014: Rain
"Okay ka na ba?" Sinamaan ko ng tingin si Saint.
"Kanina ko pa sinasabing okay na ako." Tumawa lang siya.
Baliw, amp.
"Wala ka namang bukol kaya goods ka na." Si Khalil.
"Sira ulo ka ba?" Tinawanan nila ako. "Mukha ko ang natamaan pero paa ko ang kinakapa mo."
"Ay, mukha ka kasing paa." Inirapan ko siya.
"Ikaw nga mukhang lupa hindi ko naman pinuna."
"Bars." Natawa ako ng umakto si Raven na pinagbabaril si Jandro na slow-mong humilata sa sahig at nagkunwaring patay.
"K.O!" Hatol ni Lennon at kinuha ang kamay ni Raven saka itinaas. "Vella Wins!" Tumayo si Jandro at nag-act na umiiyak. "Khalil Lose! Loserrrr!" Nagtawanan kami.
"Mga gago!"
"Practice pa tayo!" Aya ko nang makatayo.
"Sa hitsura mo-"
"Anong hitsura?!" Sumama ang mukha ko.
"Cute." Si Saint na ang sumagot. Nagkantiyawan sila nang ngumiti ako.
Hay, buang ka Saint pero mas buang ata ako. Feeling ko matutuluyan ako sa mental kung ipagpapatuloy mo pa 'to. Nababaliw na 'ko sa kilig.
"Hoy, may mga single dito!" Hiyaw ng isa. I stuck my tongue out to tease them.
May nanalo na!
Ako! HAHA!
"Ang galing mo na!" Puri sa'kin ni Raven. Kakatapos ko lang maglaps gamit ang skate board.
Nakakaenjoy pala talaga 'to!
Hindi na nakakapagtaka na kahit ilang beses silang masaktan sa tricks, e, go na go pa rin silang matuto. Nakakasatisfy pala.
"Malamang, walang sakit." Pambabara ko. He just pat my head. Feeling ko kukutusan niya dapat ako kung hindi lang dumaan si Saint.
Natawa ako.
"Next time, yung flip naman. Hindi pwede ngayon, naka skirt ka. Nakakapanghinayang kapag nagasgasan ka." Marcus puffed on his cigarette. He stared at me from head to toe. "Mukhang alagang-alaga ka sa inyo." Tumawa ako at tumango na lang.
"Ay, puke!" Napatalon ako sa gulat nang biglang kumidlat. Nagsitawanan sila Saint. Oo, tumatawa na siya. Hindi na siya robot.
"Cravings niya talaga 'yan."
"Favorite word niya."
"Mukhang uulan, tara silong!" Nakita naming nagsitakbuhan ang mga naglalaro at nakatambay kanina. Nagsi-uwian na. Pati ang mga stalls ay umaalis na rin at ang mga tindahan ay nagsi-sarado na.
For short, kami na lang ang naiwan rito. Sa gitna pa ng mumunting ambon at malakas na hangin.
"Hoy, Vel!" Sigaw nila Jandro na nakasilong sa malaking tent ng mga nakapark na motor. Marahan akong hinawak ni Saint sa palapulsuhan upang makalapit kayla Raven pero pinigilan ko siya.
"No!" Umiling ako. May bakas ng pagtataka sa mukha niya.
"Why?" Ngumiti ako.
Gusto ko naman ng bagong senaryo. Bagong... thrill...
BINABASA MO ANG
Eyes In Disguise
SonstigesAggressive, wild, and free. That's what Vella's life as a teen. We all relates on what a life of childhood freedom. But as Vella grows, she realized that life is not fun alone. As she matures, her free life lost. W: Revising pa rin ang chapters and...