CHAPTER 3

109 7 0
                                    

𝗢𝗶𝗻𝗮𝘇𝗲'𝘀 𝗽𝗼𝘃:
  
"𝐘𝐨𝐮'𝐥𝐥 𝐭𝐫𝐞𝐚𝐭 𝐦𝐞 𝐥𝐢𝐤𝐞 𝐈 𝐚𝐦 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐦𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫. 𝐒𝐮𝐬𝐮𝐧𝐝𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐢𝐮𝐮𝐭𝐨𝐬 𝐤𝐨 𝐬𝐚'𝐲𝐨. 𝐀𝐥𝐭𝐡𝐨𝐮𝐠𝐡...𝐧𝐚𝐩𝐚𝐠-𝐮𝐬𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧 '𝐭𝐨 𝐛𝐞𝐟𝐨𝐫𝐞 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐬𝐚 𝐭𝐞𝐝𝐝𝐲 𝐛𝐞𝐚𝐫 𝐦𝐨..." Huminto siya saglit at saka hinimas himas ang ulo ko. Hayss. Kala mo hindi ako sinabunutan kanina ahh!
   
    
    
"...𝐢𝐛𝐚 𝐩𝐚 𝐲𝐮𝐧𝐠 𝐢𝐮𝐮𝐭𝐨𝐬 𝐤𝐨 𝐬𝐚'𝐲𝐨 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧." Pagtutuloy niya ng sinasabi niya. Nakangiti siya na para bang may balak. Nagmumukha siyang manyakis sa totoo lang.
   
    
     
Huminga siya ng malalim at saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko gamit ang dalawa niyang kamay. Sakop na sakop ang mukha ko dahil sa laki ng palad niya. Masakit siguro 'to manampal?
    
   
    
"𝐏𝐮𝐦𝐮𝐧𝐭𝐚 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐮𝐰𝐚𝐫𝐭𝐨. 𝐀𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐥𝐮𝐥𝐮𝐭𝐨." Saad niya sabay diretsong pumunta sa may lutuan. Sinunod ko naman siya kaagad dahil baka kagalitan nanaman ako.
   
    
    
May sapi siguro 'to. Bigla nalang nagbabago ang mood niya, daig pa ako kapag may menstruation. Hayss. Galit na galit siya sakin kanina tapos ngayon bigla nalang siyang kumalma.
   
   
    
Hala! Yung gamit ko nasa sala pa... Maya ko nalang siguro kunin...
   
    
     
Hayst...bakit gan'to? Parang may mali... Hindi naman sa pagiging judgemental ahh pero kasi...iba siya eh. Iba talaga ugali niya. Ayo'ko isipin na baliw siya kaso...'yon ang nakikita ko sakaniya.
   
    
    
Dagdag isipin pa sa'kin na parehas kaming grade twelve. Oo, accelerated ako at alam ko na 'yon ang dahilan kung bakit nasa grade twelve na agad ako. Pero ang nakapagtataka ay andoon din siya... Ilang taon na ba siya?
   
    
     
Paano niya ako naampon?
   
     
     
Nakakapagod naman mag-isip... Parang gusto ko nalang matulog at kalimutan ang nangyari kanina. Ang sakit pa rin ng anit ko. Masakit din ang mga braso ko.
   
   
    
Napatingin ako roon dahil may nararamdaman akong kakaiba.
   
    
     
Pagtingin ko sa braso ko ay...m-merong dugo... May bakas ng kuko ang braso ko at nagdudugo 'yon. Hindi naman malala ang pagdudugo pero dahil sa dami ng sugat ay nagmumukha itong parang umaagos na dugo. 
    
    
     
Ganoon din ang nakita ko sa kabilang braso ko. Agad naman akong naghanap ng pantakip sa sugat. Merong first aid kit sa may CR. Nakalagay 'yon sa may salamin na nabubuksan.
   
    
    
Agad akong pumunta sa may CR at kinuha ang first aid kit. Hindi naman ako nabigo dahil andoon lahat ng kailangan ko. Natapos akong mag gamot ng sugat at sakto namang tinatawag na'ko ni Z.
   
   
    
Lumabas ako ng kuwarto at pumunta sakaniya. Nakahanda na ang pagkain sa may lamesa. Marami rami rin siyang niluto. Tinap niya yung katabing upuan kaya umupo ako roon.
   
   
    
Ang uncomfortable nga lang... Bakit ba kasi ganito siya?
   
    
     
Naiilang akong nagsimulang kumain. Nagdasal muna ako at gaya nung unang araw ko rito ay nakatitig lang siya habang nagdadasal ako. Actually...pinagdasal ko na hindi siya mabilaukan.
   
    
    
I know na masama yung ginawa niya kanina sakin pero that doesn't mean na kailangan ko na rin maging masama sakaniya. Lagi ko kaya pinagdadasal na walang masamang mangyari sa'min ng mga nakakasabay ko kumain. Lagi ko pinagdadasal na hindi sila mabilaukan para makasama ko pa sila kumain.
  
   
    
Teka nga! Ba't ba 'ko napunta roon?
    
    
     
Nakita ko siyang nagsimula ng kumain. Nakatitig lang kasi siya habang nagdadasal ako at nagsimula lang din kumain ng magsimula na akong kumain.
   
    
    
Minsan ay sumusulyap sulyap ako sakaniya kase...why not? Minsan naman ay nararamdaman ko na siya naman ang tumitingin sa'kin.
   
   
    
Nakakailang talaga na sabay kaming kumain after ng nangyari. Paglutuin ba naman ako? 'Di nga marunong yung tao ipipilit pa talaga...
   
    
   
Natapos kaming kumain ng hindi manlang nagsasalita. "𝐌𝐚𝐠𝐡𝐮𝐠𝐚𝐬 𝐤𝐚 𝐧𝐚." Saad niya at saka umalis at pumunta sa kuwarto. Niligpit ko naman ang pinagkainan namin at nag-umpisa ng maghugas ng pinggan.
   
    
      
Dahil marami rami ang putaheng niluto niya ay marami rin ang hugasin. Hayss.
   
     
     
Nang matapos ako ay niligpit ko na yung gamit ko dito sa sala at nilagay 'yon sa... Saan ko 'to ilalagay? Naku naman!
   
    
     
Nilagay ko nalang muna iyon sa may center table rito sa sala at pumunta na sa kuwarto. Maglilinis na'ko ng katawan. Ang maglinis ng katawan kasi ay laging binibilin sa'kin ni ate Ish kaya nasanay na'ko na gawin 'yon bago matulog.
    
    
     
Kumuha ako ng pamalit sa drawer at dumiretso na sa cr. Tinali ko ang buhok ko ng pa-bun. Naglinis lang ako ng katawan at naghilamos at saka nag toothbrush.
   
   
    
Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa'kin si Z na may dalang towel. Akala ko tulog na 'to? Nakahiga na kasi siya sa kama kanina nang pumasok ako.
   
    
    
"𝐖𝐚𝐥𝐚 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐛𝐚 𝐛𝐚𝐥𝐚𝐤 𝐥𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚𝐬 𝐝𝐢𝐲𝐚𝐧?" Walang emosyon na saad nito. Agad naman ako lumabas dahil baka magalit nanaman siya.
   
   
    
Humiga na'ko sa kama at saka pinikit ang mata kaso...hindi ako makatulog. Umupo muna ako saglit at tinignan ang kabuuan ng kuwarto. Ngayon ko lang napansin na may nga libro pala rito. Meron kasing bookshelf na punong puno ng libro.
  
   
   
Tumayo ako at lumapit doon. Tinignan ko yung iba at puro about literature. Meron din book na about sa history ng Philippines. Iba't ibang libro ang naandito.
  
   
   
Pero kahit madami ang mga libro...namukod tangi ang isa sa paningin ko. Kinuha ko iyon at "𝐁𝐢𝐛𝐥𝐞?" Pagbulong ko sa hangin. May Bible siya?
  
  
   
Eh bakit parang hindi naman siya mabait? Ay! Sorry Lord... Ang judgemental ko na talaga.
   
   
   
Hayss...bakit niya ba kasi ginawa 'yon?
  
  
   
Baka nga nainis lang talaga siya dahil nag-expect siya na may pagkain na pag-uwi niya dahil pagod na siya galing school. Nakakapagod nga naman kasi talaga maging class president kasi kahit highest section ang mina-manage niya ay hindi pa rin naman maikakaila na may pagka kulit din talaga ang mga 'yon.
   
   
    
Nagulat ako ng may biglang magsalita sa likod ko. "𝐖𝐡𝐚𝐭 𝐚𝐫𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐝𝐨𝐢𝐧𝐠?" Saad nito. Muntik na'ko hindi makagalaw nula sa kinatatayuan ko. Baka kasi magalit siya ulit sakin dahil sa pagiging pakielamera ko.
   
   
    
"𝐒-𝐬𝐨𝐫𝐫𝐲...𝐧𝐚𝐩𝐚𝐧𝐬𝐢𝐧 𝐤𝐨 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐬𝐢 𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐢𝐛𝐥𝐞 𝐤𝐚𝐲𝐚 𝐤𝐢𝐧𝐮𝐡𝐚 𝐤𝐨." Nakayukong saad ko.
   
    
    
"𝐈𝐛𝐚𝐛𝐚𝐥𝐢𝐤 𝐤𝐨 𝐧𝐚." Saad ko at binalik ang Bible sa kung saan ito nakalagay. Hindi naman na'ko pinansin ni Z at humiga na sa kama. Tumabi ako sakaniya.
   
   
     
Sabihin ko na kaya sakaniya na need ko na bag? Wala pa kasing akong mapaglagyan nung mga lessons na binigay sakin ng mga subject teachers namin.
   
    
    
"𝐔𝐡𝐦...𝐙..." Pag-uumpisa ko. Tumingin naman siya sakin at halatang hinihintay ang sunod na sasabihin ko. "...𝐩𝐰𝐞𝐝𝐞 𝐛𝐚 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐛𝐮𝐦𝐢𝐥𝐢 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐤𝐨 𝐬𝐚 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥? 𝐖𝐚𝐥𝐚 𝐩𝐚 𝐤𝐚𝐬𝐢 𝐚𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭𝐢𝐧... 𝐍𝐚𝐢𝐰𝐚𝐧 𝐝𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐨𝐫𝐩𝐡𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞 𝐲𝐮𝐧𝐠 𝐧𝐠𝐚 𝐝𝐚𝐭𝐢 𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐤𝐨 𝐬𝐚 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐝𝐚𝐭𝐢." Pagtutuloy ko sa sinasabi ko.
   
   
    
"𝐎𝐤𝐚𝐲." Simpleng sagot niya at natulog na. Pumikit nalang din ako.
   
   
    
Nakapikit lang talaga ako. Iniisip ko pa kasi yung nangyari kanina. Hindi talaga mapakali ang utak ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na isipin 'yon.
   
   
    
Tatay ko ba talaga siya? What if step brother ko pala siya tapos napagkamalan ko lang siya as my father. 'Yon na rin siguro yung dahilan kung bakit wala siyang kasama nung kinuha niya ako sa may orphanage kasi nga sino naman isasama niya, 'diba?
   
   
    
Napatingin naman ako kay Z na mahimbing ang tulog. Mukha siyang mabait tapos kapag gising naman lagi siyang galit.
  
   
    
Napabuntong hininga nalang ako. Hindi pa rin kasi ako makatulog. Hindi ata ako sanay na dito matulog.
   
   
  
Tumayo ako at akmang hahawakan na doorknob at bubuksan na ang pinto pero napahinto ako nang bigla nalang siya nagsalita. "𝐒𝐚𝐚𝐧 𝐤𝐚 𝐩𝐮𝐩𝐮𝐧𝐭𝐚?" Humarap ako sakaniya. Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin.
   
   
    
"𝐒-𝐬𝐚 𝐬𝐚𝐥𝐚. 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐚𝐬𝐢 𝐚𝐤𝐨 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐠 𝐤𝐚𝐲𝐚 𝐦𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥 𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐤𝐨." Sagot ko sakaniya.
   
   
    
"𝐈𝐟 𝐲𝐨𝐮 𝐜𝐚𝐧'𝐭 𝐬𝐥𝐞𝐞𝐩 𝐭𝐡𝐞𝐧 𝐚𝐲𝐮𝐬𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐲𝐮𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐤𝐨 𝐬𝐚 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐚𝐲𝐮𝐬𝐢𝐧 𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬." Saad niya at pinagpatuloy na ang pagtulog. Kapal naman ng mukha nito! Makapag-utos wagas!
   
   
    
Sinunod ko nalang ang utos niya dahil baka magalit nanaman. Mahirap na. Baka iba na ang gawin niya sakin sa susunod. Baka hindi lang pagsabunot ang gawin niya sakin. Hayss.
   
   
    
Pagkatapos kong ayusin ang gamit niya ay lumabas na'ko ng kuwarto. Nag-aral na ako at minaster ko yung mga lessons na gets ko na at nabasa ko na.
   
    
     
.....
   
    
    
Halos tatlong oras na pala ako rito. 'Di ko na namalayan ang oras. Tinignan ko yung relo na binigay sa'kin ni Z. Kineep ko kasi 'yon dahil hindi niya rin naman kinukuha. Tinatanggal ko lang itong relo kapag maliligo o maghuhugas.
   
   
    
Alas onse na pala? Matutulog na nga ako. Maaga pa ako gigising bukas kahit hindi naman ako yung papasok. Pa'no ba naman kasi eh puro utos itong si Z.
   
   
   
Pumasok ako sa kuwarto at tumabi sakaniya. Agad naman akong nakatulog dala ng pagod.
   
   
    
Kaso shet! Hindi pa umaabot ng isang minuto ang pagpikit ko pero kumukulo na agad dugo ko. "𝐈𝐤𝐮𝐡𝐚 𝐦𝐨 𝐚𝐤𝐨 𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐛𝐢𝐠." Saad niya. Hayss. Utusan ba naman agad. Kakahiga ko palang eyy.
   
   
    
Wala naman akong magawa dahil may usapan kami. Hayss.
   
  
   
Lumabas ako ng kuwarto at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng baso at saka kinuha yung tubig sa ref. Nilagyan ko yung baso ng tubig. Alangan naman hindi, 'diba?
   
   
    
Bumalik ako sa kuwarto at akmang ibibigay na sakaniya yung tubig pero paglapit ko ay humihilik hilik na siya.
   
   
   
Yung totoo? Tinatarantado lang ba ako nito?
   
   
    
Nilapag ko nalang yung baso sa may bed side table at humiga ulit. Tumalikod ako sakaniya at saka pumikit. Agad naman akong nakaramdam ng antok kaya nakatulog ako agad.
    
   
     
𝗞𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻...
   
   
    
Nagising ako dahil sa alarm na pagkalakas. Hayss. 'Di naman ako nag-alarm ah? Minulat ko ang mata ko at tumingin sa alarm clock na nasa bed side table.
   
    
    
Dapat nasa kabilang bed side table ito. Hindi naman ako yung papasok eh.
  
   
   
Pinatay ko nalang iyon at saka tumingin kay Z na napaka himbing ng tulog. Akmang tatapikin ko na siya para gisingin ng bigla ko napansin yung papel sa may bed side table na nasa side niya.
   
   
   
At dahil pakielamera ako...kinuha ko 'yon. It's a letter. Binasa ko ang nilalaman nito.
   
    
    
𝑀𝑎𝑔𝑙𝑢𝑡𝑜 𝑘𝑎 𝑛𝑔 𝑎𝑙𝑚𝑢𝑠𝑎𝑙 𝑘𝑜.
  
   
   
'Yon lang ang tanging nakalagay sa letter. Napatingin naman ako kay Z at saka tumingin ulit sa alarm clock. Alas tres pa lang ng madaling araw.
   
    
    
Kaya pala nag-alarm.
   
  
 
Bumangon ako at dumiretso sa kusina. Okay lang naman sa'kin na magluto ng umagahan, dahil pag pi-prito lang naman ang alam ko.
  
   
    
Kaso 'di ko alam kung anong gusto niya kainin. Sabi niya kasi kagabi ay ayaw niya raw ng hotdog. Luto kaya ako itlog? Kaso anong klaseng luto naman ang gagawin ko?
  
   
   
Aha! Alam ko na!
  
   
   
Kinuha ko yung delata na tuna sa may drawer. Binuksan ko iyon syempre. Niluto ko 'yon at saka nag lagay ng itlog sa parehas na kawali. Ako naman maghuhugas eh.
   
   
    
Ginawa ko iyong egg roll gaya ng mga nasa korea. Pagkatapos ko ay hiniwa ko lang ito sa maliliit na pieces. Nilagay ko sa ibabaw yung tuna. Sunod ko naman na inilagay yung kanin na flinat ko na hugis rectangle.
  
   
    
Pagkatapos ko ay inihain ko lang iyon sa may mesa. Gigisingin ko na kasi si kamahalan. Tsk. Pumasok ako sa kuwarto at tumambad sa'kin si Z na naka uniform na. Nang makita niya ako ay agad naman siyang lumabas.
  
   
   
Pumasok ako sa may walk-in closet at...ang kalat! Kalat-kalat ang mga damit. Mga nakabalandra sa kung saan.
   
   
    
Napabuntong hininga nalang ako. Wala akong magagawa. Kailangan kong linisin 'to. Pagkatapos ko maglinis ay kumuha na ako ng pamalit. Pumasok ako sa CR at ginawa ang morning routine ko na maghilamos, maglinis ng katawan, at mag toothbrush.
   
   
    
Pagkatapos ko ay lumabas na rin ako agad. Ano namang gagawin ko sa CR para magtagal pa, 'diba?
  
   
   
Dumiretso ako sa may dining table. Wala na roon si Z. Umupo ako at saka kumain, pero syempre nagdasal muna ako.
   
   
    
Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay may biglang nagsalita sa may likuran ko. "𝐌𝐚𝐠𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬 𝐤𝐚 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐲." Saad niya at saka kinuha yung tubig na para sa'kin naman talaga. Tinungga niya 'yon at nilapag ulit pagkatapos.
   
  
    
Tumango nalang ako bilang sagot. "𝐔𝐮𝐰𝐢 𝐚𝐤𝐨 𝐦𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐧𝐠𝐡𝐚𝐥𝐢, 𝐛𝐢𝐛𝐢𝐥𝐢 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐦𝐨." Saad niya. Agad ko namang inubos yung pagkaing nasa bibig ko.
   
   
    
"𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐛𝐚 𝐩𝐰𝐞𝐝𝐞𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐰𝐞𝐞𝐤𝐞𝐧𝐝 𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠? 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐤𝐨 𝐧𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐝𝐚𝐥𝐢." Saad ko pagkatapos malunok ang kinakain.
  
   
    
"𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢." Maikling sagot niya sa'kin. Lumakad siya palabas ng bahay. Narinig ko naman ang pagharurot ng kotse niya.
   
   
    
Tinapos ko na ang pagkain ko at saka naghugas. Pagkatapos ko maghugas ay nagvacuum naman ako sa mga kuwarto.
   
   
    
Hindi na ako gaano naglinis dahil nakapaglinis naman na ako kahapon. Ginugol ko nalang ang oras ko sa pag-aaral.
  
  
   
Kunwari masipag...
   
   
    
And yeah...sa sobrang sipag ko alas nwebe na ng umaga hindi pa ako nakakaligo. Sabi Z ay uuwi siya ngayong tanghali. Need ko mag-ayos. Dapat mabango ako kasi why not?
   
   
    
Naligo ako ng napaka tagal, ewan ko kung bakit basta trip ko lang magbabad sa may bathtub. Ang init kasi ng panahon---kasing hot ko...
   
    
     
Pagkatapos ko maligo ay nagdamit ako malamang. Charr! Wala naman akong ginawa pagkatapos maligo. Tumambay lang ako sa may sala at nanuod.
   
   
    
Pagdating ng alas onse ay dumating na si Z. Nagpalit muna siya ng damit at saka ako inaya papuntang somewhere. 'Di ko kasi alam if pupunta kami sa mall, sa National Bookstore, or sa kung saan para bumili ng school supplies.
   
   
    
Pinagpalit niya rin ako ng damit. Kala mo siya naglalaba. Hayss. Dami ko nanaman tuloy lalabhan.
   
   
    
Pagsakay ko sa kotse ay pinaharurot niya agad ito. Halatang trip na trip niya ang mabilis na pagpapatakbo. Laging gustong may thrill ang buhay niya. Habang ako ay halos masuka na sa biyahe.
   
   
   
Pagdating namin s pupuntahan ay agad siyang nag park. Alangan naman kasi ipaharurot niya itong kotse niya papasok, 'diba?
   
   
    
Pagkapasok namin sa mall ay agad kaming dumiretso sa may National Bookstore. Kumuha lang kami ng mga kailangan at umalis din agad.
   
   
   
Gusto ko sanang maglibot libot kaso baka magalit iting isa. Mahirap na. Malakas pa naman ang topak niya. Baka magalit nanaman sakin at bigla akong saktan.
  
   
    
Lakad lang siya ng lakad at sunod lang naman ako ng sunod. 'Di ko alam kung saan kami pupunta basta ang alam ko nasa loob pa rin kami ng mall.
   
   
    
"𝐒𝐚𝐚𝐧 𝐛𝐚 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐩𝐮𝐩𝐮𝐧𝐭𝐚?" Tanong ko sakaniya. Atat na atat na kasi akong umupo dahil ang sakit na ng paa ko. Ang bilis kasi niya maglakad. Kulang nalang ay tumakbo ako para lang makasabay sa lakad niya.
   
   
    
Ba't ba kasi ganito yung mga lalaki? Ang bilis bilis maglakad kala mo hinahabol sila ng tigre.
   
   
    
Hinintay ko siyang sumagot pero hindi siya kumikibo. Magsasalita pa sana ulit ako dahil baka hindi niya ako narinig, pero bigla siyang huminto sa paglalakad dahilan para mauntog ako sa likod niya.
   
   
    
Inis naman siyang humarap sa'kin at halatang ininda ang likod niya. "𝐒-𝐬𝐨𝐫𝐫𝐲, 𝐛𝐢𝐠𝐥𝐚 𝐤𝐚 𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐬𝐢 𝐭𝐮𝐦𝐢𝐠𝐢𝐥." Saad ko habang nakayuko. Wala naman na siyang sinabi at naglakad nalang ulit.
    
    
    
Sumunod nalang ako ulit sakaniya at hindi na nagtanong. Alam ko na kasi kung saan kami papunta. Nasa loob na kami ngayon ng isang Chinese restaurant. Umupo siya kaya umupo na rin ako.
    
    
    
Lumapit sa'min ang isang waiter at binigyan kami ng menu. Sinabi ni Z yung order niya at saka binalik yung menu at nag selpon. Hayss. 'Di manlang ako pinansin...
   
   
    
Sinabi ko nalang din yung order ko at binalik yung menu. Tinignan ko ang paligid at ang shala! Gaano ba kayaman ang isang 'to?
   
    
    
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na yung order namin. Nagsimula na kaming kumain---pero nagdasal muna ako.
   
    
    
Walang imikan at tanging ingay lang ng ibang tao na naririto sa restaurant ang maririnig. Natapos kaming kumain at umuwi rin agad. Babalik pa kasi siya sa school ataayusin ko naman yung nga gamit na pinamili namin.
   
   
    
Magdidilig pa ako hayss...
   
    
    
Pagkauwi ay ginawa ko na yung mga dapat kong gawin. Inayos ko yung mga gamit ko at itinabi na rin yung iba pang pinamili ni Z. Pagkatapos ko ay nag-aral naman ako. Mamayang hapon nalang ulit ako magdidilig.
    
    
     
Sa hindi ko maintindihan na dahilan ay nakatulog ako sa may sala. Siguro dahil sa puyat ako at ang aga pa nagising.
   
   
    
Nagising nalang ako dahil sa boses ni Z. "𝐁𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠𝐨𝐧 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐫𝐢𝐲𝐚𝐧. 𝐌𝐚𝐲 𝐛𝐢𝐬𝐢𝐭𝐚 𝐭𝐚𝐲𝐨." Bulong niya sa may tenga ko habang niyuyugyog ang balikat ko. Napabalikwas naman ako ng upo at agad na tinignan ang paligid.
   
    
    
Wala pa naman tao kaya dumiretso agad ako sa CR para mag-ayos. Pagkatapos ko ay lumabas din ako agad...na dapat pala hindi ko na ginawa.
   
   
    
Andito kasi sila Anna at si Dora pati na rin si Perlas ng Pilipinas. Hayss. Ba't ba andito 'to? Kairita ah! Ang pangit ng gising ko. Tsk.
   
    
    
"𝐒𝐨 𝐲𝐨𝐮'𝐫𝐞 𝐙𝐚𝐲'𝐬 𝐦𝐚𝐢𝐝? 𝐊𝐚𝐲𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐥𝐚 𝐠𝐚𝐧𝐢𝐲𝐚𝐧 𝐢𝐭𝐬𝐮𝐫𝐚 𝐦𝐨 𝐇𝐀𝐇𝐀𝐇𝐀𝐇𝐀! 𝐁𝐚𝐠𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐠𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐦𝐮𝐤𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐬𝐮𝐫𝐚 𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐮𝐤𝐡𝐚!" Saad niya habang natatawa. Inirapan ko nalang siya. Ayaw ko siyang gantihan.
   
   
    
She's not worth it.
   
   
    
Mukhang nainis naman siya dahil bigla siyang tumayo at lumapit sa'kin. Asar! Blehh! "𝐀𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐦𝐚𝐥𝐝𝐢𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐤𝐨! 𝐀𝐥𝐚𝐦 𝐦𝐨 𝐛𝐚 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐲𝐚 𝐤𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐚𝐥𝐢𝐬𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐮𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲? 𝐀𝐭 𝐩𝐚𝐭𝐢 𝐧𝐚 𝐫𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐲 𝐧𝐚 '𝐭𝐨!?" Saad niya habang dinuduro duro ako.
   
   
    
"𝐓𝐚𝐦𝐚 𝐧𝐚!" Saad ni Z at saka hinawakan si Anna sa balikat para pabalikin sa inuupuan niya. "𝐈𝐤𝐚𝐰 𝐧𝐚 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚. 𝐌𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐥𝐢𝐭 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐤𝐨 𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐚𝐲 𝐚𝐚𝐥𝐢𝐬 𝐝𝐢𝐧 𝐤𝐚𝐦𝐢." Saad niya pagkaharap sa'kin at saka umalis.
   
   
    
Buti naman at aalis na sila, pero mukhang bago mangyari 'yon ay kailangan ko munang magdusa. "𝐇𝐞𝐲! 𝐈𝐤𝐚𝐰 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐛𝐚𝐞𝐧𝐠 𝐦𝐮𝐤𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐚𝐧!" Napatingin naman ako sa nagsalita. Tsk. Si Dora...
    
    
     
"𝐊𝐮𝐡𝐚𝐚𝐧 𝐦𝐨 𝐧𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐦𝐢 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐧 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐢𝐢𝐧𝐨𝐦!" Utos sa'kin ni Dora.

"𝐘𝐞𝐚𝐡, 𝐤𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐚 𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐦𝐨 𝐦𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐲𝐮𝐧𝐠 𝐭𝐫𝐚𝐛𝐚𝐡𝐨 𝐦𝐨." Irap na saad naman ni Perlas ng Pilipinas.

"𝐓𝐚𝐦𝐚 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐤𝐚𝐭𝐮𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠𝐚 𝐦𝐨 𝐫𝐢𝐲𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐛𝐢𝐠𝐲𝐚𝐧 𝐦𝐨 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐦𝐢 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐧." Gatong pa ni Anna.
    
    
    
"𝐅𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐨𝐟 𝐚𝐥𝐥, 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐚𝐤𝐨 𝐤𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐮𝐭𝐮𝐬𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐨! 𝐒𝐞𝐜𝐨𝐧𝐝, 𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐤𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐭 𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐰𝐢𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐨 𝐚𝐲 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐨 𝐫𝐢𝐧 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐤𝐚𝐲𝐨 𝐬𝐮𝐬𝐮𝐧𝐝𝐢𝐧! 𝐀𝐧𝐝 𝐥𝐚𝐬𝐭---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang magsalita si Z sa likod ko.
    
   
    
"𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐦𝐨 𝐠𝐚𝐰𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐮𝐮𝐭𝐨𝐬 𝐧𝐢𝐥𝐚? '𝐃𝐢𝐛𝐚'𝐭 𝐦𝐚𝐲 𝐮𝐬𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐧𝐚 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐮𝐭𝐨𝐬 𝐤𝐨?"

"𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐢𝐤𝐚𝐰 𝐬𝐢𝐥𝐚! 𝐁𝐚'𝐭 𝐤𝐨 𝐬𝐢𝐥𝐚 𝐬𝐮𝐬𝐮𝐧𝐝𝐢𝐧?"

"𝐁𝐞𝐜𝐚𝐮𝐬𝐞 𝐈 𝐬𝐚𝐢𝐝 𝐬𝐨? 𝐒𝐮𝐧𝐝𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐮𝐭𝐨𝐬 𝐧𝐢𝐥𝐚." Maotoridad na saad niya at saka umupo sa tabi ni Anna. Napasinghap nalang ako dahil sa galit.
   
    
    
Ginawa ko ang sinabi nila at padanod na nilapag sa mesa ang pagkain. Sorry po Lord... Nababastos ko na tuloy ang pagkain dahil lang sa inis ko sa kanila. Hayss.
    
    
    
Umupo ako sa isa pa sa mga upuan dito sa sala. Nanonood lang ako sa mga ginagawa nila habang nag-aaral. Kaso mukhang nananadya talaga itong tatlo na 'to. Napaka kalat kumain!
   
   
    
Palibhasa alam nila na ako lang din naman ang maglilinis at alam nilang hindi ako pwedeng tumanggi dahil magagalit si Z.
   
    
    
"𝐀𝐲! 𝐇𝐚𝐥𝐚! 𝐀𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐚𝐭! 𝐏𝐚𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬 𝐧𝐠𝐚..." Saad ni Anna habang naka-smirk. Hayss. Wala naman akong nagawa kaya nilinis ko rin yung mga kalat nila. Kaso hindi pa ako tapos pero may kalat nanaman agad. Tinignan ko naman sila ng masama pero nagpatuloy lang sila sa pagkukwentuhan.
    
    
    
Naglinis nalang ako ng naglinis hanggang sa matapos silang kumain. Sumakit pa ang likod ko dahil nakayuko lang ako sa may paanan nila kakapunas ng mga pinagkalatan nila.
    
    
     
"𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐚𝐤𝐨 𝐮𝐮𝐰𝐢 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐛𝐢." Saad ni Z habang hawak sa bewang si Anna. Nasa likod naman nila yung dalawa. Si Anna naman ay todo sa pagpulupot kay Z. Tumango nalang ako at saka sinundan sila palabas. Ila-lock ko pa kasi yung gate.
    
    
    
Mahirap na. Baka makapasok kasi ang ahas---este magnanakaw pala.
   
   
     
Pagkatapos ko i-lock yung gate ay dumiretso agad ako s amay garden. Nagdilig lang ako saglit dahil nawalan na'ko ng gana para tumambay pa roon.
    
    
    
Wala naman na akong ginawa pagkaalis nila. Nag-aral nalang ulit ako at naghapunan. Nag-iwan naman ng pagkain si Z bago umalis. Pagkatapos ay naglinis lang ako ng katawan, nag hilamos, nag toothbrush at saka natulog.
    
    
    
Hayss. Bakit ganito? Bakit ganito yung nararamdaman ko? Alam kong hindi 'to pwede. Alam ko namang mali ehh... Pero bakit nararamdaman ko pa rin?
   
    
     
------------------------------------------------------------------------
   
   
   
. If you like it then vote it! Thank yaurr🥰

AdoptionWhere stories live. Discover now