008: Wala Lang
"Hoy, Inday, baka akala mo linggo pa rin? Bumangon kana diyan, late ka na!" Umungol lang ako ng hampasin ako ni Daddy Van ng unan.
"Vel, gumising ka na. Handa na ang breakfast. Magprepare kana." Balikwas agad ako ng bangon nang magsalita si Daddy Victor. Nakakatakot kasi sobrang hinahon ng boses niya.
Sabi nga nila, iba magalit ang mga tahimik.
"Ay, bias kang babaita ka ha!" Tinawanan ko si Daddy Van.
Imbis na magmadali dahil late na ay rumarampa pa ako sa daan, hawak ang handy mirror at naglalagay ng lippie.
Okay nang malate, 'wag lang pumasok ng hindi mukhang masarap.
Papaliko pa lang ako ng kanto nang makita ko ang paparating na motor ni Gavin, angkas nito si Jacob. Guwapo ang dalawa ngunit ang isa ay nagta-tanggal ng muta at ang isa ay may bakat pa ng kung ano sa pisngi, halatang kababangon lang sa kama. Mukha namang nagtoothbrush at naligo ang mga ito pero natulog ulit. Ang fresh. Sana all.
Humihikab si Jacob nang makita niya ako. Nanlaki ang mata nito at tumawa. Inaasar ako dahil late na. Coming from him, huh?
"Sabay ako!" Huminto si Gavin. Kinuha ko ang inabot niyang helmet. Umalis si Jacob para makasampa ako sa likod ni Gavin. Umupo ako ng patagilid dahil naka-skirt ako, nang maayos na ay saka sumakay si Jacob. For short, tatlo kami sa motor. Hindi naman nanghuhuli ang mga poso rito at wala rin naman gaanong nagpapakita dahil umaga pa lang. Nag-aalmusal pa ata.
"Good morning."
"Morning mga panget."
"Hoy, kahit maganda ka 'wag ka namang sinungaling!"
"Delusional ka lang."
"Bad girl!"
"Trio na naman tayo sa labas ng room." Taas-baba ang kilay ni Jacob. Nagmiddle finger lang ako sa kaniya.
"Saan si Javan?"
"Hindi ko alam kung nasa bahay ng nagfriend-zone sa kaniya. Nagmamakaawa ata ang gago. Pinipigilan kong umalis kagabi dahil may chongkero na yung babae 'di ba kaso ayaw magpaawat, e."
Kawawang Javan.
"Ang dami namang babae diyan, pipili na lang siya. Gusto niya yung hindi pa siya gusto."
"Hindi naman kasi pinupulot ang affection, baks. Nararamdaman 'yon."
I somehow understand Javan's situation... but you can't force someone to love you back or waiting a response to what you give. Sabi nga nila, 'Expectation is the root of what we believe.' Nag e-expect tayo sa pinaniniwalaan natin kahit alam natin ang totoo. We act blind because we always look to what we expect nor what we want to happen.
"Woah, calm down, Ms. Lovely Dovey." Nakita ko sa peripheral vision ko na itinaas niya ang dalawang kamay niya, sumusuko. Inirapan ko siya.
"Sira."
"Maybe he feels something that no one's ever makes him feel like that." Si Gavin.
"Ay ganon? Mag e-englishan na lang?" Nagtawanan kami.
Nang makarating kami sa gate ay agad kong hinubad ang suot na helmet at ibinigay kay Gavin.
"'Lamats. Una na 'ko!" Kumaripas ako ng takbo. Muntik pa ako mapatid sa hagdan sa kamamadali. Nang nasa second floor na ay rumahan ang galaw ko nang makita ko si Saint. Parang pati pari ay mapapatawag ng santo sa sobrang hinhin ng lakad ko.
BINABASA MO ANG
Eyes In Disguise
RandomAggressive, wild, and free. That's what Vella's life as a teen. We all relates on what a life of childhood freedom. But as Vella grows, she realized that life is not fun alone. As she matures, her free life lost. W: Revising pa rin ang chapters and...