KABANATA 1

56 2 0
                                    

KABANATA 1

"Oh, Quipo, quipo, quipo!"

"Ate, bili na po kayo ng kandila"

"Palimos po". Mga ingay na naririnig ko mula sa malayo.



Narito ako ngayon sa Quipo Church. Nakatayo ako sa gilid at may hinihintay. Nakasandal lamang ako rito habang isa-isang tinitingnan ang mga taong dumaraan. Napaayos naman ako ng tayo ng dumating na ang mga kasamahan ko.



"Bakit ngayon lang kayo?!" Bungad ko kina Xavier, Brandon at Syrus---mga kaibigan ko.


"Ang hirap makatakas kay Mr. Terso. Mabuti na nga lang at pumunta muna siya sa library saka pa kami nakakuha ng tyempo para makatakas!" Nabubwisit na sabi ni Xavier habang hinihithit nito ang sigarilyo.



"Hirap naman talaga takasan yung Terso na yun! Matanda na nga ayaw pa mag reretired!" Tugon ko naman na ikinasang-ayon naman nung dalawa.



Nag cutting class kaming tatlo. Si Mr. Terso ang Professor namin sa Philippine History. Eksaktong ala-una na ng hapon at ito na ang oras para magsimulang magtrabaho.



"Oh, alam nyo na ang gagawin nyo ha!" Mahigpit na bilin naman ni Brandon. Tumango naman kaming tatlo at naghiwalay-hiwalay na.



Saglit na nagmasid-masid ako sa gilid. Nakipag-siksikan ako sa loob ng palengke. Madaming tao ngayon kaya jackpot na jackpot ako. Nakita ko ang bag ng isang Ale na nakabukas at nakikita ko na ang mahabang wallet niya. Pasimple kong kinuha iyun, kaso nagulat ako ng lumingon ito. Kaagad na tumakbo ako. Patay!



"Magnanakaw! Kinuha nung bata yung wallet ko!" Naririnig kong sigaw nung Ale.


Tama, ang trabaho namin ay magnakaw. Ito ang dahilan kaya kami nagka-cutting class araw-araw upang kumita ng malaki at may makain. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa marating ko ang makipot na daan. Nakita ko naman na naroroon na sina Brandon at Xavier. Dito ang base namin, kung saan kapag nakakuha na, dito kami magkikita-kita.


"Dito,Thalia!" Madaling sabi ni Brandon at nauna ng lumiko. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo.



"Tigil!" Narinig kong sigaw pa ng barangay tanod pero di ako nagpatinag.


Kaya mo yan Thalia! Wag kang papahuli! Takbo pa! At ng mapansin kong wala ng sumusunod sa amin kaagad na napasandal ako sa pader. Hingal na hingal ako at pawis na pawis na. Bwusit na barangay tanod na yun, dinaig pa ang runner sa sobrang bilis tumakbo!



Naglakad-lakad na lang ako habang hinihingal parin. Binuksan ko ang mahabang wallet at tiningnan ang laman noon. Wow! Ang laki nitong pera! Mga lilibuhin ang mga naroroon at halos ay wala pang gusot siguro ay kaka withdraw lang ng biktima ko. Kaagad kong tinago sa aking bra ang dalawang libo.



"Bakit ngayon ka lang!" Sigaw sakin ni Mang Renante-----ang leader namin na nasa 40's na ang tanda.



Nagulat naman ako ng hablutin niya kaagad ang wallet na dala-dala ko. Napatingin ako kina Brandon, Xavier, at Syrus na humihithit na ng ipinagbabawal na gamot.


"Bakit ito lang!" Sigaw pa nito sakin at isinampal niya sa mukha ko ang wallet. Kinuha na niya ang pera na sa tingin ko ay nasa anim na libo.


"Sa susunod, galingan mo pa sa trabaho mo! Yan na nga lang ang iniuutos ko maliit pa ang nadidispatcha mo!" Sigaw pa nito habang inuumang sakin ang perang hawak niya.


Napatabi naman ako ng pumagitna si Mang Renante. Narito kami sa isang bahay, kung saan nakatira si Mang Renante na siyang Leader namin. Matanda na ito, medyo mataba at nangunguna ang tiyan pero hindi naman ganun katangkaran. Nagulat ako ng magsalita siya.


Dreaming with the Broken Heart (Going Back In 1941)Where stories live. Discover now