CHAPTER 6

88 3 1
                                    

𝗢𝗶𝗻𝗮𝘇𝗲'𝘀 𝗽𝗼𝘃:

Nagising ako dahil sa mahigpit na pagkakayapos sa'kin ng kung sino. Triny kong tanggalin yung kamay sa may bewang ko ng hindi nagmumulat pero ang lakas niya masyado.
    
      
        
Napilitan akong magmulat at tignan kung sino 'yon. May hinala naman na ako kung sino siya kaso syempre hindi pwedeng 'tamang hinala' lang.
     
      
       
Nang makapag-adjust na ang mata ko sa liwanag ay agad na nagtama ang tingin namin. Nakatitig lang siya sa'kin ng walang emosyon. Ang cold namann!
   
   
     
Medyo mababa ang pwesto niya. Nakatagilid siya at nakaharap sa'kin habang ang kamay ay nakayapos sa bewang ko.
    
     
     
Tumagal pa ang pagtititigan namin ng ilang segundo pero natigil 'yon nang bigla niyang isuksok ang ulo sa may bandang dibdib ko. Shet! Hindi na cold! Ang init na!
    
      
       
Nakaramdam ako ng kung ano sa tiyan ko kaya agad ko siyang tinulak. Hindi natinag ng tulak na 'yon ang pagkakayakap niya sakin, pero inalis niya ang ulo niya sa pagkakasuksok sa dibdib ko.
   
    
     
Muling nagtama ang tingin namin. Napatitig ako sa mata niya na nasisinagan ng araw galing sa may bintana. Brown pala kulay ng mata niya... Ngayon ko lang napansin.
     
      
       
Umiwas siya ng tingin at bahagyang niluwagan ang pagkakayakap sa'kin. Umayos siya ng higa habang nakayakap pa rin.
  
    
      
Nakatitig lang ako sakaniya habang siya ay iwas na iwas ang tingin. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "𝐁𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠𝐨𝐧 𝐧𝐚 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐥𝐦𝐮𝐬𝐚𝐥 𝐧𝐚." Saad niya at saka tinanggal ang pagkakayakap sa'kin.
    
      
      
Tumayo siya at umupo naman ako. "𝐀𝐲𝐮𝐬𝐢𝐧 𝐦𝐨 '𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐦𝐚." Saad niya at pumunta na sa CR. Sinunod ko ang utos niya at nang matapos ay pumunta ako sa may walk-in closet.
    
     
       
Nakakapagtaka lang... Bakit andito siya? Halos mag-aalas sais na ng umaga. Wala ba siyang pasok? Anong araw ba ngayon? Ahhh sabado na nga pala.
    
     
      
Natigilan ako sa pag-iisp ng biglang bumukas yung pintuan ng CR. Lumabas doon si Z na nakatapis lang at tanging lower body lang ang natatakpan. Napatingin ako sa abs niya. Shet! Six packs gar!
      
      
       
Agad akong umiwas ng tingin nang mabilang ko na 'yung abs niya...hehe. Tumayo ako at pumasok sa loob ng CR. Ginawa ko lang ang morning routine ko at lumabas na rin agad.
     
     
     
Lumabas agad ako ng kuwarto dahil wala naman na siya roon. Saktong paglabas ko ay ang paghain niya ng pagkain. Yey! Almusal na! Kainan na!
    
      
      
#pataygutom
      
        
         
Umupo ako agad at nagdasal bago kumain. Pagkatapos namin kumain ay naghugas na ako---este hindi ko pala masabing ako ang naghugas dahil nilagay ko lang naman 'yung mga hugasin sa dishwasher.
    
      
       
Umupo muna ako sa sofa habang hinihintay matapos 'yung dishwasher. Nasa may upuan ako na nakaharap sa TV. Si Z naman ay nasa kaliwang parte ng upuan. Nanonood lang siya ng movie.
    
     
      
Walang kumikibo sa aming dalawa at tanging ang ingay sa TV lang ang maririnig. Minsan ay sinusulyapan ko siya. Ramdam ko rin ang pagsulyap niya sa'kin.
     
      
       
Ang uncomfortable talaga. Lumalala na ata kabaliwan ng lokong 'to. Hindi ko na siya maintindihan. Ba't niya naman kasi ako yayakapin? Tapos hindi pa nakikipag-usap. Hayss.
    
     
      
O baka naman ako 'yung problema? He's my dad after all---or is he? I don't know... Sobrang naguguluhan na'ko ngayon.
     
      
        
Tumayo ako at inayos na 'yung mga pinggan nang matapos na 'yung dishwasher. Bumalik ako sa kuwarto at humilata. Wala naman kasi akong gagawin. Malinis naman ang buong bahay kaya hindi ko na kailangang linisin pa.
    
     
     
Masyado rin namang maaga para magdilig. Hayss. Mag-aaral na nga lang muna ako....
    
     
      
Tinuloy ko ang balak ko at nagsimula ng mag-aral. Sabado na ngayon kaya kailangan ko na talagang mag seryoso sa pag-aaral.
    
     
     
. . . . .
   
    
     
Alas-otso na ng umaga ako natapos sa pag-aaral. Natapos ko na rin lahat ng lessons. Ang pwede ko nalang gawin sa linggo ay i-master 'yung mga lessons at pagkatapos ay mag siyesta na lang.
     
      
        
Halos mag-t-tatlong oras na'kong nakadapa rito sa kama at nagbabasa. Medyo sumasakit na rin ang katawan ko. Nag-inat inat ako saglit at lumabas ng kuwarto.
    
     
      
Ano pa bang pwedeng gawin? Hayss. Mas okay pa ata kung maglilinis ako kaso...malinis naman na ang buong bahay kaya ano pa ang lilinisin ko?
    
     
     
Aha! Kung mag bike kaya ako? Kaso...makikita ako ni Z. Baka sabihin pa niya na masyado akong pakielamera. Ano namang gagawin ko? Ayo'ko naman matulog kasi kakagising ko lang.
    
     
       
Hindi ko namalayan na andito na pala ako sa sala. Umupo nalang ako at tumingin sa kawalan. Hayss. Ang boring talaga...
    
    
      
"𝐊𝐮𝐧𝐠 𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐞𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐠𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬 𝐤𝐚." Saad ng kung sino. Hayss. Sabing malinis naman na ang bahay eh. Ano pa ang lilinisin ko riyan?
    
     
      
"𝐌𝐚𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐲." Bored na sagot ko sakaniya. Tumayo siya mula sa kinauupuan. Akala ko ay aalis na siya pero lilipat lang pala ng puwesto. Tumabi siya sa'kin at hinarap ako.
     
    
     
"𝐄𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐠𝐥𝐚𝐛𝐚 𝐤𝐚." Saad niya ng walang emosyon. Ay hala! Oo nga pala! Wagas pa mandin kung magpalit itong lalaki na 'to. Hayss.
    
     
    
Akala ko wala na'kong kailangan gawin... Dapat pala 'di na'ko nag reklamo. Ngayon na may kailangan na'kong gawin ay parang tinatamad naman ako.
    
    
     
Ibang klase talaga!
     
      
       
Nakayuko akong pumunta sa CR para maglaba. Nilagay ko lang yung mga labahin sa washing machine at in-on 'yun. Bumalik ako sa sala para maghintay sana matapos 'yung washing machine kaso...
    
    
      
"𝐌𝐚𝐠 𝐬𝐚𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚 𝐧𝐚." Saad niya bago pa'ko makaupo. Naku naman! Napairap nalang ako sa hangin. Never na talaga ako magrereklamo kapag wala akong ginagawa.
    
      
     
Mas okay pa na nakatunganga lang ako. Hayss. Nagsimula akong magsaing. Naging madali lang naman kasi may rice cooker naman si Z.
    
     
      
Pagkatapos ko masalang yung sinaing ay bumalik na'ko sa CR. Ipinagpatuloy ko ang paglalaba.
     
      
      
Lagpas isang oras ang inabot ko sa pagsasabay ng paglalaba at pagsaing. Nang matapos akong magsaing ay sakto namang pagtapos ng dryer. Itinupi ko lang 'yung mga damit at ng masigurong wala na'kong gagawin ay humilata agad ako sa kama.
    
  
     
Ewan ko ba. Hindi naman ganoon kahirap 'yung ginawa ko pero feel ko sobra akong napagod dahil doon.
    
     
     
Tingnan ko 'yung alarm clock. Eh? Alas onse na agad ng umaga. Ang bilis naman ata? Tanghalian na agad. Sakto kumakalam na rin ang sikmura ko.
    
     
     
Gutom na ata mga alaga ko sa tiyan. Kawawa naman sila...
     
      
        
Lumabas ako ng kuwarto at naabutan ko naman si Z na naghahain na ng pagkain. Nice! Maghuhugas nanaman ako... Kainis! Ginagawa akong katulong ng lokong 'to.
   
     
     
Anak ba ako o maid?
    
      
       
Pero ang tanong...siya ba talaga ang nag-ampon sa'kin? Syempre siya 'yon! Siya ang sumundo sa'kin ehh. May point rin naman 'tong imagination ko.
     
     
     
Pero bakit tinatrato niya akong yaya? Suntuking ko siya eh. Charr! Umupo ako at nagdasal bago kumain. Nang matapos ay syempre naghugas na'ko.
    
     
      
Bawal mag huramintado tatay ko dahil baka bigla nalang siya manakit. May sapi pa naman siya. Hayss.
      
      
       
Pagkatapos ko maghugas ay kumuha na'ko ng damit para maligo. Habang kumukuha ng damit sa may closet ay bigla nalang sumulpot si Z sa likuran ko.
  
    
     
Ano ba naman 'tong tao na 'to! Bigla bigla nalang nag te-teleport!
      
     
      
"𝐆𝐮𝐬𝐭𝐨 𝐦𝐨 𝐦𝐚𝐠 𝐬𝐰𝐢𝐦𝐦𝐢𝐧𝐠?" Nakangiting tanong niya sakin. Wow first time! Nagtanong siya sa'kin ng nakangiti! Nagtanong siya ng nakangiti! Nagtanong siya ng nakangiti! Nagtanong siya ng nakangiti!
    
     
     
Oo na! Oo na! Para namang sirang plaka oh!
     
     
     
Epal naman masyado 'tong imagination ko. Mukhang timang. Eme. Pero HAHAHAHA ngumiti siya sa'kin! Nakipag-usap siya sa'kin sa tono na walang bakas ng inis o galit. Baka may sakit siya? O baka naman nauntog kaya nagkaganiyan.
    
     
     
Himala!
     
      
      
Mapansin kong kumunot ang nuo niya kaya agad na nawala ang ngiti sa labi niya at ganoon din sa labi ko. Nakangiti na rin kasi ako habang iniisip ko yung himala.
    
     
    
"𝐀𝐧𝐨 𝐧𝐠𝐚? 𝐆𝐮𝐬𝐭𝐨 𝐦𝐨 𝐛𝐚 𝐨 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢?" May halong inis na saad niya. Ay! Wala na siyang sakit. Gumaling na rin ata yung pagkakauntig niya. Hayss.
   
    
      
Agad akong napayuko dahil sa galit niyang tingin sa'kin. "𝐆-𝐠𝐮𝐬𝐭𝐨..." Sagot ko habang nakayuko pa rin.
   
     
     
"'𝐘𝐮𝐧 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐥𝐚 𝐞𝐡. 𝐓𝐚𝐫𝐚 𝐧𝐚!" Saad niya at agad akong hinigit. Buti nalang talaga nakakuha na'ko ng damit. Ang bilis niya maglakad! Halos makaladkad ako ehh.
    
     
     
Nilagay ko sa may sofa yung damit ko ng madaanan namin 'yon. Muntik pa 'ying mahulog. Pa'no ba naman kasi eh sobrang bilis niya maglakad.
    
     
      
Hindi manlang ako hinayaan na ilagay ng maayos 'yung damit ko. Tsk. Dirediretso lang siya sa paglalakad at pagkaladkad sa'kin hanggang sa makarating kami sa may swimming pool dito sa may backyard.
     
      
       
Napatingin ako kay Z nang bumitaw siya sa pagkakahawak sa'kin. Nag-umpisa siyang maghubad ng pang-itaas kaya agad akong napaiwas ng tingin.
    
     
        
Tumalon siya sa swimming pool kaya napatingin ulit ako sa kaniya. "𝐓𝐚𝐫𝐚 𝐧𝐚!" Aya niya sa'kin. Lumapit ako ng kaunti sa may swimming pool.
    
     
     
Nakatayo lang ako habang nakatingin sa kaniya. 'Di naman kasi ako marunong lumangoy. "𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭? 𝐀𝐤𝐚𝐥𝐚 𝐤𝐨 𝐛𝐚 𝐠𝐮𝐬𝐭𝐨 𝐦𝐨 𝐦𝐚𝐠 𝐬𝐰𝐢𝐦𝐦𝐢𝐧𝐠?" Takang tanong niya sa'kin at lumangoy palapit sa pwesto ko.
      
     
      
Umupo ako at inilublob ang paa sa may swimming pool. Tinignan ko siya sa mata pero umiwas din ako agad ng tingin. "𝐇-𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐚𝐤𝐨 𝐦𝐚𝐫𝐮𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐥𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠𝐨𝐲..." Iwas tingin na sagot ko sa kaniya.
    
     
      
Hinigit niya ako papunta sa kaniya na naging dahilan ng paghulog ko sa swimming pool. Agad akong nag panic ng maramdaman kong para akong lumulubog. Lagpas na sa baba ko yung tubig at unti-unti na rin akong nahuhulog.
     
     
     
Shet ayo'ko pa mamatay!
      
      
      
Hinila niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa bewang ko. Inangat niya ako at agad naman akong nakahinga ulit ng maayos. Walanghiyang 'to! Muntik na'ko atakihin ng asthma!
     
     
       
Nakapikit lang ako habang naghahabol ng hininga. Naramdaman ko ang paghawak niya sa pisngi ko kaya napamulat ako. Ngayon ko lang napansin na ang lapit niya pala sa'kin.
     
      
       
Hawak ng kanang kamay niya ang bewang ko at ang kaliwa naman ay nakahawak sa pisngi ko. Nakakapit ako sa likuran niya. "𝐀𝐫𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐨𝐤𝐚𝐲?" Takang tanong niya sa'kin.
     
     
      
Tanging pagtango lang ang naisagot ko. Ewan ko ba! Bakit ba ako natatameme? Hayss. Umayos siya ng tayo at tinanggal ang pagkakahawak sa bewang ko. Bumitaw din ako sa pagkakahawak sa likuran niya.
     
     
      
"𝐊𝐮𝐦𝐚𝐥𝐦𝐚 𝐤𝐚 𝐥𝐚𝐧𝐠. 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐡𝐚𝐡𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐦𝐚𝐭𝐚𝐲." Saad niya at bahagyang umalalay sa likod ko ng magpanic nanaman ako. Feel ko kasi mahuhulog ako ng wala sa oras.
      
      
        
Para akong nalutang dito sa tubig at kapag gumalaw ako ay paniguradong babagsak ako. Humawak siya sa likod ko kaya kumalma na'ko ng kaunti.
     
      
       
"𝐒𝐚𝐛𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐮𝐦𝐚𝐥𝐦𝐚. 𝐀𝐧𝐠 𝐤𝐮𝐥𝐢𝐭 𝐦𝐨 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚." Napataas ang isa kong kilay dahil sa sinabi niya. Ako makulit? Eh siya kaya 'yon! Eme. Oo na makulit na!
    
     
      
"𝐈𝐡𝐡𝐡! 𝐒𝐚𝐛𝐢 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 '𝐝𝐢 𝐚𝐤𝐨 𝐦𝐚𝐫𝐮𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐥𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠𝐨𝐲!" Inis na saad ko sa kaniya. Hindi naman siya umimik. Patuloy pa rin siya sa pag-alalay sa likod ko kung sakaling mag panic nanaman ako.
     
     
      
"𝐊𝐮𝐦𝐚𝐥𝐦𝐚 𝐤𝐚 𝐧𝐠𝐚 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐚𝐛𝐢!" Inis na saad nito. "𝐖𝐚𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐜 𝐩𝐚𝐫𝐚 '𝐝𝐢 𝐤𝐚 𝐦𝐚𝐥𝐮𝐧𝐨𝐝!" Dagdag niya pa. Pa'no naman ako kakalma kung ganiyan siya?
    
      
       
Pinilit ko nalang kumalma kahit 'di ko naman talaga kaya. No choice eh. Pag hindi ako kumalma, malulunod ako meaning madededz ako. Kapag naman kumalma ako edi walang mangyayari.
    
      
         
Naramdaman ko nanaman yung feeling na para akong nalutang. Unti-unti rin nawawala 'yung kamay ni Z sa likod ko. "𝐀𝐬 𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐬 𝐲𝐨𝐮'𝐫𝐞 𝐜𝐚𝐥𝐦, 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐧𝐠𝐲𝐚𝐲𝐚𝐫𝐢." Saad niya at tuluyan nh tinanggal ang kamay mula sa likod ko.
    
    
       
Tumango tango nalang ako sa kaniya na animo'y manghang mangha. Ang astig kasi ewan ko ba kung bakit.
    
     
       
Triny kong umalis sa pwesto ko pero parang wala namang nangyari. Triny ko ulit at naging successful na siya. Pumunta ako sa may gilid ng pool.
     
       
        
Agad na hinanap ng mata ko si Z pero hindi ko siya makita. Tinignan ko pa ang buong paligid dahil baka umahon na siya pero walang bakas ni Z sa kahit saan.
     
     
        
"𝐀𝐇𝐇!" Napasigaw ako dahil may biglang humawak sa bewang ko. Sabi na nag te-teleport talaga 'tong lokong 'to eh!
  
     
      
"𝐇𝐀𝐇𝐀𝐇𝐀𝐇𝐀 𝐦𝐮𝐤𝐡𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐧𝐠𝐚!" Natatawang saad niya sa'kin. Inirapan ko lang siya. Aba'y sapakin ko 'to eh!
    
     
      
"𝐏𝐫𝐨𝐛𝐥𝐞𝐦𝐚 𝐦𝐨 𝐛𝐚? 𝐁𝐢𝐠𝐥𝐚 𝐤𝐚 𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐬𝐮𝐥𝐩𝐨𝐭 𝐝𝐢𝐲𝐚𝐧!" Inis na sigaw ko sa kaniya. Pwede bang manabunot? Kairita 'to eh.
     
      
     
"𝐇𝐦?" 'Yan lang ang tanging sinagot niya sa'kin. Mas lalo lang akong nainis. Pinisil ko ang braso niya. Hindi 'yon kurot pramis! Pisil lang talaga...
    
     
     
Edi wow! Sinungaling ka!
    
     
       
Manahimik! Epal na imagination! "𝐀𝐫𝐚𝐲..." Naka-pout na saad niya. Hala mukhang ewan! Sakalin ko 'to eh! Iniripan ko lang siya.
     
     
     
"𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐬𝐚𝐲𝐨 𝐛𝐚𝐠𝐚𝐲. 𝐌𝐮𝐤𝐡𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐞𝐰𝐚𝐧!" Inis na saad ko sa kaniya. Tumawa lang naman ang loko. May sapi nanaman siya... Hayss
    
     
     
'Yung totoo? Ako ba yung inaalagaan niya o siya itong inaalagaan ko? Mas maganda siguro kung alaga ko nalang siya. My pet (peeve).
     
     
      
Binatukan ko siya kaya napatigil siya sa pagtawa. 'Yung mata niyang nakangiti kanina ay napalitan ng galit. Naks! Patay ako ngayon nito...
    
    
    
"𝐀𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐧𝐨𝐧 𝐚𝐡!" Inis na saad niya. Bigla nalang siyang umatras at ngumiti ng nakakaloko. Ano nanaman trip nito? Pinagtaasan ko siya ng isang kilay.
    
    
      
Bumwelo siya at bigla nalang akong binasa. Aba'y punyemas! Hala bad! Bawal magmura uy!
    
    
        
Patuloy lang siya sa pagbasa sa'kin. Ako naman ay hindi na makahinga. Tanging pagsalag lang sa tubig ang kaya kong gawin.
    
      
      
"𝐀𝐫𝐠𝐡𝐡!" Galit na sigaw ko pero waepek 'yon. Mukhang hindi niya makuha na hindi na ako makahinga. Hindi niya ba alam na may hika ako?
     
      
       
Wala akong nagawa kundi ang basain din siya. Successful naman dahil napatigil ko siya. Agad kaong naghabol ng hangin nang tumigil siya.
    
     
      
"𝐁𝐚𝐥𝐚𝐤 𝐦𝐨 𝐛𝐚 𝐚𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐭𝐚𝐲𝐢𝐧?" Saad ko at binasa siya. Patuloy ko lang siyang binabasa hanggang sa mag sign siya ng 'stop'. Agad akong tumigil kasi baka galit na siya.
     
      
      
'Yan tayo eh masyado ka kasing soft hearted kaya kapag siya okay lang. Tsk.
     
      
       
Sorry na... Eto lang kasi ako... Ay ang OA! Soobrang OA! Habol hininga si Z na tumingin sa'kin ng masama. Inirapan ko lang siya. Wala na kasi akong maisip na pang comeback kaya irap lang ang nagagawa ko.
     
        
        
"𝐀𝐇𝐀𝐇𝐀𝐇𝐀 𝐦𝐮𝐤𝐡𝐚 𝐤𝐚 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐞𝐰𝐚𝐧." Baliw na talaga 'to. Siya kaya areng mukhang ewan. Tsk. Hinampas ko siya sa balikat kaya napatigil siya. Nakangiti siyang tumingin sa'kin.
    
     
      
"𝐁𝐚𝐥𝐢𝐤 𝐧𝐚 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐥𝐨𝐨𝐛. '𝐃𝐢 𝐤𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐥𝐚 𝐦𝐚𝐫𝐮𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐥𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠𝐨𝐲. 𝐓𝐬𝐤." Saad niya na kinakunot ng nuo ko.
     
      
      
"𝐈𝐡𝐡 𝐠𝐮𝐬𝐭𝐨 𝐤𝐨 𝐩𝐚 𝐦𝐚𝐠 𝐬𝐰𝐢𝐦𝐦𝐢𝐧𝐠..." Malungkot na saad ko sa kaniya habang nakayuko.
     
      
       
"𝐓𝐬𝐤. 𝐅𝐢𝐧𝐞. 𝐃𝐨𝐨𝐧 𝐤𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐰 𝐥𝐚𝐧𝐠." Saad niya at tinuro 'yung isang parte ng pool na malapit sa may hagdan. Pumunta ako roon. Mababaw nga lang. Mukhang 'yung pinaghulugan ko kanina ang pinaka malalalim na part.
    
     
       
Swimming lang siya ng swimming duon sa malalim na part habang ako andito na parang bata na nanunuod sa kaniya. Tsk. Pag ako natutong lumangoy! Lulunurin ko talaga siya. Charr!
     
      
      
Nagtampisaw nalang ako sa isang sulok hanggang sa bigla nanaman siyang sumulpot. Binasa niya ako saglit pero tumigil siya ng tignan ko siya ng masama. Tinawanan niya lang ako.
    
      
        
May topak talaga. Binasa ko siya gaya ng ginawa niya sa'kin. Sakto naman na tumagilid siya kaya natamaan siya sa tenga. Mukhang napasukan siya ng tubig sa tenga.
      
       
        
Tinagilid niya ang ulo at tinaktak 'yon HAHAHAHA! "𝐌𝐮𝐤𝐡𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐞𝐰𝐚𝐧 𝐝𝐢𝐲𝐚𝐧 𝐇𝐀𝐇𝐀𝐇𝐀𝐇𝐀!" Natatawang saad ko. Sinamaan niya lang ako ng tingin at pinagpatuloy ang ginagawa.
     
     
      
Mukha talaga siyang ewan. Habang tinataktak niya kasi ang ulo ay kasabay ng pagsasabi niya ng 'hello' ang OA niya masyado.
     
      
      
. . . . .
      
       
       
Halos mag-iisang oras na rin kaming nakababad dito. Asaran lang naman kami ng asaran. Kung hindi nagbabasaan ay nilulublob namin ang ulo ng isa't isa sa tubig.
     
      
      
Masaya pero masyadong risky. Halos mamatay kami sa mga pinag gagagawa namin. Pero sa totoo lang...ang saya talaga. Ngayon ko lang kasi siya nakasama ng ganito.
     
      
      
Halos isang linggo pa lang kaming magkasama pero sa loob din ng isang linggong 'yon ay puro kasungitan lang ang pinapakita niya.
      
      
     
Hindi ko alam na may ganito pala siyang side. Akala ko kasi ay palagi lang siyang galit. Sana lang talaga ganito nalang siya palagi.
   
    
      
------------------------------------------------------------------------
A/N: pasensya na po sa matagal na paghihintay. 'Wag kayo mag-alala lab ko kayong lahat🤭 Btw malapit na yung plot twisttt!!
    
      
      
If you like it then vote it! Thank yaurr🥰

AdoptionWhere stories live. Discover now