KABANATA 4 (1941)

33 2 1
                                    

"Siya si Nathalia" tugon ng boses matanda. Kaagad na napatili ako pero nagulat ako ng biglang magliwanag ang buong paligid! Whutt?! May ilaw naman pala!


"Huwag ka ngang sumigaw para kang baliw sa estilo mo!" Suway sakin ng matanda. Teka matanda na ba siya? Nakatalikod kasi siya at inaayos ang gusot na kama.



"Ako ang tagapamahala rito, huwag kang matakot Thalia" kaagad na nanlaki ang mata ko ng marinig ang sinabi niya. Papaanong nalaman niya ang pangalan ko?



"Kilala nyo ko?" Naguguluhan kong tanong. Hindi ito tumugon.


"Siya si Nathalia Enriquez ang anak ni Don Dionisio Enriquez at Donya Celestina" sabi nito at humarap sakin. Ows! matanda nga! Akala ko kase nasa 40's lang siya kase mukhang bata ang katawan. Tsk! Napeke ako dun ah!




"Bakit nyo naman sakin ipinapakilala?" Sarcastic kong tugon. Naalala ko naman na magnanakaw nga pala ang character ko ngayon kaya naisipan kong tumakas na kaagad bago pa ako maipahuli nito sa mga pulis.




"Dahil ikaw ay magiging siya" mahinahon na tugon nito. Naguluhan naman ako kaya napatigil ako at nilingon siya. Ano daw? Ako magiging siya? Mukhang baliw itong matanda!



"Siguro ay iniisip mong nasisiraan na ako ng bait hindi ba? Pero ang totoo, nakatadha itong mangyari" sabi nito habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko. Binigyan ko naman siya ng pinaglololoko-mo-ba-ako-look?!



"Iyang kwintas na yan ay pagmamay-ari niya" sabi pa nito at itinuro ang kwintas na dala ko napakurap naman ako ng dalawang beses habang pinagmamasdan ang gintong kwintas na may pendant na maliit na orasan. Weh?



"Kaniya 'to? Talaga?" Hindi makapaniwala kong tanong habang namamangha na sa mga naririnig at patuloy na pinagmamasdan ang kwintas. Isa na pala itong antigo! E kung ibenta ko ito sa malaking halaga, siguradong yayaman na ako!



"Oo. Isa iyan sa mga susi para mabago ang itinakda noon" bigla namang napataas ang kilay ko. Medyo nahihiwagaan na ako sa mga sinasabi ng matandang 'to pero kung paniniwalaan ko...dalawa na kaming baliw!



"Teka nga hindi ko kayo maintindihan. Pwede bang paki-elaborate pa ng lahat-lahat. At pakipaliwanag kung ano yung sinasabi niyo at bakit niyo ito minamarites sakin" reklamo ko.



"Si Lorenzo Villamonte ay nakatakda ng ikasal sa kaniyang kapatid na si Clara Enriquez ngunit sa unang pagkikita nila sa pamamanhikan, kaagad na nahulog ang loob nila sa isa't-isa" kwento pa nito. Napataas naman lalo ang kilay ko.



"You mean, loved at first sight?" Tanong ko dito. Tumango naman ito.


"Tama, nahulog kaagad si Nathalia kay Lorenzo dahil sa angking kagwapuhan at pagkamaginoo nito" dagdag pa nito.


Napatingin naman ulit ako sa painting. Uso ba talaga ang loved at first sight? Hindi ako naniniwala na sa unang pagkakita mo pa lang ay maiinloved kana. Baka ginayuma ni Lorenzo si Nathalia! Posible ba yun? Tsk! Baka naman pakwan rin si Lorenzo gaya nina Brandon..tsk!!


"So ano ng nangyare?" Walang reaction na sabi ko. Habang nakapako parin ang tingin sa painting na kamukang-kamukha ko. Hays!


"Nagkaroon sila ng sekretong pagmamahalan. Sa hindi inaasahang pangyayari, sumiklab ang labanan sa pagitan ng hapones at pilipino" kwento pa ulit nito. Teka, world war 2 ba yang kinukwento niya?



"Marahil ay alam mona? Panahon pa ito ng hapon, kaya napili ito ng prof. nyo para isama sa fieldtrip niyo" sabi pa nito. Teka, alam niya rin na nagfield trip kami kanina? Paano naman?


Dreaming with the Broken Heart (Going Back In 1941)Where stories live. Discover now