KABANATA 16

6 1 0
                                    

Matapos namin kumain nakipagkwentuhan muna kami kina Tiya Aurelia at Jovelyn. Medyo sumakit naman ang ulo ko ng pag-usapan nila ang buhay may  asawa at apo. Binigyan pa nga nila ako ng kaunting tips para hindi daw ako madyadong ma-stress kapag nagkaanak na daw kami ni Lorenzo. Sobrang hiyang-hiya ako at nakokonsensya dahil rinig na rinig ito ni Ate Clara. Wala naman akong magawa dahil patuloy lang sila sa pagkukwento kaya tumango lang ako ng tumango. Hays!

Kinaumagahan, December 2, 1941. Kagaad na napabalikwas ako ng bangon ng may mapanaginipan akong mga tao na patuloy na pinahihirapan. Napanaginipan kong nilalatigo, tinatadyakan at minumura ng mga ito ng  mga taong nasa panaginip kong hindi ko naman mga kakilala.

Pagkababa ko kaagad na sumalubong si Juana. Nakangiti ito at mukhang maganda ang gising. Bakit kaya?

"Ate Nathalia, nakalimutan ko pala ibigay ito kahapon. Pasensya na at ngayon ko lang naalala, naaliw kasi ako sa pakikipaglaro sa mga batang naroroon" anito at ibinigay ang kapirasong papael. Binuklat ko ito at binasa.

"Hihintayin kita bukas ng umaga sa simbahan, aking mapapangasawa"--Lorenzo.

Kaagad na nanlaki ang aking mga mata. Sinagi naman ako ni Juana. Sigurado akong binsa na niya ito. Magsasalita pa sana ako para umangal at tumanggi ng may tumawag sa'kin sa ibaba. Kaagad na pumunta ako doon. Si Ina pala.

"Nathalia, hinahanap ka ni Ginoong Lorenzo. Kausapin mo siya sa telepono" anito at itinuro ang telepeno na hawak-hawak ni Belinda. Kilig na kilig naman ito ng ibigay sa'kin. Infairness ngayon lang ako makakahawak ng ganitong cellphone.

"Hello?" Bungad ko. Nagulat naman ako ng magsalita ang baritong boses.

"M-magandang umaga, Binibini. Itatanong ko lang sana na kung natanggap mo ang sulat na---" putol na sabi nito dahil nagsalita ako.

"Oo naman. Sige pupunta ako, hintayin mo ko ha!" Ani ko dito. Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa niya. Sigurado akong kinilig ito sa'kin. Haha!

Pagkababa ko ng telepono kaagad na bumungad ang ngiti nina Ate Ada at Belinda. Nang-eechos na naman sila. Nakakainis! Kaagad na nilampasan ko sila. Pagkakakain ko kaagad na nagpaalam na ako kina Ina at Tiya. Magpahatid daw ako sa kanilang driver na si Diego. Hindi na ako umangal dahil hindi ko rin naman alam  ang  tinutukoy ni Lorenzo na simbahan.

Pagkadating ko sa tapat ng simabahan, naaninag ko kaagad ang nakangiting Lorenzo. Nagulat naman ako ng pagbuksan ako ni Kuya Diego na nasa 30's na ang edad. Macho ito at masasabi kong mahitsura.

"Thank you!" Ani ko rito at kaagad na pinuntahan na si Lorenzo. Pana'y ngiti lang ito sakin.

"Ano? Nagagandahan ka na naman? Inloved ka na sa'kin, noh?!" Biro kong sabi dito. Nagulat naman ako ng iaabot niya ang isang kumpol na mga rosas na kulay pula.

"Para sa'yo" anito habang nakangiti. Tinanggap ko naman ito at pasimpleng inamoy. Infairness, romantic rin siya kahit minsan.

"Tara na sa loob!" Akit ko dito at nauna ng maglakad. Nagulat naman ako ng makitang walang katao-tao sa loob. Whutt? Bakit walang people?

"Bakit walang katao-tao? Nirentahan mo ba 'to?" Usisa ko. Napatawa naman ito ng bahagya at nagpatuloy sa pagpasok.

"Hindi ko po ito nirentahan. Sadyang wala papong tao dahil Lunes ngayon. May mga tao naman po dito ang kaso...mamaya pa po sila darating" anito habang may paikot-ikot pa. Sus! Akala ko naman nirentahan na, malay ko ba!

"Ganun ba? Sa movies kasi kapag walang tao ang pinupuntahan, mapa-restaurant man o sinehan ay nirerentahan ng lalaki para solo lang sila" katwiran ko naman. Iniuli ko ang aking paningin, dumako kami sa may unahan malapit sa altar. Napakalaking simbahan nito. Madaming paintings ang nasa loob at may malaking krus sa pinaka harap.

Dreaming with the Broken Heart (Going Back In 1941)Where stories live. Discover now