CHAPTER 13

49 4 0
                                    

𝗢𝗶𝗻𝗮𝘇𝗲'𝘀 𝗽𝗼𝘃:

Nagising ako ng nasa kama na. Tinignan ko pa ang buong paligid dahil baka nag ha-hallucinate lang ako. Baka sumobra na talaga ang sakit ko at nabaliw na pala ako.
   
   
     
Pero hindi! Hindi ako nag ha-hallucinate dahil andito si Z! Nakatayo siya sa harapan ko habang seryoso pa rin ang itsura niya. Naka-uniform na siya. Tinignan niya ako saglit at umalis.
   
   
    
Naglakad siya palabas ng kuwarto---Wait! Nasa kuwarto niya 'ko?
   
   
    
Nilibot ko ulit ng tingin ang buong paligid at nasa kuwarto niya nga talaga ako. Himala? Kasalanan bang humiling ako sa langit ng isang himala~~
   
    
    
Baka nga nabaliw na talaga ako...
   
    
    
Napabalikwas ako ng tayo ng maalalang may pasok pa kami kaso pagkatayo ko ay nahilo agad ako. Bumagsak ako sa sahig.
   
   
     
Narinig ko ang biglang pagbukas ng pinto. Kulang nalang ay sirain 'yon para lang makapasok. Tsk.
   
    
    
"𝐀𝐳𝐞! 𝐀𝐫𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐨𝐤𝐚𝐲?" Saad ni...Duke? Lumapit siya sa'kin at inalalayan ako. Pinaupo niya ako sa kama. Hinimas himas niya rin ang tuhod kong tumama sa sahig at namumula.
   
   
     
"𝐁-𝐛𝐚'𝐭 𝐡𝐢𝐧...𝐝𝐢 𝐤𝐚 𝐧𝐚𝐤𝐚...𝐮𝐧𝐢𝐟𝐨𝐫𝐦?" Paos na tanong ko. Hanggang ngayon pala ay paos pa rin ako. Tsk.
   
   
    
"𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐤𝐨 𝐩𝐚𝐩𝐚𝐬𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥. 𝐁𝐚𝐛𝐚𝐧𝐭𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐤𝐢𝐭𝐚." Saad niya na nagpakunot ng nuo ko. Babantayan? Ibig sabigin ba non...hindi rin ako papasok sa school?
   
   
    
"𝐇𝐮𝐡?" Ang tangi kong nasabi. Bigla nalang nagsalita si Z. Nasa may pintuan siya. Nakasandal sa may frame door habang naka cross arms.
   
   
    
"𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐚 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐩𝐚𝐬𝐨𝐤 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚'𝐭 '𝐝𝐢 𝐤𝐚 𝐩𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠." Saad niya. Agad naman akong nag protesta. Oo alam kong hanggang ngayon ay hindi pa gumagaling ang lagnat ko. Masama pa rin ang pakiramdam ko pero ayo'ko dito mag stay!
   
   
    
Kahit si Duke pa ang mag-alaga sa'kin, ayaw ko pa rin...
     
    
      
"𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐰𝐞𝐝𝐞!" Sigaw ko. Napahawak ako sa lalamunan ko dahil sa pagsakit non. "𝐏𝐚...𝐩𝐚𝐬𝐨𝐤...𝐚𝐤𝐨." Saad ko at tuluyan ng nawalan ng boses.
    
   
    
"𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐠𝐚 𝐩𝐰𝐞𝐝𝐞. 𝐊𝐮𝐥𝐢𝐭 𝐦𝐨 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧." Sabi naman ni Duke. "𝐓𝐢𝐠𝐧𝐚𝐧 𝐦𝐨 𝐧𝐠𝐚 𝐨𝐡! 𝐖𝐚𝐥𝐚 𝐤𝐚 𝐧𝐠 𝐛𝐨𝐬𝐞𝐬 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐢𝐧𝐢𝐭 𝐤𝐚 𝐩𝐚 𝐫𝐢𝐧." Dagdag niya pa. Umiling ako sa kaniya. Magsasalita pa sana ako kaso wala ng boses ang lumalabas sa bunganga ko.
   
   
    
Tumayo ako para sana maghanap ng pwedeng sulatan kaso napaluhod ako agad. Ang sakit ng katawan ko! Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Bakit kasi gan'to?
   
    
    
Tinulungan ako ni Duke makatayo. Tinuro ko ang labas ng pintuan sa kwuarto ni Z. "𝐇𝐚?" Tanong sa'kin ni Duke. Muli kong tinuro ang labas ng kuwarto ni Z.
  
   
   
Mukhang naintindihan niya naman 'yon at tinulungan akong makalabas. Tinuro ko ulit sa kaniya ang kuwarto ko. Tinulungan niya naman akong makapunta roon.
   
   
    
Pagpasok sa kuwarto ay agad kong hinanap ang bag ko. Hindi naman ako nabigo dahil nasa ibabaw lang 'yon ng kama. Kumuha ako ng papel at ballpen at nag-umpisang magsulat.
   
   
    
Kaso nakalimutan ko sasabihin ko...
    
   
    
Asar naman kasi eh! Ano nga ulit 'yon? Basta tungkol 'yon sa pasok...Ahhh! Naalala ko na!
  
   
    
Agad kong sinulat ang dapat kong sabihin at iniharap 'yon kay Duke. "𝐏𝐚𝐩𝐚𝐬𝐨𝐤 𝐚𝐤𝐨. 𝐀𝐲𝐨'𝐤𝐨 𝐮𝐦𝐚𝐛𝐬𝐞𝐧𝐭. 𝐅𝐫𝐢𝐝𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧 𝐤𝐚𝐲𝐚 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐦𝐚𝐬𝐨𝐤." Pagbasa niya sa sinulat ko.
   
   
    
Bigla namang pumasok si Z na may dalang baso ng tubig. "𝐎𝐡...𝐮𝐦𝐢𝐧𝐨𝐦 𝐤𝐚 𝐦𝐮𝐧𝐚." Saad niya habang inaabot ang tubig sa'kin.
   
   
   
Kinuha ko 'yon at ininom. Tumayo naman si Duke mula sa pagkakaupo sa tabi ko at hinila si Z palabas ng kuwarto. Hindi ko nalang pinansin dahil baka may pag-uusapan lang sila.
   
    
    
Inubos ko ang laman ng baso at inilapag 'yon sa may bed side table. Inayos ko rin ang gamit ko sa school. Tumayo ako at humawak sa kama para gawing suporta.
   
    
    
Nakatayo naman na ako ng maayos. Mukhang nahirapan lang akong tumayo kanina dahil sa naging pagbagsak ko noong nakaraan na mukhang hanggang ngayon ay masakit pa rin.
   
    
    
Dahan dahan akong lumabas ng kuwarto. Nakita ko sa sala si Duke. Si Z naman ay nasa kusina.
   
    
      
Si Duke ang unang nakapansin sa'kin. Akmang tutulungan na niya akong maglakad pero umiling ako sa kaniya.
    
    
    
'Di naman kasi ako baldado. Tsk.
    
    
    
"𝐊𝐮𝐦𝐚𝐢𝐧 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐠𝐮𝐬𝐭𝐨 𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐦𝐚𝐬𝐨𝐤. 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐦𝐨 𝐚𝐲 𝐮𝐦𝐢𝐧𝐨𝐦 𝐤𝐚 𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐦𝐨𝐭." Saad ni Z habang inihahain ang pagkain sa mesa. Umupo ako roon. Nagdasal muna ako at nagsimulang kumain.
   
   
     
Napansin ko namang nakatingin lang silang dalawa sa'kin. Andito rin sila sa hapag kainan pero wala namang pagkain sa harapan nila.
   
   
   
Taka ko silang tinignan. "𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐛𝐚 𝐤𝐚𝐲𝐨 𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐧?" Tanong ko. Umiling si Z sa'kin.
   
   
   
"𝐓𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐧𝐚'𝐤𝐨 𝐤𝐮𝐦𝐚𝐢𝐧." Sagot sa'kin ni Z. Si Duke naman ay bigla nalang nakisubo sa pagkain ko. Kunot nuo ko siyang tinignan.
   
   
   
"𝐇𝐢𝐧𝐢𝐡𝐢𝐧𝐭𝐚𝐲 𝐤𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐲𝐚𝐲𝐚𝐢𝐧 𝐚𝐤𝐨 𝐞𝐡. 𝐁𝐮𝐭𝐢 𝐧𝐢𝐲𝐚𝐲𝐚 𝐦𝐨'𝐤𝐨. 𝐃𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐚𝐲 𝐛𝐚𝐤𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐭𝐚𝐲 𝐧𝐚'𝐤𝐨 𝐫𝐢𝐭𝐨 𝐬𝐚 𝐠𝐮𝐭𝐨𝐦." Ngiting ngiti niyang sabi.
   
   
    
Napailing nalang ako sa inasta niya. Ibinigay ko na sa kaniya ang natitirang pagkain sa plato ko. Nakakahiya naman kasi sa kaniya... Tsk.
   
    
    
Natapos akong kumain---este si Duke. Uminom ako ng gamot at naligo na saka nagpalit ng uniform.
    
     
      
Lumabas ako ng C.R at tumambad sa'kin si Duke. "𝐓𝐚𝐫𝐚 𝐧𝐚. 𝐍𝐚𝐬𝐚 𝐤𝐨𝐭𝐬𝐞 𝐧𝐚 𝐬𝐢 𝐙𝐚𝐲. 𝐌𝐚𝐢𝐧𝐢𝐩𝐢𝐧 𝐩𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 '𝐲𝐨𝐧, 𝐛𝐚𝐤𝐚 𝐛𝐢𝐠𝐥𝐚 𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐰𝐚𝐧. '𝐃𝐢 𝐤𝐨 𝐩𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐝𝐚𝐥𝐚 𝐤𝐨𝐭𝐬𝐞 𝐤𝐨." Saad niya.
   
  
    
Tumango lang ako sa kaniya. Kinuha ko ang bag kong nasa kuwarto at sumunod kay Duke. Umupo si Duke sa may passenger seat at ako naman ay nasa backseat.
   
    
     
Tahimik lang kaming tatlo habang papunta sa school. Makalipas lang ng ilang minuto ay nasa school na kami. Ang bilis kasi magpatakbo si Z. Tsk.
   
   
    
Medyo nasasanay na rin akong ganiyan siya. Mabilis magpatakbo ng kotse, laging masungit, laging seryoso ang mukha, masama makatingin na akala mo'y may kaaway palagi at...
   
   
   
Mapanakit... Tsk
   
   
    
Ako ang unang lumabas ng kotse. Tinawag pa'ko nila Z pero 'di ko sila pinansin. Dirediretso lang akong naglakad papunta sa building namin.
   
    
    
Pagkapasok ay dumiretso ako sa elevator. Bahala na 'yung dalawa. Malalaki naman na sila. Kaya na nila sarili nila. Tsk.
   
   
    
May grupo ng istudyante akong nakasabay sa paghihintay sa elevator pero umalis sila ng makita ako. Problema ng mga 'to? Baka alam nilang may sakit ako at ayaw nilang mahawa?
   
   
    
Napailing nalang ako. At least ako lang ang nandito sa elevator, 'diba? Tahimik lang akong naghihintay na magbukas ang elevator.
   
    
    
Pagbukas non ay bumungad sa'kin ang grupo ng kalalakihan. Medyo pamilyar sila sa'kin. Tinitigan ko silang mabuti...
   
    
    
Nakikilala ko na sila! Sila 'yung mga lalaking nagdala sa'kin papunta kay prof Bliz.
   
   
    
Nginitian ko sila. Nagtinginan naman sila kasunod ng pagtatawanan. Nagtaka naman ako dahil sa naging kilos nila. Bigla nalang ako hinawakan ng isa sa kanila.
   
    
    
Agad kong iniwas ang balikat kong hinawakan niya. Inis ko siyang tinignan. Siya 'yung lalaking nakausap ko non. Siya 'yung una kong napagtanungan sa kanila.
   
   
    
Nagtawanan ang mga kasama niya dahilan para mangunot ang nuo ko. "𝐌𝐢𝐬𝐬, '𝐰𝐚𝐠 𝐤𝐚 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐤𝐢𝐩𝐨𝐭. 𝐀𝐥𝐚𝐦 𝐤𝐨 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐮𝐬𝐭𝐨 𝐦𝐨 𝐫𝐢𝐧 𝐞𝐡." Nakangisi niyang sabi.
   
   
    
"𝐀𝐧𝐨 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐬𝐚𝐛𝐢 𝐦𝐨?" Inis na tanong ko sa kaniya. Ipinilit ko pang makapagsalita ng hindi namamaos tapos tinawanan niya lang ako.
   
   
   
"𝐌𝐮𝐤𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐦𝐢𝐦𝐢𝐥𝐢 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐲𝐚 𝐩𝐫𝐞!" Saad ng isa sa mga kasama niya at nagtawanan naman ang iba pa nilang kasama. Mas lalong nangunot ang nuo ko.
  
   
    
Sinamaan sila ng tingin nitong lalaking humawak sa'kin. Lumipat ang masama niyang tingin sa'kin. "𝐖𝐚𝐥𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐩𝐚𝐭𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐦𝐚𝐦𝐢𝐥𝐢. 𝐇𝐚𝐥𝐚𝐭𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐬𝐚𝐫𝐚𝐩 𝐚𝐤𝐨 𝐤𝐞𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐝𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 '𝐲𝐨𝐧. 𝐓𝐬𝐤." Saad niya.
   
   
    
"𝐏𝐢𝐧𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐬𝐚𝐛𝐢 𝐦𝐨?" Inis kong tanong. Kanina pa kasi siya dada ng dada. Malapit na ulit mamaos ang boses ko. Ayo'ko ng makipag-away sa mga 'to. Halatang ng aasar lang naman. Tsk.
   
   
    
Akmang lalakad na'ko paalis pero pinigilan niya 'ko. Tinignan ko naman siya ng masama. "𝐁𝐢𝐭𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐦𝐨'𝐤𝐨. 𝐀𝐲𝐨'𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐰𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐢𝐧𝐲𝐨." Mahinahong saad ko pero nanatili ang masama kong tingin.
   
   
   
"𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐰𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐤𝐨." Nakangisi niyang sabi. Nagtawanang muli ang mga kasama niya.
  
   
   
"𝐀𝐧𝐨 𝐛𝐚 𝐤𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐦𝐨?" Inis kong sabi.
   
   
    
"𝐒𝐢𝐦𝐩𝐥𝐞 𝐥𝐚𝐧𝐠..." Saad niya at inikutan ako habang hinahawak hawakan ang buhok ko. Tinggal ko ang kamay niya pero tinawanan niya lang ako.
   
   
   
Tumigil siya sa pag-ikot at humarap sa'kin. "𝐈𝐤𝐚𝐰...𝐢𝐤𝐚𝐰 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐤𝐨." Nakangisi niyang sabi sabay higit sa'kin. Hindi ako nakapalag dahil sa pagkabigla.
   
   
    
Sumigaw nalang ako pero walang pumansin sa'kin. Lahat ng madadaanan naming istudyante ay tumitingin lang. Tinignan ko sila pero inirapan lang ako ng ilan. Ang iba naman ay tinalikuran ako.
   
    
     
Ano bang problema ng mga tao rito?
   
    
    
Dinala nila ako sa may hagdan. Hinawakan ako sa balikat nitong lalaking kanina pa ng iinis sa'kin. Inirapan ko siya at tinanggal ang kamay niya.
   
   
   
Tinawanan niya lang ulit ako. "𝐔𝐦𝐚𝐥𝐢𝐬 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐲𝐨. 𝐀𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚 𝐫𝐢𝐭𝐨." Saad niya at nagsialisan na ang mga kasama niya.
   
   
   
"𝐁𝐚𝐬𝐭𝐚 𝐭𝐢𝐫𝐡𝐚𝐧 𝐦𝐨 𝐤𝐚𝐦𝐢 𝐚𝐡!" Pahabol sa sigaw pa ng isa. Tumango lang itong kaharap ko sabay nginisian ako.
   
   
    
Isinandal niya ako sa pader at kinorner gamit ang dalawa niyang bisig. Akmang hahalikan na niya ako sa leeg pero isang malakas na sampal ang binigay ko sa kaniya. Napahawak naman siya sa pisngi dahilan para makatakas ako.
   
   
    
"𝐇𝐨𝐲!" Sigaw niya at hinabol ako. Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo kaso sagabal sa buhay ko ang bag na suot ko.
   
    
    
Nakita ko si Z at Duke sa hindi kalayuan. Agad akong tumakbo sa kanila pero natigilan ako ng may humawak sa bag ko. "𝐇𝐮𝐥𝐢 𝐤𝐚!" Saad niya ng maiharap ako sa kaniya.
   
    
     
Hihigitin niya sana ako pero may paang tumama sa kaniya. Natamaan siya sa sikmura na agad niyang ininda. Bahagya pa siyang tumalsik dahil doon.
   
     
     
Napatingin ako sa sumipa sa kaniya at si Duke na nakangiti ang bumungad sa'kin. Tumumba naman 'tong lalaking manyakis na 'to.
   
   
     
May humawak sa ulo ko kaya napatingin ako roon. Si Z na seryoso nanaman ang mukha ang bumungad sa'kin.
   
   
    
Tinignan niya si Duke. "𝐃𝐮𝐤𝐞, 𝐬𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐦𝐨 𝐧𝐚 𝐬𝐢𝐲𝐚 𝐩𝐚𝐩𝐮𝐧𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐫𝐨𝐨𝐦. 𝐀𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐥𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 '𝐲𝐚𝐧." Saad nito. Tinanguan naman siya ni Duke.
    
    
    
Lumapit sa'kin si Duke at kinuha ang bag ko. Siya ang humawak non hanggang sa makarating kami sa room.
   
    
    
Pagpasok ko palang ay masasamang tingin na mula sa kanilang lahat ang tumambad sa'kin.
    
   
    
Napatingin ako kay Duke para sana magtanong pero mukhang bad trip siya. Nilapag niya ang bag ko sa upuan.
   
    
    
Umupo ako roon at dahil nga nasa gitna ako ay kitang kita ko ang tingin sa'kin ng lahat. Kahit si Ara ay masama rin ang tingin sa'kin.
   
   
    
Ano ba kasing nangyayari? "𝐃𝐮𝐤𝐞..." Pagtawag  ko sa kaniya para sana magtanong. Tumingin naman siya sa'kin. Lumipat din ang tingin niya sa mga kaklase naming masama ang tingin sa'kin.
   
   
    
Bumalik ang tingin niya sa'kin. "'𝐖𝐚𝐠 𝐦𝐨 𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐬𝐢𝐥𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐬𝐢𝐧𝐢𝐧." Nakangiti niyang saad.
   
   
    
"𝐀𝐧𝐨 𝐛𝐚 𝐤𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐧𝐠𝐲𝐚𝐫𝐢? 𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐧𝐠 𝐭𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐬𝐚'𝐤𝐢𝐧?" Tanong ko kay Duke pero iba ang sumagot sa'kin.
   
   
    
"𝐈𝐭𝐚𝐭𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐨 𝐩𝐚 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐧𝐠𝐲𝐚𝐫𝐢? 𝐀𝐧𝐨 '𝐭𝐨? 𝐌𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐥𝐚𝐧𝐠?!" Sigaw niya sa'kin. Kilala ko siya. Siya si Madison. Magaling siya sa English kaya gustong gusto siya ng english teacher namin.
   
   
    
"𝐀𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐥𝐨𝐨𝐛 𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐦𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐢𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐧𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐬𝐚𝐲𝐨 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐭 𝐚𝐥𝐚𝐦 𝐦𝐨 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐥𝐢 𝐦𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥𝐚𝐧!" Sigaw pa ng isa. Kaibigan siya ni Madison, si Layla.
   
   
   
"𝐀𝐧𝐨 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐬𝐚𝐛𝐢 𝐧𝐢𝐲𝐨?" Inis kong tanong. Pinigilan ako ni Duke pero 'di ko siya pinansin. Gusto kong maliwanagan sa nangyayari.
   
   
    
"𝐌𝐚𝐥𝐚𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐚!" Sigaw naman ng isa pang babae. Kaibigan din siya ni Madison, si Mia.
     
    
     
Napatayo ako dahil sa sinabi niya. "𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭? 𝐀𝐧𝐨 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐢𝐧 𝐦𝐨? 𝐁𝐚𝐛𝐚𝐰𝐢 𝐤𝐚 𝐤𝐚𝐬𝐢 𝐭𝐨𝐭𝐨𝐨? " Saad ng jowa ni Mia na si Mateo.
   
    
    
Agad naman akong pianupo ni Duke. Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa pagkakaupo dahil mas malakas sa'kin si Duke.
    
    
    
Makikipagbangayan na sana ako sa kanila kung hindi lang pumasok si Z na salubong na salubong ang kilay. Agad na tumama ang tingin niya sa'kin.
   
   
    
Naglakad siya papunta sa'kin. Hinawakan niya ako sa pulupulsuhan at hinigit ako sa kung saan.
   
   
    
"𝐓𝐡𝐢𝐬 𝐢𝐬 𝐰𝐡𝐚𝐭 𝐈'𝐦 𝐭𝐞𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐲𝐨𝐮!" Agad na bulyaw niya sa'kin ng makalayo na sa mga tao.
   
   
    
"𝐀𝐧𝐨 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐬𝐚𝐛𝐢 𝐦𝐨? 𝐏𝐰𝐞𝐝𝐞 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐩𝐚𝐥𝐢𝐰𝐚𝐧𝐚𝐠 𝐧𝐢𝐲𝐨 𝐦𝐮𝐧𝐚? 𝐊𝐚𝐧𝐢𝐧𝐚 𝐩𝐚'𝐤𝐨 𝐠𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐠𝐮𝐥𝐨 𝐫𝐢𝐭𝐨 𝐨𝐡!" Inis na saad ko.
   
   
    
Namamaos pa rin ako at everytime na magsasalita ay nananakit ang lalamunan ko, pero ayo'ko munang indahin 'yon ngayon dahil gusto ko ng maliwanagan.
   
   
    
Hindi siya sumagot at sa halip ay ibinigay niya lang ang selpon sa'kin. Bumungad sakin ang isang tweet na si Anna bruhita ang nag post.
   
   
    
'Aze is such a snake! Nilalandi niya ang boyfriend ko! Nilalandi niya rin si Duke! And I saw her with Nicolas sa bar! So malandi! Kabago bago lumalandi na agad!'

   
   
     
Halos lahat ng istudyante ay nakita ang post niya. Marami rin ang nag comment ng kung ano ano tungkol sa'kin. Mga masasakit na salita na ngayon ko lang na encounter.
   
   
    
I never experienced this noong kasama ko pa sila ate Ish...
  
  
    
Napaluha nalang ako after mabasa ang mga comments nila. "𝐓𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐢𝐢𝐲𝐚𝐤 𝐤𝐚 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧?" Biglang sabi ni Z kaya napatingin ako sa kaniya.
   
   
    
"𝐌𝐚𝐭𝐚𝐠𝐚𝐥 𝐤𝐨 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐚𝐛𝐢 𝐬𝐚'𝐲𝐨 𝐧𝐚 '𝐰𝐚𝐠 𝐧𝐚 '𝐰𝐚𝐠 𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐛𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐢𝐧 𝐬𝐢 𝐀𝐧𝐧𝐚." Galit niyang sabi. Napayuko nalang ako kasabay ng pagkagat sa labi para pigilan ang pag-iyak.
   
   
    
Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐰𝐨𝐫𝐫𝐲. 𝐒𝐢𝐧𝐚𝐛𝐢 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐲 𝐀𝐧𝐧𝐚 𝐧𝐚 𝐢-𝐝𝐞𝐥𝐞𝐭𝐞 𝐧𝐢𝐲𝐚 '𝐲𝐮𝐧𝐠 𝐭𝐰𝐞𝐞𝐭 𝐧𝐚 '𝐲𝐨𝐧." Saad niya pero hindi non nabawasan ang nararamdaman ko.
   
   
   
"𝐖𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 '𝐲𝐨𝐧. 𝐍𝐚𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 '𝐲𝐮𝐧𝐠 𝐩𝐨𝐬𝐭 𝐧𝐢𝐲𝐚." Mahinang saad ko. Bumuntong hininga siya.
  
  
    
"𝐀𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚 𝐫𝐨𝐨𝐧. 𝐁𝐚𝐬𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐬𝐮𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐚𝐲 '𝐰𝐚𝐠 𝐦𝐨 𝐧𝐚 𝐬𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧𝐢𝐧." Saad niya at hinigit nanaman ako.
  
   
   
"𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐨 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐬𝐢𝐲𝐚 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧." Saad ko habang nakayuko pa rin.
  
  
   
"𝐏𝐞𝐫𝐨 '𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐧𝐢𝐲𝐚. 𝐌𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐛𝐮𝐭𝐢 𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐲𝐮𝐚𝐧 𝐦𝐨 𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐲𝐚." Saad niya nanaman.
  
   
   
"𝐒𝐢𝐲𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 '𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐥𝐚𝐩𝐢𝐭 𝐞𝐡." Sagot ko sa kaniya.
  
   
   
Hindi naman na siya nag salita. Pinagpatuloy niya nalang ang paglalakad at ganoon din ako. Wala ng istudyante sa paligid kaya nakakasiguro akong nag-uumpisa na ang klase.
  
  
   
Tahimik lang kaming dalawa habang pabalik sa room. Nang makarating doon ay agad kaming umupo sa upuan namin. Wala pa rin si prof Bliz.
   
   
   
"𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐩𝐚 𝐬𝐢 𝐩𝐫𝐨𝐟?" Tanong ko kay Duke na busy sa pagbabasa ng kung ano sa libro niya habang nagsusulat.
  
   
     
"𝐊𝐚𝐤𝐚𝐫𝐞𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐢 𝐍𝐢𝐜𝐨𝐥𝐚𝐬 𝐬𝐚'𝐦𝐢𝐧 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐦𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐰 𝐬𝐢 𝐩𝐫𝐨𝐟." Sagot niya at pinagpatuloy ang ginagawa. Tumango nalang ako bilang sagot.
   
    
     
Ilang sandali pa at dumating na si prof Bliz. Nag-umpisa na siya sa pag di-discuss. Nakikinig lang naman kaming lahat sa kaniya.
   
   
    
Pero natigil ang pakikinig namin sa kaniya ng nagsitunugan ang mga selpon ng iba kong kaklase.
   
    
     
Halos sabay sabay nilang tinignan ang selpon. Maging si Duke, at Z ay napatingin sa mga selpon nila ng tumunog iyon. Makalipas lang ng ilang sandali ay nagsitinginan naman sila sa'kin.
   
    
    
Taka ko silang tinignan. Tumayo naman si Layla at unti-unting lumapit sa'kin. Nakasunod sa kaniya si Mia na nakayuko. Pagdating sa harap ko ay tinignan nila akong dalawa. Taka ko naman silang tinignan.
   
   
    
May nagawa nanaman ba 'ko?
    
    
     
------------------------------------------------------------------------
    
A/N: Mind reading my other story? It's Verdadera Familia by yshkxm.
   
   
    
    
     
If you like it then vote it! Thank yaurr🥰
   
    
    

AdoptionWhere stories live. Discover now