CHAPTER 12

46 3 0
                                    

𝗢𝗶𝗻𝗮𝘇𝗲'𝘀 𝗽𝗼𝘃:

Uwian na ngayon. Kasama ko si Z at pauwi na kami. Hindi ko masyadong nakausap ngayon sila Feira. Sa sobrang sama kasi ng pakiramdam ko ay nawalan na'ko ng gana magsalita.
   
    
      
Hindi ko na tuloy natanong si Feira kung ayos lang ba siya, at kung bakit hindi siya pumasok. Siguro sa susunod nalang.
   
    
     
Napatingin ako sa labas ng bintana dahil sa biglang pagliko ni Z. Hindi na kasi papunta sa bahay ang dinadaanan namin.
   
    
     
Agad akong humarap kay Z. "𝐒𝐚𝐚𝐧 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐩𝐮𝐩𝐮𝐧𝐭𝐚?" Pilit na tanong ko. Hanggang ngayon kasi ay masakit pa rin ang lalamunan ko. Inubo na'ko ng tuluyan kanina. Dahil siguro 'to sa hindi ko pagpapalit ng damit kagabi.
   
    
    
Nilalagnat na rin ako. Sumama ang pakiramdam ko matapos maglaba kagabi. Sino ba naman kasing hindi magkakasakit eh sa lakas ng hangin kagabi ay natuyo na 'yung damit kong nabasa habang naglalaba ako.
   
   
     
"𝐒𝐡𝐮𝐭 𝐮𝐩. 𝐈 𝐝𝐨𝐧'𝐭 𝐰𝐚𝐧𝐭 𝐭𝐨 𝐡𝐞𝐚𝐫 𝐚𝐧𝐲𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠. 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐡𝐢𝐦𝐢𝐤 𝐤𝐚 𝐫𝐢𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐚 𝐦𝐚𝐬𝐚𝐤𝐭𝐚𝐧." Saad niya habang patuloy sa pag da-drive. Hindi nalang ako ulit kumibo.
    
    
     
Hindi na kakayanin ng katawan ko 'kung mapagbubuhatan niya pa'ko ng kamay ngayon. Baka tuluyan ng bumigay ang katawan ko.
   
    
    
Huminto ang kotse ni Z sa tapat ng isang bar. Taka akong tumingin kay Z. Lumabas siya ng kotse. Mukhang hindi niya 'ko napansin dahil sa tuloy tuloy niyang pagpasok sa loob.
   
    
    
Kahit masakit pa ang katawan ko dahil sa pagkakabagsak ko kagabi ay pinilit kong makahabol sa kaniya. Tumakbo ako para lang mahabol siya.
   
    
    
Dirediretso siyang pumasok at hindi na'ko hinintay. Nakakapagtaka lang dahil wala manlang guards na pumigil sa'min. Naka-uniform pa kami. Hindi ba't bawal ang minors sa bar?
   
    
    
Bakit wala manlang humarang? Tsk. Umupo si Z sa isa sa mga stool malapit sa may bar counter at may kung ano siyang sinabi sa may bartender.
   
    
    
Tumango lang 'yung lalaki at kumuha ng wine at nilagay 'yon sa isang maliit na baso. Binigay niya 'yon kay Z. Agad namang tinungga ni Z yung baso.
   
     
      
Ibinaba niya 'yung baso. Kinuha ulit 'yon nung bartender at nagsalin. Akmang iinom na ulit si Z ng pigilan ko siya. Lumapit ako sa kaniya. May nakabungguan pa'ko dahil sa pagmamadali.
   
    
     
Hindi ko na tinignan kung sino 'yon. Nag 'sorry' na lang ako ng hindi siya tinitignan at pinagpatuloy ang paglalakad papunta kay Z.
   
    
     
"𝐔𝐦𝐮𝐰𝐢 𝐧𝐚 𝐭𝐚𝐲𝐨." Paos kong sabi at hinawakan siya sa kamay.
    
     
      
Dinanggil niya lang ang kamay ko at pinagpatuloy ang pagtungga. Ibinaba niya ulit 'yon at nilagyan naman ulit 'yon ng bartender. "𝐙, 𝐭𝐚𝐫𝐚 𝐧𝐚." Saad ko habang nakahawak sa braso niya at bahagya siyang niyugyog.
    
     
     
"𝐀𝐧𝐨 𝐛𝐚?! 𝐔𝐦𝐮𝐰𝐢 𝐤𝐚 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐠𝐮𝐬𝐭𝐨 𝐦𝐨!" Sigaw niya sa'kin kaya napayuko ako. Pinagtinginan kasi kami ng ibang taong naririto.
   
   
    
Wala akong ibang nagawa kundi ang umupo sa tabi niya. "𝐌𝐚'𝐚𝐦?" Pagtawag sa'kin nung bartender habang inaalok ang basong may laman. Umiling ako sa kaniya bilang pagtanggi.
    
    
      
Umubob ako sa may bar counter. Papikit na kasi ang talukap ng mata ko. Kulang pa'ko sa tulog. Gusto kong magpahinga pero pa'no ko gagawin 'yon kung ayaw umuwi ni Z?
    
    
     
Hindi naman ako pwedeng mag commute. Sapat lang ang binibigay na pera sa'kin ni Z para sa pagkain. At saka hindi rin ako maalam mag commute.
   
   
    
Wala naman sigurong masama kung tutulog ako rito? Andito lang naman si Z sa tabi ko. At saka mababaw lang ang tulog ko lalo na kapag hindi nakahiga.
   
    
     
Ipinikit ko ang mga mata ko. Natulog ako ng hindi pinapansin ang maingay na paligid dahil sa mga nagsasayawan. Meron pa ngang sumisigaw eh. Rinig ko naman ang paligid kaya alam kong walang mangyayaring masama sa'kin.
   
    
     
Nagising ako dahil sa pagsakit ng likod ko. Ang hirap pala matulog ng nakaupo. Tsk. Tinignan ko si Z at nag-iinom pa rin siya. Tinignan ko naman ang relo niya na nasa akin pa rin.
   
   
    
Halos ilang oras na kami rito ni Z. Patuloy pa rin siya sa pag-inom. Hindi rin halatang lasing siya kahit kanina pa siya tungga ng tungga.
   
   
   
"𝐙, 𝐮𝐰𝐢 𝐧𝐚 𝐭𝐚𝐲𝐨. 𝐏𝐥𝐞𝐚𝐬𝐞?" Halos nagmamakaawa na ang boses ko. Hindi ko na kasi kaya. Gusto ng bumigay ng talukap ng mata ko. Inaantok pa'ko. Sumasakit na rin ang ulo ko.
  
   
   
Lumalala na rin ang lagnat ko at parang anytime ay makakatulog na talaga ako. Ang bigat kasi sa pakiramdam. Idagdag pang ang baho ng paligid. Tsk.
   
    
     
Tinignan niya lang ako. Seryosong seryoso at walang bahid ng emosyon ang makikita sa mata niya. May binigay siyang card doon sa bartender. Swinipe naman 'yon nung bartender at ibinalik kay Z.
   
   
    
Tumayo siya at hinawakan ako sa pulupulsuhan. Pumunta kami sa kung saan. Akala ko ay aalis na kami pero bigla siyang lumiko sa isang hallway. Puro pinto lang ang nakikita ko.
  
   
     
Naramdaman ko naman ang pagsakit ng puson ko kaya napahawak ako roon. Mas lalo ring sumakit ang ulo ko. Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Z sa'kin. Hindi niya naman 'yon pinansin.
  
   
    
Hinawakan ko ang ulo ko at pinikit ang mata ko. Pagkamulat ko ng mata ko ay may kausap na si Z na babae. May sinabi siya roon pero hindi ko marinig.
  
   
    
Bigla kasing may nag ring sa tenga ko. Napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa ulo at lumipat 'yon sa tenga. Unti-unti ring nag blurred ang paligid.
  
   
   
Naramdaman ko ang paghawak sa'kin ng kung sino. Umayos lang ang paningin ko ng makapasok na kami sa kuwarto. Lumayo ako sa kaniya at taka siya tinignan.
  
   
    
"𝐍-𝐧𝐢𝐜𝐨𝐥𝐚𝐬?" Saad ko. Nahirapan akong magsalita dahil sa kapausan ko. Ngumiti siya sa'kin.
   
   
    
"𝐖𝐡𝐚𝐭 𝐚𝐫𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐝𝐨𝐢𝐧𝐠 𝐡𝐞𝐫𝐞? 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐚 𝐩𝐞-𝐩𝐰𝐞𝐝𝐞 𝐫𝐢𝐭𝐨. 𝐍𝐚𝐠-𝐢𝐧𝐨𝐦 𝐤𝐚 𝐛𝐚? 𝐁𝐚𝐤𝐚 𝐥𝐮𝐦𝐚𝐥𝐚 '𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐦𝐨." Alalang tanong niya sa'kin. Umiling ako sa kaniya. Nahihirapan akong magpaliwanag sa kaniya dahil sa sakit ng lalamunan ko.
    
    
     
"𝐊-𝐤𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐤𝐨...𝐬𝐢 𝐙... 𝐇𝐢𝐧...𝐝𝐢...𝐚𝐤𝐨 𝐧𝐚𝐠-𝐢𝐧𝐨𝐦..." Paos kong sabi. Hinawakan niya ako sa nuo. Sunod naman ay sa may leeg.
   
    
     
"𝐌𝐚𝐠𝐩𝐚𝐡𝐢𝐧𝐠𝐚 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐫𝐢𝐭𝐨." Saad niya habang inaalalayan akong makarating sa kama. Nagpatiaya nalang ako. Umupo ako sa kama at tinignan siya.
  
   
    
"𝐔𝐦𝐢𝐧𝐨𝐦 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐛𝐚 𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐦𝐨𝐭?" Tanong niya. Umiling ako bilang sagot. Hindi ako uminom ng gamot kaninang umaga dahil hindi pa naman gan'to kalala ang sakit ko. Hindi ko nga rin alam na may sinat na pala ako kanina. Ang alam ko lang ay masama ang pakiramdam ko.
   
    
    
Huminga siya ng malalim. "𝐃𝐢𝐭𝐨 𝐤𝐚 𝐥𝐚𝐧𝐠. 𝐊𝐮𝐤𝐮𝐡𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐦𝐨𝐭, 𝐨𝐤𝐚𝐲?" Saad niya. Tinanguan ko lang siya. "𝐌𝐚𝐡𝐢𝐠𝐚 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐚𝐡𝐢𝐧𝐠𝐚." Saad niya at inalalayan akong humiga. Kinumutan niya ako bago naglakad paalis.
     
    
     
Pagbukas niya ng pinto ay napatigil siya. Hindi ko alam kung bakit dahil hindi ko nakikita kung ano o sino ang nasa kabilang bahagi ng pinto.
    
     
    
Tanging ang sunod na pangyayari nalang ang nakita ko. May sumuntok kay Nicolas dahilan para mapaupo siya. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Humawak ako sa mga pwedeng hawakan para lang makalakad papunta sa kaniya.
    
    
     
Tumingin siya sa'kin ng may halong pag-aalala. Hindi ko alam kung nag-aalala siya para sa sarili niya o para sa'kin. Pero kung ano man 'yon ay wala na'kong pake.
    
     
      
Tinulungan ko siyang makatayo kahit ako mismo ay hindi kayang tumayo. Nang makatayo siya ng maayos ay ako naman ang inalalayan niya.
    
    
   
Napatingin ako sa pinto. Andoon si Z... Galit na galit ang tingin at parang ano mang oras ay sasabog na siya.
   
   
      
Alam kong lasing na siya. Mag-inom ba naman ng ilang oras eh. Ang hindi ko alam ay ang kung anong pwede niyang gawin sa'kin. Kaya kong lumaban sa kaniya mapasalita man o pisikalan.
  
  
   
Kaso parang hindi ko kakayaning lumaban sa kaniya sa ganitong kundisyon. Nanghihina ang katawan ko. Medyo nag ba-blurred pa rin ang paningin ko.
   
   
    
Sumasakit ang ulo ko na sinasabayan pa ng ubo ko. Para na rin akong sisipunin. Ilang sandali pa at lumapit siya sa'kin. Hindi ako nakagalaw agad sa kinatatayuan ko dahil sa pag ba-blurred ng paningin ko.
  
   
     
Itinulak niya ako dahilan para matumba ako. Buti nalang at kama ang nasa likuran ko. Kaso hindi kasing lambot ng kama na 'to ang mga kama sa bahay ni Z.
  
   
    
Ang sakit ng pagkakatama ko. Dagdag pasakit pa yata 'to sa katawan. Tsk.
  
   
    
Ininda ko ang likod ko na unang tumama. Umupo ako pero hindi pa'ko nakakaayos ng upo ng bigla nalang akong sampalin ni Z. Napahawak ako sa pingi kong sinampal niya.
  
   
   
Inis ko siyang tinignan. "𝐀𝐧𝐨 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐛𝐥𝐞𝐦𝐚 𝐦𝐨?!" Sigaw ko sa kaniya kahit paos na paos na'ko. Hinawakan niya ako sa panga kaya nabitawan ko ang pisngi ko.
  
   
   
"𝐏𝐫𝐨𝐛𝐥𝐞𝐦𝐚 𝐤𝐨? 𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢! 𝐀𝐭 𝐢𝐬𝐚 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐫𝐨'𝐧!" Saad niya habang dinuduro duro ako. "𝐃𝐮𝐦𝐚𝐦𝐢 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐛𝐥𝐞𝐦𝐚 𝐤𝐨 𝐬𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐝𝐮𝐦𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚!" Diniinan niya ang hawak sa panga ko.
   
   
     
"𝐌𝐚𝐬 𝐥𝐚𝐥𝐨 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠𝐤𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐥𝐞𝐭𝐬𝐞 𝐥𝐞𝐭𝐬𝐞 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐤𝐨 𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐬𝐚𝐲𝐨!" Dagdag niya pa. Dinuro niya ulit ako at diniinan ang pagkakaturo sa nuo ko. Napayuko ako dahil sa ginawa niya.
  
  
   
Ang sakit. Ang sakit sa katawan. Ang sakit sa pakiramdam. Hindi ko alam kung bakit siya gan'to. Wala naman akong ginawang masama sa kaniya. "𝐖𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐥𝐚𝐧𝐚𝐧..." Bulong ko.
  
   
    
Kusa nalang tumulo ang luha ko. Pumatak ang mga 'yon sa kamay niyang nakahawak pa rin sa panga ko. Inangat niya ang ulo ko. Umiwas naman ako ng tingin sa kaniya.
  
  
    
"𝐈𝐭'𝐬 𝐚𝐥𝐥 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐟𝐚𝐮𝐥𝐭." Mariin niyang sabi. Tumingin ako sa kaniya pero sampal niya ang bumungad sa'kin. Tiningala niya ako sa pamamagitan ng pagsabunot sa'kin.
   
     
     
Sobrang higpit niya humawak. Naiiyak na'ko dahil sa sakit. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa panga ko at hinawakan ako sa siko ng sobrang higpit. Sa sobrang higpit non ay halos mabalian na'ko.
   
    
    
"𝐙𝐚𝐲, 𝐭𝐚𝐦𝐚 𝐧𝐚!" Awat sa kaniya ni Nicolas. Hindi nagpatinag si Z kundi mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak sa siko ko at pagkakasabunot sa'kin.
    
    
     
Napasigaw nalang ako ng dahil sa ginawa niya. Pilit tinanggal ni Nicolas ang pagkakahawak sa'kin ni Z. Kusa naman akong binitawan ni Z, padabog nga lang. Napahiga ako sa kama.
    
   
    
Lumabas siya ng kuwarto. Inalalayan naman ako ni Nicolas na makaupo. Kaso namilipit ako dahil sa sakit ng puson ko. "𝐀-𝐚𝐫𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐨𝐤𝐚𝐲? 𝐆𝐮𝐬𝐭𝐨 𝐦𝐨 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐥𝐡𝐢𝐧 𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐨𝐬𝐩𝐢𝐭𝐚𝐥?" Halata sa boses niya ang pagkataranta.
   
    
    
"𝐖-𝐰𝐚𝐠 𝐧𝐚...𝐦𝐚𝐬𝐚...𝐤𝐢𝐭...𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐬𝐨𝐧...𝐤𝐨..." Paos ang boses kong pagpapaliwanag. Tumango tango siya at inalalayan ulit ako.
   
   
   
"𝐀𝐬𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐬𝐢...𝐙?" Tanong ko sa kaniya. Tinignan niya muna ako bago sumagot.
   
   
    
"𝐏𝐚𝐧𝐢𝐠𝐮𝐫𝐚𝐝𝐨𝐧𝐠 𝐮𝐦𝐚𝐥𝐢𝐬 𝐧𝐚 '𝐲𝐨𝐧. 𝐈𝐡𝐚𝐡𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐧𝐚 𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐧𝐲𝐨." Saad niya habang patuloy pa rin sa pag-alalay sa'kin. Lumabas kami ng kuwarto. Sinara niya 'yon at may tinawag na babae.
   
    
    
Tumango lang naman 'yung babae sa kaniya. "𝐖-𝐰𝐚𝐠 𝐦𝐨 𝐧𝐚'𝐤𝐨 𝐢𝐡𝐚𝐭𝐢𝐝." Saad ko. Taka niya naman akong tinignan.
   
    
    
"𝐊𝐚𝐲𝐚 𝐦𝐨 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐮𝐦𝐮𝐰𝐢 𝐦𝐚𝐠-𝐢𝐬𝐚?" Alalang tanong niya. Umiling naman ako.
   
    
    
"𝐃𝐚𝐥𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨...𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐤𝐨 𝐤𝐚𝐲 𝐙." Sagot ko sa kaniya. Bumuntong hininga siya at inalalayan akong maglakad.
   
    
    
"𝐈 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐭𝐚𝐤𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐭𝐨 𝐙. 𝐁𝐮𝐭 𝐢𝐟 𝐡𝐞'𝐬 𝐧𝐨𝐭 𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐚𝐥𝐫𝐞𝐚𝐝𝐲, 𝐚𝐤𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐬𝐚'𝐲𝐨, 𝐨𝐤𝐚𝐲?" Saad niya na tinanguan ko nalang. Pumunta kami roon sa may bar counter pero hindi namin nakita si Z.
   
    
     
Tinignan din namin ang mga taong nagsasayawan pero wala rin si Z doon. Tinignan ko naman ang buong paligid pero hindi ko pa rin makita si Z.
   
   
    
"𝐋𝐞𝐭'𝐬 𝐜𝐡𝐞𝐜𝐤 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐚𝐫𝐤𝐢𝐧𝐠." Saad niya at hinawakan ako sa kamay. Pumunta kami sa parking pero hindi namin nakita ang kotse ni Z.
    
    
    
Dirediretso siyang naglakad sa isang kotse na sa tingin ko ay sa kaniya. "𝐀𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐬𝐚'𝐲𝐨." Saad niya at binuksan ang pinto sa may passenger seat.
    
    
     
Pumasok ako roon. Wala na'kong choice kundi ang magpahatid sa kaniya. Nagdidilim na ang langit at kailangan ko na talagang makauwi. Mukhang uulan na rin dahil sa ang ulap masyado ng langit.
   
   
     
"𝐒𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐥𝐚 𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐢𝐡𝐚𝐡𝐚𝐭𝐢𝐝?" Tanong niya sa'kin habang binubuksan ang makina ng sasakyan.
   
   
    
"𝐊𝐚𝐲 𝐙." Sagot ko. Taka niya naman akong tinignan. "𝐒𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐲𝐚 𝐚𝐤𝐨 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐭𝐢𝐫𝐚." Dagdag ko pa. Mas lalo naman siyang nagtaka.
   
   
   
"𝐖𝐡𝐚𝐭 𝐝𝐨 𝐲𝐨𝐮---𝐨𝐡! 𝐈 𝐫𝐞𝐦𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫. 𝐎𝐤𝐚𝐲." Saad niya at nag-umpisa ng magmaneho. Alam niya bang inampon ako ni Z? Hayss. Whatever.
   
   
   
"𝐌𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐠 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐫𝐢𝐲𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐡𝐢𝐧𝐠𝐚 𝐤𝐚 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐭 𝐬𝐚𝐠𝐥𝐢𝐭." Saad niya. Isinandal ko ang ulo ko sa may bintana at pumikit.
  
   
    
Hindi pa nakaka isang oras ng makarating kami sa bahay ni Z. Ginising ako ni Nicolas at pinagbuksan ng pinto. Siya na ang nag doorbell.
   
   
    
Ilang minuto ang lumipas at nagbukas na ang gate, wala namang tao. Pumasok kami ni Nicolas. "𝐒𝐢𝐠𝐞 𝐧𝐚. 𝐇𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐢𝐭𝐨 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐩𝐰𝐞𝐝𝐞 𝐢𝐡𝐚𝐭𝐢𝐝. 𝐏𝐮𝐦𝐚𝐬𝐨𝐤 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐚𝐭 𝐛𝐚𝐤𝐚 𝐦𝐚𝐮𝐥𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐤𝐚 𝐩𝐚." Saad niya at umalis.
   
   
    
Hinintay ko muna siyang makapasok sa kotse niya at makaalis bago humarap sa may pinto. Kakatok pa lang sana ako pero nagbukas na 'yon agad.
   
    
    
Tumambad sa'kin si Z na seryosong seryoso nanaman ang mukha. Yumuko ako at akmang hahakbang na para pumasok sa loob pero agad niyang sinara ang pinto.
  
   
    
Napataas ang tingin ko roon. "𝐒𝐭𝐚𝐲 𝐨𝐮𝐭𝐬𝐢𝐝𝐞. 𝐃𝐢𝐲𝐚𝐧 𝐤𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐠𝐚𝐲." Dinig kong sabi niya mula sa kabilang side. Agad kong triny na pihitin ang doorknob pero naka-lock na 'yon.
   
   
    
"𝐙, 𝐚𝐧𝐨 𝐛𝐚?! 𝐏𝐚𝐩𝐚𝐬𝐮𝐤𝐢𝐧 𝐦𝐨'𝐤𝐨!" Sigaw ko at hindi na ininda ang sakit ng lalamunan ko. Kinalampag ko rin ang pinto pero hindi niya ako pinagbuksan.
   
   
    
"𝐙 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧! 𝐀𝐧𝐨 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐢𝐧𝐚𝐰𝐚 𝐤𝐨 𝐬𝐚'𝐲𝐨 𝐚𝐭 𝐠𝐚𝐥𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐠𝐚𝐥𝐢𝐭 𝐤𝐚?" Mahinang saad ko. Nag-umpisang tumulo ang luha ko at kasabay non ang pag-ambon.
   
    
    
Napatingin ako sa langit na sobrang dilim na. Pinakiramdaman ko ang pagpatak ng tubig at habang tumatagal ay lumalakas 'yon.
   
    
    
Muli kong kinalampag ang pinto, nagbabakasakaling pagbubuksan niya 'ko. "𝐙!!" Pagtawag ko sa pangalan niya. Wala akong narinig na pagsagot.
   
   
    
Mas lalong lumakas ang ulan. Wala akong naging choice kundi pumunta sa may garden set dahil merong pwedeng silungan doon.
    
    
    
Umupo ako roon at niyakap ang sarili. Sobrang lamig kasi. Ang lakas ng hangin. Idagdag pang manipis lang ang tela ng uniform namin.
  
   
     
Sa hindi maintindihang bagay, bigla akong napaiyak. Naghahalo halo ang nararamdaman ko. Sakit sa ulo. Sakit sa puson. Sakit sa lalamunan. At sakit sa damdamin.
   
    
    
Nalulungkot ako dahil sa ginagawa sa'kin ni Z. Para kasing ako ang sinisisi niya sa mga nangyayaring masama sa kaniya kahit wala naman talaga akong kasalanan doon.
    
    
     
Nagagalit din ako pero bakit parang hindi ko magawang magalit sa kaniya? Bakit? Bakit ganito? Bakit gan'to 'yung nararamdaman ko?
   
   
     
Bakit kailangan kong maghirap? Ano bang nagawa kong mali? Ano ba kasing ginawa ko sa kaniya?
   
   
    
"𝐌𝐨𝐦...𝐃𝐚𝐝..." Bulong ko sa hangin at tuluyan ng napapikit.
   
    
     
     
       

------------------------------------------------------------------------

A/N: Ang lakas nanaman ng topak ni Z. Hayss.
  
   
    
If you like it then vote it! Thank yaurr🥰

AdoptionWhere stories live. Discover now