013: Unknown
"Shot mo na, teh, ano na?" Si Jacob. "Ngalay na ngalay na 'ko dito, oh!" Sinamaan ko siya ng tingin at kinuha ang baso.
Dumayo ang mga hampaslupa sa bahay nila Sancha. Hindi ko alam kung pinapunta niya ba ito o sa kapal ng mukha ay nagkusa itong magsipunta.
Si Gavin ay nasa kusina at nagluluto ng makakain. Tarantado naman kasi si Jacob, puro chicharon ang biniling pulutan. Kabanas, e. Si Javan? Missing in action ang gago. Pass muna raw.
Himala, nagpass siya.
Si Sancha naman ay umiiyak, miss na miss na raw niya ang bebe niya. 'Kala mo naman ay namatay, isang araw lang hindi nagkita, parang matitigok siya. Ilang taon nga siyang nabuhay ng wala iyon.
Hindi ko na rin alam anong nangyari kay Saint, kanina pa 'ko hindi mapakali. Hindi ko alam kung lalabas ba ako o ano. Bigla na lang kasing namatay ang phone ko! Deadbatt na ata.
I drank the mixed gin before returning it to Jacob.
In the end, pinuntahan ko sa kusina si Gavin. Hindi na kaya ng konsensiya ko, makikitawag na 'ko!
"Hoy..." Napatingin ako sa half naked na si Gavin. Wala itong suot na damit pang itaas at tanging sweatpants lang ang suot.
"Hmm?" Busy itong magstir ng kung ano-ano sa kawali. Nang hindi ako sumagot ay tumingin ito sa akin. "Ano?"
"Pwedeng makitawag?"
Hindi siya sumagot at kinuha na lang ang phone niya sa table. Nanginginig kong inabot sa kaniya 'yon.
Buti na lang at saulo ko ang number ni Saint.
After 3 rings ay sinagot niya na. Lumayo ako kay Gavin para hindi niya marinig.
"Hello?" Paos ang boses nito. Napangiti ako. Ang sarap pakinggan.
"Hi." Hindi ito sumagot. Na-shock ata. "Sorry, nasaan ka? Nadeadbatt yung phone ko."
"Sancha's street. The address you've sent." Napatuwid ako ng tayo.
"Okay! Diyan ka lang!" Binaba ko ang tawag at dinelete ang number ni Saint sa call log.
Mahirap na baka maging text mate ni Gavin.
Basta ko na lang ibinalik ang phone ni Gavin sa table. Kinuha ko ang bag at bwiset kong phone na nasa sofa.
"Hoy!" Sita sa'kin ni Jacob nang papaalis na ako.
"Adios!" Hindi na ako lumingon dahil may naghihintay sa'king anghel sa labas.
Namamawis ang mga kamay ko at kumakabog ang puso ko sa kaba.
Kung nagcharge lang sana ako! Peste!
Palabas na ako ng eskinita nila Sancha nang makita ko ang bulto ni Saint. Shit, nandito nga siya!
"Ilang oras ka naghintay? I'm so sorry!" 'Yon agad ang bungad ko sa kaniya pagkalapit. His lips is in a form of straight line, nakapamulsa siya habang nakasandal sa motor. Nakasuot siya ng plain white shirt at khaki shorts na mukhang isang buwang allowance ko na ata ang katumbas. Iba ang quality, e. May itim na jacket siya na nakasabit sa handle.
Hay, ang pogi pogi talaga niya.
Ang bango pa.
Ang fresh.
"It's okay." Napasimangot ako kahit mukha siyang kalmado. Nakakakonsensya, sana pala ay lumabas na 'ko kanina pa. "You drink?" Inamoy ko ang sarili ko. Hindi naman amoy gin. Ngumiti ako.
BINABASA MO ANG
Eyes In Disguise
RandomAggressive, wild, and free. That's what Vella's life as a teen. We all relates on what a life of childhood freedom. But as Vella grows, she realized that life is not fun alone. As she matures, her free life lost. W: Revising pa rin ang chapters and...