KABANATA 9

13 1 0
                                    

Pasimpleng naglakad-lakad ako papunta sa hagdan. May nakakasalubong akong mga tao pababa pero hindi ko sila nililingon at nanatili lang akong nakayuko. Nagulat naman ako ng may mabunggo ako.




"Ay sorry po!" Kaagad kong sabi habang nakayuko at pinagpatuloy lang ang pag-akyat. Nagulat naman ako ng may magsalita. Lagot! Patay na ako!



"Binibining Nathalia?" Narinig kong sabi ng boses lalaki. Dahan-dahan akong lumingon. Sino naman siya?!



Nung una ay nagulat rin ito pero kalaunan ay ngumiti ito kaya ngumiti rin ako at nag piece sign. Mas matangkad ito sa'kin ng kaunti. May bigote at balbas. Maputi ito at pointed nose. Siguro may lahi siyang Kastila. I think nasa 50's na siya. Naka Amerikanong tuxedo ito at napakalalim ng boses. Magsasalita pa sana siya kaso tumalikod na ako at naglakad na muli.




Siguro kilala niya si Nathalia! Mabuti na lang at natakasan ko siya baka mamaya magtanong pa siya ng kung ano-ano kagaya nang nangyari sa simbahan kaninang umaga, hindi ko pa naman din alam ang isasagot hays!



Narating ko ang taas.Hanggang second floor lang din pala ito. At infairness napakaganda sa loob. May malaking chandelier na nakasabit sa taas ng kisame, at napakagaganda ng mga kurtinang nakasabit. Hays! Dinaig pa ang cater sa hotel, ang galing nila magdesign! Sa bagay birthday nga pala ni Lorenzo. Hmpp!





Teka! Speaking of Lorenzo Villamonte! Ano palang itsura niya at paano ko siya makikilala?! Bakit ba hindi ko naisip yun! Hindi ko nga pala naitanong kay Madre Maria ang itsura nito at kahit picture ay wala ako! Nasapo ko na lang ang noo ko. Nagulat naman ako ng may magsalita sa likod ko.




"Magandang gabi, Binibini" isang lalaki na may baritonong boses. Akmang lilingon na sana ako ng marealize kong baka kakilala niya rin si Nathalia.



"Binibi---" hindi niya natapos kasi nagsalita ako.



"Good evening rin. Busy ako, maya na lang!" Mabilis kong sabi at naglakad na muli. Hindi ko naman narinig na umangal siya. Sino kaya siya? Ang lalim naman ng boses niya! Pero hindi ito ang oras para alamin yun!



"Señorita baka gusto niyo po ng maiinom" sabi ng waitress na nakasalubong ko. Mukhang masarap ito ah. At mukhang mamahalin na wine ito!




Kumuha ako ng isang wine glass. Red wine ito at amoy pa lang mukhang matamis. Ngayon lang ako makakatikim nito! Nilagok ko kaagad at isinauli na ulit. Ang sarap!



Teka, waitress ba nina Lorenzo itong babae na ito. Hinabol ko naman ng tingin ang babae na nag se-serve. Siguro nga!



"Ate!" Tawag ko sa kaniya at lumingon naman siya. Tumakbo ako papunta sa kaniya.




"Ano po iyun, Señorita?" Sabi nito at nag bow sakin. Napatingin naman ako sa alak...kung kumuha kaya ulit ako? Napailing naman ako ng marahan. Hindi pa ako pwedeng magpakalasing hanggat hindi ko nagagawa ang plano ko.




"Itatanong ko lang ho... sana kung nasaan si L-Lorenz...*hik...o" sinisinok kong sabi. Mabuti naman at mukhang naintindihan niya.




"Si Señorito Lorenzo po ba? Naroon po siya sa Veranda kasama ng kaniyang mga kaibigan at kaklase sa abogasya" nakangiting sabi nito. Tumango na lang ako. Wala pala siya dito sa taas! Ano at saan naman yung Veranda? Umalis naman na ito at nag serve na muli ng wine. Hays!



Iniuli ko naman ang aking paningin sa buong kaitaasan ng bahay. Hanggang second floor lang ito pero sobrang laki. Inisip ko na lang na kwarto niya ako maghihintay para masosolo ko siya. Opss! Ibig kong sabihin... masosolo kong makausap siya para walang istorbo dahil seryosong usapan ito. Anong nasa isip niyo?




Dreaming with the Broken Heart (Going Back In 1941)Where stories live. Discover now