CHAPTER 4

84 6 0
                                    

𝗢𝗶𝗻𝗮𝘇𝗲'𝘀 𝗽𝗼𝘃:

Nagising ako ng alas sais na ng umaga. Hindi niya ako ginising? Tinignan ko ang paligid at...wala siya. Baka pumasok na...
   
   
     
Bumangon ako at ginawa na ang morning routine. Dumiretso ako sa may dining area sa pag-aakalang may pagkain na kaso...wala ehh. Nakakalungkot gar... Ganito rin kaya yung naramdaman niya nung gabing inabutan niyang wala pang pagkain?
   
   
    
Kung oo...alam ko na nararamdaman niya... Sakit at pighati...gutom na ako ehh. Magluluto nalang siguro ako.
   
   
    
Kumuha ako ng mga gamit na kakailanganin ko sa pagluluto pati na rin yung lulutuin syempre. Pagkatapos ko ay kumain na rin ako agad, pero nagdasal muna ako.
   
   
    
Pagkatapos ko kumain ay naghugas na ako ng pinggan. Magalalaba ako ngayong araw dahil andami na agad ng labahin. Grabe kasi kung magpalit si Z ng damit, kala mo siya ang naglalaba. Hayss.
   
   
    
Nag-aral muna ako saglit hanggang sa nag alas nwebe na ng umaga. Naligo na ako at saka nag laba. Habang nakasalang ang mga labahin sa washing machine ay nag-aaral ako. Ayaw ko kasing magsayang ng oras dahil test agad ang bubungad sa'kin sa monday.
   
   
    
Natapos akong maglaba kaya nag pahinga muna ako. Naglakad lakad ako sa garden at ibinabad ang paa ko sa may pool. Hayss.
"𝐀𝐧𝐠 𝐛𝐨𝐫𝐢𝐧𝐠..." Bulong ko sa sarili habang naglalaro ng tubig.
   
    
     
Naglakad lakad pa'ko saglit hanggang sa napansin ko yung bike sa may gilid. Nasa may parkingan ito ng kotse ni Z. Nilapitan ko 'yon at napansing sira yung preno.
   
   
    
Sayang...gusto ko sana mag bike. Ayusin ko nalang kaya? Marunong naman ako dahil sa may bike rin ako dati. Tinuruan naman ako ni Dad kung paano mag-ayos kaya sigurado akong kaya kong ayusin 'to.
   
    
    
Bumalik ako sa loob ng bahay at naghanap ng pwedeng gamitin sa pag-aayos. Hindi naman ako nabigo dahil meron namang mga gamit si Z dito para sa pag-aayos ng kung ano-ano.
   
    
    
Dinala ko iyon at pumunta na sa may bike. Inayos ko saglit iyon at ng matapos ay tinry ko agad. Mataas yung bike kaya nahirapan pa ako nung una makasakay.
   
    
    
Maayos na yung preno kaya nagpaikot ikot muna ako rito sa paligid ng bahay. Hayss. Nakaka-miss naman 'to. Kung dati ay kasama ko pa si Dad na nakahawak pa kapag nag b-bike ako ngayon wala na...
    
    
    
Nang mapagod ako sa pag b-bike ay binalik ko na rin ito agad sa kung saan ko nakuha. Bumalik ako sa loob ng bahay at humilata sa may sofa sa sala.
   
    
     
"𝐀𝐫𝐠𝐡𝐡!" Napasigaw ako dahil sa biglang pagkirot ng likod ko. Hinilot ko naman 'yon kaagad. Hanggang ngayon pala ay masakit pa rin ang likod ko dahil sa mga pinagawa sakin ng mga hinayupak na babae na 'yon kahapon.
   
   
   
Pasalamat sila na hindi ako makabawi dahil andoon si Z. Mapapagalitan lang ako ng lalaki na 'yon for sure. Hayss.
   
    
    
Ang boring talaga...
   
   
    
Hindi naman ako na b-bored ng ganito sa may orphanage. Lagi ko kasing kausap sila ate Ish pati na rin ang iba oang mga bata. Hayss. Nami-miss ko na sila.
   
   
    
Mag-aaral nalang siguro muna ako ulit...
   
    
     
𝗔𝗳𝘁𝗲𝗿 𝘁𝗵𝗿𝗲𝗲 𝗵𝗼𝘂𝗿𝘀...
  
   
   
Matapos ang halos ilang oras ay nakatulog na pala ako... Kaya heto ako ngayon, pawis na pawis na akala mo ay hinabol ng tigre.
  
   
    
Napatingin ako sa suot kong relo. Alas tres na ng hapon at hindi pa ako nakakapag tanghalian. Hindi ko na rin natuloy ang paglilinis ko. Naku! Lagot ako nito kay Z! Pauwi na 'yon.
  
   
    
Bumangon ako at agad na nag-vacuum sa mga kuwarto. Nagpunas punas na rin ako saglit. Kahit gutom na ako ay mas pinili ko pa rin na maglinis. Kasi naman ehhh. Ayaw ko mapagalitan!
   
   
    
Kainis kasi! Ba't ba ako nakatulog?
   
    
    
Pinagpatuloy ko nalang ang paglilinis hanggang sa marinig ko ang kotse ni Z sa labas. Nagmadali akong magligpit at sinalubong siya.
   
    
    
Tinaasan lang naman niya ako ng kilay. Umiling lang ako kaya nagpatuloy na ulit siya sa ginagawa. Pumunta naman ako sa may likod at saka nagdilig ng halaman.
   
   
    
Bumalik ulit ako sa loob ng bahay at nagkasalubong naman kami ni Z. "𝐔𝐡𝐦... 𝐇𝐨𝐰'𝐬 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥?" Wala sa sariling tanong ko. Napataas naman ang kilay niya.
   
   
   
Sabagay, sino ba namang anak ang magtatanong tungkol sa kung anong nangyari sa tatay niya na galing sa school? Hayss. Ang uncomfortable naman nito...
   
    
    
"𝐖𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧. 𝐆𝐚𝐲𝐚 𝐩𝐚 𝐫𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐭𝐢. 𝐑𝐞𝐩𝐨𝐫𝐭, 𝐭𝐮𝐥𝐨𝐠, 𝐤𝐚𝐢𝐧, 𝐚𝐫𝐚𝐥 𝐬𝐚𝐠𝐥𝐢𝐭, 𝐭𝐮𝐥𝐨𝐠 𝐮𝐥𝐢𝐭, 𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐮𝐰𝐢." Kibit balikat niyang sagot. Dumiretso siya sa may kusina kaya sumunod naman ako.
   
  
    
Nag-umpisa siyang magluto. Pinapanood ko lang siya. He look so professional while cooking. Yung tipong mapapatanong ka nalang kung chef ba siya or what.
   
    
     
Napansin naman niya ang pagtitig ko sakaniya na halatang kinainisan niya, pero 'di ko 'yon pinansin kasi sobrang namamangha talaga ako sa way ng pagluluto niya.
   
   
    
"𝐒𝐭𝐨𝐩 𝐥𝐨𝐨𝐤𝐢𝐧𝐠." He said without looking at me. Tumigil naman ako sa pagtitig sakaniya at umalis na. Umupo ako sa may sofa at saka tinitigan yung mga lessons na bingay sa'kin ng mga subject teachers namin.
  
   
    
Kung ayaw niyang tignan ko siya edi ito nalang...
   
    
    
Makalipas ang ilang minuto ay hinain na niya yung mga pagkain. Umupo na ako at nagdasal. Hindi ko na siya hinintay pa. Gutom na kasi talaga ako. Hindi pa kaya ako nagtatanghalian.
   
   
    
Kada subo ko ay siya namang tingin sakin ni Z. Siguro ay nagtataka na siya, andami ko kasi kumain ngayon hehe. Tayguts lang, pasensya na.
   
   
    
Natapos akong kumain at na satisfied naman ang aking tummy sa rami ng nakain ko. Pagkatapos naming kumain ay naghugas na agad ako. Alam ko naman kasing uutusan niya rin akong maghugas kaya inunahan ko na.
   
   
    
Pagkatapos ko maghugas ay ginawa ko naman ang night routine ko. Humiga na ako sa kama at hinintay nalang si Z na nasa CR pa. Hindi pa naman ako inaantok kaya mag-aaral muna ako.
    
    
     
Limabas si Z mula sa walk-in closet niya at tumabi sa'kin. Nagtalukbong siya gamit ang kumot. Makalipas ang halos tatlumpung minuto ay tinamad na akong mag-aral.
   
    
     
Humiga nalang din ako at tumingin sa kisame. Wow! Ang shala! Walang agiw... Hayss. Ang boring. 'Di pa naman ako inaantok ehh.
   
    
    
Tumagilid ako at humarap kay Z. Nakatalukbong pa rin siya. Iniisip ko na tuloy na baka hindi na siya makahinga at namatay na. Eme! Erase! Erase! 'Di pwede mangyari 'yon.
   
   
    
Bahagya kong hinigit yung kumot paalis sa mukha niya para naman makahinga siya. Kaso laking gulat ko ng magmulat siya. Nakatingin lang siya sa'kin ng seryoso. "𝐖𝐡𝐚𝐭?!" Inis na tanong nito.
   
   
    
"𝐇𝐞𝐡𝐞 𝐬𝐨𝐫𝐫𝐲... 𝐊𝐚𝐥𝐚 𝐤𝐨 𝐤𝐚𝐬𝐢 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐭𝐚𝐲 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐫𝐢𝐲𝐚𝐧." Saad ko habang naka piece sign at nakangiti. Napakunot naman ang nuo niya at halatang inis na inis na.
  
    
    
"𝐓𝐬𝐤. 𝐌𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐠 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐧𝐠𝐚!" Inis na saad nito at saka tumalikod sakin. Ay! Ang sama ng ugali. Siya lang naman itong inaalala ko at baka nahimatay na pala siya riyan.
   
   
    
"𝐒𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭." Bulong ko na akala ko ay hindi niya narinig pero akala ko lang pala. Nilingon niya kasi ako at saka tinignan ako ng masama.
   
   
     
"𝐊𝐮𝐧𝐠 𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐥𝐚𝐤 𝐦𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐠, 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐠 𝐤𝐚." Saad niya at tumalikod na ulit. Hayss. Ang sungit niya talaga.
   
    
    
Tumayo ako at lumabas ng kuwarto. Hihintayin ko muna siyang makatulog bago ako matulog. Manonood nalang muna ako. Umupo ako sa may sofa at saka binuksan ang TV. Bahagya ko iyong hininaan para hindi na magising si Z.
    
     
     
Halos nakakadalawang movie na ako pero 'di pa rin ako nakakaramdam ng antok. Hayss. Anong oras nanaman ako magigising nito bukas.
    
     
     
Ay hala! Magluluto pa pala ako ng umagahan namin ni Z. Nakakatamad! Hayss. Makatulog na nga.
   
    
    
Pinatay ko ang TV at saka bumalik sa kuwarto. Tumabi ako kay Z na napaka himbing na ng tulog. Tumulala lang ako sa may kisame hanggang sa nakatulog ako.
   
    
    
𝗞𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻...
   
    
     
Nagising ako ng dahil nanaman sa alarm. Hayss. Bumangon ako at saka pinatay iyon. Magluluto nanaman akez.
    
    
     
Ginawa ko muna ang morning routine ko bago magluto. Pagkatapos ko magluto ay inihain ko lang iyon sa may mesa. Bumalik ako sa may kuwarto para sana gisingin si Z pero gaya ng dati ay naka-uniform na agad siya.
    
    
     
Sabay kaming kumain at nang matapos ay naghugas na agad ako ng mga pinggan. "𝐁𝐮𝐭𝐢 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐧𝐚𝐠𝐤𝐮𝐤𝐮𝐬𝐚 𝐤𝐚 𝐧𝐚." Saad niya habang nagsasapatos. Hindi ko nalang siya pinansin dahil wala naman akong masabi.
   
   
    
Ano naman ang isasagot ko sakaniya? Hayss.
   
    
      
"𝐇𝐞𝐫𝐞." Saad niya habang ang kamay ay nakalahad. May hawak siyang papel na agad ko naman kinuha.
   
    
    
"𝐌𝐚𝐠 𝐠𝐫𝐨𝐜𝐞𝐫𝐲 𝐤𝐚. 𝐈𝐧𝐢𝐰𝐚𝐧 𝐤𝐨 𝐲𝐮𝐧𝐠 𝐩𝐞𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐛𝐞𝐝 𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐭𝐚𝐛𝐥𝐞, 𝐤𝐮𝐧𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠." Saad niya at dumiretso na palabas.
   
    
     
Ako? Mag g-grocery? Hilo ba siya? Hindi ko nga manlang alam ang pasikot-sikot sa lugar na 'to tapos pag g-grocery-hin niya ako? Aba'y tarantado!
   
    
     
Napabuntong hininga nalang ako dahil wala naman akong magagawa.
   
  
    
'You'll treat me like I am your master. Susundin mo lahat ng iuutos ko sa'yo'
  
    
   
'Yan ang mga salitang laging pumapasok sa utak ko kapag may iniuutos siya. Yung totoo? Inampon niya ba ako para alagaan niya o para pagsilbihan siya?
   
   
     
Or baka naman totoo yung theory sa utak ko na hindi ko talaga siya tatay dahil baka step brother ko lang siya? Hala ewan!
   
    
     
Pinagpatuloy ko nalang ang paghuhugas. Nang matapos ay naglinis muna ako saglit ng bahay. Nag-vacuum at nag punas lang ako ng mga kung ano-ano.
   
   
     
Naligo ako at nagpalit ng casual na damit. Naka short sleeve shirt blouse lang ako na naka tuck in sa pantalon. Kinuha ko yung pera sa bed side table na sinasabi ni Z. Binilang ko 'yon at...
   
   
    
Wow! Dalawampung libo! Gaano ba karami itong pinapabili niya at kailangan pa na twenty thousand ang iwan niya? Buti hindi nilipad itong pera rito o di kaya ay nanakaw.
   
    
     
Chineck ko yung listahan na binigay niya at hindi naman 'yon gaano karami para mag-iwan siya ng twenty thousand. Baka naman branded itong mga pagkain na 'to?
   
   
    
Ang talino mo self! Walang branded na pagkain!
   
    
    
Wala ba? Sorry naman. Whatever! Hindi ko na po-problemahin pa 'yan dahil ang problema ko ngayon ay kung saan ako mag g-grocery.
   
    
     
Hayss. Talaga naman oh. Ano ba problema ni Z at kailangang ako pa ang mag grocery? Oo, alam ko naman na papasok siya sa school pero bakit hindi niya manlang ako hinatid? O di kaya bakit hindi nalang siya ang bumili pagkatapos mag-school? Pwede naman siya nalang ehh.
  
   
    
Tamad ka lang talaga...
   
   
    
Oo na! Makaalis na nga. Sasakay nalang ako sa taxi. Kasama naman na siguro itong pamasahe ko sa binigay niya, 'diba? Kasi hindi naman pwedeng hindi!
   
   
    
Lumabas na ako ng bahay---pero ni-lock ko yung pinto syempre. Paglabas ko ng gate ay tumambad sakin ang isang sosyaling kotse. Nice! Pero sino naman 'to?
 
   
    
Dito pa talaga sa harap ng gate nag park ha! Kapal muks! Charr
   
    
   
Lumabas siya ng kotse at saka inayos ang neck tie niya. Bahagya rin siyang sumandal sa kotse niyang napaka astig nang makalabas na. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Ganoon din ang ginawa ko sakaniya.
   
    
    
Masasabi kong mayaman siya. Ang shala kasi ng pormahan niya tapos ang cool pa ng kotse. Nakasuot din siya ng rolex watch. Kutis mayaman, matangos ilong, at matangkad. Wow! Edi ikaw na! Eme!
   
   
    
"𝐓𝐚𝐠𝐚𝐥 𝐦𝐨. 𝐊𝐚𝐧𝐢𝐧𝐚 𝐩𝐚 𝐚𝐤𝐨 𝐝𝐢𝐭𝐨." Napakunot naman ang nuo ko ng sabihin niya 'yon. Wow ha! Hindi ko naman sinabing hintayin mo'ko!
   
    
    
"𝐏𝐚𝐫𝐝𝐨𝐧?" Saad ko with mayamang accent. Panis! Ako lang 'to nukaba!
   
    
   
"𝐎𝐡! 𝐒𝐨𝐫𝐫𝐲! 𝐈'𝐦 𝐃𝐮𝐤𝐞, 𝐙𝐚𝐲'𝐬 𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝." Saad niya habang nakalahad ang kamay. Hindi ko tinanggap 'yon, sa halip ay pinagtaasan ko siya ng kilay. Indikasyon na gusto kong magsalita pa siya.
   
    
    
Ginawa niya naman ang inaasahan ko. "𝐈𝐧𝐮𝐭𝐮𝐬𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐚 𝐚𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐬𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐤𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠 𝐠-𝐠𝐫𝐨𝐜𝐞𝐫𝐲." Nakangiting saad niya habang nakalahad pa rin ang kamay. Tinanggap ko na ang kamay niya.
  
   
    
Baka kasi mangawit na siya...
   
    
    
"𝐈'𝐦 𝐀𝐳𝐞." Maikling sagot ko sakaniya. "𝐈'𝐦 𝐬𝐨𝐫𝐫𝐲 𝐟𝐨𝐫 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐲𝐨𝐮 𝐰𝐚𝐢𝐭 𝐟𝐨𝐫 𝐦𝐞. 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐨 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐤𝐚𝐬𝐢 𝐚𝐥𝐚𝐦 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐚𝐛𝐢 𝐧𝐢 𝐙." Dagdag ko pa habang nakangiti. Siya naman ay patuloy lang sa pakikipag shake hands sa'kin.
   
   
    
"𝐎-𝐨𝐤𝐚𝐲 𝐥𝐚𝐧𝐠..." Saad niya ng hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Nakaramdam naman ako ng pagkailang kaya umiwas ako ng tingin. Bahagya ko ring tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
   
   
   
Mukhang nakaramdam naman siya kaya tuluyan na niyang binitawan ang kamay ko. "𝐒-𝐬𝐨𝐫𝐫𝐲..." Kamot batok na saad niya.
   
   
    
"𝐀-𝐚𝐲𝐨𝐬 𝐥𝐚𝐧𝐠." Saad ko. Wala akong masabi sa totoo lang. Ang uncomfortable kasi ng situation namin ngayon. Tapos sinabayan pa ng biglang pagtahimik namin.
   
   
     
"𝐓𝐚𝐫𝐚 𝐧𝐚?" Pagbasag niya sa katahimikan. Nag-nod nalang ako sakaniya. Binuksan niya yung pinto sa may passenger seat at nag sign na pumasok.
  
   
   
Pumasok ako roon syempre. Kaso...hala! What if kidnapper pala 'to? What if niloloko niya lang ako? What if hindi pala talaga siya friend ni Z?
   
   
    
"𝐖𝐡𝐚𝐭'𝐬 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐟𝐚𝐜𝐞?" Saad niya ng makapasok na sa loob ng kotse. Agad ko namang inayos ang ekspresyon ko na kanina ay mukhang akala mo'y natatakot at nagtataka.
   
   
     
"𝐓𝐨𝐭𝐨𝐨 𝐤𝐚 𝐛𝐚 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚? 𝐊𝐚𝐢𝐛𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐦𝐨 𝐛𝐚 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐬𝐢 𝐙? 𝐒𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐦𝐨 𝐛𝐚 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐚𝐤𝐨 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠 𝐠-𝐠𝐫𝐨𝐜𝐞𝐫𝐲?" Sunod-sunod na tanong ko sakaniya ng mag-umpisa na siyang magmaneho.
   
   
    
"𝐎𝐨 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧! 𝐓𝐨𝐭𝐨𝐨 𝐚𝐤𝐨 '𝐧𝐨! 𝐀𝐥𝐚𝐦 𝐤𝐨 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐈'𝐦 𝐭𝐨𝐨 𝐠𝐨𝐨𝐝 𝐭𝐨 𝐛𝐞 𝐭𝐫𝐮𝐞 𝐩𝐞𝐫𝐨 𝐭𝐨𝐭𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐭𝐨𝐭𝐨𝐨 𝐚𝐤𝐨!" Saad niya habang hinihimas himas ang baba gamit ang isa niyang kamay at ang isa naman ay nasa manibela.
   
    
    
"𝐀𝐭 𝐬𝐚𝐤𝐚 𝐤𝐚𝐢𝐛𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐚𝐤𝐨 𝐧𝐢 𝐙𝐚𝐲! 𝐖𝐞'𝐫𝐞 𝐜𝐡𝐢𝐥𝐝𝐡𝐨𝐨𝐝 𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝𝐬 𝐤𝐚𝐲𝐚! 𝐀𝐧𝐝 𝐲𝐞𝐬! 𝐒𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐧𝐧 𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠 𝐠-𝐠𝐫𝐨𝐜𝐞𝐫𝐲." Dagdag niya pa habang tumitingin sa'kin pero kapag nagtama na ang paningin namin ay agad siyang babalik sa pagtingin sa daan.
   
    
     
Tumango nalang ako bilang sagot sa mga pinagsasasabi niya. Kaso hindi pa rin sapat ang mga 'yan para paniwalaan ko siya. "𝐇𝐨𝐰 𝐨𝐥𝐝 𝐚𝐫𝐞 𝐲𝐨𝐮?" Tanong ko sakaniya.
   
   
    
"𝐈'𝐦 𝐞𝐢𝐠𝐡𝐭𝐞𝐞𝐧 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐨𝐥𝐝 𝐚𝐥𝐫𝐞𝐚𝐝𝐲, 𝐛𝐮𝐭 𝐢𝐟 𝐲𝐨𝐮 𝐭𝐡𝐢𝐧𝐤 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐈'𝐦 𝐲𝐨𝐮𝐧𝐠𝐞𝐫 𝐭𝐡𝐚𝐧 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐭𝐡𝐞𝐧 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐦𝐚𝐬𝐢𝐬𝐢𝐬𝐢, 𝐚𝐥𝐚𝐦 𝐤𝐨 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐤𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐥𝐚𝐬𝐞 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐩𝐨𝐠𝐢𝐚𝐧 𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐨." Saad niya habang naka-smirk.
   
    
    
Okay, naniniwala na ako. Magkaibigan nga talaga sila. Parehas silang may sapak. Hayss. Hindi ko nalang siya pinansin. Mukha naman kasi siyang ewan. Tsk.
   
   
   
"𝐖𝐚𝐥𝐚 𝐤𝐚 𝐦𝐚𝐧𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚 𝐬𝐚𝐬𝐚𝐛𝐢𝐡𝐢𝐧 𝐭𝐮𝐧𝐠𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐨𝐠𝐢𝐚𝐧 𝐤𝐨?" Biglang tanong niya.
   
"𝐖𝐚𝐥𝐚." Casual na sagot ko.
  
"𝐆𝐫𝐚𝐛𝐞 𝐡𝐚! 𝐒𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐨𝐠𝐢𝐚𝐧 𝐤𝐨𝐧𝐠 '𝐭𝐨 𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐤𝐚 𝐦𝐚𝐧𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐬𝐚𝐛𝐢𝐡𝐢𝐧?" Aba! Talaga ang kulit nito ah!
  
"𝐖𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐠𝐚. 𝐊𝐮𝐥𝐢𝐭 𝐦𝐨!" May halong inis na saad ko.
   
"𝐎𝐤𝐚𝐲 𝐥𝐚𝐧𝐠..." Kibit balikat niyang saad. "𝐏𝐨𝐠𝐢 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧!" Dagdag niya pa habang malawak ang ngiti. Lakas talaga ng sapak. Mas malakas pa sa sapak ng kaibigan niya.
   
   
   
"𝐎𝐤𝐚𝐲." Saad ko habang nakatingin sa may bintana. Wala kasi talaga akong masabi. Ibang klase kasi ang topak niya.
   
   
    
"𝐀𝐧𝐠 𝐜𝐨𝐥𝐝 𝐦𝐨 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐬𝐚𝐤𝐢𝐧..." Nakasimangot na saad niya. Eh nugagawen? Hindi ko naman alam ang sasabihin ko sakaniya.
   
   
    
"𝐖𝐚𝐥𝐚 𝐤𝐚𝐬𝐢 𝐚𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐬𝐚𝐛𝐢." Sagot ko sakaniya.

AdoptionWhere stories live. Discover now