009: Are You?
Lalalalalalalalala~
Ang ganda ng araw ko kaya good mood ang atake ng ate mo. Walang nakaka-badtrip kahit pa kumukuskos na ang katawan ni Sancha sa akin dahil nagha-harutan sila ni Simon sa gilid ko.
"Aray!" ¼ na lang ang pwet ko na nakaupo sa bangko dahil tatlo na kaming nagsisiksikan sa upuan. "Kung ayaw niyo tumigil, mag-paupo naman kayo! Aasim niyo!"
As usual, magulo na naman ang klase dahil walang nagtuturo. Sumapit na lang ang break time ng walang pumapasok na teacher.
Mas maganda pa atang si Saint ang pumapalit sa mga absent na teacher kaysa sa walang dumadating. Nakakabored kapag hindi ko siya nakikita. Gusto kong maglikot. Hindi ako mapakali ng wala akong nakikitang poging Santo niño.
Wala akong magawa sa upuan ko kaya napagdesisyunan kong pumunta sa katabing room.
It's my time to shine~
"~How could my day be bad
When I'm with you?
You're the only one who makes me laugh
So how can my day be bad?
It's a day for you~~"Napapakanta na lang ako habang sinisilip ang room nila Saint. Walang hiya akong pumasok sa pangalawang pinto-yung nasa likod.
Manghang-mangha ako sa klase ng room nila. Mga creative. May iba't ibang drawings at calligraphy sa dingding, hindi masakit sa mata dahil ang gaganda. Ang artistic pala ng section na 'to. Medyo mas tahimik rin rito. Maingay pero hindi gaano at parang hindi nakawala ang mga estudyante sa kulungan ng manok kahit may sari-sariling mundo. Kumpara sa classroom namin na mukhang binagyo, tila mga nagkakarerang mga kabayo sa gulo, maraming basura at kung ano ano pang nakakapandilim ng paningin.
Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Lorraine. Nilapitan ako ng babae.
"Bakit ka nandito?"
"Bakit binili mo ba 'to para hindi ako makatapak rito?" Tinaasan ko rin siya ng kilay.
Chew me watcha goat!
Nagtagisan kami ng titig. Ni hindi kami pumipikit,maluluha na nga 'ko, e. 'Di pa nakakatulong 'yong tarantadong kaklase nila na tinutukan kami ng electric fan. Pero, duh?! Ako lang naman ang nanalo. Napakurap-kurap ito at biglang nag walk-out. Parang natauhan.
"Baliw amp." Bulong-bulong ko.
Hindi ko nakilala 'yong lalaking nagtutok ng electric fan sa amin dahil biglang tumakbo.
Hah, takot!
Nilibot ko ang tingin ko, wala sila Javan kaya malamang nasa baba. Hinanap ko ang pinakatarget ko. Napangiti ako. Tahimik na nagbabasa ng libro ang lalaki. Sumama ang mukha ko nang makita kong may lumapit sa kaniyang babae.
"Hoy, layassssssss! Akin 'yan!!" Sigaw ko na nagpatahimik sa ingay ng room nila. Halos magsilabasan ang ugat ko sa leeg at laki ng bunganga ko sa lakas ng sigaw ko.
Laglag ang panga ng ilan at nagsimulang mag bulong-bulungan. Hindi ko 'yon pinansin dahil wala naman akong pake sa kanila. Bigyan ko pa sila ng piso para mabili nila ang pake ko.
Lumapit ako sa lamesa ni Saint. Nakatingin sa'kin ang lalaki. Blangko ang ekspresyon nito.
Ang hirap niya talagang basahin!
"Bakit?" Tanong sa'kin ng asungot na lumapit sa kaniya.
"Bebe ko 'yang kinakausap mo, bakit rin?"
Kung kanina laglag ang panga nila, mas grabe na ngayon. Nasa sahig na ata.
"Feeling mo naman!" Napakunot ang noo ko sa inis.
BINABASA MO ANG
Eyes In Disguise
RandomAggressive, wild, and free. That's what Vella's life as a teen. We all relates on what a life of childhood freedom. But as Vella grows, she realized that life is not fun alone. As she matures, her free life lost. W: Revising pa rin ang chapters and...