KABANATA 21- ANG DIGMAAN

15 1 0
                                    

"Ate Ada, ano ng gagawin natin? Sigurado akong mag-aalala sa'tin si Ina" Pauli-uli lamang ito habang nakapamay-awang at sapo ang noo.


Nagulat naman kami parehas ng bumukas ang pinto namin sa kwarto. Nilabas nito ang mga kababaihan.


"Ada,sumabay na kayo sa'min.Dadaan kami ng Tayabas, Quezon upang umuwi na sa'ming mga probinsiya. Madali kayo upang maka-alis na tayo" Ani Marieta. Inayos naman nina Silvia ang mga gamit namin.

"Nathalia, sa kanila na lang tayo sumabay. Dalhin mo na ang mga gamit mo sa ibaba" utos ni Ate Ada kaya madali ko itong sinunod. Hindi parin ako makapaniwala na ngayon ay masasaksihan ko ang madugong labanan. Natatakot ako hindi para sa'kin kundi natatakot ako para sa kanila, lalong-lalo na kay Lorenzo.

Nakasakay na kami ngayon sa kotse nina Marieta. Kasama rin namin sina Mathilda at Cecelia. Mabuti na lang at medyo malaki ang sasakyan nila kaya nagkasya kami. Isinantabi ko na lang muna ang inis kay Mathilda dahil wala ako sa mood makipag-away.

"Madre Maria, paano po kayo. San po kayo magtatago?" Alala kong tanong. Nakahawak ako sa kamay ni Madre Maria mula dito sa bintana ng kotse.

"Huwag kang mag-alala. Kaya ko ang sarili ko. Basta mag-ingat kayo sa inyong byahe. May mga sundalong nakasunod sa inyo kaya sigurado akong poprotektahan nila kayo" ngumiti ako sa kaniya pilit. Binigyan ko siya ng natatakot-ako-look.

"Huwag kang matakot hija. Kaya mo yan" cheer pa sakin nito at inayos ang aking buhok. Kaagad na nagpaalam na kami at sinimulan na ang pag-andar ng kotse.

Pagdating namin sa aming bahay sa Tayabas, Quezon kaagad na sinalubong kami nina Ina. Nagpaalam narin kami sa mga kasabay namin na sina Marieta, Silvia, Lucia, Mathilda at Cecelia.

"Salamat sa Diyos at ligtas kayo aking mga anak. Delikadong maglalabas tayo ngayon pagka't nabalitaan kong naririrto na sa bansang Pilipinas ang mga mananakop na hapones" kwento ni Ina. Nasa hapag-kainan kami ngayon.

"Nasaan po si Ama?" Tanong naman ni Ate Ada. Nagkatinginan naman sina Ate Clara at Juana.

"Hindi ko alam kung bakit kinakailangan pa niyang lumuwas ng Maynila kaninang umaga. Patuloy parin ang pag-iimbestiga sa kaso ng dating Gobernadorcillo. Hindi ko kakayanin kapag napahamak siya" nakita kong tumulo ang luha ni Ina. First time kong makitang umiiyak siya. Para akong nanghihina.

"Wag po kayong mag-alala, Ina. Babalik po si Ama ng walang labis at walang kulang. Hindi niya po hahayaan na may mangyaring masama sa kaniya" sabat naman ni Juana.

Kinaumagahan ng madaling araw nagulat ako ng bumungad sa'kin si Ama sa kwarto. Kukuha sana ako ng maiinom kaya lang nakita ko siya. Nagulat naman ako pero kalaunan ay pinilit na ngumiti.

"Kakatok sana ako upang magpaalam. Pakisabi sa inyong Ina na maaga ako ngayon aalis pagka't napagdesisyunan ng Pamahalaan na ibigay sa'kin ang responsibilidad bilang isang Gobernadorcillo. Wala ng panahon pa para mag botohan pagka't kinakailangan na may mamumuno sating bayan" bilin at kwento nito. Ibigsabihin kaya pala naging gobernadorcillo si Don Dionisio ay dahil sa darating na digmaan?

"Sino naman pong kasama ninyo? Mag-aalala po ng husto si Ina. Hindi na nga po namin kayo naabutan pa kagabi sa bahay dahil umalis raw po kayo at hindi naman na namin kayo nahintay dahil inantok na po kami" paliwanag ko naman. Napahinga ito ng malalim.

Dreaming with the Broken Heart (Going Back In 1941)Where stories live. Discover now