Chapter 3

3 0 0
                                    

003: Mata

"Akala ko kung sinong masasamang espirito ang umapak rito sa bahay." Napawi ang kunot-noo ni Mrs. Gabriella Jocson at matamis na ngumiti sa amin ngunit nang umikot kay Gavin ay para siyang papatay ng tao. Hilaw na ngumiti naman ang napakabuting anak sa balat ng lupa.

"Hi, Tita, Tito!!!" Nagmano ang boys habang kami ni Samcha ay humalik sa pisngi ng mga ito.

"Wow, sossy daming accessories!" Puna ni Sancha. Pulang-pula ang labi ng ginang at maraming abubot sa katawan.

"Siyempre, nadiligan, e." Humagikgik kaming tatlo. Napangiwi ang boys, si Gavin ay napatampal sa noo habang ang tatay ni Gavin ay nakangiti.

Proud.

"Kanina pa kayo?" Pag-iiba sa usapan ng lalaki.

"Medyo po." Tumango ang lalaki at pumanhik na sa taas. Nagsalin ako ng Empi sa baso at inabot kay Tita Gabriella. Noong una ay tumanggi pa ang ginang ngunit hindi na rin nakatiis nang hindi ko tinigilan. Nakailang shots siya roon, maya-maya ay nahilo na ito. Tumatawang pinapalo si Javan. Lasing na, ang ligalig, e.

"Ganyan ka pala malasing, Tita." Ani ko. Humagikgik ang ginang. Umiikot na rin ang paningin ko. Nagbabanlaw na kami ng Gin. Pang-ilang bote na rin ito.

"Oo, Vella."

"Ah, talaga ba, Gabriella?" Humagikgik ulit ito. Bagsak naman ang dalawang lalaki sa sahig, si Javan at Simon. Si Jacob ay hindi pa gaanong lasing kaya hindi pa gaanong siraulo gumalaw habang si Gavin ay nakaupo, nakayuko. Sinipa ko ito.

"Hoy, nagdadasal ako. Shhh."

"Chineck ko lang baka patay kana." Si Sancha ay kumakanta pa rin kahit wala na sa lyrics ang kinakanta niya. Tulad ngayon, ang kantang pinili niya ay Sayang na Sayang by Aegis pero ang lyrics ay Bahay Kubo. Birit na birit pa ang babae. Iiling-iling ako. Nang matapos ang kanta ay si Tita Gabriella naman ang pumalit.

"Do it, we'll still do it night and day
You're my all time lover
Do it, we'll still do it anyway
Like there is no other
Touch by touch, you're my all time lover
Skin to skin, come under my coverrrr~"

Sinabayan ko ang kanta niya. Hinatak niya ako at isinayaw. Lalong nahilo naman ang lola mo. Tumatawang tumayo si Sancha at sumali sa'min.

"When my heart is full of love it makes me a turtle dove
Love's the game that we play night and day
When our love is clear and bright it's our way to see the light~"

Si Javan na kanina ay nasa sahig ay tumayo, tinapakan ko kasi ang pwet nito. Si Simon naman ay nonchalant sa gilid. Mga ilang minuto ay nagtanong kung nasaan ang cr. Hinabol siya ni Sancha pero bumalik rin ito habang tumatawa.

"Haha, gago, yung spaghetti nasa bowl na."

"Hoy, tayo!"

"Ano tayo?!"

"Ay, bubu, tayo! Stand up!" Masunurin naman ang mga lasing at tumayo. Sumayaw kaming lahat kahit mukha kaming mga tanga.

"Touch by touch, you're my all time lover
Skin to skin, come under my cover~"

We danced as the beat explode.

Inikot ko si Gavin, parang prinsesa naman itong umikot habang nakatingkayad.

"Parang bading."

"Huh? Sinong lasing?!" Humagikgik ito. Nahawa naman ako at humagikgik rin.

Eyes In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon