KABANATA 8

20 1 0
                                    

Nakahiga ako ngayon sa kama. Nasa patatlong kwarto ako. As usual, dito ako dinala dahil kwarto talaga ito ni Nathalia! Ibig sabihin lang nasa Sariaya, Quezon na ako! At pansamantala na dito ako titira.

Nakakabagot naman. Hindi ako makagalaw masyado dahil nilalagnat ako. Maya-maya ay may kumatok. Hinintay kong may pumasok pero walang lumabas sa pinto. Baka akala nito naka locked ang pinto.

"Bukas yan!" Sigaw ko. Nakita ko naman na bumukas ang pinto at inilibas nito si Luningning. May dala siyang towel at maliit na palanggana.

"Señorita Nathalia, kung inyong mamarapatin nais ko po kayong punasan gaya ng bilin ni Donya Celestina" sabi nito at naupo sa tabi ko. Pinigaan naman niya ang towel. Tumango na lang ako dahil wala akong masabi. Hindi ko kayang magreklamo dahil ang sakit ng ulo ko.

"Ikaw nga si Luningning noh?" Pagsisisgurado ko. Curious kasi ako. Maputi ang balat niya, sakto lang ang height, matangos ang ilong at maganda talaga siya.

"Opo, Señorita" magalang na tugon nito. Bakit naman señorita ang tawag sakin, e isang normal at simpleng tao lang naman ako.

"Wag mona akong tawagin ng ganiyan. Thalia na lang" sabi ko. Nagulat naman ito at napatigil sa pagpunas sa braso ko.

"Bakit naman po? Hindi po pwedeng tawagin ko lang po kayo sa mismong pangalan nyo o sa palayaw pagka't isa lang po akong utasan ninyo. Isang utusan ng Mayor Dionisio" paliwanag nito. Napakuno't noo naman ako.

"Ibig sabihin anak ako ng Mayor? At ibigsabhin mayaman ako este kami!"gulat kong tanong. Napanganga naman siya pero kaagad na napatikom ng marealize niyang hinihintay ko ang sagot niya.

"G-ganun na nga po. Bakit tila nakalimutan niyo na po?" Naguguluhang tanong nito at pinagpatuloy ang ginagawa. Oo nga pala ako nga pala si Nathalia kaya expected na nilang alam ko. Bakit ba hindi ako nag-iisip.

"Ah nabagok kasi ang ulo ko kanina pero ayos na naman. Hehe!" Palusot ko na lang.

Bigla namang kuminang ang mata ko ng marealize kong mas maganda ang kwartong ito sa panahon na'to. Puro bago at napakabango. Nakita ko rin ang salamin sa tabi ng kama ko. At may maliit na drawer sa paanan ng kama at sa bandang bintana naman ay may malaking balkonahe.....kung saan nagpakamatay ang totoong Nathalia.

Halos ginto naman ang mga florera. Magkano kaya ito pag naibenta sa panahon ko. Sigurado mayaman na ako! Hays..napailing naman ako sa naisip ko. Hindi pwede dahil may misyon pa ako at kapag hindi ko nagawa at napagtagumpayan ang misyon na yun hindi na ako makakabalik sa panahon ko. At mai-stock ako sa panahon na to forever! Nagulat naman ako ng tumayo si Luningning.

"Tatawagin ko lamang po si Doktor Tolentino upang matingnan na po kayo" paalam nito pero hinawakan ko ang kamay niya. Pinilit kong bumangon.

"Hindi ko naman kailangan ng doktor. Sabihin mo alam mo ba kung san nakatira si Lorenzo?" Seryoso kong tanong. Naupo naman muli ito sa tabi ko. Ngumiti siya.

"Señorita, kailangan niyo pong magpaggamot. At tungkol po kay Ginoong Lorenzo...alam ko po ngunit hindi po kayo puwedeng magtungo doon pagka't kailangan niyo po munang magpaggaling" nakangiting sabi nito. Napanguso naman ako.

So ibigsabihin lang, hindi talaga sila magkikita ngayong araw dahil nakatadhanang lagnatin si Nathalia! Pero kung pupunta ako, pwedeng maiba ang tadhana. At pag nangyari yun...hindi maiinloved si Nathalia kay Lorenzo sa pamamanhikan dahil nakita na niya ito! Tama! Tama! Kailangan kong sumama.

Makalipas ang ilang sandali umalis na sa kwarto ko si Doctor Tolentino na sinasabi nila. Munkhang may.lahing kastila ang lalaking yun dahil napaka tangkad nito at napaka puti at halatang-halata naman sa ilong at pananalita. Hays!

Dreaming with the Broken Heart (Going Back In 1941)Where stories live. Discover now