CHAPTER 10

69 5 0
                                    

𝗢𝗶𝗻𝗮𝘇𝗲'𝘀 𝗽𝗼𝘃:

Nasa school na ako. Hanggang ngayon hindi pa rin kami nagpapansinan ni Z. Kahit katabi ko lang siya ay hindi manlang kami nag-uusap.
   
    
     
Tinitignan tignan ko siya minsan pero parang 'di niya naman ramdam. May topak nanaman siguro siya.
    
    
     
Pinagpatuloy ko nalang ang pakikinig sa teacher namin. Ibinigay na rin sa'kin ni prof 'yung mga lessons na na-miss ko habang nag re-review ng first quarter lessons. Kaunti lang naman 'yung mga na-miss ko kaya feel ko madali lang.
    
     
     
Naramdaman ko ang pagsundot sa'kin ni Duke sa tagiliran. Inis ko siyang tinignan. Epal kasi! Nakikinig 'yung tao eh.
   
   
     
"𝐓𝐬𝐤. '𝐓𝐨 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐮𝐧𝐠𝐢𝐭. 𝐓𝐚𝐭𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐨 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐠𝐮𝐬𝐭𝐨 𝐦𝐨 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐚𝐭𝐮𝐫𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐧𝐚-𝐦𝐢𝐬𝐬 𝐦𝐨 𝐧𝐚 𝐥𝐞𝐬𝐬𝐨𝐧𝐬 𝐭𝐡𝐢𝐬 𝐬𝐞𝐜𝐨𝐧𝐝 𝐪𝐮𝐚𝐫𝐭𝐞𝐫." Nakanguso niyang sabi.
    
    
     
Nakaramdam naman ako ng guilt sa sarili ko. Ang sama ko nga naman. Maganda naman intensyon nung tao tapos susungitan ko. Sama mo talaga self.
    
     
      
Nginitian ko siya at tumango. Sinuklian niya lang din ako ng ngiti. Nakinig na ulit kami sa teacher pero biglang... "𝐙𝐚𝐲! 𝐍𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐥𝐨𝐠 𝐤𝐚 𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐤𝐥𝐚𝐬𝐞 𝐤𝐨!" Sigaw ni prof Bliz.
    
     
     
Napatingin naman ako kay Z. Nakaubob siya sa braso niya at mahimbing ang tulog. "𝐙𝐚𝐲!" Muli na namang sigaw ni prof.
   
    
    
Hindi pa rin siya gumigising kaya bahagya ko siyang siniko. Hindi pa rin siya nagising. Siniko ko ulit siya at sa pagkakataon na 'to ay medyo malakas na.
    
    
    
"𝐀𝐳𝐞, 𝐩𝐚𝐤𝐢𝐠𝐢𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚 𝐧𝐠𝐚 𝐬𝐢𝐲𝐚. 𝐇𝐚𝐥𝐨𝐬 𝐚𝐫𝐚𝐰-𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐚 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐧𝐢𝐲𝐚𝐧." Saad ni prof. Mukhang pagod na talaga siya kay Z.
   
    
    
"𝐙...𝐙...𝐙..." Pagtawag ko sa pangalan niya habang tinatapik siya sa balikat. Dejavu... Nangyari na 'to ah?
    
    
    
"𝐙!" Medyo pasigaw na tawag ko sa pangalan niya. Gumalaw siya ng kaunti. Ilang sandali pa ay iniangat niya na ang ulo niya.
   
   
    
"𝐀𝐧𝐨 𝐛𝐚?!" Inis na saad niya pagkaharap sa'kin. Sininghalan ko lang siya at pinagpatuloy na lang pakikinig kay prof.
   
    
    
Ramdam ko ang matalim na tingin niya sa'kin. Alam kong nakatitig lang siya. Alam ko rin na galit na siya.
   
    
    
Kasalanan ko ba na natutulog siya sa klase?
   
    
     
Speaking of natutulog sa klase... Bakit nga ba natutulog ang isang 'to? Hindi naman siya napupuyat. Ano ba pinaggagagawa niya sa buhay?
    
    
     
Natapos ang klase namin at sa mga sumunod pang subject. Lunch na ngayon at kasama ko nanaman si Duke. Kasama rin namin si Feira. Ang sabi niya sa'min ay sasabay daw sa'min 'yung friend niya na kaklase lang daw namin.
    
    
    
Nagsimula na akong kumain kahit wala pa 'yung friend ni Feira na sinasabi niya. Gutom na kasi akez.
   
   
   
Halos kalahati na ang nakakain ko nang dumating 'yung friend ni Feira. Nalaman kong andito na 'yung friend niya nang may kinawayan siya sa may bandang likod ko. Nasa may harapan ko lang siya kaya kitang-kita ko ang pagkaway niya. 'Di ko nga lang kita kung sino 'yung nasa likod.
    
     
     
Tumayo si Feira at tinuro ang bakanteng upuan sa tabi niya. Patuloy lang ako sa pagkain ko. Nakikipag-unahan kasi ako kay Duke na nasa tabi ko. Sabi niya ay kung sino ang matalo ay pipitikin sa tenga.
    
    
   
'Di ako pwede matalo dahil mahina lang ako pumitik. Lugi ako gar...
    
     
     
Umupo 'yung friend daw ni Feira doon sa tabi niya. Iniangat ko ang ulo ko para makita siya. Napataas ang kilay ko dahil shemay! Mas cute siya sa malapitan!
    
     
      
Napangiti ako sa kaniya. "𝐇𝐢!" Magalak na pagbati ko. Ngumiti lang siya sa'kin.
    
    
    
"𝐏𝐚𝐬𝐞𝐧𝐬𝐲𝐚 𝐧𝐚, 𝐦𝐚𝐡𝐢𝐲𝐚𝐢𝐧 𝐤𝐚𝐬𝐢 𝐬𝐢𝐲𝐚." Biglang sabi ni Feira. Kaya pala. Tumango nalang ako. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko.
    
    
     
"𝐓𝐡𝐢𝐬 𝐢𝐬 𝐀𝐫𝐚." Pagpapakilala ni Feira sa friend niya. Tumingin ako kay Ara. Nakatingin lang siya sa harap niya. Tinignan ko 'yon at nakatingin din si Duke sa kaniya.
   
    
     
"𝐀𝐫𝐚, 𝐭𝐡𝐢𝐬 𝐢𝐬 𝐀𝐳𝐞." Pagpapakilala sa'kin ni Feira. Nagtititigan pa rin 'yung dalawa. "𝐀𝐥𝐚𝐦 𝐤𝐨 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐤𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐦𝐨 𝐧𝐚 𝐬𝐢 𝐃𝐮𝐤𝐞 𝐤𝐚𝐲𝐚 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐩𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐤𝐨 𝐩𝐚 𝐬𝐢𝐲𝐚." Natatawang dagdag ni Feira.
    
    
     
Tinignan ko ulit 'yung dalawa at sa pagkakataon na 'to ay hindi na sila nagtititigan. Nagsimula ng kumain si Ara. Si Duke naman ay ipinagpatuloy na ang pagkain.
   
    
     
Ilang subo nalang ang akin at ako na ang mananalo. Dali-dali kong inubos ang pagkain ko. "𝐀𝐳𝐞, 𝐝𝐚𝐡𝐚𝐧-𝐝𝐚𝐡𝐚𝐧! 𝐁𝐚𝐤𝐚 𝐦𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚𝐮𝐤𝐚𝐧 𝐤𝐚." Saad ni Feira.
    
     
     
Nginitian ko lang siya at "𝐃𝐨𝐧𝐞!" Masayang sabi ko. Tumingin ako kay Duke at pinitik siya sa tenga.
     
     
      
"𝐎𝐤𝐚𝐲 𝐥𝐚𝐧𝐠, 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐦𝐚𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐞𝐡." Saad niya na ikinangiwi ko. All of that just for this? Tsk. Basta tapos na'ko kumain.
    
   
    
Ilang minuto pa ang lumipas ay natapos na rin silang kumain. Sabay sabay kaming bumalik sa room. P.E. class na ang sunod kaya need namin magpalit.
    
    
     
Kasama ko sila Feira, at Ara na pumunta sa C.R. Nagpalit ako ng pang-P.E. uniform. T-shirt lang 'yon at jogging pants. Ganoon din sa mga lalaki.
   
   
    
Actually hindi naman talaga mandatory ang pagsusuot ng uniform or P.E. uniform sa'ming mga senior high eh. Pati na rin 'yung mga college.
   
   
    
Ewan ko ba. Nagising nalang ako na may uniform na sa damitan ko. Ang nakakapagtaka pa eh saktong sakto sa'kin. 'Yung tipong para siyang sinukat talaga kahit hindi naman talaga ako nasukatan.
    
    
    
Pa'no kaya nalaman ni Z ang size ng damit ko? Baka sa mga iba ko pang damit? Or siguro sinabi nila ate Ish? Anlaa ewan!
    
    
     
Pagkatapos namin magpalit ay dumiretso na kaming tatlo sa may basketball court. Doon daw kasi gaganapin ang P.E. class namin. Siguro puro excercise lang ang gagawin namin.
    
    
    
Pagdating namin doon ay halos andoon na lahat. Ilang minuto lang ang hinintay namin bago dumating 'yung teacher namin. "𝐇𝐮𝐦𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐤𝐚-𝐩𝐚𝐫𝐭𝐧𝐞𝐫 𝐧𝐢𝐲𝐨." Agad na sabi niya pagkadating niya.
    
     
    
Tinignan ko si Feira pero kasama na niya si Ara. "𝐓𝐚𝐫𝐚?" Saad ni Duke na nasa likod ko. Tumango nalang ako. Wala naman kasi akong ibang kilala bukod sa kanila nila Z eh. Apat pa lang silang kilala ko rito.
     
    
    
Okay na 'to kahit may saltik siya.
   
   
    
Nag-umpisa na ang klase namin. Nag stretching muna kami bago nagsimula. Pagkatapos namin ay nag sit-ups naman.
   
   
    
Nasa may paanan ko si Duke. Inumpisahan ko ng mag sit-ups. Medyo madali nalang naman sa'kin dahil hindi naman ganoon kalaki ang tiyan ko.
   
   
    
Pagkatapos ko ay si Duke naman. Ako naman ang nasa paanan niya ngayon. Nagsimula na siya sa pag sit-ups.
   
    
    
Naka luhod ako at ang tuhod ko ay nakadagan sa paa niya. Nakahawak naman ako sa tuhod niya. Kada upo niya ay nagtititigan kami. Ewan ko ba pero parang hindi lang siya ang nakatingin sa'kin. Baka si sir? Chine-check kung tama ba ginagawa namin.
   
   
   
Pang last na sit-ups na niya 'to, pero hindi siya gumagalaw. "𝐎𝐲! 𝐀𝐧𝐨 𝐧𝐚?" Takang tanong ko sa kaniya. Nakatitig lang kasi siya sa'kin. Mukhang hindi naman siya pagod pero pinili niya pa rin magpahinga.
    
    
    
Umupo na siya pero bago pa'ko makaalis sa harap niya ay hinawakan na niya ako sa bewang. Taka ko siyang tinignan. "𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭?" Tanong ko sa kaniya.
   
   
    
Hindi siya sumagot. "𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐧𝐠𝐚?" Tanong ko nanaman pero hindi pa rin siya sumasagot. "𝐁𝐚'𝐭 𝐛𝐚 '𝐝𝐢 𝐤𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚?" Tanong ko ulit. Baka nawalan na ng boses ang ugok.
   
   
   
Kakakain niya 'yan.
   
    
       
"𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭? 𝐌𝐢𝐬𝐬 𝐦𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚 𝐛𝐨𝐬𝐞𝐬 𝐤𝐨?" Mahinang saad niya kaya naging medyo husky 'yung boses niya. Nakaramdam naman ako ng kung ano sa tiyan ko.
   
   
    
'Di ko alam kung ako 'yung gutom o 'yung alaga ko sa tiyan. "𝐁𝐚'𝐭 '𝐝𝐢 𝐤𝐚 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐬𝐚𝐠𝐨𝐭? 𝐒𝐢𝐠𝐮𝐫𝐨 𝐧𝐚-𝐦𝐢𝐬𝐬 𝐦𝐨 𝐧𝐠𝐚 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐛𝐨𝐬𝐞𝐬 𝐤𝐨 '𝐧𝐨?" Pataas taas ang kilay na saad niya.
    
  
   
Hinampas ko siya ng mahina sa braso. "𝐁𝐮𝐚𝐧𝐠." Irap na sagot ko at umalis na sa pagkakahawak niya. Umayos ako ng upo at pumwesto sa tabi niya.
   
   
    
Nakatingin lang ako sa mga kaklase namin. "𝐀𝐳𝐞..." Napatingin ako sa kaniya nang tawagin niya ang pangalan ko. Nakatingin lang siya sa sahig. "𝐀𝐳𝐞, 𝐚𝐧𝐨 𝐤𝐚𝐬𝐢 𝐞𝐡𝐡..." Saad nanaman ni Duke habang pinaglalaruan ang daliri. Hinintay ko lang ang susunod niyang sasabihin
    
    
    
"𝐀𝐳𝐞..." Muli nanaman niyang pagtawag sa pangalan ko. Medyo naiinis na'ko dahil ayaw pa niyang deretsuhin pero need kong kumalma.
   
    
     
"𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭?" Tanong ko sa kaniya. Halata ang pag-aalinlangan sa mukha niya. Nagiging malikot na rin siya sa kinauupuan niya. Nasilihan ba siya sa pwet?
   
    
    
"𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐨 𝐚𝐥𝐚𝐦 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐛𝐢𝐡𝐢𝐧 𝐬𝐚'𝐲𝐨 '𝐭𝐨 𝐞𝐡. 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐤𝐚𝐬𝐢 𝐚𝐤𝐨 𝐬𝐢𝐠𝐮𝐫𝐚𝐝𝐨." Saad niya na ikinakunot ng nuo ko. Pinagsasasabi nito?
    
    
     
"𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐦𝐚𝐢𝐧𝐭𝐢𝐧𝐝𝐢𝐡𝐚𝐧." Saad ko. Lumipat ang tingin niya sa'kin. Pilit siyang ngumiti at saka tumayo. Inilahad niya ang kamay niya na agad ko namang tinanggap.
   
    
     
Ngayon ko lang napansin na tapos na pala ang iba sa pag si-sit-ups. "𝐍𝐞𝐱𝐭 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐢𝐧 𝐚𝐲 𝐩𝐮𝐬𝐡-𝐮𝐩𝐬, 𝐛𝐮𝐭 𝐟𝐨𝐫 𝐠𝐢𝐫𝐥𝐬, 𝐲𝐨𝐮 𝐡𝐚𝐯𝐞 𝐭𝐨 𝐝𝐨 𝐩𝐥𝐚𝐧𝐤𝐢𝐧𝐠. 𝐋𝐞𝐭'𝐬 𝐬𝐭𝐚𝐫𝐭!" Saad ni sir. Kaniya kaniya kaming pumwesto.
    
     
     
Nasa kaliwa ko si Duke at sa kanan naman ay si Ara. Nasa kaliwa naman ni Duke si Feira. Nakadapa lang kami at naghihintay lang ng go sign ni sir.
   
    
    
"𝐊𝐮𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐝𝐚𝐦𝐢 𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐬𝐡-𝐮𝐩𝐬 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐲 𝐩𝐫𝐞𝐦𝐲𝐨. 𝐆𝐚𝐧𝐨𝐨𝐧 𝐝𝐢𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐠𝐢𝐫𝐥𝐬 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐩𝐥𝐚𝐧𝐤 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐚𝐥." Saad ni sir sabay pito na ibig sabihin ay start na.
    
     
     
Umayos na'ko ng pwesto at nagsimulang mag plank. Si Duke naman ay mabilis na nag push-up. Ilang sigundo lang ang lumipas ay bumagsak na si Feira.
   
    
    
Hawak tiyan siyang umupo. Pinagpapawisan na'ko at ramdam ko na rin ang pagtigas ng tiyan ko. Napatingin ako kay Ara na hingal na hingal.
   
    
     
Tagaktak ang pawis at naghahabol ng hininga. Ilang sandali pa ay bumigay na rin siya. Napahiga siya habang naghahabol pa rin ng hininga. Namumula na siya.
    
    
     
Napatingin ako sa iba at ganoon din ang mga itsura nila. Para silang hihikain na ewan. 'Yung mga lalaki naman ay halatang ngalay na ngalay ang braso.
    
    
     
Napatingin ako kay Duke na todo pa rin sa pag pupush-up. Siya na lang ata ang lalaking natitira. Sa kakapanood ko sa kaniya ay hindi ko na namalayan ang oras. Kanina pa ako nag pa-plank.
   
    
    
Nararamdaman ko na ang pagsakit ng muscles ko sa tiyan kaya umupo na'ko. Kasabay ng pag-upo ko ang pagtigil ni Duke. Umupo siya at nagpunas ng pawis gamit ang damit dahilan para lumantad sa'ming lahat ang abs niya.
   
    
    
May abs pala 'to? Kala ko bilbil lang ang meron siya.
    
    
     
Akalain mo 'yon? Sa kabila ng pagkain niya ng marami eh may abs pala ang lokong 'to? "𝐓𝐚𝐦𝐚 𝐧𝐚. 𝐁𝐚𝐤𝐚 𝐦𝐚𝐭𝐮𝐧𝐚𝐰 𝐚𝐛𝐬 𝐤𝐨." Nakangisi niyang sabi. Hinampas ko siya sa braso dahilan para madampi ng kamay ko ang muscles niya.
    
   
   
Ehe ang tigas shet!
    
    
      
Tinawanan lang ako ni Duke matapos ko siyang hampasin. Siraulo talaga. Tumingin nalang ako kay sir. Napansin kong nakatingin siya sa kung saan kaya lumipat doon ang tingin ko.
   
   
    
Si Z...
   
    
    
Nag pupush-up pa rin siya. Matalim ang tingin niya kay Duke. Napatingin ako kay Duke na matalim din ang titig kay Z. May staring contest ata silang sinalihan...
   
   
     
Ilang minuto pa ang lumipas at tumigil na rin sa wakas si Z sa kaka push-up. Binigay na ni sir sakaniya 'yung premyo niya. Halata naman na kasi na siya ang nakarami ng push-up.
    
    
    
"𝐒𝐨 𝐬𝐢𝐧𝐨 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐛𝐚𝐞 𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐠𝐚𝐥?" Tanong ni sir sa aming lahat. Halos lahat naman ng kaklase ko ay tumingin sa'kin. Ako? Ako ba?
    
   
    
Tumingin ako sa likod ko, pero wala namang tao. Tumingin ako kay Ara na pinakamalapit na babae sa'kin, pero imposibleng siya 'yon kasi mas nakatagal ako kesa sa kaniya.
   
   
    
So ako nga?
   
    
    
Anla ewan ko. Isa lang ang tanging sagot dito. Lumapit sakin si sir dala ang isang maliit na teddy bear. Nakangiti siya habang inaabot sa akin 'yon. Nginitian ko lang din siya at saka kinuha 'yung teddy bear.
   
    
    
Halos kasing laki lang 'yon ng palad ko. Para siyang keychain.
  
  
   
Natapos na ang P.E class namin kaya bumalik na kami sa room. Kinuha ko ang uniform ko at pumunta sa C.R. Nagpalit lang ako saglit at bumalik na ulit sa room.
    
    
    
Bago pa'ko makapasok ay isang matangkad na lalaki ang humarang sa'kin. Nauntog ako sa dibdib niya. Bigla nalang kasi siyang sumulpot.
   
    
    
Inis ako napatingin kay...Z. "𝐀𝐧𝐨 𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐛𝐚 𝐭𝐫𝐢𝐩 𝐦𝐨?" Kunot nuong tanong ko. Hindi siya sumagot at sa halip ay hinigit niya lang ako papunta sa kung saan.
   
   
    
Andito kami sa may gilid ng room. Nakasandal ako sa may pader at siya naman ay naka cross arms na nakaharap sa'kin. Seryoso ang itsura niya at walang emosyong nakatingin sa'kin.
    
    
    
"𝐀𝐧𝐨 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐦𝐨?" Agad na tanong ko. Ayo'ko na magpatumpik tumpik pa. Need naming makabalik bago pa dumating ang sunod naming teacher.
    
     
       
"𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐚𝐤𝐨 𝐮𝐮𝐰𝐢 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐛𝐢." Saad niya. Tinanguan ko lang siya at akmang lalakad na sana paalis pero hinawakan niya ako sa braso. Taka ko siyang tinignan.
   
   
   
Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "𝐁𝐚𝐤𝐚 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐫𝐢𝐧 𝐚𝐤𝐨 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐮𝐰𝐢 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐬𝐮𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰." Saad niya na ikinabahala ko.
   
   
   
"𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭?" Tanong ko.
   
    
    
"𝐉𝐮𝐬𝐭...𝐮𝐡𝐦...𝐧𝐨𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠." Saad niya na nagpainis sa'kin. Ano bang trip nito? Hindi siya uuwi dahil lang sa wala? Ano 'yon? Trip niya lang?
    
     
   
Bago ko pa siya matanong ulit ay umalis na siya. Inis akong bumalik sa room. Buti nalang at wala pa 'yung teacher namin. Pagkabalik ko ay naabutan ko si Z na natutulog.
    
    
     
"𝐙...𝐚𝐧𝐨 𝐛𝐚? 𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐧𝐠𝐚 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐚 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐮𝐰𝐢?" Inis na tanong ko habang niyuyugyog siya. Hindi siya sumagot kaya niyugyog ko pa ulit siya.
   
   
    
Nang akmang tatawagin ko na ang pangalan niya ay dumating na 'yung teacher namin. Wala akong nagawa kundi ang makinig nalang. Minsan ay tinitignan tignan ko si Z. Tulog lang talaga siya.
   
    
     
Bakit hindi siya pinapagalitan? Patulog tulog sa klase. Wala naman siyang ginagawa sa gabi kaya bakit siya mapupuyat? Pwera nalang kung nagiging si batman siya pag gabi. Pero imposible 'yon.
    
     
       
Lakas talaga amats nito.
   
    
    
Natapos ang klase namin. Papunta na kami ngayon ni Z sa parking lot. "𝐈𝐡𝐚𝐡𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐲 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠𝐥𝐮𝐥𝐮𝐭𝐨. 𝐈𝐤𝐚𝐰 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐥𝐮𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐚𝐥𝐦𝐮𝐬𝐚𝐥 𝐦𝐨 𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬. 𝐁𝐚𝐤𝐚 𝐬𝐚 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐦𝐚𝐠𝐤𝐢𝐭𝐚." Saad niya habang papasok sa kotse.
    
    
     
Hindi ako sumagot at pumasok nalang sa loob. Tahimik lang kami sa biyahe. Walang pansinan.
    
    
     
Pagkauwi ay dumiretso agad ako sa kuwarto ko. Nagpalit ako at tinapos 'yung mga assignments na nasimulan ko na sa school. Pagkatapos ko ay lumabas na'ko ng kuwarto at pumunta sa sala.
    
    
    
Sakto naman ang paglabas ni Z mula sa kuwarto niya. "𝐀𝐥𝐢𝐬 𝐧𝐚'𝐤𝐨. 𝐍𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠𝐥𝐮𝐭𝐨 𝐧𝐚'𝐤𝐨. 𝐌𝐚𝐠𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬 𝐤𝐚 𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠𝐝𝐢𝐥𝐢𝐠." Saad niya sabay sara ng pinto.
    
     
     
Hindi ko manlang nagawang magtanong sa kaniya. Parang umiiwas talaga siya para hindi matanong.
    
     
    
Nanood lang ako ng isang movie at pagkatapos ay nagdilig na. Nag-vacuum din ako sa mga kuwarto, at nagpunas punas ng kung ano-ano.
   
    
    
Nang mapagod ay nagpahinga muna ako sa sofa. Humiga ako roon. Pagtingala ko ay napansin ko 'yung cctv dito sa may sala. Ewan ko ba, pero feel ko nakatingin lang siya at kitang kita niya ako mula roon.
    
    
   
Hindi ko nalang pinansin at bumangon na. Maghahapunan na'ko. Inihain ko 'yung pagkain at saka kumain pagkatapos magdasal. Naghugas lang ako ng pinggan pagkatapos.
   
    
     
Ginawa ko naman ang night routine ko matapos kumain. Chineck ko muna 'yung mga pinto at bintana bago dumiretso sa kuwarto.
    
    
    
Pagpasok ko sa kuwarto ay humilata agad ako. "𝐍𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠𝐨𝐝. 𝐍𝐚𝐩𝐚𝐠𝐨𝐝 𝐚𝐤𝐨 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐭 𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐠𝐢𝐧𝐚𝐰𝐚. 𝐓𝐬𝐤." Bored na saad ko. Kinuha ko 'yung isa pang unan at niyakap 'yon.
    
   
    
Asan teddy bear ko?!
     
      
     
Napabalikwas ako ng upo dahil sa tanong na 'yon sa utak ko. Nilinga linga ko ang paligid pero wala akong teddy bear na nakita. Chineck ko pa ang ilalim ng kama pero wala.
    
    
    
Pumunta ako sa kuwarto ni Z pero kahit anino ng teddy beat ko ay hindi ko nakita. Tinignan ko rin 'yung walk-in closet niya at 'yung C.R. pero wala talaga.
   
    
    
Napaupo nalang ako at napasandal sa kama ni Z. "𝐀𝐬𝐚𝐧 𝐧𝐚 '𝐲𝐨𝐧?" Nag-aalalang tanong ko sa sarili. Inalala ko lahat ng nangyari matapos makuha 'yung teddy bear.
   
    
    
"𝐔𝐧𝐚, 𝐧𝐚𝐠𝐢𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐤𝐨 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐤𝐨𝐭𝐬𝐞 𝐧𝐢 𝐙. 𝐁𝐢𝐧𝐢𝐠𝐚𝐲 𝐧𝐢𝐲𝐚 𝐬𝐚'𝐤𝐢𝐧 '𝐲𝐮𝐧𝐠 𝐭𝐞𝐝𝐝𝐲 𝐛𝐞𝐚𝐫. 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐚𝐧𝐝𝐚𝐫 𝐧𝐢𝐲𝐚 '𝐲𝐮𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐭𝐬𝐞 𝐚𝐭 𝐧𝐚𝐠𝐩𝐚 𝐠𝐚𝐬. 𝐒𝐮𝐧𝐨𝐝, 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐫𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐦𝐢 𝐬𝐚 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐩𝐞𝐫𝐨 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐨 𝐧𝐚 𝐡𝐚𝐰𝐚𝐤 '𝐲𝐮𝐧𝐠 𝐭𝐞𝐝𝐝𝐲 𝐛𝐞𝐚𝐫." Pag-aalala ko sa mga nangyari.
    
    
     
"𝐍𝐞𝐱𝐭 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐫𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐦𝐢 𝐬𝐚 𝐫𝐨𝐨𝐦. 𝐍𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐥𝐚𝐬𝐞 𝐚𝐭 𝐮𝐦𝐮𝐰𝐢. 𝐒𝐨 𝐧𝐚𝐬𝐚𝐚𝐧 '𝐲𝐮𝐧𝐠 𝐭𝐞𝐝𝐝𝐲 𝐛𝐞𝐚𝐫 𝐤𝐨?" Saad ko nanaman. Para na akong buang dito na nakikipag-usap sa sarili.
    
    
    
"𝐁𝐚𝐤𝐚 𝐧𝐚𝐬𝐚 𝐤𝐨𝐭𝐬𝐞 𝐧𝐢𝐲𝐚?!" Saad ko at lumabas ng kuwarto, pero napatigil din ako sa harap ng kuwarto ni Z. "𝐏𝐞𝐫𝐨 𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐫𝐢𝐭𝐨 𝐤𝐨𝐭𝐬𝐞 𝐧𝐢 𝐙..." Bagsak ang balikat na bulong ko.
    
    
     
Mangiyak ngiyak naman akong bumalik ng kuwarto. "𝐀𝐬𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐛𝐚 𝐤𝐚𝐬𝐢 '𝐲𝐨𝐧?" Parang ano naman kasi ehh. Pag 'yon nawala, sisisihin ko si Z.
   
   
    
Nakanguso akong humiga at natulog. Pero nagdasal muna ako syempre.
   
   
    
Hindi pa ata nakakaisang oras ang tulog ko nang makarinig ako ng malakas na pagkatok mula sa may main door. Inis akong bumangon at pumunta roon.
   
      
     
Mabilis akong nakarating dahil malapit lang naman 'yon sa kuwarto ko. "𝐀𝐧𝐨 𝐛𝐚 '𝐲𝐨𝐧?! 𝐊𝐚𝐢𝐧𝐢𝐬 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐞𝐡! 𝐏𝐚𝐧𝐢𝐫𝐚 𝐤𝐚 𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐥𝐨𝐠!" Sigaw ko roon sa kumakatok habang papalapit sa pinto.
   
    
    
Kunot nuo kong binuksan ang pinto. Hindi na'ko nag dalawang isip kung magnanakaw ba 'yon o ano. Tumigil ang pagkatok bago ko pa 'yon mabuksan.
   
    
    
Bahala na si batman...
  
    
   
Pagbukas ko ay bumungad sa'kin si Z na galit na galit. "𝐖𝐡𝐚𝐭 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐮𝐝𝐠𝐞 𝐭𝐨𝐨𝐤 𝐲𝐨𝐮 𝐬𝐨 𝐥𝐨𝐧𝐠?!" Galit na sigaw nito. Napaatras naman ako dahil doon.
     
    
    
Nakakatakot talaga siya pag galit...
    
    
     
Naglakad siya papunta sa'kin at nang makitang nakaharang ako sa daan ay hinawi niya ako na parang kurtina. Dumiretso ako sa pader at muntik pang masubsob.
   
   
    
Inis ko siyang tinignan. Dirediretso lang siyang naglakad at padabog na humiga sa sofa. Inilagay niya ang braso sa nuo na bahagyang nagtakip sa mata niya.
    
    
    
"𝐀𝐤𝐚𝐥𝐚 𝐤𝐨 𝐛𝐚 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐚 𝐮𝐮𝐰𝐢 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧?" Inis na tanong ko sa kaniya. Bahagya akong lumapit para makita siya ng maayos dahil masyado ng madilim dito sa sala.
    
    
     
"𝐈𝐭'𝐬 𝐧𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐛𝐮𝐬𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬." Sagot niya.
   
    
    
"𝐋𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚 𝐛𝐚?" Agad na tanong ko ng maamoy ko ang hininga niya. Hindi niya ako pinansin, sa halip ay pinagpatuloy niya lang ang pagpikit.
    
       
      
"𝐋𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚 𝐛𝐚?" Pag-uulit ko sa tanong ko. "𝐒𝐚𝐚𝐧 𝐤𝐚 𝐛𝐚 𝐤𝐚𝐬𝐢 𝐧𝐚𝐠𝐩𝐮𝐧𝐭𝐚?" Inis na tanong ko sa kaniya. "𝐃𝐨𝐨𝐧 𝐤𝐚 𝐧𝐠𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐮𝐰𝐚𝐫𝐭𝐨 𝐦𝐨 𝐦𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐠!" Saad ko. Tinignan niya lang ako ng masama.
   
    
    
"𝐂𝐚𝐧 𝐲𝐨𝐮 𝐬𝐭𝐨𝐩 𝐚𝐬𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐞 𝐪𝐮𝐞𝐬𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬?! 𝐏𝐚𝐠𝐨𝐝 𝐚𝐤𝐨! 𝐇𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧 𝐦𝐨 𝐧𝐚'𝐤𝐨 𝐫𝐢𝐭𝐨!" Saad niya. Hindi ko siya pinansin at kumuha nalang ng tubig sa may kusina.
   
    
    
"𝐔𝐦𝐢𝐧𝐨𝐦 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐛𝐢𝐠." Saad ko habang inaabot sa kaniya ang tubig. Tinabig niya lang ang kamay ko dahilan para matapon 'yung tubig sa baso.
   
    
    
Inis niya akong tinignan. "𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐚 𝐛𝐚 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐧𝐭𝐢𝐧𝐝𝐢?!" Galit na sigaw niya sa'kin.
   
    
    
"𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐤𝐚 𝐛𝐚 𝐤𝐚𝐬𝐢 𝐧𝐚𝐠-𝐢𝐧𝐨𝐦?" Mahinahong tanong ko na mas lalong ikinagalit niya. Hinawakan niya ako sa panga ng sobrang higpit. Halos madurog na ang panga ko dahil sa pagkakahawak niya.
    
     
     
"𝐂𝐚𝐧 𝐲𝐨𝐮 𝐣𝐮𝐬𝐭 𝐟𝐫𝐞𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐞𝐚𝐯𝐞 𝐦𝐞 𝐚𝐥𝐨𝐧𝐞?" Galit nanaman niyang sigaw. Mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa panga ko dahilan para mapainda ako sa sakit.
     
    
     
Ilang segundo pa ang lumipas at pabalibag niya akong binitawan. At dahil nga sa hawak niya ako sa panga ay tumama ang ulo ko sa kung saan. Hindi ko alam kung saan 'yon, pero ang alam ko ay may tumutulo na sa nuo ko.
      
    
     
Hindi ko na kailangan pa na tignan 'yon dahil alam ko naman na dugo ang tumutulo roon. Tumayo ako, medyo nahilo pa'ko no'ng una.
   
    
     
Dumiretso ako sa may C.R at kinuha roon 'yung first aid kit. Kitang kita ko sa salamin ang dugong tumatagaktak mula sa nuo ko papunta sa may baba.
    
    
    
Agad kong ginamot 'yung sugat at lumabas para sana i-check si Z. Pagdating ko sa sala ay wala na siya roon. Pumunta ako sa kuwarto niya at tumambad sa'kin si Z na nakahandusay sa sahig.
    
    
     
Tinulungan ko siyang makarating sa kama niya. Nang makaayos na ng higa ay tinanggal ko naman ang sapatos niya at itinabi 'yon.
    
     
      
Bumalik ako sa tabi niya. 'Apaka himbing na ng tulog ng loko. Bakit ba kasi nag-inom ang isang 'to? Nag break kaya sila ni Anna? Broken hearted siguro siya kaya nag-inom.
   
    
     
O baka naman trip niya lang? Kaso ibang klaseng trip naman ang meron siya kung gano'n.
    
    
    
Akmang tatayo na'ko para bumalik sa kuwarto ko pero nakaramdam ako ng kung anong yumakap sa'kin. Tinignan ko si Z na nakapikit naman.
   
    
     
Dahan dahan siyang nagmulat ng mata. Nagtama ang tingin namin. Tanging liwanag lang galing sa sinag ng buwan ang nagsisilbing ilaw dito sa kuwarto niya.
   
   
     
Tumatama ang ilaw na 'yon sa'kin dahil nakaupo ako. Tumingin ako roon para makaiwas ng tingin kay Z. May kung anong kirot kasi na nanggagaling sa dibdib ko ang nagpapasakit ng damdamin ko.
    
    
    
Ewan ko, pero nasasaktan ako dahil sa mga kinikilos niya. Sino ba naman kasing hindi masasaktan dito, 'diba?
   
    
    
Humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin. Napatingin naman ako sa kaniya dahil doon. Isinubsob niya ang ulo niya sa may bewang ko.
   
    
    
Parang hindi ako sinaktan ahh!
   
    
    
May binulong siya na kung ano pero hindi ko 'yon narinig. Mas lalo pa siyang sumiksik. Nakaramdam ako ng pagka ilang kaya tinulak ko siya ng kaunti.
    
    
    
"𝐀𝐧𝐨? 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐬𝐚𝐛𝐢 𝐦𝐨 𝐫𝐢𝐲𝐚𝐧?" Tanong ko sa kaniya.
   
    
    
"𝐒𝐨𝐫𝐫𝐲..." Mangiyak ngiyak na saad nito. Tsk. Akala niya ba okay na 'yon ng gano'n lang? Sakit kaya ng pagkakauntog ko. Hanggang ngayon ata ay nahihilo pa'ko.
    
    
     
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa'kin. Tumayo ako at agad na lumabas ng kuwarto niya. Dumiretso ako sa may kuwarto ko at nahiga.
   
     
    
Kapal talaga ng mukha ng lokong 'yon. Sa tingin niya ba isang 'sorry' lang okay na?
    
    
     
Tanging pagbuntong hininga nalang ang nagawa ko. Bakit ba kasi ganiyan siya? Magagalit tapos maya maya magiging okay na ulit.
     
     
     
Mananakit tapos sorry lang ang kayang ipalit. I still remember the first time he hurt me. He didn't apologize that time.
   
   
    
Well...
   
    
    
Naa-appreciate ko naman 'yung sorry niya ngayon. Kaso kasi...sobra na 'to. Masakit na masyado. Hindi lang physically but also emotionally.
     
     
     
I deserve more than his 'sorry'. Pa'no niya nagagawa 'to sa'kin? Tatay ko ba talaga siya? Inampon niya ba talaga ako para alagaan?
   
    
    
Or did he just adopted me to be his maid? To be someone that he can hurt kapag hindi siya okay? To be someone na pwede niyang pagbuntungan ng galit? To be someone na pwede niyang saktan?
    
    
     
Sa sobrang inis ko ay napasigaw nalang ako sa may unan.
   
   
     
"𝐀𝐧𝐨 𝐛𝐚 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐚𝐤𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐲𝐚?!"
    
    
    
------------------------------------------------------------------------

A/N: gusto niyo ba ng pov ni Zay? Or 'yung kay Duke?
   
    
     
If you like it then vote it! Thank yaurr🥰

AdoptionWhere stories live. Discover now