Chapter 17

0 0 0
                                    

017: Travelation

"How are you?" Nakangiti ako sa Lorraine na nakaratay sa kama. She rolled her eyes. Nasa kwarto niya ako, iniwan muna kami pansamantala ni Silver dahil gagawa raw ng meryenda para sa amin. Wala raw kasing mag-aasikaso na magulang sa kanila dahil nasa trabaho.

"Bitch, I'm fine." Hindi ako na-offend sa sinabi niya. Ito ang normal na Lorraine para sa akin. Hindi 'yong nakaraan na umiiyak. Ang kilala kong Lorraine ay yung masungit at gusto akong ilunod sa lupang tinatapakan niya.

Pinagmasdan ko ang babae, namumula ang pisngi at tungki ng ilong nito. Mukhang kagagaling lang rin sa iyak dahil namumugto ang mga mata. Maganda pa rin naman ang babae pero mukhang...

"You look depress." Puna ko.

"I'm depressed." She sighed. "I'm trying to be sarcastic you know."

"I know. Kinuwento sa'kin ni Silver ang pag-uusap niyo." Inikot ko ang paningin sa kuwarto niya. "Hindi ko aakalaing bading ka sa design ng kwarto mo." Puro pink.

"You're harsh!" Untag niya. Tumawa ako.

"Mas mabuti nang alam mo, ang hirap pag nakikipagplastikan ka lang. Ganito ako sa mga friends ko, I accepted your gift remember?" She tsked. "I read your letter."

"How was it?"

"Shookt." Tumawa siya.

"That's what I'm expected."

Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Lorraine, iniluwa nito si Silver na may dalang plato ng french fries, iced tea and burgers. Hinintay ko siyang mag-alok bago ko dinekwat ang fries.

Home etiquettes at its finest.

"Akala ko nagsasabong na mga manok ang madadatnan ko rito."

"Pass muna ako." Ani ko. Lorraine laughed. My face softened. Hindi halatang heartbroken talaga siya kasi ang hilig niyang mamlastik.

"Lory, bumangon ka dyan. May lagnat ka pero hindi mo ikamamatay yan. Oa ka." Si Silver. Ngumuso si Lorraine at umupo mula sa pagkakahiga.

"Parang ang sarap nung pagkain na may patty. What do you guys think?" Pagpaparinig ko sa magkapatid.

"Kunin mo na, nahiya ka pa. Makapal naman mukha mo." Panunuya ni Lorraine. Nakangiti kong kinuha ang mainit-init na burger sa harap ko. Parang tinutuklaw ako ng amoy nito.

Katakam.

"Wag ka ngang harsh kay Vella." Saway ni Silver.

"Siya ang harsh sa aming dalawa!" Katwiran ng babae.

"Wag mo namang iparamdam na hindi mo siya gusto para sa akin." Mariing wika ni Silver. Hindi ko alam kung napipikon na siya sa kapatid niya o ano. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang magkapatid.

"Talaga!"

"Si Dela Croix ang nagpapapansin sa kaniya kaya wag mo siyang idamay. Ang isang 'yon ang sisihin mo." Nanahimik si Lorraine sa gilid. Mariin ang tingin niya sa kapatid, tila sinasaksak niya ito ng kung ano-ano ito sa isipan niya.

Mas mabuti pa atang nagtatalo sila sa harap ko kaysa parang pati tunog ng langaw sa labas ay naririnig ko.

Ang awkward!

Isa rin naman kasi itong si Lorraine, ayaw pa niyang umamin pero may point rin naman siyang ayaw niya masaktan ang kuya niya. Isa rin itong si Silver, napakamanhid! Ngayong alam ko na ang sikreto ni Lorraine, natatangahan na ko sa kuya niya dahil hindi nito madiscover ang kabadingan ng kapatid.

Eyes In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon