KABANATA 15

21 1 0
                                    

"Kanina pa kita hinahanap, Nathalia. Akala ko nawawala kana" nagulat ako ng bumungad si Belinda sa'kin. Akala ko multo siya. Hays! Ang sabi niya agahan ko gumising.

"Ahh...n-nagpunta kasi ako sa pasilyo. Kasi nakita ko si Lolo kaya pinuntahan ko" pag-amin ko. Narinig niya kaya ang mga sinabi ko? Halos malapit lang ang main door sa pasilyo kaya natatakot ako, baka may narinig siya.


"K-kanina kapa ba diyan?" Tanong ko naman dito. Umiling naman ito.


"Hindi naman matagal. Kararating-rating ko lang. Hinahanap ko rin kasi si Clara, kasi sasabihin kong sumama siya mamaya" sagot nito kaya nakahinga ako ng maluwag. San naman pupunta si Ate Clara, baka naman nandito lang sa tabi-tabi at nagmumuni-muni. Nagulat naman ako ng ikawit niya ang kaniyang kamay saking braso. Feeling closed lang ha!



"Nathalia, may kaunting pagbabago sa ating lakad. May hihintayin pa daw tayong isang tao sabi ni Ina at Tiya Celestina kaya mamaya pa tayo makakapunta. Ayos lamang ba sa'yo yun?" Whutt! May isa pa kaming kasama? At sino naman aber?!



"O-oo naman. Sige pupuntahan ko muna si Tiya Mercedes" aniya ko rito at nauna ng pumasok. Tumungo ako sa may kusina kung nasaan si Tiya at Luningning. Kasama rin nila ang iba pang mga kasambahay na nagluluto ng agahan.


"Magandang umaga po s-señorita Nathalia" natatarantang bati ni Luningning. Nagulat ko yata! Haha!



"Nandiyan ka pala. Gusto mong tumulong?" Tanong ni Tiya. Nanlaki naman ang mata ko dito dahil hindi naman ako marunong magluto ng ibang putahe. Tanging itlog, tuyo at noddles lang ang kaya kong lutuin dahil ito parati ang ulam namin, masala sa de lata.


"Ahh..s-sige po. Siya nga po pala nakausap ko po si Lolo" pagpayag ko dahil mukha naman akong tamad kung aayaw ako di'ba. Napatingin naman ito sa'kin at ngumiti. Inalok niya sa'kin ang paggagayat ng mga kamatis.




"Ganun ba? Mabuti naman kung ganun. Mamaya tayo mag-usap hija, akin na muna itong huhugasan dahil malapit ng dumating ang espesyal na na ating bisita" anito at tumungo sa lababo. Nagtaka naman ako kung sino ang tinutukoy niya kaya naisipan kong itanong.


"Sino po ba ang darating? Saka po nasan nga po pala si Ina at Ate Clara. Hinahanap raw po kasi ni Belinda si Ate Clara" tanong ko. Gumuhit naman ang pagtataka nito.




"Si Celestina ay nasa bayan kasama ni Puring at si Clara naman ay...hindi ko alam" nagkibit-balikat ito. Napakamot naman ako sa ulo dahil naiistress ako sa kakahanap sa kapatid ni Nathalia.




"Sige at lutuin mo na ang sinigang baboy at ako'y may kukuhanin lamang sa labas" bilin at dagdag pa nito at nauna ng umalis. Pipigilan ko pa sana siya para sabihing hindi nga ako marunobg magluto ang kaso, umalis na ito at lumabas. Patay! Problemado na naman ako! Nakakainis!



"Señorita, may problema po ba?" Malumanay na tanong ni Luningning. Ngumiti naman ako na parang natatae lang. Paano ko ito sisimulan hindi ako marunong magluto! Nagulat naman ako ng may kumiliti saking tagiliran.



"Magandang umaga Ate Nathalia!" Bati ni Juana. Napangiti naman ako at ginantihan siya ng kiliti. Ang kulit niya talaga!



"Anong lulutuin mo?" Tanong nito habang pinagmamasdan ang ginagawa ko. Naisip ko naman na magpalusot na lang ako.


"Pinagluluto kasi ako ni Tiya Mercedes ng sinigang na baboy...." Naghihintay naman ito ng kasunod. "Kaso nakalimutan ko na kung paano" natatawa kong sabi dito at napakamot na naman ako ulo. Napangiti naman ito.


"Yun lang naman pala. Sige at tutulungan kitang magluto. Mabuti na lang at tinuruan tayo ni Ina magluto" nakangiting sabi nito at nagsimula ng magpakulo ng tubig. Tama si Juana, mabuti na lang at tinuruan sila, dahil hindi ako marunong. Kahit kailan talaga pabuhat ako! Hays!





Dreaming with the Broken Heart (Going Back In 1941)Where stories live. Discover now