CHAPTER 5

110 4 0
                                    

𝗢𝗶𝗻𝗮𝘇𝗲'𝘀 𝗽𝗼𝘃:

Andito kami ngayon sa may sala. Paano ba naman kasi eh itong isa bigla nalang pumasok. Hindi niya manlang sinagot kung paano siya nakapasok dito.
   
    
     
Ulaga talaga eh!
   
    
      
"𝐒𝐨 𝐩𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐤𝐚 𝐧𝐠𝐚 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐬𝐨𝐤? 𝐀𝐭 𝐚𝐧𝐨 𝐛𝐚 𝐠𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐦𝐨 𝐫𝐢𝐭𝐨?" Agad na tanong ko kay Duke pagka-upo namin.
   
    
    
"𝐀𝐥𝐚𝐦 𝐤𝐨 𝐲𝐮𝐧𝐠 𝐜𝐨𝐝𝐞 𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐭𝐞 𝐤𝐚𝐲𝐚 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐬𝐨𝐤 𝐚𝐤𝐨." Saad niya at saka tumayo. Dumiretso siya sa kusina at nagkukuha ng kung ano-ano. Yung totoo? Nag grocery lang ba kami para kainin niya?
    
     
     
"𝐀𝐧𝐝𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐤𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐤𝐚." Dagdag niya pa at saka nilantakan yung nakuha niya. Tayguts din pala 'to?
   
    
    
"𝐒𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐬𝐚𝐚𝐧?" Medyo inis na tanong ko sakaniya.
   
"𝐒𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐝𝐢𝐭𝐨 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐲." Kibit balikat niyang sagot.

"𝐁𝐚'𝐭 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐦𝐨 𝐩𝐚 𝐚𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐧?"

"𝐔𝐭𝐨𝐬 𝐧𝐢 𝐙𝐚𝐲 𝐞𝐡."
   
    
    
"𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐤𝐚 𝐩𝐚 𝐧𝐢𝐲𝐚 𝐮𝐭𝐮𝐬𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐬𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐤𝐨? 𝐊𝐚𝐲𝐚 𝐤𝐨 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐥𝐢 𝐤𝐨 𝐞𝐡! 𝐀𝐭 𝐬𝐚𝐤𝐚 𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐛𝐚 𝐬𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐲𝐚? 𝐈𝐧𝐮𝐭𝐮𝐬𝐚𝐧 𝐤𝐚 𝐩𝐚 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚. 𝐈𝐦𝐛𝐢𝐬 𝐧𝐚 𝐡𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧 𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐦𝐚𝐬𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐚𝐲 𝐢𝐧𝐮𝐭𝐮𝐬𝐚𝐧 𝐤𝐚 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐤𝐨." Inis na saad ko.
   
   
    
Naiinis ako kay Z dahil sa pag-uutos niya sa talipandas niyang kaibigan para samahan ako rito sa bahay. Naiinis din ko rito kay Duke dahil sa pagsunod niya kay Z.
  
   
    
"𝐖𝐚𝐥𝐚 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐲𝐚 '𝐲𝐨𝐧 𝐇𝐀𝐇𝐀𝐇𝐀𝐇𝐀 𝐞𝐦𝐞! 𝐍𝐚𝐫𝐢𝐫𝐢𝐧𝐢𝐠 𝐧𝐢𝐲𝐚 𝐩𝐚𝐥𝐚 𝐭𝐚𝐲𝐨." Natatawa niyang sabi.
  
   
    
"𝐍𝐚𝐫𝐢𝐫𝐢𝐧𝐢𝐠?" Takang tanong ko sakaniya. Paano naman kami maririnig ni Z? Meron bang kung ano sa bahay?
  
   
   
"𝐓𝐡𝐫𝐨𝐮𝐠𝐡 𝐭𝐡𝐞 𝐜𝐜𝐭𝐯 𝐜𝐚𝐦𝐞𝐫𝐚𝐬." Saad niya sabay turo sa mga cctv caneras dito sa loob ng bahay. Really? Ngayon ko lang nakita ang mga 'to. 'Di ko alam na kitang kita niya pala lahat ng galaw ko.
  
   
    
"𝐏𝐚-𝐂𝐑 𝐚𝐤𝐨 𝐚𝐡." Saad niya sabay takbo sa CR. Tsk. Magpapaalam pa eh dumiretso naman na siya.
  
   
     
Napatingin ulit ako sa mga cctv cameras. Tinignan ko rin yung mga guest room kung meron pero wala. Mukhang hindi niya nilagyan yung mga kuwarto. Siguro naman hindi rin siya naglagay sa CR 'no?
  
   
    
"𝐒𝐮𝐜𝐞𝐬𝐬!" Sigaw ni Duke paglabas ng CR. Hayss. Kailan ba aalis 'tong kumag na 'to? Ang ingay-ingay eh.
   
    
    
Napansin niya yung pinto papunta sa kuwarto namin ni Z. Pumasok siya roon nang hindi manlang nagpapaalam. Sinundan ko naman siya sa loob. "𝐇𝐞𝐡𝐞 𝐬𝐨𝐫𝐫𝐲...𝐠𝐮𝐬𝐭𝐨 𝐤𝐨 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐢𝐠𝐧𝐚𝐧 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐧𝐚 𝐛𝐚 𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐲 𝐧𝐢 𝐙𝐚𝐲." Saad niya ng mapansing masama ang tingin ko sakaniya.
   
    
    
Tumingin tingin pa siya sa paligid na animo'y nililitis talaga ang buong bahay. Pumasok pa siya sa walk-in closet at sinipat sipat yung mga gamit doon. Sunod niya naman pinuntahan yung CR.
   
   
     
"𝐖𝐨𝐰 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬! 𝐍𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧 𝐤𝐨 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐲 𝐧𝐢 𝐙𝐚𝐲!" Manghang mangha na saad niya. Aysus! Syempre ako naglinis eh!
   
    
    
"𝐏𝐚𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧 𝐦𝐨 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐲 𝐧𝐢 𝐙?" Takang tanong ko sakaniya. Pabalik na kami ngayon sa sala. Kinuha ko yung mga gamit ko sa school bago siya sundan ulit.
  
  
     
"𝐃𝐚𝐭𝐢 𝐤𝐚𝐬𝐢 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐧𝐚𝐩𝐮𝐧𝐭𝐚 𝐚𝐤𝐨 𝐫𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐲 𝐡𝐚𝐥𝐨𝐬 𝐦𝐚𝐠𝐦𝐮𝐤𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐬𝐮𝐫𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐲 𝐧𝐢𝐲𝐚." Sagot niya sa'kin pagkaupo. Dumikwatro pa habang nakasandal sabay kuha ng remote at binuksn ang TV.
  
   
    
Feel at home na feel at home ah!
    
    
     
"𝐁𝐚𝐬𝐮𝐫𝐚𝐡𝐚𝐧? 𝐆𝐫𝐚𝐛𝐞 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧." Saad ko at umupo sa tabi niya. Binuklat ko yung mga kailangan kong aralin at nag-umpisang magbasa.
   
   
     
"𝐁𝐚𝐬𝐮𝐫𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐤𝐚𝐬𝐢 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚. 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐝𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐧𝐢𝐲𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐚𝐧-𝐬𝐚𝐚𝐧. 𝐘𝐮𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐢𝐧𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐚 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐩𝐮𝐩𝐮𝐧𝐭𝐚 𝐫𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐢𝐛𝐚'𝐭 𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐮𝐠𝐚𝐫. 𝐓𝐬𝐤. 𝐆𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐲 𝐩𝐞𝐫𝐨 𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨𝐧𝐠 𝐠𝐫𝐚𝐬𝐚 𝐲𝐮𝐧𝐠 𝐥𝐨𝐨𝐛." Pagpapaliwanag niya habang nanonood ng TV.
   
    
     
Dahil sa mga pinagsasasabi niya ay naalala ko tuloy yung araw na dumating ako rito sa bahay ni Z. Malinis naman kasi kaso yung ibang room ay masasabi kong marumi talaga.
    
     
     
Baka nga totoo talaga yung mga sinasabi nitong Duke na 'to. Kung totoo man 'yon o hindi wala naman akong pake. Hayss.
   
    
     
Ang boring... Gusto ko matulog. Wala naman sigurong masama kung matutulog ako 'no? Wala naman sigurong gagawing masama itong Duke na 'to 'no? At kung may gawin man siya ay siguradong lagot siya kay Z.
   
   
     
Sakit kaya humawak nung lalaking 'yon. Tsk.
      
      
       
Ipinikit ko ang mata ko at isinandal sa upuan ang ulo. Agad naman akong nakatulog.
   
    
    
Habang nakapikit ay nakaramdam ako ng kung ano. Ang init...tapos nasa bandang leeg ko pa. Ano ba 'to?
   
    
    
Bahagya akong nagising dahil doon. Hindi ko minulat ang mata ko dahil sa katamaran. Pinakiramdaman ko nalang ang paligid. Patuloy ko pa ring nararamdaman yung mainit na hangin sa may bandang leeg ko.
    
     
      
Bahagyang nawala iyon na pinagtaka ko. Nalipat yung mainit na hangin sa may bandang mukha ko. "𝐁𝐚'𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐦𝐨?" Saad niya. Anong trip nitong isang 'to?
    
    
      
Hinawakan niya ang mukha ko at hinimas himas iyon. Nakaramdam ko ng pagka-uncomfy kaya gumalaw ako ng kaunti palayo sa kaniya. Ayo'kong malaman niya na gising ako. Baka kasi kung ano nalang ang gawin niya.
  
    
     
Naramdaman kong lumapit pa siya lalo. Mas lalo ko ring naramdaman ang mainit na paghinga niya na malapit sa ilong ko. Natakot ako sa pwede niyang gawin kaya nagmulat ako pero shet!
   
    
     
Tumalsik si Duke dahil sa kamaong tumama sa mukha niya. Napatingin ako roon. Si Z yung sumuntok kay Duke at halatang halata sa mga mata niya ang galit.
    
    
    
Lalapit na sana siya papunta kay Duke pero agad akong humarang. "𝐀𝐧𝐨 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐛𝐥𝐞𝐦𝐚 𝐦𝐨?!" Pasigaw na tanong ni Duke kay Z na nasa harapan ko na ngayon.
   
   
    
"𝐈𝐤𝐚𝐰! 𝐈𝐤𝐚𝐰 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐛𝐥𝐞𝐦𝐚 𝐤𝐨!" Pasigaw naman na sagot ni Z habang dinuduro duro si Duke. Lalapit pa sana siya at aamba ng suntok pero humarang ulit ako dahilan para lumipat ang masamang tingin niya sa'kin.
   
    
    
Nakaramdam ako ng takot dahil sa tingin niyang 'yan. Baka kasi maulit yung pananakit niya sa'kin nung nakaraan. Pero sa kabila ng takot ko sa kaniya ay nakuha ko pa ring sumagot.
   
   
     
"𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐛𝐚 𝐤𝐚𝐬𝐢 𝐛𝐢𝐠𝐥𝐚 𝐤𝐚 𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐧𝐮𝐧𝐮𝐧𝐭𝐨𝐤?!" Sigaw ko sa kaniya. Hindi siya sumagot sa halip ay tinignan niya lang ng masama si Duke.
   
    
    
"𝐔𝐦𝐚𝐥𝐢𝐬 𝐤𝐚 𝐧𝐚." Seryosong saad niya pero bakas pa rin sa boses niya ang galit. Agad namang umalis si Duke ng hindi nagsasalita. Naglakad ng kaunti si Z para makita ang pag-alis ni Duke.
   
    
     
Bago lumabas si Duke sa pinto, isang matalim na titig ang ibinigay niya kay Z. Padabog niya ring isinara ang pinto. Nang tuluyan ng makaalis ay tumingin ako kay Z.
   
   
    
Wala na siya sa tabi ko. Pumunta ako sa kuwarto para sana hanapin siya. Hindi naman ako nabigo dahil andoon lang siya sa kama habang nakaupo at masama ang tingin sa kawalan.
    
    
     
Naglakad ako palapit sa kaniya pero nag sign siya ng 'stop' kaya huminto ako sa paglapit sa kaniya. Huminga siya ng malalim bago nagsalita.
   
    
      
"𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐤𝐚𝐲𝐨 𝐦𝐚𝐠𝐤𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚?" Walang emosyon niyang tanong sa'kin.
   
    
   
"𝐒-𝐬𝐚𝐛𝐢 𝐧𝐢𝐲𝐚 𝐚𝐲 𝐢𝐧𝐮𝐭𝐮𝐬𝐚𝐧 𝐦𝐨 𝐫𝐚𝐰 𝐬𝐢𝐲𝐚 𝐧𝐚 𝐬𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐤𝐨..." Mahinang sagot ko sa kaniya. Nakakatakot kasi siya tumingin.
    
    
    
"𝐒𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐚𝐲 𝐢𝐧𝐮𝐭𝐮𝐬𝐚𝐧 𝐤𝐨 𝐧𝐠𝐚 𝐬𝐢𝐲𝐚." Saad niya at saka tumayo at lumapit sa'kin. "𝐈𝐧𝐮𝐭𝐮𝐬𝐚𝐧 𝐤𝐨 𝐬𝐢𝐲𝐚 𝐧𝐚 𝐬𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐤𝐚 𝐦𝐚𝐠 𝐠𝐫𝐨𝐜𝐞𝐫𝐲." Saad niya at mas lalo pang lumapit.
   
    
      
Napaatras ako dahil halos magdikit na ang katawan namin sa kakalapit niya, pero agad niya akong hinawakan sa bewang at hindi na hinayaan pang makagalaw at umatras.
   
    
     
"𝐀𝐭 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐡𝐚𝐥𝐢𝐤𝐚𝐧 𝐤𝐚." Mariin na sabi niya sabay lapit ng mukha niya sa'kin. "𝐒𝐚 𝐬𝐮𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐡𝐮𝐰𝐚𝐠 𝐦𝐨 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐩𝐚𝐩𝐚𝐬𝐮𝐤𝐢𝐧 𝐲𝐮𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐥𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 '𝐲𝐨𝐧 𝐝𝐢𝐭𝐨 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐲. 𝐌𝐚𝐥𝐢𝐰𝐚𝐧𝐚𝐠?" Saad niya.
   
   
    
Tanging pagtango na lang ang naisagot ko dahil kung magsasalita pa ako ay baka magdikit na ang labi namin. Sobrang lapit na niya kasi.
   
    
      
Umalis siya sa harapan ko at lumabas ng kuwarto. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makaalis na siya. Nanikip ata dibdib ko nung sobrang lapit ng mukha niya sa'kin. Ang uncomfortable kasi.
   
    
      
Lumabas na rin ako ng kuwarto. Dumiretso ako sa sala at inayos yung mga gamit ko. Niligpit ko na rin yung nga pinagkainan ni Duke. Tayguts! Mana sakin...
    
     
       
Sakto naman na pagtapos kong magligpit ay ang pagtapos din ni Z sa paghahain ng pagkain. Hapunan na agad? Aga pa ah... Mag-aalas sais pa lang.
   
   
    
Pero okay lang 'yon kasi gutom na rin ako. Umupo ako sa tabi ni Z at nagsimulang kumain---pero nagdasal muna ako syempre.
   
     
     
Natapos kaming kumain ng wala manlang nagsasalita. "𝐌𝐚𝐠𝐡𝐮𝐠𝐚𝐬 𝐤𝐚 𝐧𝐚." Saad niya at saka lumakad papunta sa kuwarto.
   
    
    
"𝐇𝐚𝐲𝐬𝐬...𝐡𝐮𝐠𝐚𝐬 𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧. 𝐌𝐚𝐩𝐚𝐩𝐚𝐬𝐦𝐚 𝐧𝐚'𝐤𝐨 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐤𝐚𝐡𝐮𝐠𝐚𝐬." Saad ko habang nikiligpit ang mga pinagkainan. Ay teka! May dishwasher nga pala si Z!
   
    
    
Ang tanga mo self!
   
    
     
Nahampas ko nalang ang nuo ko dahil sa katangahang meron ako. Hayss. Ba't 'di ko agad naisip 'yon? Tsk. Wala naman na akong magagawa. Hindi ko naman na kasi mababago yung nangyari na.
   
    
     
Nilagay ko nalang sa loob ng dishwasher yung mga hugasin at in-on yun. Habang hinihintay na matapos ay ginawa ko na ang night routine ko. Sakto namang pagtapos ko ay ang tapos din ng dishwasher. Niligpit ko yung mga plato at pumunta na sa kuwarto.
   
    
      
Tulog na si Z nang pumasok ako. Agad akong tumabi sakaniya at natulog na rin.
   
    
     
Makalipas ang ilang minuto ay nakaramdam ako ng paggalaw. Nakakapagtaka nga lang dahil hindi naman ako nagigising basta basta ng dahil lang sa may gumalaw.
   
    
     
Bahagya kong ginalaw ang ulo ko at humarap sa may kaliwa ko. Nawala yung paggalaw kaya naman medyo nakatulog na ulit ako ng kaunti.
   
    
     
Pero paglipas ng ilang minuto ay may naramdaman naman akong gumalaw. Nakaramdam ako ng paghaplos sa buhok ko. Pinaglalaruan niya 'yon habang ang isang kamay ay humawak sa pisngi ko.
    
     
      
Nakaramdam ako ng pagkailang kaya bigla akong nagmulat. Agad na nagtama ang tingin namin. Shet! Ang lapit niya!
     
    
      
Inihilig ko ang ulo ko sa ibang direksyon para makaiwas ng tingin. Muntik na kaming mag kiss!! Kadiriii!
    
    
      
Lumayo siya ng kaunti at doon ko lang napansin ang pwesto namin. Halos pumaibabaw na kasi siya sa'kin kanina. Tinanggal niya ang kamay niya sa pagkakahawak sa buhok ko at umayos ng higa.
   
     
      
"𝐌𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐠 𝐤𝐚 𝐧𝐚." Saad niya at tumalikod. Tsk. Natutulog naman kasi talaga ako tapos bigla siyang manggaganon. Edi nagising ako dahil sa kagagawan niya!
   
    
     
Tapos ngayon patutulugin ako? Aba'y malala! Ano ba kasing problema niya? Naiinis ako na nandidiri. Naguguluhan na rin ako dahil sa inaasta niya.
    
     
    
Grabe siya kung magalit at halos makapatay na ang mga matatalim niyang tingin kapag galit. Nananakit din siya kapag galit tapos paglipas ng ilang minuto okay na siya agad. Ang gulo!
    
     
     
Tapos mas lalo pang gumulo dahil sa nangyari kanina. Yung tinangka akong halikan ni Duke---na hindi ko naman alam kung totoo. Gising ako nang mangyari 'yon pero 'di naman ako nakamulat kaya hindi ko pa rin alam kung ano ang totoong nangyari.
    
    
      
Nang mangyari 'yon ay galit na galit siya. Hindi ko alam kung nagiging protective lang siya o ano pero kung ano man 'yon hindi ko pa rin maintindihan.
    
     
      
I don't even know if he's my father. Masyado pa siyang bata para mag-ampon. Nasa seventeen or eighteen pa nga lang siya. Alam kong pwede naman na mag-ampon ang isang eighteen years old pero eighteen na ba siya?
    
    
     
Or baka naman anak siya nung umampon sa'kin at nautusan lang na sunduin ako. Baka naman siya ang magiging kapatid ko. Hayss. Ayo'ko na! Mas lalo lang gumugulo ang utak ko!
    
     
       
Napatakip nalang ako sa mukha ko gamit ang kamay at pilit isiniksik sa unan ang ulo habang nakadapa. "𝐀𝐧𝐨 𝐛𝐚!? 𝐌𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐠 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐧𝐠𝐚!" Singhal niya sa'kin.
   
     
      
'Yan nanaman siya sa ugali niyang 'yan.
    
     
       
------------------------------------------------------------------------

A/N: hanggang dito nalang muna. Wala na kasi ako maisip. Comment na rin kayo para masaya ang lola niyo hehe
    
     
     
If you like it then vote it! Thank yaurr🥰

AdoptionWhere stories live. Discover now