KABANATA 2

20 2 0
                                    

Inaantok na ako ngayon sa lesson namin. Paulit-ulit ko na lang na naririnig yang lesson na yan, nakaksawa na! Hindi nga pala ako sumama kay Ina'y kahapon sa Club dahil tumakas ako. Ayokong maging prostitute kahit na mahirap lang kami. Nakakainis ang panahon ngayon, sobrang lakas ng ulan.



Nagulat naman ako ng may maramdaman akong gumalaw sa bandang ibaba ko. At nanlaki ang mata ko ng makitang kung ano iyun!



"Putcha naman oh! Xavier ayos-ayos!!" Galit na sigaw ko kay Xavier. Bigla niya kasi akong hinipuan sa hita, kaya napatayo ako.



"Ms. Sagrado, watch your mouth! Hindi ka nakakatulong sa lesson" sabi ni Mr. Terso---ang prof namin sa Phil. History. Bwisit!



Umupo na lang ulit ako at binigyan ko si Xavier ng killer look. Itinaas naman ang dalawa niyang kamay na para bang suko na siya. Nakakainis!



"Magkakaroon kayo ng fieldtrip this week. Inaasahan kong makakasama kayong lahat" sabi ni prof at kaagad na inimpis na ang mga gamit niya sa table. Buwisit naman oh, may fieldtrip pa hindi naman na kami bata pa! Argh!



Inayos ko na ang mga gamit ko. Half day lang kami ngayon kaya hindi na kami nag cutting class. At kagaya kahapon at noon...balik sa dating gawain para humanap ng biktima.





Narito naman kami sa Binondo. Nag motor lang kami nina Brandon at Xavier. Wala naman si Syrus dahil nagkasakit daw ito. Sus! Baka nabugbog na naman siya ng kaniyang Ama!



"Alam nyo na ha!" Sabi muli ni Brandon. Alam na alam ko na, matagal ko ng gawain ang mandukot hindi na bago 'to!




Nang maghiwalay-hiwalay na kami, kaagad na humanap na ako ng target. Ang binondo ay kilala bilang little china town kaya madaming tao rin dito. Nang makahanap na ako ng target...kaagad na lumapit ako ng pasimple. Kunwari ang acting ko ay maglalakad-lakad at sasakit bigla ang tiyan ko.



"A-aray! Ang sakit ng tiyan ko!" Sabi ko habang namimilipit sa sakit sa gitna ng kalsada. Napatingin naman ang lalaking target ko at lumapit ito sakin. Kadali namang mauto!


Umupo ito sa tabi ko at nakikita ko na kaagad ang swerte. Narealize kong nurse pala siya sa isang hospital kaya mabilis siyang pumunta sa kinaroroonan ko. Nakasuot kasi ito ng uniform. Napalunok muna ako bago kuhanin ang wallet niya. Alam kong mali pero kailangan kasi.



Pasimple kong kinuha ang wallet niya sa bandang likod niya sa bulsa. Nagulat naman ako ng tumayo ito at ng magdial sa phone, siguro ay tatawag ng ambulance. Kaagad na tumayo ako na parang wala lang ang nangyari. Nagtaka naman siya, pero nauna na ako maglakad para hindi niya makita na nasakin na ang mahiwagang wallet niya.



Narinig ko naman ang sabi nung nagtitinda. Medyo malayo na ako pero rinig ko ang sigaw niya.



"Ikaw! Bayad mo!" sabi ng lalaking maliit na nagtitinda ng mga keychains na pampaswerte. Kinapa naman ng lalaki ang wallet niya sa likod. Nanlaki ang mata ko ng magtama ang tingin naming dalawa. Patay! Nakita na niya ako! Takbo!



"Hoy! Magnanakaw! Ibalik mo yan!" Sabi nito habang patuloy na hinahabol ako. Nakita ko na sina Brandon at Xavier may bandang dulo. Kaagad na pinaharurut ni Brandon ang motor niya. Mabuti na lang at di na niya kami naabutan. Hays!


At hindi pa tapos ang trabaho. Narito naman kami sa daan sa may bandang gilid ng kalsada. Kami ni Brandon ang magkasama ngayon, ewan ko lang kung nasaan na si Xavier baka humihithit na naman. Tsk! Adik!



Ang plano ay kunwari'y bulag si Brandon at magpapanggap na masasagasaan siya ng kotse. At siyempre kailangan magbayad ng may-ari ng kotse dahil sa natamo ni Brandon kahit acting lang. At ang tawag dun ay Modus!


Dreaming with the Broken Heart (Going Back In 1941)Where stories live. Discover now