Chapter 11

0 0 0
                                    

011: Moment

Hindi ko siya sinampal, sinuntok o ano. Mahinahon lang naman ako pero ang totoo, gusto ko magtititili sa harap niya.

Gilid lang ng labi ko yung dinilaan pero parang buong katawan ko ang basa.

Sow pawerpul!

"Ah..." Napalunok ako. Ilang minuto na ang nakalipas simula nang mangyari ang kalandian. "Uhm.." Gusto ko mang basagin ang katahimikan, sinusubukan ko man ay wala akong masabi.

Tangina, dila lang yon, na-mental block ako?!

Napapikit ako.

Ang kapal ng mukha kong maghamon. Ako naman itong warla sa buga!

Tinignan ko ang katabi ko, kapwa kami namumula at parang tuod sa upuan.

"Gusto mo pa cake?" Umiling siya.

"No, I'm already full. Thank you." Pagsarado niya sa usapan kaya hindi na ako nakabuo ng salita. Naging tahimik na naman ang atmosphere sa pagitan namin. Kinuha ko ang pinagkainan niya ngunit agad niya kong pinigilan.

"Bakit?" Taka kong tanong sa kaniya. "Huhugasan ko na to. 'Wag mong sabihin pati ito kakainin mo?" Bahagya akong tumawa to lighten the mood. Umiling siya, nakangiti ng kaunti.

"Ako na ang maghuhugas." Kinuha niya yon pero hindi ko binitawan. Nag agawan kami sa plato. Nakangiti kami sa isa't isa pero sa bawat hatak ng plato ay may halong gigil.

"No, you're a visitor. You shouldn't do the dishes."

"I insist."

"Ako na."

"No."

"Yes."

"No."

"Hindi! Ako na!"

"I volunteer. Ako dapat ang maghugas dahil ako naman ang gumamit." Napairap ako at lumaban pa rin pero wala sa'min ang gustong magpatalo. Naghatakan pa kami ng ilang oras bago ko sinalaksak sa kaniya ang plato. Banas na.

"Susmaryosep, edi sa'yo na! Saksak mo sa baga mo!" Pagod kong turan. Mukhang naaliw siya sa reaksyon ko. Kainis.

"Thanks." Tumayo siya at pumunta sa lababo para maghugas ng pinagkainan niya. Napahilot ako ng sentido. Sa huli, napagpasyahan ko na magpunas na lang ng lamesa pero hindi pa nakakadikit ang basahan sa lamesa nang inagaw niya sakin yon.

"Nak ng!"

"Ako na." Mahinahon niyang wika.

"K."

Umupo ako sa sofa. Pinanood ko na lang siyang nagpupunas ng lamesa. Napabuga ako sa hangin. Para akong reyna rito sa sofa kung makatingin sa bawat kilos niya-ng isang alila.

What if paglinisin ko siya ng kuwarto ko?

Napangiwi ako sa naisip. Cinareer ko na ang pagiging reyna. Reyna-reynahan.

Nang matapos siya ay akala ko aalis na siya ngunit lumapit siya sakin at napahimas ng makinis niyang batok, hindi makatingin. Napataas ang kilay ko.

"About what happened earlier..." Pagbubukas niya sa topic. Napaiwas ako ng tingin. Naalala ko na naman!

"Kalimutan mo na 'yon." Napatingin ako sa kaniya. Nakatitig na pala siya sa'kin, nagtagisan kami ng tingin.

"You're not mad?

Eyes In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon