
Eyes In Disguise
RandomAggressive, wild, and free. That's what Vella's life as a teen. We all relates on what a life of childhood freedom. But as Vella grows, she realized that life is not fun alone. As she matures, her free life lost. W: Revising pa rin ang chapters and...