Chapter 2

3 0 0
                                    

002: Nomi sa Tangos

Masigla akong pumasok sa school kinabukasan. Naging maayos ang tulog ko kahit hindi ako mapakali sa nangyari kagabi. Nang pumasok kami ni Sancha sa room ay binato ako ni Hiro ng papel. Kaklaseng maligalig. Hinablot ko ang buhok niya't kinuha ang papel na napulot sa sahig at pinakain sa kaniya. Umilag-ilag pa siya pero na-shoot rin naman sa bibig niya.

"Gago ka, ah." Pagkuwa'y natahimik nang dumating ang guro.

Nakapangalumbaba lang ako habang nagle-lecture siya, nakita ko pa sa unahan ang walang hiyang paglalampungan ng dalawang kaklase ko. Si Sancha at Simon.

Ang langsa.

Bati na agad sila? Akala ko magb-break na.

Sayang naman!

"Ms. Alterno..." Napatayo ako nang tinawag ni Mrs. Gomez ang surname ko. Kumabog ang puso ko sa kaba.

Ebarg naman pala 'tong heartbeat ko parang hinahabol ng kabayo.

"Yes, Ma'am?" She raised her brows at me.

"If you are listening to our topic, give me some properties of life." Napanganga ako. Tinignan ko sila Sancha kung may isa ba sa mga kaklase ko ang bumubuka ang bibig. I saw Hiro mouthed "Exemption". He smirked. Ang gagong 'to akala niya ata hindi ko alam ang sinasabi niya, gagawin pa 'kong bobo sa klase.

"Extension, Ma'am." Tumawa ang klase. Umiling-iling ang guro. Disappointed.

"Ayun oh, tanga, nasa board na hindi mo pa tiningnan." Wika ng isa kong kaklase. Kinamot ko ang sariling pisngi nang makita nga ang nakacapital letter pa na PROPERTIES OF LIFE.

ExCRETION pala.

"Shunga mhie!" Sigaw ni Sancha. Rinig ko ang halakhak ni Simon.

"Sit down, Ms. Alterno at baka bigla kang lumipad." Sumunod naman ako at hindi na sumagot pa. Sumimangot rin nang maguilty dahil nasa board na ang sagot ngunit hindi ko pa rin nakuha.

What if i answered it correctly? Papalakpak ba sila? Sisigaw? Magpaparty o wala lang?

Nang matapos ang klase ay naging palengke na naman ang classroom.

"'Di kayo titigil? 'Pag ako natamaan pag uumpugin ko 'yang itlog niyo!" Banta ko sa tatlo kong kaklase. Mga mukhang tangang nagtitirahan gilid. Ganiyan ang harutan nila, kastahang biro. Mukha namang natakot ito kaya sa lumipat ng ibang area at doon sila naglaro.

Nakapalumbaba ako sa arm chair at napasimangot. Kung hindi lang dumaan si Saint-Napabalikwas ako. Dumaan nga ang lalaki sa room namin, kasama ang kaklase nitong lalaki. Ang gwapo-gwapo talaga niya. Napatingin ito sa'kin pero umiwas rin. Napataas ang kilay ko. Natulala nang makalagpas siya.

"Atake mo, 'te? Ano naman iniisip mo? Bayag?" Tanong sa'kin ni Sancha. Ang baboy talaga nitong babaeng 'to. Ngumunguya siya ng bubble gum habang naglalagay ng kolorote sa mukha.

"Baks, ang bagra, ah?"

"Ano ba kasi ang iniisip mo? 'Wag mo na isipin 'yon, mahal ka non!" Tunog nange-encourage ang boses niya.

"Tanga, pinag sasabi mo?"

"Ano nga kasi iniisip mo?" Tanong niya ulit. Napatigil na siya sa paglalagay ng blush-on niyang mas makapal pa ang pula sa pintura ng boysen.

"Iniisip ko lang kung anong pagkakaiba ng I-it at I-thou." Ngumiwi siya sakin.

"No comment."

Eyes In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon