CHAPTER 8

71 6 0
                                    

𝗢𝗶𝗻𝗮𝘇𝗲'𝘀 𝗽𝗼𝘃:

Nagising ako ng pawisan. Ganoon din si Z. Para kaming hinabol ng tigre sa pagtulog dahil sa mga itsura namin. Ang lala ng itsura namin!!



Pero ang mas malala ay 'yung bumungad sa'min. Pagmulat pa lang kasi ng mata ko ay si Annang bruha agad ang bumungad sa'kin.



Akala ko pa ay binabangungot ako kaya kinurot kurot ko pa ang sarili para lang magisng ako pero hindi! Hindi ako nagising!



Mas okay pa yatang bangungot nalang 'to kesa makasama ko siya ngayong araw. Sabi kasi sa'kin ni Z ay dito daw mag s-stay 'tong bruhitang 'to ngayong araw.



Malas! Mas maayos pa kung si Duke nalang. Tsk.



Nasa sala kami ngayong dalawa ng bruhitang si Anna. Nasa kusina naman si Z at naghahanda na ng almusal. Minsan ay nagkakatitigan kami ni Anna pero iirapan niya lang ako.



Hindi naman ako makaganti dahil baka malintikan lang ako kay Z. Hayss. "𝐓𝐚𝐫𝐚 𝐧𝐚. 𝐊𝐮𝐦𝐚𝐢𝐧 𝐧𝐚 𝐭𝐚𝐲𝐨." Saad ni Z habang nilalagay 'yung mga pagkain sa mesa.



Tumayo ako at ganoon din si Anna bruha. Sabay kaming naglakad pero nagpauna siya at binangga pa ako. Gagantihan ko na sana siya ng sapok pero napansin kong nakatingin sa'kin si Z.



Ibinaba ko naman ang kamay kong nakaamba na para sapukin si Anna. 'Yung bruhita naman ay walang pake at umupo lang. Umupo rin si Z sa kanan niya.



Uupo na sana ako sa may bandang harapan ni Z pero hinawakan niya ako sa pulupulsuhan at nag sign na umupo sa tabi niya. Iiling na sana ako pero pinanadilatan ako ng mata ng loko.



Tumabi nalang ako sa kaniya. Nag dasal muna ako bago kumain. Pagkatapos kumain ay naghugas agad ako.



Bakit gano'n? Iba pakiramdam ko ngayon. Para akong magkakasakit eh. Feel ko hindi maganda pakiramdam ko. O baka namna dahil lang 'yon sa kasama ko rito sa bahay?



Grabe kasi maglandian 'yung dalawa. Sa harap ko pa talaga ahh. Kainis! At mukhang lalo pang lalala dahil monday na bukas! 'Di pa ako ready pumasok! Ayo'ko pa mag testtt!



Sakit na nga sa ulo itong dalawa eh ano pa kaya 'yung test, 'diba? Kairita! Sakit sa eyes! Tsk. Tumayo ako dahil tapos naman na 'yung dishwasher. Nilagay ko na kung saan dapat nakalagay 'yung nga plato at baso.



Pagkatapos ko ay napag-isipan ko na mag-aral nalang since 'yun naman talaga 'yung plano ko simula pa noong sabado. Bago pa'ko makarating sa may hallway papunta sa kuwarto ay tinawag na'ko agad ni Z.



Punye--- BAWAL MAGMURA! Bad 'yon!



Sheyy! 'Wag niya lang talaga ako uutusan. Nababadtrip ako ahhh! Kainis! Nilingon ko siya. "𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭?" Walang emosyong tanong ko. Ewan ko ba kung bakit ganito nararamdaman ko.



May kung ano sa sarili ko ang naiinis. Naiinis sa kanilang dalawa. "𝐀𝐲𝐮𝐬𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐦𝐠𝐚 𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐦𝐨 𝐫𝐢𝐲𝐚𝐧. 𝐏𝐚𝐩𝐚𝐬𝐨𝐤 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬." Saad niya. Nag nod lang naman ako at nag-umpisa ng maglakad pero napatigil ako dahil nagsalita nanaman siya.



"𝐍𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐥𝐚, 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐠𝐮𝐞𝐬𝐭 𝐫𝐨𝐨𝐦 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐥𝐨𝐠 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐧𝐨𝐰 𝐨𝐧. 𝐈𝐥𝐢𝐩𝐚𝐭 𝐦𝐨 𝐧𝐚 𝐫𝐢𝐧 '𝐲𝐮𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐦𝐨 𝐫𝐨𝐨𝐧." Dagdag niya pa. Walang reaksyon akong tumingin sa kaniya pero nagkasalubong ang tingin namin ni Anna.



Nakangisi lang siya sa'kin samantalang ako ay naka poker face lang. Tipid na tango lang ang binigay ko kay Z. Naglakad na ulit ako at sa pagkakataon na 'to ay malalaki na ang hakbang ko.



Baka kasi magsalita nanaman si Z. Maiinis lang ako. Tsk. Badtrip talaga. Hayss. Bago ako nag-ayos ng gamit ay nag cr muna ako. Iba na kasi pakiramdam ko. Iba na rin kasi ang sinasabi ng instinct ko sa'kin.



At doon ko na nga nalaman ang dahilan ng pagka badtrip ko. Meron akooo! Kairita! Ngayon pa talaga!



Nakabusangot akong nag-ayos ng mga gamit. Dinala ko lahat ng 'yon sa isa sa mga guest room. Pinagsabay sabay ko pa ang hawak dahil ayo'ko maglakad. Andami kasing nalabas.



"𝐈𝐬𝐚 𝐢𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐧𝐠𝐚! 𝐏𝐰𝐞𝐝𝐞 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐛𝐚𝐥𝐢𝐤𝐚𝐧 𝐞𝐡." Saad ni Z na nakikipaglandian pa rin kay Anna. Inirapan ko lang siya na hindi ko na dapat ginawa. Mukhang kumulo kasi ang dugo ng loko. Tsk.



Si Anna naman ay pinakalma siya. Hinalik halikan pa niya ang pisngi ni Z na ikinangiwi ko. Nakaupo sila ngayon dito sa may sala at kahit na napaka laki naman ng upuan ay hindi non matitinag ang bruhitang si Anna.



Halos pumatong na kasi siya kay Z. Tsk. Ang landi nila riyan. Kadiri!


AdoptionWhere stories live. Discover now