CHAPTER 19

143 5 3
                                    

𝗭𝗮𝘆'𝘀 𝗽𝗼𝘃:

I'm here in front of an orphanage. Wala pa'kong tulog at ano mang oras ay babagsak na talaga ang talukap ng mata ko.

Why did I even agree to ninong? Maybe my brain isn't working already kaya basta basta nalang akong umoo sa kaniya. I didn't even think twice sa kung anong pinapagawa niya sa'kin.

Mag-alaga ba naman daw ng bata?! I mean she's not a kid, but a teenager! A freaking TEENAGER!

Why would I take care of someone I don't even know? Si Glaiza nga na kapatid ko ayo'ko alagaan eh. Siya pa kaya?

Well...as if I have a choice?

Umoo na'ko kay ninong at wala ng atrasan 'yon. Andito na rin ako sa harap ng orphanage kaya wala na talagang balikan.

Why am I even doing this at three A.M.?

Si ninong kasi ihh! Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Huminga muna ako ng malalim bago nag doorbell.

Agad namang may lumabas na madre. Nakangiti niya akong binati ng 'good morning'. I just smiled at her. Wala ako sa mood para makipag-usap.

"𝐈'𝐦 𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐀𝐳𝐞 𝐂𝐚𝐫𝐫𝐢𝐥𝐥𝐨." Deretsahang saad ko. Pinapasok niya naman ako. May tinawag siyang isa pang madre.

"𝐏𝐚𝐤𝐢 𝐚𝐲𝐨𝐬 𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐧𝐢 𝐀𝐳𝐞 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐧𝐚 𝐬𝐢𝐲𝐚 𝐫𝐢𝐭𝐨." Saad nitong madre sa harap ko sa kausap niya pang madre.

"𝐀𝐡 𝐡𝐢𝐣𝐨, 𝐛𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐧𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐠𝐚-𝐚𝐠𝐚 𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐦𝐮𝐧𝐭𝐚?" Tanong niya sa'kin pagkaharap.

"𝐈 𝐡𝐚𝐯𝐞 𝐭𝐨 𝐠𝐨 𝐭𝐨 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐩𝐚 𝐩𝐨 𝐤𝐚𝐬𝐢 𝐦𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚, 𝐚𝐧𝐝 𝐦𝐚𝐬𝐲𝐚𝐝𝐨 𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐲𝐨 𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐨𝐫𝐩𝐡𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐲𝐚 𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐤𝐨 𝐧𝐚." Nakangiting sagot ko.

Tumango tango lang naman siya. Pinaupo niya ako sa isa sa mga sofa rito sa sala nila. Sabi niya ay maghintay lang daw ako ng ilang sandali. Tumango lang ako sa kaniya bilang sagot.

Tinignan ko ang paligid. Malaki ang bahay ampunan na 'to. Maraming kuwarto at nasa limang palapag. Madilim din ngayon dito sa loob.

Tulog pa raw kasi ang mga bata kaya hindi pa sila nagbubukas ng ilaw. Malalaki naman ang mga bintana kaya nakakapasok din ang liwanag sa loob.

Ilang minuto pa ang lumipas at bumaba na sila. Isang matangkad na babaeng may 'di kahaban ang buhok ang bumaba kasama nung madreng tinawag nitong isang madre. Hanggang dibdib niya lang ang buhok niya.

Hindi ko siya masyadong makita dahil sa hindi naman ganoon kaliwanag ang paligid. Tumingin tingin siya sa paligid na animo'y may hinahanap. 'Di ko nalang pinansin.

Kinausap kasi ako nung madreng kasama ko kanina. Siya pala ang punong madre dito. "𝐇𝐢𝐣𝐨, 𝐬𝐢 𝐀𝐳𝐞 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐲 𝐚𝐬𝐭𝐡𝐦𝐚. 𝐌𝐚𝐲 𝐚𝐥𝐥𝐞𝐫𝐠𝐲 𝐝𝐢𝐧 𝐬𝐢𝐲𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐥𝐢𝐤𝐚𝐛𝐨𝐤 𝐤𝐚𝐲𝐚 '𝐰𝐚𝐠 𝐦𝐨 𝐬𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐬𝐲𝐚𝐝𝐨 𝐢-𝐞𝐱𝐩𝐨𝐬𝐞 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐚𝐚𝐥𝐢𝐤𝐚𝐛𝐨𝐤 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐠𝐚𝐲." Saad noong babaeng tagapangalaga pala ni Aze.

AdoptionWhere stories live. Discover now