𝗨𝗻𝗸𝗻𝗼𝘄𝗻 𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 𝗽𝗼𝘃:
Mula rito sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko siya. Bukas ang kurtina sa malaking bintana sa sala nila. Nakaupo siya roon at halatang natatakot na nag-aalala.
Kani-kanina lang ay umalis si Zay. Muntik niya pa akong makita buti nalang at nakapagtago ako agad.
Bigla nalang tumingin si Oinaze kung nasaan ako. Hindi na ako nagkaroon ng chance para magtago. Nanatili nalang akong nakatayo.
Nakatingin lang siya sa'kin gamit ang mga matang malungkot. Bakit siya ganito? May problema kaya?
Pansin ko rin kanina habang tinitignan siyang matulog na mukhang masama ang pakiramdam niya.
Ano bang problema? Ngayon ko nalang ulit siya nakita matapos ang ilang taon. Too bad, I can't still be with her. Hanggang dito lang muna ako.
Kahit gaano ko pa kagusto siyang lapitan at yakapin at tanungin kung ayos lang ba siya, hindi pwede. Parehas lang kaming mapapahamak.
Dahan dahan siyang tumayo at lumapit sa may bintana. I'm afraid that she'll recognize me kaya kahit gusto ko pa siyang tignan ay mas pinili ko nalang na talikuran siya at umalis.
Sa bawat paghakbang ko palayo sa kaniya ay siyang pagtulo ng mga luha ko. Ayo'ko siyang iwan. Gusto ko siyang bantayan. Gusto kong malaman kung ayos lang ba siya.
At higit na gusto ko siyang protektahan sa gustong pumatay sa kaniya. Hindi ko siya pwedeng iwan lalo na't wala si Zay para samahan siya.
But I'm too afraid that she'll recognize me.
'Eto nanaman ako. Nagpapadala sa takot pero anong magagawa ko? Hindi pa kami pwedeng magkita at magkasama. It's too early for that...
Lumapit ako sa kotse at pinagbuksan naman ako ni Mike ng kotse. He's my brother. Ang nag-iisa kong kapatid. At siya lang din ang walang kagustuhan sa perang para sa'kin.
He doesn't care for money, he only cares about love.
Buti na nga lang at ganiyan siya dahil kung hindi ay mawawalan na'ko ng pag-asa. He's the only one who helped me and Oinaze ng mangyari ang aksidente five years ago.
I still remember that day, at tandang tanda ko rin kung sino ang nagmamaneho ng truck na 'yon.
I can never forgive him. I can never forgive them...
They're the reason kung bakit kami nagkahiwa-hiwalay. Kung bakit hindi ko siya makasama. Sila ang sumira sa'min at sisirain ko rin sila.
I entered the car and my brother Mike immediately drove. "𝐍𝐚𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐦𝐨 𝐧𝐚 𝐬𝐢𝐲𝐚?" Tanong niya sa'kin. Tipid na tango lang ang binigay ko sa kaniya.
"𝐏𝐰𝐞𝐝𝐞 𝐤𝐚 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐚𝐝𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐭𝐚𝐮𝐡𝐚𝐧 𝐥𝐚𝐫𝐚 𝐛𝐚𝐧𝐭𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐬𝐢 𝐎𝐢𝐧𝐚𝐳𝐞?" Tanong ko sa kaniya.
"𝐈 𝐚𝐥𝐫𝐞𝐚𝐝𝐲 𝐝𝐢𝐝." Sagot niya na medyo nagpakalma sa'kin. Pinagpatuloy niya ang oag da-drive at agad naman kaming nakarating sa bahay.
It's not too far sa kung saan tumitira si Oinaze ngayon. I want to know if she's safe everyday kaya bumili kami ng bahay dito sa subdivision kung nasaan sila.
Parang stalker ang atake but no one can blame me. I just really want to know if she's safe.
Agad akong pumunta sa kuwarto at nagpahinga. I need to take a rest dahil wala pa'kong tulog simula ng may mangyari sa kaniya kagabi.
Sa kagustuhan kong malaman kung okay lang ba siya ay hindi na'ko natulog at tinignan nalang siya habang tulog.
Kakakita ko palang sa kaniya pero gusto ko na ulit siyang makita...
𝗢𝗶𝗻𝗮𝘇𝗲'𝘀 𝗽𝗼𝘃:Umalis na si Z. Naiwan ako sa rito sa sala na tulala. Pa'no kung may bigla nalang pumasok at kidnapin ako? O pa'no kung patayin ako?
Ano ba kasing ginawa kong masama at kailangan ko pang danasin 'to? Wala naman akong naaalalang nagkaroon ako ng atraso sa kahit na kanino.
'Yung kay Anna ay gawa gawa niya lang 'yon. 'Di ko nga manlang siya inaano eh. Gumagawa lang siya ng away para sa sarili niya.
Feeling main character. Tsk.
Napatigil ako sa pag-iisip ng makaramdam nanaman ako ng kakaiba. 'Eto nanaman kasi 'yung feeling na para akong tinitignan ng kung sino.
Tinignan ko ang malaking bintana rito sa sala. At...at nakita ko ang kung sinong naram kong nakatitig sa'kin.
Nakatayo siya sa hindi kalayuan. Nakatitig lang din siya sa'kin. Mamamatay na ba ako? 'Eto na ba? Susundan ko na ba sila mom?
Hindi ko kaya...
Naninikip ang dibdib ko at ano mang oras ay may tiyansa na atakihin ako ng asthma. Kumakabog ang dibdib ko. Kinakabahan ako sa kung anong pwede niyang gawin.
Hanggang sa...
Nakita ko ang asul niyang mata. Kahit malayo ay kitang kita ko 'yon. Naka-mask siya kaya tanging mata niya lang ang kita ko. Nangingibabaw ang asul niyang mata.
Dahan dahan akong tumayo at lumapit sa may bintana. Gusto kong tignan ang mata niya. Gusto kong makasigurado. Gusto kong malaman kung totoo ba 'to pero...
Hindi ko na siya natignang muli dahil tumalikod siya at naglakad paalis. Marahan lang ang lakad niya. Gusto ko siyang sundan. Gusto ko siyang puntahan pero pa'no?
Pa'no ko magagawa 'yon? Gusto ko siyang tignan sa malapitan pero hindi ko magawa. Natatakot ako na baka pag lumabas ako ay may bigla nalang dumukot sa'kin.
Pa'no kung patibong lang pala 'to? Yes! Patibong lang 'to! Gusto nila akong sumunod doon sa lalaki na 'yon para makuha nila ako.
Kasi imposible... Imposibleng siya 'yon.
Pero bakit gan'to pa rin ang nararamdaman ko? Bakit parang gustong ipagpilitan ng puso ko sa utak ko na siya nga 'yon?
Kahit na alam ko namang hindi pwede. Pero pwede bang ipilit? Kahit isang beses lang... Pwede bang ipilit na siya na nga lang talaga 'yon? Na sana totoo nalang...
Napahawak ako sa ulo ko ng sumakit iyon. Bumalik ako sa pagkakaupo at isinandal ang ulo sa kamay na nakapatong sa tuhod.
Bakit ganito? Ano ba 'tong sakit ko? Bakit parang sa paglipas ng araw ay mas lalo lang lumalala?
'Eto nanaman. Nag didilim nanaman ang paningin ko. Ayo'ko makatulog kaya pinilit kong imulat ang mata ko. Hindi ako pwedeng matulog. Baka kung ano nalang ang mangyari sa'kin.
Pero huli na...kusa ng bumagsak ang talukap ng mata ko...
. . . . .
Nagising ako dahil sa pagtawag sa'kin ng kung sino. "𝐀𝐳𝐞...𝐀𝐳𝐞..." Saad niya habang tinatapik ang balikat ko.
Dahan dahan akong nagmulat ng mata at nagtama naman ang tingin namin ni Z. Nag-aalala ang tingin niya na ngayon ko lang nakita sa kaniya.
Bumangon ako at umupo. Agad niya naman akong binigyan ng tubig na ininom ko rin agad.
"𝐊-𝐤𝐚𝐧𝐢𝐧𝐚 𝐤𝐚 𝐩𝐚?" Tanong ko sa kaniya pagkainom.
"𝐊𝐚𝐤𝐚𝐮𝐰𝐢 𝐤𝐨 𝐥𝐚𝐧𝐠. 𝐍𝐚𝐚𝐛𝐮𝐭𝐚𝐧 𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐫𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐥𝐨𝐠, 𝐚𝐤𝐚𝐥𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐠𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐭𝐚𝐲 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐞𝐡." Saad niya habang nilalagay ang baso sa center table rito sa sala.
"𝐆𝐫𝐚𝐛𝐞 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧. 𝐏𝐚𝐭𝐚𝐲 𝐚𝐠𝐚𝐝?" Ang O.A. masyado ng taong 'to. "𝐔𝐡𝐦..𝐙...𝐦𝐚𝐲 𝐦𝐠𝐚 𝐬𝐮𝐫𝐯𝐞𝐢𝐥𝐥𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐜𝐚𝐦𝐞𝐫𝐚𝐬 𝐝𝐢𝐧 𝐩𝐚 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐲?" Tanong ko sa kaniya.
"𝐌𝐞𝐫𝐨𝐧, 𝐛𝐚𝐤𝐢𝐭?" Saad niya. "𝐌𝐚𝐲 𝐩𝐮𝐦𝐮𝐧𝐭𝐚 𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐛𝐚?" Saad niya at agad naman akong tumago.
"𝐈'𝐦 𝐠𝐨𝐧𝐧𝐚 𝐜𝐡𝐞𝐜𝐤 𝐢𝐭." Saad niya sabay kuha ng phone sa bulsa. May pinindot siya na kung ano ano bago nagsalita ulit. "𝐌𝐞𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢𝐩 𝐩𝐞𝐫𝐨 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐮𝐤𝐡𝐚." Saad niya.
Pa'no ko malalaman kung siya nga talaga 'yon?
------------------------------------------------------------------------
A/N: everything na nagyari sa chap na 'to is not planned. Ewan ko ba. Basta ko nalang napag tripan at tada✨ may another plot twist!
If you like it then vote it! Thank yaurr🥰
YOU ARE READING
Adoption
Mystery / ThrillerThe girl's parents died when she was 10. Her relatives decided to take her to the orphanage since no one wants to take care of her, and also because of another reason, which is her parents money. She refused to, but she can't do anything about it. S...